Daphne
Assassin Name: Venus
Disposition: Ingenium
"Hoy! Ga*o ka ah. Sino'ng nagsabi sa iyo na pumunta ka rito ha?
"Bakit sa iyo ba itong lugar? Huwag mo akong maga*o-ga*o dahil mas masahol ka pa sa hayop!"
Ang ganda ng gabi ng bar tapos mula sa opisina ko ay rinig na rinig ko ang sigawan ng dalawang lalaki na mukhang balak pa yatang magpatayan dito sa mismong loob ng aking bar. Nakarinig ako ng katok at nakita ko ang itinalaga kong waiter ko sabay sumilip sa aking pinto.
"Ma'am hindi namin maawat iyong mga nag-aaway. Iyong ibang waiter ho ay nanatiling tameme at takot." Inikot ko ang aking mga mata sabay napatayo at sinundan si Dan.
Ito kung minsan ang ayoko kapag nandito ako sa bar. Palagi na lang may nag-aaway at ako palagi ang umaawat. Linapitan ko ang dalawang lalaki na nagsisigawang parang mga babae kaya pumagitna ako sa kanilang dalawa at humalukipkip.
"Good evening boys." Sabay silang napatingin sa akin. "Sorry pero pwede bang doon na lang kayo sa labas ng bar mag-away at hindi rito? You are scaring my other customers, and that's not good for me and the bar."
Ngumisi iyong isa at masamang napatingin sa akin. "You know what woman, I don't care who you are. I will do whatever I want here. Hindi naman mabubuhay ang bar mo kapag hindi kami bumibili rito."
Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata. "Hindi lang naman ikaw ang customer ko rito. Ngayon bago kita palabasin at i-ban dito sa bar ko, sa labas na lang kayo mag-away."
"I don't care if you are a woman, but you can't make me leave this bar!" galit niyang sabi.
"This is your last warning." Pananakot ko sa kanya pero kinuha niya iyong isang baso at saka itinapon ito dahilan para mabasag ito.
"Heh! Make me woman." Tinaasan ko siya ng kilay.
Kinuha ko ang isang baso na may lamang alak at saka isinaboy ito sa pagmumukha niya. Galit na galit siyang napatingin sa akin at akmang bibigyan ako ng suntok nang nahuli ko ang kanyang braso sabay pinilipit ito na inikot sa kanyang likuran. Sinipa ko ang dalawang paa niya dahilan para mapaluhod siya.
"Aray!" sigaw niya. "H-Hindi na mauulit. s**t! Ang sakit!"
"Hindi na talaga mauulit dahil hinding-hindi ka na makababalik dito." Sinenyasan ko ang dalawang guard sa labas upang ilabas ang lalaking ito.
Hinawakan ng aking mga guard sa kanyang mga braso ang lalaki at saka kinaladkad itong pinalabas ng aking bar. Napatingin naman ako sa isa na nakaaway niya at parang nahimasmasan ito dahil takot na takot itong nakatingin sa akin. Yumuko siya ng paulit-ulit ng parang sa Korean at humihingi ng tawad. Ngayon na nakita ko ang kanyang pagmumukha ay isa nga naman pala siyang Koreano kaya gano’n na lang siya umakto.
Tinaasan ko siya ng aking kilay sabay napatakbo siya palabas ng aking bar. Tumingin ako sa mga customers na nabulabog ang kanilang good time at saka humingi ng tawad at sinabi sa kanila na ituloy lang ang kanilang mga ginagawa. Napatingin naman ako kay Dan at mangha siyang nakatingin sa akin. Hindi na siya nasanay gayong palagi naman niya akong nakikita na gano’n ang aking ginagawa. Bumalik ako sa aking opisina at saka umupo sa aking swivel chair. Napabuntong hininga na lang ako dahil gabi-gabi ay palagi na lang akong may sinasaway.
This bar is called Elegance. Ako ang may-ari nito at marami ang pumupunta rito para uminom at makalimot. I called it Elegance because I want people to easily remember this bar, and it also sounds good. Mas nakakakuha ako ng mga customers dahil sa pangalan pa lang ay naka-eenganyo na. Dito sa bar ay hindi basta-basta ang mga inomin ko rito at sinisigurado ko na hindi cheap ang mga nandito. My wines are expensive, but I make sure that everyone will be able to afford it.
Habang nagmumuni-muni ako ay kinuha ko ang aking cellphone dahil nakatanggap ako ng tawag mula kay Scarlet s***h Krysta.
“Yup!” sagot ko.
“Hello kapwa ko Ingenium?” Napaikot ang aking mga mata dahil halata namang fake ang pagiging masaya niya.
“Krysta, please. Alam mo kung may problema ka kaya dapat ay sinasabi mo sa akin agad pa lang. Kilalang-kilala na kita kapag may problema ka.” Narinig ko siyang huminga ng malalim bago siya nagsalita.
“It’s about Vernice. Hindi ko siya ma-contact simula noong last mission niya. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Sinubukan namin siyang hanapin gamit iyong GPS sa phone niya, motor, at earpiece pero wala e. Ano’ng gagawin ko? Nagtatanong na si Dominus kung kumusta na raw iyong mission?” Rinig ko ang pag-aalala sa boses niya.
Vernice is our friend. Actually, marami naman kaming magkakaibigan at siguro ay nasa walo o pito kami. Marami naman akong mga kaibigan pero sila iyong masasabi ko na pinakamalapit ako. Vernice and the others are assassins, and we work under Order of Assassins. It’s an organization that deals with bad people that the government cannot handle anymore. Our identities are very confidential. Nagagamit pa rin naman namin ang aming mga tunay na pangalan dahil may isang kompanya na pwedeng itago ang aming identidad at hindi ito malalaman ng kahit na sino. It is called ILS or International Lock System. Hindi siya katulad sa mga napapanuod sa movies na oras na naging assassin ka na ay aalisin mo ang pagkatao mo at papalitan ang iyong pangalan. We’re not like that, and that’s how good and organize our organization is.
“Daph, what will I tell Dominus? Alam mo naman na mainitin ang ulo nun kapag wala akong nasasabing report sa kanya.” Napailing ako dahil kahit ako ay takot ako sa aming Dominus. Mabait siya sa mabait pero oras na trabaho ang pinag-uusapan ay palaging mainit ang ulo niya.
“Hays. E ‘di sabihin mo na lang ang totoo. Wala naman tayong magagawa kung ayaw talagang magpakita ng babaeng iyon. Ano ba’ng naging misyon niya?” Sinabi sa akin ni Krysta ang tungkol sa natanggap na misyon na Vernice at hindi ako magtataka kung bakit bigla na lang nawala ang babaeng iyon.
I became an assassin because I just want to protect myself. Usually kasi karamihan ng mga myembro ng OA ay may dahilan kung bakit sila sumasali. Katulad na lamang ni Vernice na naitapat na yata sa kanya ang isang misyon na matagal na yata niyang hinihintay. Marami na akong nakitang mga assassins na nawala sa tamang landas oras na nakakuha sila ng misyon na matagal na nilang gustong gawin. Karamihan sa kanila ay nagiging rogue o blacklisted kaya ipinapanalangin ko na sana ay hindi maging gano’n si Vernice.
“Kung iyon ang nakuha niyang misyon ay hindi na ako magtataka kung bakit siya biglang nawala, pero sana naman ay hindi siya gumawa ng mga bagay na ikapapahamak niya,” sabi ko kay Krysta.
“Oo nga. Hays. O siya sige iyon na lang ang ire-report ko kay Dominus. Bye,” paalam niya at agad kong pinatay ang aking telepono.
Saktong pinatay ko ang aking telepono nang may kumatok sa aking pinto at sumilip dito si Dan.
“Yes? May problema nanaman ba?” tanong ko.
“Wala ho Ma’am pero nandyan na po si Sir Zach sa labas at susunduin na raw po kayo.” Napasimangot ako at agad na kinuha ang aking handbag.
“Ikaw na ang bahala rito sa bar Dan ha? Kung sakaling may problema ay tawagan mo na lang ako. Sana naman ay wala nang mag-aaway dahil ayoko nang bumalik lalo na at nandito pa iyong isang sakit sa ulo ko.” Mahina namang natawa si Dan at lumabas na ako ng aking opisina.
Paglabas ko ng mismong bar ay nakita kong kunot-noong nakaupo si Zach sa kanyang sasakyan habang naghihintay sa akin. Sigurado ako na naiinip nanaman siya kahihintay sa akin. Pagkakita niya sa akin ay napahinga ako ng malalim at saka lumapit sa kanyang sasakyan. Binuksan niya naman ito at agad akong sumakay sa loob ng kanyang kotse. Naiinis siyang ini-start ang kanyang kotse at saka walang salita na nagmaneho.