Chapter 5

2335 Words
Daphne   Nang matapos kami sa shop na iyon ay sinabihan kami na hihintayin na lang namin iyong dress namin na dumating bago ang anniversary party. Hindi ko alam kung ano’ng magiging itsura nun dahil saka ko na lang ito makikita sa mismong party na. Sana naman bumagay sa akin iyong kulay ng damit para naman maging maganda ako lalo sa paningin ni Zach. Hindi ko naman siya inaakit pero meron kasi akong promise sa sarili ko simula nang maikasal kami na kailangan maging maganda ako palagi sa paningin ni Zachary para kahit doon man lang ay baka mawala ang galit niya sa akin. Pag-alis namin ng shop ay gustong mamasyal bigla ni Mama Emilia sa mall at gusto nitong mag-shopping ng kunti. Pinilit niyang ayain si Papa David pero ayaw nitong sumama dahil gusto na raw nitong magpahinga at manuod ng movie sa bahay. Biglang nagtampo si Mama Emilia kay Papa David at bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya kaya inalok ko ang aking sarili na ako na lang ang sasama sa kanya. Napatingin ako kay Zachary nang makita ko siyang kunot-noong nakatingin sa akin at nakagat ko na lang ang pang-ibaba kong labi. Patay, oo nga pala dapat nagpaalam na muna ako sa kanya bago ako nagdesisyon. “Talaga iha? Sasama ka sa akin?” Napatingin ako kay Mama Emilia at dahan-dahang tumango. “Anak, kikidnapin ko na muna ang asawa mo ha? Promise sa mall lang kami at hindi naman kami magtatagal. Nandito na rin naman ako sa New York kaya susulitin ko na ang mamili bago naman kami umuwi pabalik ng Greece.” Napatingin ako kay Zachary at tipid akong napangiti sa kanya. Huminga siya ng malalim at saka tumango na lang na ikinatuwa naman ni Mama. Nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi na ako muli pang tinignan ni Zachary. Sigurado ako naiinis nanaman siya sa akin dahil hindi man lang ako nagpaalam sa kanya. Pumapayag naman si Zachary sa lahat ng pupuntahan ko pero kailangan ay magpaalam na muna ako sa kanya. Pagdating namin sa aming bahay ay nauna nang pumasok sina Mama at Papa sa loob ng bahay. Susunod na sana ako nang bigla akong pigilan ni Zachary sa aking braso. Ito na nga ba ang sinasabi ko at mapapagalitan nanaman ako. Hinihintay ko na pagalitan niya ako nang may hugutin siya sa kanyang bulsa sabay ibinigay niya ito sa akin. Isang card na itim ang ibinigay niya at alanganin ko itong tinanggap mula sa kanya. “Use my card if you want to buy anything that you want.” Napatingin ako sa card niya. “Ahm, o-okay lang. Sasamahan ko naman si Mama para mamili kaya baka hindi ko rin naman ito magagamit. Isa pa h-hindi ko na rin naman kailangan iyan dahil m-may pera pa naman ako.” Sumeryoso ang tingin niya sa akin at binulsa ko na lang ang kanyang card. “Buy anything you want. Pambawi mo na lang iyan sa hindi mo pagsabi sa akin na sasama ka pala sa mall.” Tumango na lang ako at nauna na siyang pumasok sa loob. Hays. Bakit ba nakakalimutan ko na iyong asawa ko e super wirdo? Buti nga hindi niya ako pinagalitan kundi naku baka sermon nanaman ang inabot ko sa asawa kong may dalaw palagi. Talo niya pa ako tuwing nagkakaroon ng period. Napatingin ako sa hawak kong card at nakalagay doon ang pangalan niya. Inamoy ko pa ito at napangiti ako na naiwan dito ang amoy niya. Grabe iba na talaga ang tama ko sa lalaking iyon. Hinatid kami ni Zach sa mall at binilin sa akin na mag-text lang daw ako oras na uuwi na kami ni Mama para masundo niya kami. Pagdating sa mall ay nagmaneho na rin palayo si Zachary at naiwan kaming dalawa ni Mama. Agad na hinila ako ni Mama at para siyang bata na ngayon lang nakapasok sa isang mall. “Iha, ang ganda naman dito. Naku, ibang-iba talaga ang New York sa Greece noh?” Natawa naman ako ng mahina sa kanyang sinabi. “Anak bili tayo ng damit at saka sapatos. Ayos lang naman ‘di ba?” Tumango ako at gano’n nga ang kanyang ginawa. Sobrang luwang ng mall na kulang ang isang araw para maikot namin ito. Pumunta kami sa isang store na nagbebenta ng mga damit at sapatos at doon na kami naglagi ni Mama dahil ang dami niyang nagustuhan dito. Wala rin naman sana akong balak na bumili ng mga damit pero naalala ko kasi iyong sinabi ni Zach kaya naman nagtingin na lang ako ng mga damit. Nasa fitting room kasi si Mama at abala siyang nagsusuot ng mga nagustuhan niyang damit kaya sigurado akong medyo matatagalan siya kaya naman nagtingin na muna ako ng mga pwede kong bilhin. Habang nagtitingin ay may nabangga akong babae dahilan para mabitawan niya ang kanyang damit. Agad ko naman itong pinulot at binigay sa kanya nang makilala ko kung sino siya. Naalala ko kasi na pumunta siya noon sa bachelorette party ni Krysta at kasama siya ni Ate Violet noong araw na iyon. “Oh,” simula niya. “I know you. Daphne, right?” Tumango naman ako at pilit na inaalala ang pangalan niya. Hindi kasi ako madaling makaalala ng pangalan lalo na kung isang beses ko lang siya nakita kaya mas kilala ko sila sa mukha. Bilib din ako sa kaibigan ni Ate Violet dahil masasabi ko na kahit medyo may katabaan siya ay bagay niya ang hubog ng katawan niya. Malaman siyang tignan pero sexy siya? Am I making any sense? Haha...Anyway, noong last na nakita ko siya ay parang medyo sexy pa siya pero mas gusto ko ang katawan niyang ito kahit gano’n. “Sorry baka nakalimutan mo na kung sino ako. Kung sabagay medyo nag-iba iyong itsura ko kaysa noong huli mo akong nakita.” Guilty akong ngumiti dahil hindi ko talaga maalala iyong pangalan niya. “I’m Dyanne Zamora. Nice meeting you ulit.” Nakipag-shake hands ako sa kanya sabay sabi, “No, I actually like your body now than before. Iilan lang ang mga babaeng bagay ang pagiging healthy. Isa pa hindi ka naman gaanong tumaba para sa akin. You are still sexy to me.” Natawa naman siya sa aking sinabi. “Ano nga pala ang ginagawa mo rito? Taga rito ka ba?” Tumango naman ako sa kanyang tanong. “Really? That would be good then. Saan ka banda nakatira?” “Uhm, sa mismong Rochester kami. Ikaw ba?” Pagkasabi ko nito ay biglang lumiwanag ang kanyang mukha. “OMG! Talaga ba? Sa Rochester din ako kaya ibig sabihin pala ay baka magkapitbahay pa tayo.” Natuwa naman ako na may kakilala na pala ako sa mismong lugar kung saan kami tumitira. “May I get your number? Mag-bonding naman tayo lalo na kung wala ka namang ginagawa.” “Sure.” Linabas ko ang aking cellphone at nagpalitan kami ng cellphone number. Nakatutuwa na nakakilala ako ng bagong kaibigan. “Thank you. I need to go. Dumaan lang kasi ako rito para bumili ng aking damit pero text-text na lang.” Tumango naman ako at pumunta na siya ng cashier para magbayad. Nakasunod ang aking tingin sa kanya at napangiti ako dahil may makaka-bonding na ako kapag nabo-bored ako. Pagka-alis ni Dyanne ay tamang-tama namang dumating na si Mama at nagulo ang buhok niya dahil siguro sa kakasukat ng mga damit. Mahina akong natawa sa kanyang itsura at saka inayos ang kanyang buhok pagkatapos ay kinuha iyong mga nagustuhan niyang damit. Napuno niya iyong isang trolly na malaki na puro damit at sapatos ang laman samantalang ako ay wala pa akong napipili. Kailangan ko nang pumili kahit isang damit at sapatos lang kundi ay magagalit nanamang iyong rineregla kong asawa. Pagkatapos naming makabili ng mga damit ay napagdesisyonan naman namin ni Mama na kumain na muna ng lunch sa isang fast food chain sa loob ng mall. Sobra kasing napagod si Mama kapipili ng mga damit niya kaya dala iyong mga bitbit naming mga paper bag ay pumasok na kami sa nasabing kainan na pinili ni Mama. Naghanap na kami ng upuan pagkatapos naming umorder ng aming kakainin. Habang hinihintay namin ang aming pagkain ay nakita kong nakangiting nakatingin sa akin si Mama. Kaya naman agad kong tinanong sa kanya kung bakit siya nakangiti ng gano’n sa akin. “Naku iha, I’m not crazy if that’s what you’re thinking.” Mahina akong natawa sa kanya habang umiiling. “It’s just that I’m happy that you are the woman who married my son. Hindi ko nga akalain na ikakasal siya gayong gano’n ang kanyang ugali.” Parehas kaming natawa dahil alam ko ang ibig niyang sabihin. “Thank you iha. Alam ko na kahit pinilit ka lang ng iyong ina na pakasalan si Zachary ko ay inaalagaan at iniintindi mo ang kabaliwan ng aking anak.” Napamaang ako sa kanyang sinabi dahil ang akala namin ay kami lamang nina Zachary, Ate Perlah at ang aking mga magulang ang nakakaalam tungkol sa sapilitang pagpapakasal namin. Hindi sinabi ni Zachary na ikinasal siya sa akin ng sapilitan lamang at ang tanging pakilala niya sa kanyang mga magulang ay ako ang girlfriend niya ng isang taon. “A-Alam niyo ho?” Tumango siya habang nakangiti. “P-Paano niyo ho nalaman? Pati ho ba si Papa alam niya?” Umiling siya. “No. David doesn’t know that you guys were forced to marry each other.” “Kung gano’n ay paano niyo ho nalaman na g-gano’n ho ang nangyari?” tanong ko at huminga siya ng malalim bago siya nagsalita. “I carried my son in my womb for nine months iha. Kami rin ang nagpalaki sa kanya hanggang sa nagdesisyon na siyang umalis sa poder namin. I know my son. Kahit hindi siya nagsasalita ay alam ko kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Galaw niya ay alam ko kung totoo at bukal sa loob ang ginagawa niya. Maybe this is what they call as mother’s instinct. Isa pa I noticed it during your wedding that you guys are not that in love with each other. You can always lie through your words, but a mother will always know the truth with just one look.” Napangiti naman ako sa paliwanag ni Mama. “Ang swerte ho ng anak niyo at may mga magulang siya na katulad ninyo.” Umiling siyang muli sabay inabot ang aking kamay. “We are lucky because we have him iha. Children are always a miracle to parents, and we are thankful that he is my son. Kahit na kung minsan ay tinotopak siya.” Natawa naman ako sa sinabi niya. “But please be more patient with my son, Daphne. I know that you love my son so much, and I also know that he loves you as well.” “H-Hindi ho siguro niya ako mahal, Mama.” Umiling si Mama at napatitig ako sa kanya. “Ah-ah. I told you, I know my son. Hindi kasi ugali ng anak ko ang maging super showy pagdating sa love. He shows it differently that’s why I know that he loves you.” Tumango na lang ako dahil kung totoo nga ang sinasabi ni Mama sa akin ay hindi niya dapat ako ginagawang robot niya. Kung ituring ako ni Zachary ay para akong isang peste na dumating sa buhay niya. Siguro sa pagkakataong ito ay hindi pa kilala ni Mama ng lubusan ang kanyang anak. All I know is that he is angry with me, and he shows it to me everyday. Sakto namang dumating ang aming pagkain at tahimik naming kinain ang aming inorder na pagkain bago kami nagdesisyon na umuwi na. Nang matapos kaming kumain ay agad ko nang tinext si Zachary at sinabing sunduin na kami ni Mama sa mall. Paglipas lamang ng ilang minuto ay nakita na namin mula sa malayo ang kanyang kotse. Pagkatigil niya ay agad niya kaming tinulungan ni Mama na ilagay lahat ng mga pinamili niya sa sasakyan niya. Umupo ako sa harapan katabi si Zach at sa likod naman namin si Mama. Habang tinatahak namin ang daan ay nakita naming nakatulog na si Mama dahil mukhang napagod ito sa pagsho-shopping niya. Tahimik naman akong nakatingin sa labas ng bintana nang tumigil ang sasakyan namin dahil mukhang traffic pa. Kung sabagay patapos na kasi ang lunchtime kaya ang daming tao ngayon ang lumalabas. “Did you buy some clothes?” tanong niya at napatingin naman ako sa kanya. Tango lang ang isinagot ko at muling tumingin sa labas ng bintana. “Daphne?” “Hmmm?” “I was thinking about what my parents told me at the airport before.” Napaisip naman ako bigla kung ano iyong tinutukoy niya na sinabi ng mga magulang niya. “Tungkol saan?” “About us having our own children.” Bigla akong kinabahan sa patutunguhan ng usapang ito. Please don’t tell me he wants to have our own child already? “I was actually thinking, and I think we should consider it.” Napatingin siya sa akin at napalunok naman ako. “Ahm, g-gusto mo nang magka-anak?” Tumango siya at napasinghap naman ako. “Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo pero kasal naman tayo. It’s been a year as well. I’m not saying that we should have a child right this moment, but I am considering it. I will give you time to think about it, so if you’re ready then maybe it’s time to plan for having our own baby. No pressure.” Ngumiti siya at nakita kong nag-green na iyong traffic lights kaya nagsimula na siyang muling nagmaneho. No pressure? Seryoso ka ba? Kinakabahan nga ako rito tapos sasabihin mo sa akin no pressure? Nauntog kaya ang asawa ko sa mas matigas na pader kaya ganito na ang sinasabi niya? O kaya bigla siyang hinipnotize ng mga aliens kaya ganito na ang mga sinasabi niya? OMG! Masaya naman ako na gusto niyang magkaroon ng anak sa akin pero malayong-malayo siya sa Zach na kilala ko. Hays. What will I do?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD