Magda's Point of View Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Sumasagi sa aking isipan ang mga salitang binigkas sa akin kanina ni Angelo habang isinusulat ko ang mga iyon karugtong ng mga nauna niyang tula. Panay ang pagpapalit ko ng posisyon. May titihaya. May dadapa. Nariyang tatakpan ko ang aking mukha ng unan o 'di naman kaya ay magtatalukbong ng kumot. Halos dalawang oras ko ng ginagawa iyon pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Kaya naman ay naisipan kong bumangon. Kinuha ko ang notebook ni Angelo na ipinahiram niya sa akin dahil gusto niyang ako ang maglagay ng pamagat ng tulang ito. Binasa ko iyon. Blinded by Love, Cured by Love If hearts can feel the loneliness within me, I can tell you deeply how much you are truly meant to be. If my eyes can't see the beauty within y