EIGHT

1938 Words
Nagising si Porche sa mainit na hiningang tumatama sa batok niya at sa mabigat na kamay na nakapatong sa bewang niya. Saka niya lang naalala ang mga nangyari kagabe. She fell asleep with Mackie beside her. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Ngayon lang may lalaking umasikaso sa kanya at masarap sa pakiramdam. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya sa paraan ng pag-angkin ng binata sa mga labi niya na para bang sa kanya 'yon. Na walang ibang lalaki ang may karapatang halikan siya kagaya nang ginawa nito sa kanya. "Good afternoon, Baby girl. Nakatulog ka ba ng maayos?" He said huskily. Inalis pa nito ang ilang hibla ng buhok ni Porche na tumatabing sa batok niya at inundayan 'yun ng halik. "Uhumm.." Paano ba namang hindi? Eh, habang pinapatulog siya ni Mackie ay minamasahe pa nito ang anit niya at kinakantahan pa siya. Lalo tuloy siyang nahuhulog sa lalaking hindi naman niya dapat mahalin. "I need to get up." Tila biglang nanikip ang dibdib ni Porche nang maalala niya yung mga sinabi niya kagabe at ang reyalidad na kahit sabihin niya pang mahal niya ang lalaki ay hinding-hindi ito mapupunta sa kanya dahil kay Portia ito. "Mackie, bitiwan mo 'ko!" Kailangan niyang makalayo sa lalaki. Ayaw niyang makita nito ang tuluyang pag-agos ng mga luha niya. "Porche, anong nangyari?" Bakas na bakas sa boses nito ang pag-aalala. Malabo. Malabong nag-aalala ito. Hindi totoong concern sa kanya ang lalaki. Baka nga ginagawa lang ito ni Mackie dahil ayaw niyang kapag bumalik si Portia ay magsumbong siya na napaka inconsiderate nitong boyfriend. "Wala. Okay na 'ko. Pwede ka nang umuwi." Agad siyang tumayo sa kama kahit masakit pa rin ang puson niya at lumayo sa binata. Sinabi na niyang mahal niya ang lalaki. Ipinaalam niya na dito ang nararamdaman niya pero wala naman siyang nakuhang sagot mula kay Mackie. Magmumukha lang siyang tanga. Nagmukha lang siyang tanga. Baka pagtawanan pa siya nito at sabihing masyado siyang ambisyosa kung inaakala niyang magugustuhan din siya ng lalaki. "Porche, kausapin mo nga muna ako!" He sounds frustrated pero hindi na nakikinig si Porche. Masyado na siyang binubulag ng sarili niyang mga luha. "Umalis ka na, Mackie. Hindi ako charity work. Hindi ko kailangan ng awa mo." "Awa? Sa tingin mo naaawa lang ako sa 'yo kaya ko 'to ginagawa?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mackie. Natigilan si Porche sa tangka niyang pagpasok sa banyo. Buong tatag niyang hinarap ang lalaki at taas-noo niya itong tinignan. "Bakit, hindi nga ba? O kung hindi man awa ang dahilan, baka ginagawa mo lang 'to dahil natatakot kang sabihin ko kay Portia na pinapabayaan mo 'ko!" "Bullshit!" Muntik nang mapatalon si Porche sa sigaw na 'yun ni Mackie. "Ano namang kinalaman ni Portia sa ating dalawa?!" 'Kase siya ang mahal mo, hindi ako!' Halos isigaw ng isip niya. "Umalis ka na, Mackie." Nagawa niyang itulak ang lalaki palabas nang kwarto. Hindi niya alam kung lumakas siya nang dahil sa galit o nagpapatianod na lamang si Mackie sa kanya. She doesn't want to make a fool of herself kaya habang maaga pa, susubukan na niyang pigilin ang sarili niya. Loving him was the biggest mistake she ever made at ayaw niyang malunod ng husto, ayaw niyang sa huli ay maging punching bag na siya lang ang nasasaktan dahil siya lang ang nagmamahal. "Porche, mag usap naman muna tayo. H'wag naman ganito-" "Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Umalis ka na." Tinanggal niya yung lock ng pintuan pero bago pa man niya 'yun tuluyang mabuksan, hinawakan ni Mackie ang dalawang kamay niya. "Mackie, tigilan mo na 'ko. Tantanan mo na ang pangungulit sa akin para lang magkaroon ka ng dahilan para hintayin dito si Portia dahil hindi ka na niya mahal. Okay? Hindi ba mas malinaw pa sa traffic lights na senyales yung biglaan niyang pagkawala na ayaw na niya sa 'yo?" Kitang-kita niya ang pangangalit ng panga ng lalaki, maging ang biglang pandiin ng hawak nito sa mga kamay niya. Mahal ni Mackie ang kakambal niya, matagal na niyang alam 'yun, pero nasasaktan pa rin siyang makita ang katotohanan sa mukha ni Mackie. At nasasaktan din siyang nasasaktan ito. "Ayaw na nga niya sa'yo, hindi ka na niya mahal. Hindi ka na mahal ni Portia kaya wala ng dahilan para pagtyagaan mo 'ko. Umalis ka na, Mackie. Umalis ka na. H'wag ka nang babalik ulit sa buhay ko." "Porche-" "Mahal kita Mackie! Naiintindihan mo ba 'ko? Mahal kita!" Hindi na napigilan ni Porche ang pagdaloy ng luha galing sa mga mata niya na marahas niya ring pinunasan. "Ang mahalin ka ang pinaka-malaking kasalanang nagawa ko sa buong buhay ko! Hindi ko pinagsisisihang minahal kita kahit patago pero nahihirapan na ako. Ang sakit-sakit na. Alam mo ba kung anong pang masakit? 'Yung alam kong kahit ilang beses ko 'yun sabihin sa'yo, alam kong wala akong mapapala dahil iba ang Mahal mo!" Natulala ang lalaki sa sinabing 'yun ni Porche at nagawa niya iyong samantalahin para mabuksan ang pintuan. "Porche! Oh my gosh! Gian Porche, ikaw nga!" Parang umurong lahat ng luha niya pabalik sa katawan niya nung makita niya si Portia. As always, napaka elegante nitong tignan. Hinila siya nito para yakapin na hindi niya na nagawang suklian. How can she when she's fighting her own emotions. Nakatingin lang siya kay Mackie. Tinitignan niya ang lalaking mahal niya habang tinitignan nito ang babaeng mahal niya. "Last week pa dapat ako nakauwi nung nakausap mo si Mamu, kaso lang one month ang kontrata ko sa Portu Rico-" "Alam mo kung nasaan si Portia?" Punong-puno ng pag-aakusang tanong nito na ikinagulat ng kakambal niya. "Babe! Nandito ka pala." Nilayuan siya ng kakambal at nilapitan ang boyfriend saka Ito siniil ng halik. "Teka.. anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Portia. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa kanilang dalawa ni Mackie. Ngayong dumating na si Portia, wala nang dahilan para manatili pa siya sa bahay. Kahit mabigat ang mga paa niya, masakit ang dibdib at halos hindi na siya makaaninag sa dami nang luha sa mga mata niya, nagawa niyang manakbo. Mas gugustuhin niya pang lumayo, kesa tahimik na masaktan habang tinitignan ang dalawang tao na masaya. ------ "BAKIT ngayon ka lang, Portia?" Gustong-gusto niyang sundan si Porche ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Nasa harapan niya ngayon ang girlfriend niya, ang babaeng halos isang buwan niyang hinanap. Marami siyang gustong itanong kay Portia pero paulit-ulit na pumapasok sa isip niya yung mukha ni Porche bago ito nanakbo palayo. "May nakuha kase akong urgent na kontrata sa Portu Rico e, hindi ko na nasabi sa'yo." "Kaya bigla ka na lang nawala, ganun ba 'yon? You left me without an explanation tapos bigla ka na lang babalik na parang wala lang nangyari?" "I did left a voice mail." Parang balewala lang na sagot nito. Noon niya lang nakikita ang malaking pagkakaiba ng kambal. Oo nga't di hamak na mas maganda si Portia sa pang labas na aspeto, pero mas may buhay si Porche. Mas masarap itong kasama. Alam na niya noon pa na matigas ang puso ng kasintahan-hindi naman lingid sa kanya 'yon- pero nagbulag-bulagan siya. Dahil akala niya, mahal niya talaga si Portia. "Sorry na, Babe. Let me make it up to you." Inilagay nito ang magkabilang braso sa balikat ni Mackie at nagtip-toe pa siya para mahalikan lang ang kasintahan ngunit umiwas si Mackie, na ikinagulat nang husto ni Portia pero hindi niya ipinahalata. "What's wrong?" "I'm tired." Inalis niya ang mga braso nito sa balikat niya. He's physically exhausted dahil hindi naman niya nagawang matulog-masaya na siya habang pinagmamasdang matulog si Porche- he never felt contentment before. Kagabe lang, habang nakakulong ang babae sa mga braso niya at habang may inaaway ito sa panaginip niya. "I'm going home Portia." Hindi na niya hinintay na magsalita pa ang babae. Lumabas na lang siya ng bahay, wondering what to do with his new found feelings for Porche. ----- "SIGE lang, Baks, iiyak mo lang 'yan." Inilagay pa ni Yana yung isang box na tissue sa tabi niya. Hindi alam ni Porche kung paano siya nakarating sa dorm ni Yana na nakapang tulog pero nung kumatok na siya sa pintuan, parang alam na nito na may pinagdadaanan siya. Niyakap siya nito at inalalayang makaupo sa sofa pagkatapos ay iniwan siya ng kaibigan at pagbalik ay may dala na itong isang tub ng Rocky-road ice cream. "Ang sakit Yana. Ang sakit-sakit!" Humahagulgol pang sabi niya. "Kung pwede ko lang bawiin 'yung mga sinabi ko kanina para hindi ako nagmukhang tanga, gagawin ko. Kaso lang kahit bawiin ko 'yon, hindi naman magbabago yung nararamdaman ko para sa kanya e." "Ganun talaga, nagmamahal ka e." Naupo sa tabi niya si Yana at pinisil ang mga kamay niya. Kumuha si Porche ng tissue at saka buong lakas na sumingha. Napasimangot si Yana pero hindi na lang siya nagsalita. "Ang sabi mo sa 'kin noon, kung ano man itong nararamdaman ko para kay Mackie, ituloy ko lang. Kung anuman ako sa buhay niya bago bumalik si Portia, edi ganun pa rin. Pero paano 'yun, Yana. 'Ni hindi ko alam kung ano ako para sa kanya. Baka nga sa mga oras na 'to, pinagtatawanan na nilang dalawa ni Portia ang katangahan ko." "Hindi naman siguro." Pagtatanggol ni Yana sa lalaki. "Hindi ang tipo ni Mackie ang gagawa nang ganun." Alam ni Porche na hindi nga kayang gawin ni Mackie ang mga ibinibintang niya pero ano pa bang magagawa niya? Hindi naman ata pwedeng sarili niya lang ang sisihin niya. May part din si Mackie kung bakit siya umabot sa ganun. Kung hindi lamang ito nagpakita ng interes sa kanya, hindi mahuhulog ang loob niya. "At saka, hindi ka tanga. Kaya tigilan mo ang kakasabi n'yan at kota ka na. Matalino ka, Porche. Isa ka sa pinaka-genuine na taong nakilala ko." Pagpapalakas pa nito sa loob niya. "So, ano nang plano mo ngayon? Bukod sa pag-ubos n'yang isang tub ng ice cream?" Inirapan niya lang si Yana at itinuloy ang pag-scoop ng ice cream sa tub. "Babalik na lang ako sa Zambales. Magpapa-reassign ako sa Ibang lugar. Kahit saan, basta malayo dito, malayo kay Mackie." "Hindi ba masyado namang padalos-dalos yang desisyon mo, Baks? Bigyan mo naman ng chance magpaliwanag 'yong tao. Baka nagulat lang siya sa revelation mo kaya hindi siya agad nakasagot." "Nabigla? Mukha niya. Hindi ko naman sinabing buntis ako, paano siya mabibigla?!" Napabuntong-hininga na lang siya. "Buo na 'yong desisyon ko, Yans. Hindi na ako kailangan dito. Isa pa, Hindi na ata kakayanin ng puso kong makita na naglalampungan sila sa harapan ko. Baka may mahawakan akong matalim na bagay e, maibato ko lang sa kanya." ---- "KADARATING ko lang, ikaw naman itong aalis." Nagkibit-balikat lang si Porche sa sinabing 'yon ni Portia. Ang kakambal ang dahilan kung bakit siya nagdesisyong magbakasyon sa Metro pero ngayon, ito din ang dahilan kung bakit gustong-gusto na niyang lumayo. "At saka, akala ko ba one month ang bakasyon mo?" Hindi pa rin niya ito sinagot, bagkus ay nagpatuloy lang si Porche sa pag-aayos ng mga gamit niyang ikinalat niya sa kama. "May problema ba tayo, Gian?" Saglit na natigilan si Porche sa ginagawa. May problema sila-No, siya lang ang may problema dahil nagkagusto siya sa boyfriend ng kakambal niya at ang unfair naman ata na ibuhos niya dito ang sama nang loob niya gayung clueless si Portia sa mga pangyayari. "Wala, Portia. Wala tayong problema." Naramdaman niyang naupo si Portia sa kama pero hindi niya pa rin ito nilingon. Kulang ang salitang nagu-guilty siya sa mga pangyayari- "Okay, let me rephrase it, may problema ba kayo ni Mackie? Kase kame, kahit hindi niya sabihin, alam kong meron kaming problema." Tinignan niya ng maigi si Portia. Ngayon niya lang napansin na namamaga ang mga mata nito. "Anong ginawa sa'yo ni Mackie? Sinaktan ka ba niya?!" Pansamantalang nawala lahat ng tampong nararamdaman niya kay Portia at napalitan 'yon ng pag-aalala. "None that he's aware of." Portia patted the space beside her urging Porche to sit down na wala naman siyang choice kundi ang gawin. Ngayong nakuha na ni Portia ang atensyon niya, Porche doubted kung makakatakas pa siya sa mapanuring mga mata nito. "So ano nga? May problema ba kayo ni Mackie?" Naisip ni Porche na magsinungaling, na sabihing wala naman silang problema ni Mackie pero bakit pa? Kung si Portia na mismo, nakakahalata at nagtatanong na? Porche braced herself. Nakita niya na sa isip niya ang mga senaryong pwedeng mangyari. Baka kaladkarin siya ni Portia palabas ng bahay, tapos ibitin siya ng patiwarik nito. "I think- no, I'm Inlove with Mackie." -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD