Chapter 4

1704 Words
Daphne   Ngayon ang unang araw ng aking leave dahil iyong magaling kong asawa ay siya na mismo iyong nagpa-leave sa akin. Nandito ako sa veranda ng aming bahay at nagyo-yoga nang mapalingon ka dahil tinawag ng ina ni Zach ang aking pansin.   “Daphne, good morning!” bati niya sa akin na may hawak na kape at naka-bathrobe pa. “Ang aga mo namang gumising. Si Zach?” Hanap niya sa kanyang anak.   “Natutulog pa ho iyon Mama. Mga habpon na ho iyon gigising dahil sa gabi ho siya nagtratrabaho.” Napailing naman ang ina ni Zach sabay sumimsim ng kanyang kape.   “Hays, ang batang iyon talaga para siyang paniki.” Natawa naman ako sa tawag ng kanyang ina sa kanya. “Kahit noong mga bata siya ay mahilig siyang maglaro noon kapag sumapit na ang gabi. Nabubulabog tuloy kami noon dahil bigla na lang siyang nawawala kapag gabi. Alam mo ba kung saan namin siya mahahanap?” Napailing naman ako sa kanyang tanong. “Nandoon siya sa park at mag-isang naglalaro sa buhangin. Alam mo ba sa sobrang pag-aalala namin ay pina-check-up ko ang batang iyan sa doctor kaso sabi naman na normal daw ang lahat sa kanya.”   “Because I am normal, Mom.” Napalingon kaming dalawa ni Mama nang marinig namin ang boses ni Zach sa aming likuran. “Ang aga-aga ay ako agad ang tsinitsismis mo.”   Lumapit naman si Mama Emilia kay Zach at agad na binigyan ng halik sa pisngi ang kanyang anak. “Totoo naman anak ‘di ba? Palagi ka noong nawawala at tuwing mahahanap ka namin ay nasa buhangin ka na.”   “I just don’t like going out during day time. Anyway, enough about me, and we should be planning about your anniversary party next week.” Tumango naman si Mama. “Breakfast is aready downstairs.”   “Okay. Nandoon na ba ang Papa mo?” tanong nito kay Zach at agad naman na tumango ang aking asawa.   Pagka-alis ni Mama ay naiwan kaming dalawa ni Zach. Nanatiling nakatingin lang sa akin si Zach at bumaba ang aking tingin dahil hindi ko kayang tumbasan ang pagtitig niya sa akin.   “Where is your necklace?” Napaangat ang aking tingin sa kanya sa kanyang tanong. Agad ko namang hinawakan ang aking leeg dahil naalala ko na inalis ko nga pala ito kagabi.   “A-Ahm, iniwan ko ito sa accesory box ko sa may dresser. Baka kasi masira kaya naman inalis ko na muna ito kagabi.” Umiling naman siya at saka walang sabi na umalis at bumalik sa aming kwarto.   Pagbalik niya ay hawak na niya ang black necklace na ibinigay niya sa akin. Lumapit siya sa akin at napaatras ako ng kunti dahil sobrang lapit niya. Hinila niya ako para makalapit ako sa kanya at saka bigla na lang niyang isinuot ang kwintas sa aking leeg. Halos maamoy ko ang natural niyang bango sa sobrang lapit niya. Pagsuot niya ng kwintas sa akin ay napahawak ako agad sa kwintas sabay napatingin sa kanya.   “Huwag na huwag mong aalisin iyan kahit saan ka pumunta. That necklace is very important and expensive. It is non-hypoallergenic, and it will not turn to rust. Don’t remove it ever again.” Tumango naman ako sa kanyang sinabi.   “Okay.”   “Tara na sa baba at ayokong paghintayin sila Mama. Lalabas tayong lahat dahil kailangan kung pasukatan ka ng damit na gagamitin mo sa party next week.” Nauna na siyang naglakad kaya pati ako ay sumunod na sa kanya.   Pagdating namin sa dining area ay nakita kong kumakain na sila Mama at agad nila kaming tinawag pagkakita nila sa amin. Ang nakaupo sa kabisera ay ang ama ni Zach at sa kaliwa niya ay si Mama. Umupo si Zach sa kanan ni Papa kaya umupo ako sa tabi ni Zach. Bigla akong natakam sa aking mga nakita at gusto ko nang kumain. Nang kukuha na ako ng aking pagkain ay si Zachary ang naglagay ng mga pagkain sa aking pinggan.   “Aww, ang sweet mo naman anak. Naalala ko noon ang Papa mo rin ay ganyan sa akin.” Napatingin si Mama kay Papa at nagngitian ang mga ito sa isa’t isa.   Kahit na may edad na sila ay pansin ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Sana ay ganyan din kami ni Zach pero tuwing naaalala ko ay nadidismaya lang ako dahil wala namang ka-sweetan sa katawan si Zach. Napatingin ako kay Zach na naglalagay ng pagkain sa aking pinggan at nagpasalamat sa kanya.   “I’m not being sweet, Mama. I am just making sure that Daphne will have enough food on her plate. Ayoko siyang gutomin lalo na at mahirap ang trabaho niya.” Makahulugan siyang napatingin sa akin nang mapatingin ako sa kanila Mama at Papa.   “Oo nga. Speaking of work iha, what company are you working at right now?” tanong ni Mama at pati si Papa ay nakatingin sa akin. Hinihintay nila ang aking sagot pero wala akong maisip na pwedeng trabaho na pwede kong sabihin.   “She’s working as an admin assistant at the New York Police Department.” Napatingin ako kay Zach noong iyon ang isinagot niya.   Napamaang naman sila Mama at manghang-mangha na napatingin sa akin.   “Talaga ba? Wow! That’s amazing iha,” masayang sambit ng ina ni Zach at nginitian ko lang siya.   “Pero iha wala bang nanglilgaw sa iyo roon? Wala bang nagpapapansin sa iyo?” tanong ni Mama sa akin at umiling naman ako.   “Oo nga iha. Maganda ka pa man din kaya sigurado ako maraming magkakagusto sa iyo roon,” sambit naman ni Papa.   “W-Wala naman ho. Karamihan po kasi sa kanila ay may mga asawa at nobya na kaya wala pong nagpapapansin sa akin doon. Isa pa po kung sakaling meron naman ho ay sinasabi ko naman ho sa kanila na may asawa na ho ako.” Sinulyapan ko si Zach pero wala lang siyang imik na kumakain ng kanyang almusal.   Hindi na muling nagtanong pa sila Mama tungkol sa aking trabaho at tahimik na kaming kumain. Nang matapos kaming mag-almusal ay hindi ko na alam kung saan pumunta si Zach dahil bigla na lang siyang umalis pagkatapos niyang kumain. Tinulungan ko na si Ate Perlah na magligpit kahit na sinabihan niya akong huwag na akong tumulong.   Pagkatapos naming magligpit ng aming mga pinagkainan ay pumanhik na ako sa aming kwarto upang maligo. Pagpasok ko sa aming kwarto ay sakto namang sumunod si Zach sa akin at agad akong napatingin sa kanya. Sinulyapan niya lang ako saglit pagkatapos ay dumiretso na siya sa banyo. Huminga naman ako ng malalim at abala akong kumukuha ng aking tuwalya nang narinig kong lumabas sa banyo si Zach.   “Daphne,” tawag niya sa akin at napatingin naman ako sa kanya. “About what my mom was asking you a while ago, is it true that there are men who are asking for your attention?”   Napakurap pa ang aking mga mata dahil unexpected na tanungin niya sa akin ang bagay na iyon. Sa pagtataka ko sa kanyang tanong ay umiling ako at tumango naman siya ng dahan-dahan. Walang salita siyang bumalik sa loob ng banyo habang ako ay nagtatakang nakatitig pa rin sa nakasarang pinto ng banyo.   Nang handa na kaming lumabas ay sabay-sabay na kaming sumakay sa sasakyan ni Zach. Sa pagkakataong ito ay ang Papa ni Zach ang nagmaneho ng kotse at katabi niya si Mama samantalang magkatabi naman kami ni Zach sa banadang likod. Agad na nagmaneho si Papa papunta sa isang fashion designer na kilala raw ni Zach. Sa kanya daw kami magpapasukat ng damit para raw sa damit na gagamitin namin sa anniversary nina Mama at Papa.   Pagdating namin sa nasabing lugar ay pumasok kami sa isang napakalinis na shop na punong-puno ng mga wedding dress, gowns, dresses at marami pang iba. Namangha ako sa mga kulay at designs dahil halatang pinag-isipan ito ng mabuti. Nakita ko naman na ay lumabas na isang babae at saka nakipagbeso-beso kay Zach na aking ikinasimangot. Buti pa siya pumapayag kang halik-halikan ka samantalang ako hinihintay ko kung kailan mo ako gagapangin.   “Oh my god! Is she your mother?” maarte niyang tanong at napaikot naman ang aking mga mata ng wala sa oras. Malandi!   Pagkakita niya sa akin ay napa-wow siya na parang ngayon lang siya nakakita ng babae. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at umikot pa siya habang nakatingin sa akin. Bigla naman akong nakaramdam ng pagka-awkward na mukhang napansin ni Zachary kaya naman sinita niya iyong babae.   “You’re making my wife uncomfortable.” Gulat na napatingin ang babae kay Zach at saka lumapit dito.   “She’s your wife?” ang lakas pa ng boses nito na parang nasa kabilang bundok ang kausap niya. “You’re telling me that this beautiful creature here is your wife?” Tumango naman ulit si Zachary.   Lumapit sa akin si Zach sabay inakbayan ako at halos manlaki ang aking mga mata nang nginitian niya iyong babae. Ngayon na nga lang siya ngingit sobrang peke pa. Napatingin naman ako sa babae at umiiling siyang nakatingin sa aking asawa.   “Bakit ba lahat na lang ng babae nagkakagusto sa iyo at pinakasalan ka pa? Hindi ba pwedeng maghanap ka na lang ng iba at sa akin na lang iyang asawa mo?” Gulat akong napatingin sa babae dahil wala sa itsura nito ang pagiging tibo.   “I’m sorry, but I think I may not be able to do that,” sagot naman ni Zachary sa kanya. “Anyway, we came here for my mother and wife’s dress.”   Nagbuga ng hangin ang babae at napailing sabay lumapit sa aking ina. “Fine. Para saan ba iyong dress na rine-request mo?”   “It’s for my parents’ anniversary. You are invited, so I hope you can come.” Tumango naman iyong babae. “I have one request though.” Napatingin si Zachary sa akin at bigla akong napalunok. “Make my wife beautiful in it. Gusto ko lahat ng mga makakakitang tao sa kanya sa party ay mamangha sa kagandahan niya.” Nag-iwas naman ako ng tingin dahil nakaramdam ako agad ng kilig sa mga sinasabi ni Zach.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD