"Idol," Mackie groaned inwardly. Ilang linggo na ang nakakaraan mula nang makita nila si Porche na nakadapa sa table ng Daddy niya pero hanggang ngayon ay tampulan pa rin siya ng tuksuhan. Kahit ilang ulit na niyang ipinaliwanag na wala silang ginagawang masama at tinitignan niya lang ang pasa ng dalaga ay hindi siya pinansin ng mga ito.
"Shut up, Luke!" Nakasimangot niyang sabi.
"Sabi ni Tatay, nagpaturo daw ako ng mga techniques." Sabi ni Klein habang inaayos ang salamin niya. Akala ni Mackie ay madi-disappoint sa kanya ang Daddy niya upon seeing them. Apparently, nagkamali siya. Dahil sa halip na magalit ito sa kanya, nilapitan pa siya nito at proud na proud pang sinabi na isa nang ganap na hokage ang anak niya. That he's living up to their expectations daw at dapat siyang gawing huwaran ng torpeng si Klein. Hindi niya tuloy alam kung anong libro tungkol sa proper parenting ang binasa ni Liam nung naguumpisa pa lang itong maging ama pero sigurado si Mackie na hinding-hindi niya babasahin 'yun.
"Anong technique naman ang sinasabi mo d'yan?" Nakadagdag pa sa Init ng ulo niya ang hindi pagsagot ni Porche sa mga tawag niya at ang pagpapalit nito ng lock kaya hindi niya magawang pumasok sa bahay ng dalaga nang walang pahintulot. "Tigilan n'yo ko sa kalokohan n'yong 'yan. Wala ako sa mood." He said while fidgeting with his phone.
"Oh, what happened? May dalaw ka o trouble in paradise?" Nakangising tanong ni Luke. Sinamaan niya ito ng tingin sandali pero binalik niya din ang mga mata niya sa telepono nila. When will she pick up her phone? When will Porche answer his calls? "Ngayon lang kita nakitang ganyan sa isang babae." Makahulugang sabi pa nito.
"Hindi naman kase ako kagaya mo na pagkatapos matikman ang babae e, hindi na agad kilala. Hindi ako member ng kangkang-kalimot."
"So natikman mo na?"
"No!" Marahas niyang sagot. He has this urge to punch Luke's face dahil lang sa maling paniniwala niya kay Porche pero pinigilan ni Mackie ang sarili niya. "She's not even my girlfriend! Kapatid siya ni Portia!" Which makes her off-limits. Sa kanya, kay Luke o kahit na kanino pa.
"Exactly my point." Nakangising sagot nito. "Kapatid siya ni Portia. She's not your girlfriend, not your obligation so bakit aligagang-aligaga ka na hindi siya sumasagot sa mga tawag mo?"
Hindi nagawang makasagot ni Mackie. Paano niya sasagutin ang tanong na 'yun kung siya mismo, hindi alam kung anong sagot? Isa pa hindi din naman niya pwedeng ideny na si Porche nga ang kanina niya pa tinatawagan.
"Ako aminado naman akong proud member ako ng kangkang-kalimot club but I make sure na alam ng mga babae kung anong score namin bago nila matikman ang sexy body ko. Ayokong I-kompromiso ang bachelor status ko-"
"Ang sabihin mo, duwag ka lang. Takot ka lang ma-inlove kaya puro jerjer lang ang alam mo." Natatawang singit ni Klein.
"Yeah. Yeah. Manahimik ka Klein, hindi ako ang pinag uusapan dito. Pakyu!" Itinaas ni Luke ang pang-gitnang daliri niya kay Klein bago nito hinarap ulit si Mackie. "Do you like her?"
"Oo naman!" Mabilis pa sa alas-kwatrong sagot niya. Hindi naman mahirap magustuhan si Porche. She's everything her twin sister is not. A contradiction to what he already knew about Portia, a breathe of fresh air.
"Do you love her?"
"Ano bang klaseng tanong 'yan?" Hindi niya magawang sagutin ang tanong na 'yun ni Luke. Kung bakit ay hindi niya din alam.
"Sige, ganito na lang.. sino bang iniisip mo habang sinasagot mo yung tanong ko?"
"Si Porche-".
"Mackie, wala akong binanggit na pangalan. Her lang. Pwedeng si Porche, pwedeng si Portia. Sige, sabihin na nating umpisa pa lang, maliwanag na na si Porche ang topic, Understandable na magustuhan mo siya. What's there not to like 'di ba? Pero yung nag-hesitate ka na sagutin yung tanong kung mahal mo ba siya, iba na ata 'yan. You could have said no, you know?"
"Sus, ang dami mong alam Lukas. Daig mo pa si Papa Jack, 'bat di ka na lang mag-DJ?" Pag iiba ni Mackie sa usapan. It's either ayaw niyang pag-usapan nila ang feelings niya o or he doesn't want other man to mention her name. He dialled her number one more time at ganun na lamang ang tuwa niya na halos isuntok niya sa hangin ang kamao niya nang sagutin ng dalaga ang tawag niya.
"Porche?"
"Mackie.. Come here, please.. I need you," Napakunot siya ng noo. At pansamantala niyang tinitigan ang cellphone niya dahil baka wrong number ang natawag niya pero hindi. It is Porche's number, so why is she asking him to come to her in a sultry voice that made his heart pounding and his ears ringing? Yung tipong nanginig ang sikmura niya at para siyang maiihi ng wala sa oras?
"Porche?" Hindi na muling nagsalita ang dalaga at tanging mahihinang unggol na lang mula dito ang kanyang naririnig. "Alis muna ako." Aligagang sabi niya sa dalawang taong nakatingin at pinapanood ang bawat kilos niya. "Porche needs me."
"Oh, so now the girl needs you kaya aligagang-aligaga ka ngayon?" Taas-kilay na tanong ni Lukas.
"Shut up." Ayaw man niyang aminin ay totoo ang sinasabi ni Luke na aligaga siya. The urgency in her voice made him worried. Dali-dali siyang sumakay sa bago niyang sports car niya para lang mapuntahan si Porche. It took him half an hour, purposely breaking a couple of traffic violations.
Nanakbo pa siya papasok sa gate ng bahay ng dalaga, almost stumbling on the flower pot on his way to the door. He tried knocking since hindi na nga niya magagamit yung keys niya pero wala namang nagbukas ng pinto. Wala rin siyang marinig na kahit anong ingay, indikasyon na nasa kabilang panig ng pinto ang dalaga kaya nagbaka-sakali na lang siyang pihitin ang doorknob. At ganun na lamang ang takot na naramdaman niya nang mapatunayang hindi naka-lock ang pinto.
"Porche?" Sa tagal niyang kakilala ang dalaga ay ni minsan, hindi nito nakakalimot na I-lock ang pinto, even himself, kapag nandito siya ay sinisiguro muna niyang naka-lock 'yun dahil mag-isa lang si Porche sa bahay. He cares for her, okay? Normal lang naman siguro na gawin niya 'yun.
"Porche-" Naglakad siya papunta sa kwarto ng dalaga and he found her curled into a ball. Dali-dali siyang naupo sa gilid ng kama. He put his hand on her forehead. "Mainit ka, baby girl!" Hindi na napansin ni Mackie kung ano ang Itinawag niya sa dalaga sa sobrang pag-aalala. "Can you get up?! Dadalhin kita sa ospital." Mackie's heart is pounding inside his chest. Noong mga oras na 'yun lang siya nakaramdam ng ganoong klaseng kaba.
"Okay lang ako, Mackie. Dysmenorrhea lang 'to." Naupo siya nang maayos sa kama and Mackie sighed in relief. "Uhmm.. May.. may ipapakiusap lang sana ako e," Kagat-labi at namumula itong nag-iwas ng tingin sa kanya. Mackie finds her blushing quite adorable at bago pa man niya nagawang kwestiyonin ang sarili niya, natagpuan niya na lang ang sarili na hinahalikan sa noo ang dalaga.
"Anything, Baby girl." Muli ay kinukwestiyon na naman niya ang ikinikilos niya but as she lean forward, almost an inch closer to his face, hindi niya na napigilan ang sariling mapapikit.
"Uhh. Anong ginagawa mo?"
"Uhmm.. Wala. Napuwing lang ako. Ayan oh, masakit." Nagkunwari pa siyang ilang beses na pumikit-pikit para I-justify na napuwing siya.
"Ah, Akala ko kase hahalikan mo 'ko e," Kibit-balikat na sabi ni Porche.
"Actually akala ko, ako ang hahalikan mo. Kaya napapikit ako." He said, half-joking. Natawa si Porche pero agad din 'yung napalitan ng ngiwi. "Okay ka lang ba talaga? Ano ba yung ipapakiusap mo sa'kin?"
"H'wag na.." Namumulang sabi nito. "Nakakahiya e." Kinuha niya ang dalawang kamay ng dalaga at inipit 'yun sa sarili niyang mga kamay.
"Hindi ba, sinabi ko naman, kahit anong kailangan mo, ibibigay ko? Isipin mo na lang, I am your knight in shining red sports car." Napasipol ang dalaga sa sinabi niya.
"Wow, hindi na ba uso ang white horse ngayon?"
"Hindi na. Traffic na masyado sa EDSA. May speed limit pa pero kailangan kong maging mabilis." Kasing-bilis nang t***k ng puso ko ngayon. Binulong niya ang huling salitang binitiwan niya.
"May sinasabi ka?"
"Wa-wala.. sabi ko, traffic sa EDSA."
"Ah, rinig ko kase mabilis ang pagtibok ng puso mo e." Natatawa na namang sabi nito sa kanya. "Oo nga pala, sigurado bang okay lang sa'yo? May ipapabili sana ako sa grocery e."
"Basta para sa iyo, Baby girl, hindi ako magiging busy."
----
PARANG tangang nakatitig si Mackie sa isang estanteng puno nang iba't-ibang klase ng napkin. And Porche's asking for a certain brand with wings! Huh! Lumilipad ba yung napkin kaya kailangan ng wings? Natawa na lang si Mackie sa kalokohang naiisip niya. At sa halip na mag-eenie-meenie, minie mo ay kumuha na lamang siya ng tig-iisang balot at inilagay yun sa cart niya. Pinagtitinginan na siya ng mga tao, lalo na ng mga babae pero iisipin niya pa ba ang mahiya sa mga oras na 'yun e kailangan siya ni Porche? Pagdating sa counter ay mas lalo siyang pinagtinginan ng mga tao. Mackie wore his sunglasses hindi dahil sa nahihiya siya, kundi dahil sa gwapo siya.
"Andami naman nito, Sir." Nakangiting puna ng cashier.
"Hindi ko kase alam kung anong gamit niya d'yan e. Kaya binili ko na lang lahat." Nakangiti ding sagot niya.
"Ang swerte naman ng girlfriend mo, Sir." Hindi na naman nakasagot si Mackie. Ang dali-daling sabihin na hindi niya girlfriend ang babaeng pagbibigyan niya n'un pero hindi maalis sa kanya yung gaan sa pakiramdam habang iniisip na si Porche ang girlfriend niya. "Five hundred twenty-eight po lahat." Iniabot niya ang isang one thousand peso bill sa cashier nung may maalala siya.
"Miss, may alam ka bang gamot para sa dysmenorrhea?"
An hour later, nakabalik na si Mackie sa bahay ni Porche bitbit ang tatlong malaking paper bag na may lamang napkin at take-out foods na inorder niya.
"Porche, nandito na 'ko. May dala akong cream soup. Don't get up. I'll bring the foods there." Isinalin niya yung soup sa bowl, nilagyan ng mainit na tubig yung hot water bag na binili niya at inilagay yun sa tray kasama nung soup at nung gamot sa dysmenorrhea na sinabi nung cashier sa kanya bago siya pumasok sa kwarto. Natagpuan niya si Porche na para na namang fetus sa pagkakahiga. He cares for this woman. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Mackie 'yun. Ang hindi niya lang talaga maintindihan ay kung bakit ganito na lang ang pag-aalalang nararamdaman niya. Like he wish he knew how to take the pain away. Ayaw niyang makitang nahihirapan ng ganito ang babae.
"Kumain ka na muna, oh. Para makapag-palit ka na. Or pwede din naman na kung hindi mo kaya, I'm very much willing to help you change into something more comfortable."
Napangiti si Porche sa sinabi niya. Para siyang nakalunok ng kitikiti dahil sa ngiting 'yun ng dalaga. Nagliligalig ang sikmura niya at para siyang maiihi na hindi niya maintindihan.
"May mens lang ako. Hindi naman ako napilayan at kayang-kaya kong linisin at alagaan ang sarili ko." Naupo ng maayos si Porche sa kama kaya kinuha na niya yung bowl, hinipan ng bahagya ang mainit na sabaw at iniumang sa bibig nito ang kutsara. "Ang sabi ko, kaya ko naman-"
"Alam ko.. Gusto ko lang gawin. Gusto ko lang alagaan ka."
Ilang minuto din silang nagkatitigan ng dalaga bago niya nagawang alisin ang tingin niya dito. Tahimik lang si Porche hanggang sa maubos nito ang soup na patuloy niyang iniuumang sa bibig nito. Pagkatapos niyang makainom ng tubig ay binuhat siya ni Mackie papunta sa banyo. It felt good, actually. Holding Porche that close. If he'll only be honest to himself.
Ibinaba niya ang nagtatakang si Porche sa tiles. Alam niyang nakatingin sa kanya ang dalaga. Alam niyang maraming itong gustong itanong sa kanya pero ano bang isasagot niya kung siya mismo hindi alam kung anong ikinikilos niya? As If he's acting on instinct?
"Hindi ko alam kung anong brand ang ginagamit mo, nakalimutan kong itanong sa pagkataranta ko kanina kaya binili ko na lang lahat."
"You what?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Porche. "Ano namang palagay mo sa 'kin, araw-araw dinudugo?!" Nagkibit-balikat lang si Mackie at tinalikuran ang dalaga para kuhanin yung tatlong plastic ng sanitary pad na binili niya. Naghintay lang siya hanggang sa makatapos si Porche sa banyo at binuhat niya ulit ang dalaga papunta sa kama. She snuggled closer, wrapping her arms around his neck and he sighed in contentment. Never in his life did he felt this kind of connection with someone. Ibinaba niya si Porche sa kama at nahiga ito ng nakatalikod sa kanya. Kinuha ni Mackie yung hot water bag sa gilid at walang sabi-sabi siyang nahiga sa tabi ng dalaga at ipinatong yun sa puson nito.
"Hayaan mo na lang muna akong alagaan ka, Porche." Isang malalim na buntong-hininga ang isinagot nito sa kanya.
"We shouldn't be doing this, you know.. You shouldn't be holding me this way. Baka mahulog lang ako."
"Bakit ka natatakot mahulog kung mayroon namang handang sumalo sa 'yo?" Humarap ito sa kanya at muli na namang bumilis ang pagtibok ng puso niya.
"Paano kung nahulog na 'ko.. sayo? Paano kapag sinabi kong mahal na kita, Anong gagawin mo? Mahuhulog ka ba kasama ko o hahayaan mo lang ako?"
Tila naubusan ng salita si Mackie. At imbes na sumagot ay siniil niya na lang nang maalab na halik ang labi ng dalaga.
"I don't know what I'm doing.. I just can't seem to let you go."
He mumbled, not enough for Porche to hear. He doesn't know what he's doing and why he's doing it, he just hope action speaks louder than words. Dahil may mga bagay na hindi niya kayang pangalanan, gagawin niya na lang.