Magda's Point of View Matapos akong kumain ay pinuntahan ko ang silid ni Angelo. Gusto kong malaman kung mahimbing pa rin siyang natutulog. Kaya agad akong umakyat at nagpaalam kina Aries na titingnan ko lang si Angelo sa taas. Marahan kong binuksan ang pintuan at pumasok. Mahimbing pa rin siyang natutulog. Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama. Inayos ko pa muna ang kumot niya. Ilang sandali pa ay pinagmasdan ko siya. Napakaamo ng kaniyang mukha. Isa siyang anghel kapag natutulog. Isang anghel na kailangan ng pag-unawa at kalinga. Isang anghel na nagagalit lamang dahil sa kawalan ng pag-asa. Kusang gumalaw ang aking kanang kamay at hinaplos ang kaniyang mukha. "Kung nakikita mo lamang ako ngayon, Angelo. Malalaman mong ako ay habag na habag sa iyo. Tatlong buwan kitang hindi nasil