FIVE

2836 Words
'Mukhang kailangan ko talagang I-research ang family tree nila Mackie a,' sa isip-isip ni Porche habang pilit niyang inaalala ang mga pangalan ng mga taong nasa paligid nila. Mackie said it was just a family dinner pero hindi naman niya ine-expect na napakarami pala ng kino-consider nilang "family." "Iha, okay ka lang ba?" Nakangiting tanong sa kanya ng Mommy ni Mackie. Iniisip ni Porche kung alam na ba ng mga ito na hindi siya ang girlfriend ni Mackie kaya hindi niya alam kung paano makikitungo sa kanila. Ang sabi lang sa kanya ng lalaki ay umakto lamang siyang malambing sa kanya. "Okay lang po, Tita Yngrid. Happy anniversary po pala ulit," Pa-beso siyang hinalikan ng babae at bahagya pa nitong pinisil ang bewang niya dahilan para mapapitlag siya. Hindi niya alam kung hobby lang ba talaga nila ang mamisil ng hips pero pakiramdam niya ay lamog na lamog na ang hips niya sa kakapisil na lalo lang nakadagdag sa sakit na dulot ng pagkadulas niya sa tub. "Thank you. Teka, nasaan na ba si Makoy? Bisita ka niya, hindi ka niya dapat iniiwanan dito." "Naku, okay lang po. Sanay naman akong mag-isa." Pag-e-emote niya pa. Sa isang gilid ay matamang pinagmamasdan ni Mackie ang dalagang kasama niya at hindi nakaligtas sa mga mata niya ang sari-saring emosyon na parang mga credits sa hulihan ng pelikula na bakas sa mukha ng dalaga. She rarely smiles genuinely. Minsan pakiramdam ni Mackie ay napipilitan lamang ang dalaga na ngumiti, dahil kailangan. Alam niya na din na kanina pa ito napapangiwi sa tuwing may humahawak sa hips niya. "Son," Nilingon niya saglit ang ama bago niya Ibinalik ang tingin kay Porche. There's something different about her. Something different about the way he feel. Something he can't quite name, yet. Sure it wasn't love. He's not inlove with Porche. This is not the way he felt for Portia but this one is stronger. Unexplainable. "Is she the one?" Nabaling ulit ang tingin niya kay Liam at lalo niyang ipinagtataka ang kakaibang ngiti nito habang nakatingin sa Mommy niya at kay Porche. "I mean, she's your girlfriend, right? Siya na ba?" "Oh, no, Dad. She's not my girlfriend. Her twin sister, that's my girlfriend." Pagpapaliwanag niya. Hindi ba dapat sinabi niya na lang sa Daddy niya na si Porche nga ang girlfriend niya rather than denying it para makaiwas sa napakarami nilang tanong? "I see.. so, anong ginagawa ng twin sister ng girlfriend mo dito?" Takang tanong ni Liam sa kanya. "Siya din ba 'yung isinama mo sa bahay last time?" "Yeah." "H'wag mong sabihing ginagamit mo siya!" Mariing tanong ni Liam sa kanya. Ramdam na ramdam ni Mackie ang biglang pagbabago ng Daddy niya. His calm demeanor can deceive those who can't hear them but the way his voice raised an octave didn't fool Mackie. His father taught him to respect girls and not to play with their feelings. "God. No. Daddy, mukha ba akong manggamit?" Guilty niyang sagot at tanong. Hindi ba't yun talaga ang unang intensyon ni Mackie noon? Ang gamitin si Porche para magpanggap bilang si Portia? Para hindi siya mapahiya sa mga kaibigan niya, sa pamilya niya? Pero bakit parang habang pinagmamasdan niya ang babaeng masayang napapaligiran na ngayon ng Mommy at ng mga Tita n'ya, parang hindi na 'yun ang intensyon niya. He really wanted to see her genuine smile. Hindi na lang palabas. Hindi na lang siya nagkukunwaring totoo na ang pakikitungo niya sa babae para pumayag si Porche sa gusto niya. May kurot na sa dibdib niya sa tuwing nakikita niyang nasasaktan si Porche kapag pakiramdam niya naikukumpara siya sa kakambal niya. "I really wanted to say yes dahil believe me, nakita ko na 'yan. Papunta ka pa lang, pabalik na ako pero dahil anak kita, I'll say no. Naniniwala akong hindi mo siya ginagamit. I wanted to see the best in you. Gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na alam mo ang ginagawa mo. Na pinalaki kitang maayos kaya alam kong gagawin mo kung ano ang tama. Na alam mo kung ano ang tama." Ipinatong nito ang braso niya sa balikat ni Mackie at hinila siya pabalik. "Matanda ka na naman, Mackie. Just make sure na wala kang masasaktan sa mga ginagawa mo." Lalo naman siyang kinain ng guilt sa mga sinabing 'yun ng daddy niya. He swallowed the lump on his throat. Alam ni Mackie kung ano ang pinaghuhugutan ng daddy niya. Either that o nahawa na din ito sa ka-abnormalan ng Tito Brad niya. "Daddy," sabay silang napatingin kay Pia. "Princess," "Ate Aia and Kuya Rylie is asking for everyone's presence. Sabi nila they have an important announcement to make. " Naramdaman ni Mackie ang biglang pagbabago ng mood ng kanyang Ama. Hindi pa rin kase nito natatanggap ang katotohanang bigla na lang nagpakasal sila Amaia at Rylie ng hindi nagpapaalam sa mga magulang nila. His parents said it was a dumb thing to do pero para kay Mackie, what his Ate and Rylie did was an act of bravery. Dahil naging matapang sila at hinarap nila ang totoo. It takes enough courage to fight and act for what they feel. Kahit alam nilang maraming hindi sasang-ayon sa desisyon nila. Gusto niya ding gawin yun. Ang magkaroon siya ng lakas ng loob na hanapin si Portia. Ang tanungin ang kasintahan tungkol sa mga bagay tungkol sa kanilang dalawa pero hindi sigurado si Mackie kung handa ba siya sa mga maririnig na sagot galing sa dalaga. He may act all playful in front of everyone especially Porche, he may act as if he's still looking- sabi nila mahirap daw hanapin ang taong ayaw magpahanap- pero deep inside, hindi pa siya handa. Hindi na nga rin siya sigurado kung tatanggapin niya ulit si Portia sa buhay niya at that's what he's afraid the most. "Go to your Mom, Princess.. Susunod na lang kami." Ilang minuto nang nakapasok sa loob ng bahay ng mga Guevarra ang mga tao pero nanatili pa rin silang mag ama sa may garden. Hindi naman magawang iwan ni Mackie ang Ama na parang napaka lalim ng iniisip. "Hindi pa ba tayo pupunta dun sa loob, Dad?" Tanong ni Mackie. Isang malalim na buntong-hininga lamang ang isinagot sa kanya ng Ama bago ito hindi na ulit umimik. "Parang ayaw kong pakinggan kung anong sasabihin ng Ate Aia mo a." Natatawa pang sabi niya. "Malay mo naman, Dad, baka I-announce nila Ate na magkaka apo ka na." "Kaya nga ayaw kong marinig e." Huminga ulit siya ng malalim. "Damn, I feel so old na." Nakasimangot pang dugtong nito. "When I was your Ate Aia'a age, hinaharot ko pa lang ang Mommy mo-" "Hanggang ngayon naman Dad, hinaharot mo pa din si Mom, e." Pagbibiro pa ni Mackie. Ayaw niyang pag usapan kung anong ginagawa ng mga magulang niya kapag silang dalawa lang pero mas ayaw niya yung idea na bothered ang Daddy niya. "What can I say? Your Mom is a walking temptation I just can't resist." Ngiting-aso pang sagot nito sa kanya. "Yuck Dad! Ang baboy mo magsalita!" Nakasimangot niyang sabi. At least napatawa niya ang Ama. "Pumasok na nga lang tayo 'dun. Baka ikwento mo na naman yung sexcapade n'yo ni Mommy sa likod ng kurtina dun sa Cebu." He shivers at the thought. "At saka, okay lang naman kahit tumatanda ka na e, hot ka pa rin naman, Dad. Sa'yo ako nagmana e." "'Yan ang gusto kong marinig e. Anong gusto mo?" Nakangiti nang sabi nito. Mackie took a deep breath. "Sports car, Dad. 'Yung red." Mackie said, challenging his dad. Lumaki mang may gintong kutsara sa bibig ay hindi tinuruan ni Liam ang mga anak niya na maging maluho. Kung anuman ang meron sila, at kung ano man ang gusto nila, they'll have to work for it. Kaya laking gulat niya na lang ng biglang sumang-ayon ang Ama. "Okay. Expect it at your parking garage next week." "Seriously?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Mackie. Na-eexcite siya. Oo. Pero kailangan niya munang masiguro na hindi nagbibiro ang daddy niya at hindi din mali ang pagkakarinig niya. "Seriously. As long as you keep saying I'm the hottest Dad in front of your Titos face. Hmmp-" Napaigik si Liam nung bigla siyang dambahan ng anak. "Thank you, Daddy! Gusto mo I-video ko pa at Ipakita sa kanila-" "No need, son." Natatawang piit ni Liam sa tuwang-tuwa na anak. "Damn. I should have asked for Lamborghini Veneno Roadster instead," "Yan naman ang kahit anong sabihin mo, na ako ang pinaka-hot at pinaka gwapong Daddy sa mundo, hindi ko ibibigay 'yan sa'yo." "Kahit idagdag ko pang ikaw ang pinaka magaling pagdating sa performance at saka ikaw ang may pinaka malaking sandata sa kanila?" Pangungulit pa ni Mackie. When was the last time they had this kind of talk? Yung tipong chill lang? Magmula kase nung pumutok ang balita tungkol sa s*x video ng Ate Aia niya, naging seryoso at overprotective na ang Daddy nila. Even his Titos. Kailangan daw nilang maging maingat at h'wag basta-bastang magtitiwala sa Ibang tao. They think, it has something to do with the fact that someone's been trying to ruin the empire. Saglit na natigilan si Liam. He seems to consider Mackie's proposal and Mackie became hopeful but Liam shook his head and place his hand on his son's shoulder. "Your Mom knows what I am capable of doing inside our room... or in the closet, the kitchen, the garage-" Tumikhim si Liam nung narealize niya kung anong mga sinasabi niya. "Anyways, you know the rules. If you want it, work for it-" "Kahit sabihin ko pa kay Tito Louie na narinig kong pinag uusapan nila Mommy at Tita Celine before na mas magaling ka pa sa kanya?" "Pwede naman nating pag-usapan 'yan." Ngiting-aso ulit na sabi ni Liam. Natawa ng malakas si Mackie. Konting sulsol pa, makukuha na ata niya ang hinihingi sa ama. "But seriously, 'Wag mong sasabihin sa Tito Louie mo 'yun. Baka mag-amok e. Okay na 'yung alam natin na mas mahusay ako sa kanya. Now, move, baka magbago pa ang isip ko ay pati yung sports car mo e, makalimutan ko." ---- "Uy Porche, okay ka lang?" Tipid na ngiti lang ang isinagot niya kay Mackie. Masakit na talaga ang buong balakang niya. Hindi alam ni Porche kung gaano kalaki yung pasa niya pero may hinala siyang mas malala pa 'yun sa inaakala niya. She wasn't able to take a good look at it since nagmamadali nga siya at baka makita yun ni Yana at kung ano-ano pang sabihin sa kanya. "Mackie, pwede na ba akong umuwi?" Nakadagdag pa sa discomfort na nararamdaman niya yung 4 inches na stiletto ni Portia na pinilit ipasuot sa kanya ni Yana para mag-match daw sa damit na sout niya at sa kulay ng mga mata niya-whatever that means. "Hindi naman na siguro nila mahahalata na umalis na ako 'di ba? Busy naman sila sa Ate mo." At gusto na niyang magpalit ng damit. Gusto na niyang tanggalin yung dress na suot niya at palitan ng hello kitty shirt na pantulog niya at mahiga sa hello kitty niyang kama katabi ang hello kitty niyang stuffed toys. "Bakit ka ba nagmamadali, baby? Baka hanapin ka nila sa akin.. ano na lang ang sasabihin ko? That my date ditched me?" He gave her a puppy dog eyes that made her heart skip frantically. "OA ka ha." She playfully slap his arm. Naramdaman niya tuloy kung gaano katigas yung braso nito. "Gusto ko na lang kaseng magpahinga. Sumasakit na yung paa ko sa letcheng sapatos na 'to, kailangan ko pang tignan at lagyan ng yelo 'tong balakang ko.." "Why? What happened?!" Biglang naging seryoso ang mukha nito. Porche even saw genuine concern written all over Mackie's face that made her almost want to kiss him on the dance floor. Almost. Dahil wala naman dun dance floor. Patawa. "Wala.. Nadulas lang ako sa bathtub kanin-" "f**k!" Sigaw ni Mackie na ikinabigla ni Porche. She look around them, wanting to make sure that him shouting did made a scene. "Do you know how many bathtub accident related death there is? Bakit ba naman kase nag bathtub ka pa?" Gustong matawa ni Porche sa pagka O.A nito pero dahil napaka-seryoso ng mukha ng binata, hindi na niya ginawa. "Na-check mo na ba 'yan? Bakit kase hindi mo sinabi agad!" Parang batang pinagsasabihan ng Ama si Porche. "Hindi pa nga. Nagmamadali kase si Yana-- Mackie!" Hindi na naituloy ni Porche ang sasabihin niya dahil nagawa na siyang hilahin ni Mackie papasok ng bahay nila. "Kuya!" "Mackie!" At hindi din pinansin ni Mackie na tinatawag siya ng mga magulang niya as he drag Porche into his Dad's home office. "Dumapa ka.." Mackie said, pushing her shoulders to lie on the table. "Mackie ano bang problema mo?!" Hindi naman sa natatakot si Porche sa pinapagawa sa kanya ni Mackie, its just that, its a ridiculous request. "I need to see your waist Porche, h'wag ka nang makulit!" "Ka-kaya ko nang gawin 'yun sa bahay-" "Just do what I said, dammit!" Natulala si Porche sa inaasta ni Mackie. Ano bang ikinagagalit ng lalaki? He push her again pero nagmatigas pa rin si Porche. "Darn, woman! Mahirap ba yung pinapagawa ko?!" "Aba Guevara, akala mo ba madali lang tumuwad sa harapan mo?!" Namumulang tanong ni Porche sa hiya. "Wala namang malisya yung gagawin ko ah? Bakit ba napaka big deal sa'yo?" Bakit ba parang napaka natural lang kay Mackie na hilingin sa kanya ang mga bagay na 'yun? "Parang nanghihingi ka lang ng kendi a. Hoy! Let me remind you, you're asking me to bend over." "Syempre naka dress ka. If you're only wearing pants, I wouldn't ask you to bend. I'll just pull your pants down." She gasped. Images of him pulling her pants down invaded her mind. And It is doing crazy things to her. "Porche, kailangan kong makita 'yan. Maybe it's already swelling kaya kanina ka pa ngumingiwi tuwing nababangga yang hips mo." "Nakita mo?" She was amused with the fact na nakita ni Mackie ang discomfort na nararamdaman niya, sa tuwing nahahawakan o nasasanggi ang hips niya, something his other family members-including Lucas and Xander- didn't seem to notice. "Every. Single. One." He sharply said. Mackie push her upper body to lie on the table and Porche unconsciously followed his pursuit. Hindi naman siya mananalo sa lalaki e. She gasps as she felt him kneel behind her, his raged hot breath against the back of her knee. He slowly push the hem of her dress up, pull the strap of her undies slightly down and she fought the urge to push his hands away. Mackie caress the bruise part on her waist down, silently cursing. "Namamaga na 'to Porche." Parang hindi na marinig ni Porche ang sinasabi ng binata. How can she when all she can think of was the way his fingers roam her body, how expose she is and how her traitorous body reacts to his touch. "Nakikinig ka ba?" "Hmmm.. aahh.. o-oo.." Porche stutter. "This needs ice-" "I know what I have to do. You don't have to tell me." She tried to get up. Pero bago pa man niya nagawang tumayo at hilahin pataas yung panty niya to save some dignity, bigla nang bumukas yung pintuan ng opisinang kinadadapaan niya. There stood on the doorway Mackie's parents and everyone whose age doubles Porche. Hindi na nagawang magreact ni Porche. She was frozen at hindi niya alam kung anong una niyang gagawin. Kung aayos ba siya ng tayo o itataas muna niya ang panty niya. Of course the table between them gave her privacy. Wala naman sigurong mag aakala na wala sa ayos ang panty niya, hindi ba? And to add the insult, biglang tumayo si Mackie from behind her. "You also need to drink medicine. Mamamaga 'yan, hell baka trangkasuhin ka pa n'yan. May kilala akong na-ospital pa dahil d'yan. Do you want me to bring you to the hospital? Masyado 'tong malaki, buti kinaya mo." Mackie kept on blabbering, unaware of the fact that they have audience. Her Mom gasp. His Dad clears his throat, drawing Mackie's attention. "Dad!" "Anong ibig sabihin nito? Anak naman, hindi na ba talaga kayang pigilan? Ilang hakbang na lang kwarto mo na, oh. Bakit kailangan sa opisina ko pa? I will never look at this place the same again." Madramang sabi nito. "Anong ibig n'yong sabihin?" Mackie seems clueless but Porche knew exactly what they mean. The table between them provided Porche the privacy she needed but it also gave his parents the illusion na kinekembelar siya ni Mackie. "Wait, did you even use protection? Not that I'm against premarital s*x or something pero pagkatapos ng pasabog ng Ate mo, ayaw kong bukas makalawa, ikaw naman ang may sasabihin sa amin." His Mom said. "Porche, iha? Gusto mo bang bukas samahan kita sa OB ko para magpa-check up?" 'Urgh. Lupa.. kainin mo 'ko, please..' Porche covered her face because of humiliation and wish that the floor would open up and swallow her whole.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD