SIX

2073 Words
"Porche.." "Oh, ano na namang kailangan mo?" Nakasinghal na tanong ni Porche para pagtakpan ang kilig na nararamdaman. Parang matik na ata talaga na nagsa-somersault ang puso niya everytime he's near. "Galit ka ba sa'kin?" Napasimangot si Porche. 'Yon nga e, hindi niya magawang magalit kay Mackie at hindi naman talaga siya dapat magalit dito dahil lang sa nakita siya ng mga magulang nitong nakadapa sa lamesa. "Hindi." "Weh." "Hindi nga." "Eh, 'bat ayaw mo 'kong tignan?" Pinilit niyang tignan ng deretso si Mackie but she failed. Agad din kase siyang nag-iwas ng tingin dito matapos niyang masilayan ang makalaglag-panting ngiti ng lalaki. "Bakit hindi ka makatingin nang diretso sa'kin? Uy, inlove ka na sa 'kin, noh?" Pang-aasar pa nito sa kanya. "Mukha mo." Sagot niya na lang. Alangan namang aminin niya na 'Oo, Mackie, Inlove na nga ako sa'yo.' Edi mabilis pa sa alas-kwatro nanakbo palayo ang lalaki. "Alam mo, okay lang naman umamin e. Sanay na 'kong may mga babaeng nagkakandarapa para lang makuha 'yong atensyon ko." Inakbayan pa siya nito sabay kindat. Sa dalawampu't-anim na taong ni Porche sa mundong ibabaw, ngayon lang siya nakaramdam nang ganung klaseng kilig na pati ang sarili niya mismo, hindi kayang ipaliwanag. "Ang kayabangan mo, overloaded na ha. H'wag ka ngang magsasasama kay Lukas, contagious ata ang sakit na kayabangan at nahahawa ka na." "Hindi naman ako nagmamayabang, I'm just telling the truth, the whole truth and nothing but the truth pero ayaw mo naman akong paniwalaan." Kumikibot pa ang mga labing sabi nito na parang nagpapa-bebe pa kay Porche. "Heh. I-kwento mo sa pagong." Biglang lumakas ang ihip ng hangin kaya naiyakap ni Porche ang mga braso niya sa katawan niya. Nandoon ulit sila sa overlooking na pinagdalhan sa kanya ni Mackie dati, pero hindi kagaya n'ong nakaraan, mas maraming stars, para kay Porche mas romantic ang ambiance. "Nilalamig ka?" "Konti lang." Kibit-balikat na sagot niya kahit sa totoo lang e halos manginig na siya sa lamig. "Halika nga dito," Kinabig siya nito papalapit saka ipinatong ang sarili niyang mga kamay sa kamay ni Porche na animo'y nakayakap din ito sa kanya. Amoy na amoy tuloy ni Porche ang panlalaking pabango nito at wala 'yong magandang naidudulot sa sistema niya. She wanted to snuggle closer, to bury her face on his neck and inhale his scent pero natatakot din siya na baka kapag ginawa niya 'yon ay mahalata ni Mackie at sabihan pang m******s siya. "B-bakit hindi mo na lang isuot sa'kin 'yong jacket mo?" Halos maihi na sa kilig na tanong ni Porche. Halos parang gusto ng lumabas nung puso niya sa dibdib niya sa sobrang bilis ng pagtibok no'n at alam niyang naririnig din 'yon ng lalaki at laking pasalamat na lang niya na hindi na ito nagkumento pa tungkol d'on. "Ayoko nga. Edi ako naman ang nilamig." Sagot nito saka mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya. "Porche," "Hmmm.." "Naranasan mo na bang matulog tapos biglang magising na para kang may hinahanap na hindi mo naman maintindihan kung ano?" "Huh?" Pilit niyang tinanggal ang kamay nito sa katawan niya para maharap ang lalaki pero ayaw siya nitong pakawalan. "Yung feeling na.. Para kang naglalaro ng Pokemon Go, alam mong may pokemon sa paligid pero hindi mo alam kung ano at kung saan mo makikita?" "Ano namang klaseng tanong 'yan? Pati Pokemon dinamay mo, Sabog ka ba?" "Ano ka ba naman Porche, nagtatanong ako ng maayos, tapos tatanungin mo kung sabog ako?" "Eh, kung ano-ano naman kase ang lumalabas d'yan sa bibig mo e. Pokemon Go ka pa d'yan, Hindi ko alam kung nalipasan ka ng gutom o nae-empacho ka na kaya ganyan ka mag-isip." "Seryosong tanong nga kase 'yon.. Ginamit ko lang 'yon na example. Sagutin mo naman ng maayos!" Umayos nang upo si Porche at tumingin siya sa malayo. "Naalala ko dati, ang sabi ng Lola ko, may isang bata daw na nagtanong sa Nanay niya kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pag-ibig. Pinapunta nung Nanay 'yong bata sa loob ng minahan para kumuha ng isang bagay na sa tingin niya ay mas importante. " Ramdam na ramdam ni Porche ang mga mata ni Mackie pero hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy niya na lang ang pagsasalita. "Bumalik 'yong bata sa bahay nila na walang dalang kahit ano. Tapos tinanong ng Nanay niya kung bakit wala siyang dala, ang sagot niya 'May nakita po kase akong diyamante pero hindi ko pinansin dahil naghahanap ako ng ginto.'" Bumuntong-hininga siya. "Ako naniniwala ako na minsan may mga taong walang ibang ginawa kundi ang maghanap ng maghanap ng "Mas" dahil naka-program na sa utak nila na 'yung "mas" ang gusto nila without even knowing na 'yung kailangan nila ay nasa harapan lang nila." "Diamonds are far more precious than gold." "Marami ang nasisilaw sa ginto, dahil hindi nila alam mas mahalaga ang diamonds kesa d'on." "Yon siguro ang dahilan.." "Nang ano?" "Buong buhay ko, ginto ang nakapalibot sa'kin, kaya siguro sobrang naa-attract ako sa diamonds ngayon." He said while intently looking at her. Parang nanuyo ang lalamunan ni Porche sa sinabing 'yon ni Mackie. Siya ba ang tinutukoy nitong diyamante? Siya ba? Diyamante ba siya sa paningin nito? "S-so.. Nahanap mo na ba siya?" "Yong diamonds, 'yong tunay na pag-ibig o si pikachu?" "Huh?" Tila nalilitong sagot niya. "'Yun kase 'yong ginamit mong example e. Ikinumpara mo ang tunay na pag-ibig sa diamonds. Ikinumpara ko yung nararamdaman ko kay Pikachu." He said teasingly. Hindi na nagawang makasagot ni Porche bagkus ay tumango na lamang siya. Hindi niya na kase maintindihan kung anong pinag uusapan nila. "I don't know, yet. All I know is, I think I finally found what I've been looking for." --- Para pa ring nasa cloud9 si Porche matapos siyang ihatid ni Mackie sa bahay. He even kissed her. Hindi biglaan, hindi para patahimikin siya, kundi para.. Para mag-goodnight. Alam ni Porche na walang malisya sa lalaki 'yon pero sige, sabihin na lang na malisyosa siya dahil para sa kanya, may ibig sabihin ang halik at ang mga yakap ng lalaki sa kanya. "Para kang lumulutang d'yan a. Wala ka pang balak matulog?" Tanong ni Yana na may mud pack pa sa mukha. "Hindi ako makatulog e." Nakatanaw pa rin sa labas na sagot niya. Ilang minuto nang wala ang lalaki pero ramdam na ramdam pa rin niya ito at nakadikit pa rin sa katawan niya ang panlalaking amoy nito. "Iniisip mo pa rin siya?" "Hindi. Hindi na nga siya mawala sa isip ko." At 'yon ang isang malaking problema niya. Na kahit anong gawin niya, hindi niya magawang alisin ang lalaki sa Isip niya. "Naku Baks! Malala na 'yan. Alam na ba niya?" Umiling si Porche at humarap kay Yana. "Hindi ko pwedeng ipaalam sa kanya, Yans. Baka kapag nalaman niya, bigla na lang niya akong layuan. Worst, baka sabihin niya pa kay Portia na pinagtatangkaan ko siyang agawin, edi lalong nagkalamat 'yong relasyon namin ng kakambal ko." Kibit-balikat niyang sabi. "Atsaka, ikaw na din naman ang nagsabi 'di ba? Go with the flow lang." "Oo nga, pero hanggang kailan mo kayang itago 'yang nararamdaman mo para sa kanya? Hinay-hinay Baks, baka hindi mo na mapigilan, sumabog na lang 'yan basta." "Alam ko ang ginagawa ko, I'm capable of keeping my emotions in check." --- Kinaumagahan ay magkasama ulit sila ni Mackie sa pamamasyal. Napilit siya ng binata na turuang sumakay sa kabayo pero kahit anong gawin niya ay hindi sila magkasundo nung kabayo. Sa huli ay isinakay na lang siya ni Mackie sa unahan ng kabayo niya habang naglilibot sa Xavier village. "Sa Inyo 'to?" Amazed na tanong ni Porche. Alam niyang mayaman ang pamilya ni Mackie pero hindi niya alam na ganito pala sila kayaman na halos pagmamay-ari na ng pamilya nito ang karamihan sa mga business establishment sa Metro, including this small ranch in the center of town. "Hindi. Kila Daddy 'to." And she likes the way he stayed humble sa kabila ng mga bagay na meron siya. Gusto niya din ang pagiging nuknukan nito ng yabang. Hell, Lahat na ata ng bagay tungkol sa lalaki ay gusto ni Porche. Everything. "Edi sa'yo nga." "Hindi nga. Kay Daddy 'to. Birthday gift sa kanya ni Mommy last year. Lumaki kase kaming magkakapatid na hindi nasusunod ang luho. Kapag may gusto kaming isang bagay, kailangan naming pagtrabahuhan. The only luxury we had was studying in a well-known school- na board member si Dad at may thirty percent discount pa dahil scholar ako. Nagbabaon pa nga ako ng lunch para lang makaipon ng pambili ng phone nung college ako e." Natatawang sabi ni Mackie. Ine-expect ni Porche na kapag nilingon niya ang lalaki ay makikita niyang nakasimangot ito ngunit laking gulat niya na lang ng makita na may ngiti sa mga labi nito. "Your parents must be proud of what you've became." "You think so?" "Oo naman. 'Pag nagkaanak ako, ganun din ang gagawin ko. Kapag nagka-anak ka, maswerte sila kase disiplinado ang Papa nila. " Tinanggal ni Mackie ang kanang kamay niya sa lubid nung kabayo at inihapit 'yon sa bewang ni Porche. "Kapag nagkaanak tayo, maswerte sila dahil ikaw ang Nanay nila." Nahigit ni Porche ang paghinga niya dahil sa statement na 'yon ni Mackie. Ayaw niyang umasang magkakagusto sa kanya ang lalaki pero hindi niya mapigilang mag-eexpect. Na isang araw, magising na lang siyang siya na ang mahal nito. Tumigil sila sa isang malawak na bakanteng lote may mga tanim na iba't-ibang klase ng halaman at punong hitik na hitik sa bunga at inalalayan pa siya nito pababa. "Ito.. sa'kin 'to. Dito ko ipapatayo ang dreamhouse ko. Dito ko ititira ang mag-ina ko, pero since na-traffic ata sila, tinaniman ko muna. Dagdag investment din 'yan, ah." "Ang tagal na kitang kilala pero hindi ko pa alam kung anong trabaho mo. Teka.. May trabaho ka ba?" Tanong ni Porche pagkatapos niyang singhutin ang hangin. Malamig din sa lugar na 'yon dahil natatakpan ng mga puno ang sinag ng araw. "Kakasabi ko lang kanina na lahat ng gusto namin kailangan naming pagtrabahuhan tapos itatanong mo pa sa'kin kung may trabaho na 'ko?" Nakangiting pang-aasar pa nito sa kanya. "Ibang klase ka talaga, Porche." "Eh, araw-araw kang nasa bahay ko. Alangan namang night-shift ka sa call center edi dapat mas lalong hindi kita nakikita sa bahay o kaya para ka nang zombie sa laki ng eyebags. Teka.. Oh my god! H'wag mong sabihing drug p****r ka!" "Tumigil ka nga, babatukan kita d'yan e." "Ay, mananakit ka pa! Hala! Tama ata ang hinala ko n'un, serial killer ka ata!" Napalayo nang wala sa oras si Porche kay Mackie. "Kuya, h'wag po. Bata pa 'ko!" "Sa gwapo kong 'to, iisipin mong killer ako?" "Looks can be deceiving kaya." Dinilaan niya pa ito at nanakbo palayo sa lalaki. May kakaibang kaba na nararamdaman si Porche habang malayo pa si Mackie sa kanya. Para siyang maiihi na hindi niya maintindihan. Alam niya da sarili niyang hindi magtatagal ay mahuhulog na siya nang husto sa lalaki at mali 'yon. Kahit saang anggulo mo pa tignan, maling-mali na mahalin niya ang lalaki pero mapipigilan niya ba 'yon? "I love you o mahal kita?" Namula nang husto si Porche sa tanong na 'yon ni Mackie matapos siya nitong masundan sa malawak na taniman ng mangga. Hindi niya alam kung kailangan niya bang sagutin ang tanong ng lalaki o baka naman nagkamali lang siya ng dinig sa sinabi nito. "Uy, Porche, tinatanong ko kung anong mas maganda pakinggan. 'Yong I love you o 'yong mahal kita?" "Syempre mahal kita-I mean 'yong mahal kita. Parang mas sincere kase pakinggan. Yung I love you ang common na masyado e." "So, mahal mo 'ko-" "Yeah." Wala sa sariling sagot ni Porche. "-ang mas maganda pakinggan?" Natigilan silang pareho nung ma-absorb ni Mackie 'yong sinabi n'ya. "Ano?" "A-ano.. mas- mas sincere nga pakinggan 'yong mahal kita," Ilang beses pang napalunok si Porche- "kaya, yeah. yeah ang isinagot ko." "Akala ko pa naman mahal mo na talaga 'ko. Umasa pa naman ako." Inilagay pa nito ang kanang kamay sa tapat ng dibdib niya at umarteng nasasaktan. "Sus. Puro ka talaga kalokohan. Iuwi mo na nga lang ako." Nauna na siyang lumakad pabalik kung saan itinali ni Mackie 'yong kabayo nila para maitago ang pamumula ng mukha niya dulot ng mga salitang binitiwan niya. Gusto nang sabunutan ni Porche ang sarili dahil sa kagagahan niya. Kung bakit ba naman kase hindi niya nalagyan ng preno ang bibig niya e. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD