Chapter 2

1695 Words
Daphne   Habang tinatahak namin ang daan pauwi ay nagnanakaw ako ng tingin sa kanya dahil hindi man lang siya nagsasalita. Pasalamat ka gwapo ka kahit parang magbubuhol na iyang kilay mo sa kakukunot. Pagdating namin ng bahay ay agad na ipinarada ni Zach ang kanyang sasakyan sa garahe. Nauna na siyang bumaba at hindi man lang ako hinintay.   “Good evening ho Sir, Ma’am,” bati sa amin ng katulong ni Zach sabay kinuha ang aking mga gamit.   “Ate Perlah, katulad ho ng dati ay dalhan niyo na lang ho ako ng pagkain sa kwarto ko.” Akmang aakyat na ako nang pigilan ako ni Zach.   “No, Perlah huwag mo siyang dadalhan ng pagkain sa kanyang kwarto.” Napatingin ako sa kanya at magrereklamo sana nang mapatingin siya sa akin. “You’ll dine here with me. Simula ngayon huwag ka nang kakain sa kwarto mo.”   Agad namang sumunod si Perlah at napatingin ako sa kay Zach na nagtatanggal na ng kanyang tie. Agad naman akong lumapit at saka tinulungan siyang tanggalin ito dahil para siyang hirap magtanggal ng kanyang damit. Tinulungan ko na rin siyang tanggalin ang kanyang coat at saka tipid na napangiti sa kanya. Agad namang ilinabas nila Perlah ang mga pagkain at saka mabilis itong inayos sa hapag kainan.   “Let’s eat,” yaya sa akin ni Zach at nauna na siyang umupo sa harapan ng dining table.   Umupo siya sa mismong kabisera ng mesa at sumunod naman ako. Unang beses kong makakasalo sa pagkain si Zach dahil dati ay palaging sa kwarto ako kumakain. Kumuha ako ng aking pagkain at saka nagsimulang kumain. Walang nagsalita sa aming dalawa at tanging mga tunog lang ng pinggan at kutsara ang maririnig namin. Habang kumakain ako ay biglang tumunog ang aking cellphone at linabas ko ito mula sa aking bulsa. Akmang sasagutin ko ito nang pigilan ako ni Zach.   “Daphne, you know I hate it when you disrespect the food. Kumain ka muna bago mo sagutin iyan.” Agad niyang kinuha ang aking cellphone at saka pinatay ito at ilinayo ito sa akin.   “Paano kung importante iyong tawag at hindi ko na ito nasagot? It’s about work, Zach.” Masama siyang napatingin sa akin at hindi na lang ako umimik. Sumimangot ako kaya binilisan ko na lang ang pagkain para makuha ko na iyong cellphone ko.   Nang matapos ay mabilis kong kinuha ang cellphone sa kanya at tinignan sa call log kung sino ang tumatawag at nakita kong si Dan ito. Ano nanaman kaya ang dahilan kung bakit ito tumatawag? Please don’t tell me may nag-aaway nanaman sa bar? Agad kong dinial ang kanyang numero at agad itong sumagot.   “Dan, bakit ka tumatawag? May nag-aaway nanaman ba sa bar?” tanong ko.   “Wala naman ho Ma’am. Pasensya na ho napindot ko lang ho yata iyong numero niyo?” Umikot naman ang aking mga mata at saka pinatayan siya ng tawag. Bwisit! Nang dahil sa iyo napagalitan tuloy ako ng Dracula rito.   Napatingin ako kay Zach at nakita kong nakatingin din pala siya sa akin kaya naman mabilis akong umiwas at pumanhik na sa aking kwarto sa ikalawang palapag. Assassin ako pero takot ako sa isang katulad ni Zach. Bakit? Una, dahil napaka-wirdo niya at hindi man lang siya palangiti. Naturingan nga siyang Dracula ng mga kaibigan niya dahil palagi raw itong nagtatago sa dilim. Lumalabas naman siya sa umaga pero sobrang dalang lang at kung lalabas man siya ay super bilis lang.   Pangalawa, siya lang naman ang nagmamay-ari ng ILS. Siya ang nagbibigay sa amin ng mga taong kailangan naming tsugiin. Kaya oo, alam niya na isa akong assassin sa OA at boss ko rin siya sa trabaho. Lahat ng mga empleyado sa OA ay rinerespeto siya. Kung natatakot sila sa mga Manus Dextra namin ay doble ang takot nila sa kanya. Hindi mo kasi siya basta-basta nakakausap lalo na kung wala ka namang meeting sa kanya. Nakikipag-usap lamang siya sa mga kaibigan, pamilya at mga katrabaho niya. Pero kung isa kang outsider at wala ka namang scheduled na meeting sa kanya ay hindi ka niya kakausapin. Time is Gold ang saying niya dahil sobrang importante ng bawat minuto at segundo sa kanya.   Pangatlo at panghuling rason kung bakit ako takot sa kanya. Siya Si Zachary Wills isang half-American na businessman at ako naman ay si Daphne Feyrer-Wills. Oo, asawa ko siya at legal kaming naipakasal. Ikinasal kami sa Huwes pati sa simbahan kaya in short, husband ko siya, wife niya ako. Ipinakasal ako ng aking mga magulang sa kanya dahil gusto lang nila. Natatawa nga ako tuwing naiisip ko ito. Ang iniisip nga ng aking mga kaibigan ay maaari raw na may utang ang aking pamilya sa kanyang pamilya pero imposible iyon. Ang pamilya ko ay may kaya at may mga businesses ang aking mga magulang sa iba’t ibang panig ng mundo.   Nagkataon na ang aking ina ay isang sikat na businesswoman at ang aking ama ay isang sikat na hollywood actor. May lahi ring Amerikano ang aking ama kaya ang dugong nananalaytay sa akin ay ¼ Americana lamang. Kung paano kaming naipakasal ay parang nag-eenie meenie lang ang aking ina. Kumabaga parang naghanap lang daw siya ng isang gwapo at mayamang businessman na single sa Ford’s magazine. At dahil may kaya ang aking mga magulang at marami silang koneksyon ay ipinakasal sa akin si Zach.   Sabi pa nila na maaari raw na arrange marriage ang nangyari noong mga bata pa lang kami. Marahil daw ay magkaibigan ang aking mga magulang at ang kanyang mga magulang kaya naman naipakasal kaming dalawa, pero mali rin. Hindi magkakilala ang aking mga magulang at mga magulang ni Zach. Weird na kung weird pero iyon ang totoo. Kaya ito ngayon ang nangyari sa akin. Sa taon na dalawampu’t walo ay kasal na ako ng isang taon sa isang lalaki na hindi ko man lang alam ang ugali, ang kahit na anong background niya at kung anu-ano pa.   Simula nang maikasal na kami ni Zach ay palagi na siyang galit sa akin. Hindi naman niya ako sinisigawan at sinasaktan dahil oras na gawin niya iyon ay ibabalibag ko siya. Hindi rin naman siya nambababae dahil wala siyang time at ayaw niya lang talaga. Pinapakita niya lang naman sa akin ang galit niya sa pagiging strikto niya. Lahat ng gagawin, kakainin, isusuot, at pupuntahan ko ay kailangan aprubado niya. Hindi naman ako nagrereklamo dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit siya natali sa isang babae na hindi naman niya mahal.   Kung tutuusin nga ay maganda naman ang buhay ko rito kasama si Zach. Hindi rin uso sa amin na matulog kami sa magkaibang kwarto. Natutulog kami ni Zach sa iisang kwarto at magkatabi pa. Tinatanong din ng aking mga kaibigan kung nagsisiping ba kami? Hays. Oo pero tuwing gagawin namin iyon ay palaging doggy style ang posisyon namin. Lalaki rin naman kasi siya kaya alam kong may mga pangangailangan din naman siya. Siguro naisip niya na imbes na kumuha siya ng babae riyan sa tabi-tabi ay meron naman siyang asawa. Kaya naman kahit wala siyang nararamdaman na pagmamahal ay ginagawa ko ang lahat para maging sexy at maganda sa kanyang paningin. Palagi kong pinanatili na malinis ako at mabango para naman hindi siya magsawa sa akin. Nagta-take ako palagi ng pills dahil ayoko pang mabuntis. Sa lumipas na isang taon simula nang maikasal kami ay unti-unting nahulog ang aking loob sa kanya. Mahal ko na si Zachary Wills.   Hindi naman niya ako sinasaktan at hindi rin naman siya malambing at sweet pero sobrang maalalahanin niya. Kapag alam niyang ginagabi ako sa aking trabaho ay nagugulat na lang ako minsan na sinusundo na niya ako. Kapag alam niya na may sakit ako ay agad niya akong pinapa-hospital. Kapag alam niyang nagigipit ako sa pera na hindi naman nangyayari ay bibigyan niya ako ng pera. At ang mas pinakagusto kong ginagawa niya ay sobra siyang nag-aalala kapag sumasabak ako sa field tuwing may misyon ako. Palagi niya akong tinatawagan at palagi niya akong pinapaalalahanan. Sa gano’ng pagkakataon man lang ay nararamdaman kong maaari niya akong mahalin. Iyon nga lang may mga pagkakataon na nagsusungit siya kaya hindi ko na lang siya pinapatulan.   Nagpalit na ako ng aking damit pambahay nang matapos akong mag-half bath. Ayaw ni Zach na naliligo ako sa gabi dahil nakabababa raw iyon ng dugo. Baka raw kasi ma-anemic daw ako ng wala sa oras. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko na siyang abalang nagtitipa sa kanyang laptop. Napatingin siya sa akin sabay sinipat ang aking damit mula ulo hanggang paa. Kapag ganyan siya ay pinagmamasdan niya kung okay lang ba ang aking suot. Maski rito sa bahay ay dapat maganda rin ang aking damit at hindi rin dapat ito manipis o masyadong revealing.   “Tapos na ako sa banyo. Magha-half bath ka rin ba?” tanong ko at ibinalik lang niya ang kanyang tingin sa kanyang laptop.   “I like the color on you. Sa susunod ay bibilhan kita ng ganyang kulay na dress para may suotin ka sa trabaho.” Napangiti ako at sumampa sa kama sabay dahan-dahang lumapit sa kanya para tignan ang kanyang ginagawa.   “ILS ba iyan?” Tumango lang siya ng isang beses.   Pagtingin ko ay halos isang daan na ang mga masasamang tao na kailangan naming tsugiin. Lahat ng mga pangalan na iyan ay ie-email niya kay Dominus pagkatapos sila na ang bahala sa OA na magtalaga sa amin ng mga misyon.   “By the way, I told Dominus that you would be on a one month leave.” Nagtaka akong napatingin sa kanya. “My parents will be coming home next week to celebrate their anniversary. Sigurado ako na magpapa-party sila ng grande kaya kailangan nandito ka.”   Tumango naman ako at hindi na nagsalita. Alam ko naman kasi na kahit umayaw ako ay hindi rin naman papayag si Zach. Siya na nga mismo ang nagpa-leave sa akin ng wala akong kaalam-alam. Oh well, makikita ko naman ang mga magulang ni Zach sa susunod na linggo. It should be exciting, right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD