Magda's Point of View Umabot na pala ng halos tatlong buwan ang pamamalagi ko rito sa bahay ni Angelo. And for that span of time, masaya akong naging katulong niya at gabay sa araw-araw. Mula nang araw na ipinagtapat niya sa akin ang nararamdaman niya hanggang sa paglikha niya ng kaniyang kaniyang tulang alay sa akin ay mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Lagi na siyang nakangiti. Anghel na anghel ang pagkakahulma ng kaniyang mukha sa tuwing ngumingiti siya. Napapangiti rin ako. Walang pagsidlan ang saya ko kapag kasama ko siya. Ngayon ay narito kami sa Enchanted Kingdom. Inaalalayan ko siya at hindi maipinta ang ngiti sa labi niya na tila wala nang bukas. Bakas na bakas sa kaniya ang tuwa na parang isang batang sabik na sabik na maglaro o mag-bonding kasama ang kaniyang mga