Zach
Makalipas ang isang linggo ay lulan kami ngayon ni Daphne sa aking sasakyan papunta sa airport kung saan ay susunduin namin ang aking mga magulang. Ilang buwan ko na rin silang hindi nakikita at ang pinakahuli ko yatang kita sa kanila ay noong naikasal ako kay Daphne. Speaking of Daphne, I looked at the woman beside me who is busy munching on her chocolate bar. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanyang bibig na may bahid na ng chocolate na biglang kinainis ko. Sigurado ako pati ngipin niya ay may chocolate na at ayaw ko pa man din ng tsokolate.
“Daphne, why the hell are you eating a chocolate bar right now? It will stain your teeth and your breath will smell like chocolate too.” Napatingin siya sa akin sabay sa chocolate bar na hawak niya. “Itapon mo iyan kung ayaw mong kunin ko iyan mula sa iyo.”
Nakita kong napalunok siya at agad na binalot ang chocolate bar at saka linagay ito sa supot. Inabutan ko siya ng mentol na candy at sinabing iyon ang kainin niya para hindi siya mangamoy chocolate. Nawala ang inis ko at gano’n na lang ang ginhawa na aking naramdaman nang hindi ko na naaamoy ang chocolate.
“Why do you hate chocolate so much? Masarap naman ito at saka alam mo ba na nagpapaalis ito ng antok?” paliwanag nito sa akin. “Chocolate also makes you happy and active especially if I go to missions. Maliksi ako at mabilis akong makapag-isip kapag kumakain ako ng chocolate.”
“I don’t like the smell of it. Mas lalo akong hindi makapagtra-trabaho kahit maamoy ko lang ito. My mom hates chocolate as well, and I’m very sure once she noticed that you ate chocolate she will avoid you for the whole day.” Nakita ko itong nag-alala kaya naman pagdating pa lang namin ng airport ay pumunta siya sa girls bathroom at saka nag-toothbrush.
Hindi ko siya tinatakot dahil totoo ang aking sinasabi. My mom hates chocolate, and her nose is very sensitive to the smell of chocolate. Sigurado ako oras na maamoy niya si Daphne ay lalayuan niya ito. Habang hinihintay ko siya sa labas ng cr ng mga babae ay napatingin ako nang may tumawag sa aking pangalan. Nakita kong kumakaway na ang aking ina at medyo nagulat ako na nakarating na sila. Pagtingin ko sa oras ay alas-siete pa lang ng gabi kaya ang buong akala ko ay alas-otso ang dating nila.
“Iho, kumusta ka na anak?” bati sa akin ng aking ina sabay bineso-beso ako. “Where’s my beautiful Daphne iho? Is she with you?” Sasagot na sana ako nang makita ko sa aking tabi si Daphne at mukhang nakapag toothbrush na siya.
“I’m here na po.” Masaya naman siyang yinakap ng aking ina.
“Geez, every time I see you, you get more beautiful. Tell me, are you pregnant?” Napatingin naman ako kay Daphne sabay umiling siya.
“H-Hindi po Mama.” Napasulyap sa akin si Daphne. “W-Wala pa ho kaming balak ni Zach na magka-anak.”
“Really? It’s been a year. Zach,” baling sa akin ng aking ina. “Kailan mo ba kami balak bigyan ng apo. Baka uugod-ugod na kayo ay hindi pa kayo nagkakaroon ng anak. Mahirap ang tumanda na walang anak at walang mag-aalaga sa inyo.” Pananakot ng aking ina sa amin ni Daphne pero hindi ko na lang ito pinansin.
Walang salita na binuhat ko ang mga gamit ng aking ina at saka dumiretso na ako sa aking kotse para ilagay ang mga ito sa trunk. Narinig ko naman na nakasunod sila sa akin dahil rinig ko ang pagtatanong ng aking ina kay Daphne.
“How are you, iha? Hindi ka ba minamaltro ng aking anak?” rinig kong tanong niya kay Daphne.
“H-Hindi naman ho, Mama. He’s been kind with me, and he gives everything that I need,” sagot ni Daphne.
“Buti naman kung gano’n kasi alam mo ang batang iyan ay sobrang tahimik at hindi man lang siya nakikihalubilo sa iba. Hindi ko nga alam kung bakit lumaki ang batang iyan na ganyan gayong pinalaki naman namin siya ng maayos. Hindi naman namin siya pinagkaitan ng pagmamahal at hindi rin naman namin siya sinasaktan.” Narinig kong huminga ng malalim ang aking ina. “Daphne, iha, kung may mga pagkakataon na hindi maganda ang pakikitungo niya sa iyo ay ikaw na sana ang umintindi sa kanya. My son can be mean most of the time, but he’s so caring and loving.”
Nakita kong hinawakan ng aking ina ang kamay ni Daphne at saka tumango naman ang aking asawa. Mean? I am far from mean. I can be evil if I want to. Sinara ko na ang likuran ng kotse at binalibag ko ito ng malakas para marinig ito ng aking ina at ni Daphne. Sabay silang napatingin sa akin saka tinawag sila na sumakay na.
Pagsakay nila ay napatingin ako sa aking rearview mirror at sakto namang napatingin din sa akin si Daphne. Agad siyang umiwas ng tingin sa akin at napailing naman ako sabay nagmaneho na pauwi.
Pagdating ay agad kong ipinarada ang aking sasakyan sa harapan ng front door ng aking bahay at saka sinabi sa isang helper namin na buhatin ang mga gamit ng aking mga magulang. Ibinigay ko naman ang aking susi kay Alex para iparada na niya ito sa garahe. Pagpasok ko ay nauna nang pumanhik sa taas ang aking mga magulang habang naiwan naman si Daphne na abalang nakikipag-usap kay Perlah.
“Daphne,” tawag ko sa kanya at agad naman siyang humarap sa akin.
“Ano iyon?” tanong niya.
May inabot ako sa kanyang black necklace at nagtataka naman siyang napatingin dito. Tumingin ako ng seryoso sa kanya at saka ipinaliwanag sa kanya kung ano ang kanyang hawak.
“Magaganap iyong party sa susunod na linggo at sigurado akong maraming tao ang dadalo sa anniversary ng aking mga magulang. Most of them are relatives and friends, but there will be other people as well. You will be meeting a lot of people and most of them don’t know yet that you are my wife.” Humakbang ako palapit sa kanya at napatingin siya sa akin. “Wear that necklace all the time during the party, so that they will immediately know who you belong to. Do you understand?”
Napalunok siya at humigpit ang kanyang hawak sa necklace na aking ibinigay. “Kapag hindi ko ito isinuot ay ano’ng mangyayari?”
Tumalim ang aking tingin sabay sabi, “That’s the only way I can protect you. I know you are capable of protecting yourself, but not this time.”
“O-Okay,” tanging sagot niya at hindi na siya muli pang nagtanong pa kung ano ang ibig kong sabihin.
Tumango ako at saka iniwan siyang nagtataka sa sinabi ko sa kanya. Ito ang isa pang dahilan noon kung bakit ayoko rin ang mag-asawa. I have a lot of secrets that I can’t tell even to my own parents. But since Daphne is already a part of my whole being then I need to protect her in any way possible, and that necklace will do its job.