NINE

2348 Words
"I knew it!" Pumapalpak pang sabi ni Portia na ikinagulat ni Porche. "Hindi ka galit?" "Oh, why would I? To be honest masaya pa nga ako dahil hindi na ako mahihirapang makipag-hiwalay sa kanya e." "Uhmm.." Paano ba sasabihin ni Porche na nabanggit na niya kay Mackie na ayaw na ni Portia sa kanya. "Anyways, hmm.. Congrats twinnie! Ako na ang nagsasabi sa'yo. Mackie is a good catch." Sinsero pang sabi niya. "Although nakakapang-hinayang siyang pakawalan but at least I know you're both in good hands." Halos malaglag ang panga ni Porche sa naririnig na mga salitang nanggagaling sa bibig ni Portia. Ganon na lang ba talaga kadali para dito ang bitawan ang isang tao? Para lamang siyang nagpapalit ng damit? "Ganun na lang 'yon? Pagkatapos mo siyang pagsawaan, itataboy mo siya sa'kin? Anong akala mo sa'kin, Portia? Nagre-recycle ng basura?" Hindi napigilang sigaw ni Porche. Hindi ganito ang inaasahan niyang magiging reaksyon ng kakambal sa sinabi niya. She expects her to yell, to say nasty things about her. Alam niya kung paano siya magre-react. Alam niyang kailangan niya lang humingi ng sorry at lumayo, at kalimutan ang isang buwang pag-ibig niya. Pero 'yong maging ganun katanggap-tanggap para kay Portia ang ipinagtapat niya, parang may mali. Parang hindi niya alam kung anong gagawin. "Don't get me wrong, Porche. Inamin mong mahal mo na si Mackie, alangan namang away-awayin kita dahil lang 'don? Hindi mo naman talaga mapipigilan ang feelings mo and I know, partly this is my fault. Kung hindi naman kase ako biglang umalis, hindi naman kayo aabot sa ganitong sitwasyon, 'di ba?" "Hindi mo 'ko naiintindihan e. I'm the responsible one, hindi dapat ako nagpapadalos-dalos. Hindi dapat ako naging careless.." "Well, maybe it's time you loosen up a bit. Siguro dapat, kahit minsan lang gumawa ka ng isang napaka- careless na move, 'yong tipong tatawanan mo na lang at sasabihing 's**t, nagawa ko ba talaga 'yon?'" "I'm not like you- No offense Portia." "None taken." Portia said, shrugging. "Pero hindi ka dapat maging ako nor hindi mo dapat gawin ang mga ginagawa ko. For once, gawin mo naman ang gusto mo without considering me. Without considering kung gaano kaliit o kalaki ang magiging epekto nun sa'kin o kung gaano ka na naman magiging malayo sa'kin." Sapul na sapol si Porche sa sinabing 'yon ni Portia kaya hindi na siya nakapagsalita. So napansin din pala nito ang pag-iwas niya noon pa man. "So, sigurado ka, hindi mo talaga ako aawayin?" "Gusto mo bang awayin kita?" Natatawang tumayo pa ito sa harapan niya. "Sorry to disappoint you, Porche, pero hindi mo ako evil twin sister, walang ganun-ganung moments. Nakaka-stress lang makipag-away. Nakakapangit pa." Hindi napigilan ni Porche na iyakap ang braso sa bewang ng kapatid. "Ang swerte sa'yo ni Mackie kapag nagkataon." Biglang nagusot ang mukha ni Porche sa sinabing 'yon ni Portia. "Inuuto mo pa 'ko, pa'no siya magiging swerte sa'kin, e, 'di hamak namang mas maganda at mas sexy ka." Portia snorted. "Being maganda and sexy doesn't guarantee someone of a lasting and fruitful relationship. 'Yung iba kase, dinedate lang ako para gawing trophy girlfriend. Naiinggit nga ako sa'yo e. Atleast ikaw, kapag may nagkagusto sa'yo, nagkagusto sila kay Porche. They sees you as someone worthy of their time, effort and love." "And here I am, thinking the same. Naiinggit din ako sa'yo dati kase sa atin dalawa, ikaw nga yung-" itinaas niya pa ang dalawang kamay niya sa ere "quote-unquote mas maganda, mas sexy at mas deserving." "Hindi rin. Aminado naman akong mas maganda ako sa'yo, still they see me as this dumb, barbie doll na walang alam sa mundo at umpisa pa lang alam ko nang nilalapitan lang ako dahil sa itsura ko. All they care about is where they can shove their-" "O-kay. Spg alert. Lah-lah-lah. Wala akong naririnig." Mariing tinakpan ni Porche ng dalawa niyang kamay ang mga tenga niya para hindi na marinig ang kung ano mang mga salita pa ang lalabas sa bibig nito. Parehas na parehas nga sila ni Mackie pagdating sa tabas ng bibig. "Hey, wholesome pa nga 'yong sinasabi ko e. I wasn't even on the fun part." She winked and Porche made a disgusted noise that made Portia laugh. Natigilan si Porche. Ngayon niya lang ulit narinig na tumawa si Portia ng ganun kalakas. "Seriously though, bagay kayo ni Mackie. You're compatible in a gross kind of way." Natatawa pa ring sabi nito. "Tigilan mo 'ko, Portia. Mababato kita nitong vase." Pagbabanta niya but she equip it with a smile. "Oh sige, seryosong usapan na tayo. Okay, you're in love with Mackie I knew that already, so why are you still leaving?" Hinawi ni Porche 'yong maleta niya papunta sa kabilang side ng kama para makaayos siya ng upo pasandal sa wall. "Because the feeling is not mutual. Ikaw kase ang mahal niya. Baka 'pag nakita ko siya ditong nilalandi ka e, mabato ko lang sa kanya kung anu man ang hawak ko." "What do you mean?" "Sinabi ko kaya sa kanya kahapon na mahal ko siya. Alam mo ang sagot niya? Wala. Nga-nga. Patay na bata. Tulaley." Nakasimangot na sabi ni Porche. "Magmumukha lang akong desperada kapag nag-stay pa ako dito pagkatapos ng mga sinabi ko sa kanya. Baka kapag hinarot ka niya e, bigla na lang magdilim ang paningin ko at masaksak ko siya ng wala sa oras. Teka nga pala, kung okay lang sa'yo yung pinagtapat kong pagsintang pururot kay Mackie, bakit namamaga 'yang mata mo? Iniyakan mo ba s'ya?" "Ah. No. Never. I would never cry over a guy." "Eh, bakit nga namamaga 'yang mata mo?" Pamimilit na tanong ni Porche. "Magsabi ka ng totoo sa'kin, Portia. Kung umiyak ka dahil kay Mackie, puputulan ko talaga ng kaligayahan 'yong lalaking 'yon!" "God, you're so annoying." Natatawa lang na sabi ni Portia. "'Pag namamaga ang mata, umiyak agad? 'Di pwedeng bagong gising lang muna?" "Weh?" "Oo nga. Alam mo bang kagabe lang ata ako ulit nakatulog nang mahimbing? I've been sleep-deprived since last month. Three or four hours a day lang ang tulog ko doon, minsan wala talaga kaya bumawi ako ng tulog. As soon as nakaalis si Mackie, super-duper mega beauty rest ang ginawa ko!" "Ano bang pinaggagawa mo sa Portu Rico?" Kibit-balikat lang ang isinagot nito sa kanya. Ano nga bang ginawa ng kakambal niya sa Portu Rico? She knew she's a model, pero anong ginawa nito that required her to stay for a month? Saglit silang natahimik. Alam niyang wala siyang makukuhang sagot sa kakambal kaya hindi na lang niya ito pinilit. May isang bagay lang siyang gustong-gustong itanong kay Portia. "Ikaw ba, Mahal mo ba si Mackie?" Halos hindi siya makatingin ng diretso kay Portia pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang 'yon. Paano pala kung mahal pa rin ng kakambal si Mackie? Edi lalong naging komplikado ang sitwasyon. "You know, someone once told me that love is just for weak. But at some point, I think I did love him. Kaya lang kapag nasanay kang napapaligiran ng mga taong ginagamit lang ang love para sa pansariling interes nila, ganun na din ang magiging pananaw mo. Na magiging mahina ka kapag hinayaan mo ang sarili mong mahalin ang isang tao. That's why I left. Dahil ayaw kong maging mahina sa paningin ng iba." "So, does that mean, wala ka nang nararamdaman para sa kanya?" Umiling ito at parang nakahinga ng maluwag si Porche. "Just for the record, Portia, loving someone doesn't make you weak. It does shows that you are strong. Strong enough to make choices, strong enough to make mistakes, and strong enough to give yourself to someone worthy of you." "Love doesn't work for me, Porche. Never was, never will." Again they fell in an almost comfortable silence after Portia's confession. "I'm hungry, Ate. Tara kain tayo sa labas, namiss ko ang fast food!" "Wow ha, hiyang-hiya naman ako sa'yo. Ang lakas mo maka-Ate!" "But you're older than me!" "By forty-five seconds, yes. That doesn't mean pwede mo na 'kong I-Ate." They laugh together, just like the old days. Pero kahit na naging okay na silang dalawa ni Portia, buo na ang desisyon ni Porche na umalis for her own sake. ----- ANONG ginagawa mo dito? Hindi ba dapat sa mga oras na 'to nasa bahay ka na ni Porche at nangungulit?" Hindi na niya pinansin si Lukas na dire-diretsong nagpunta sa may fridge niya para kumuha ng softdrinks. Gusto niyang pumunta doon para makita si Porche, hindi si Portia. At hindi ba parang ang unfair lang sa nobya niya na hindi ito ang gusto niyang makita? "Portia's back.." "Holy freaking he--" naibuga nito sa mukha ni Mackie ang laman ng bibig niya. "Bastos ka, hudas ka!" "Sorry Papi, nanggugulat ka naman kase e." Inabot nito sa kanya 'yong panyong amoy mandirigma na na galing sa bulsa niya. "Hayop ka talaga, ilang buwan na 'to sa bulsa mo? At saan mo ginagamit pampunas 'to?! Nananapak na ng ilong ang amoy nito ah!" Nakasimangot niyang sabi sabay bato nun pabalik kay Lukas. "You don't really wanna know.." "Yuck!" "Ang arte me nemen." Pa slang na sabi nito sabay amoy nung panyo niya at nakasimangot na ibinalik 'yon sa bulsa niya. "Mabalik tayo, bumalik na si Portia? Nice. Edi hindi ka na tigang?" "Kung wala ka ngang sasabihin matino, umalis ka na lang dito!" "Joke lang naman, Mackie. Hindi ka na naman mabiro." Naupo ito sa tabi niya sabay patong ng braso sa balikat niya. "Hindi ka ba masayang bumalik na siya? Parang pinagsakluban ng langit at lupa 'yang mukha mo e." "Masaya naman. But I'm also confused.. About my feelings, I mean. Dati hinihiling ko na sana bumalik na siya pero ngayon, " napabuntong-hininga siya. "Does it makes me the bad guy kapag sinabi kong hinihiling ko na sana hindi na lang siya bumalik? Kahit hindi na kami magkaroon ng closure? Mas gusto ko na kung ano ako at kung anong na-gain ko nung nawala siya e. Adding her to the equation.. I don't know, parang nasira 'yong balanse ng buhay ko. Parang hindi ko na alam kung saan ko siya ipapasok." "May kinalaman ba si Porche sa pagbabago ng isip mo?" Nagkibit-balikat siya bago sumagot. "Maniniwala ka ba sa'kin kapag sinabi kong hindi?" Umiling si Lukas kaya ipinagpatuloy na niya ang pagsasalita. "Yes, Porche's the reason why I'm having a change of heart. Hindi ko alam kung bakit, pero lahat ng desisyon ko, gusto ko maging pabor sa kanya." "You're inlove with her." Kumento ni Lukas. Hindi 'yon tanong. Confirmation 'yon ng nararamdaman niyang pilit niyang binabalewala. "And I'm in a relationship with her twin sister." Nahihirapang sabi niya. "Plus, itinago niya sa'kin na alam niya kung nasaan si Portia and that she already talked to her. She lied to me." "Anong naramdaman mo n'ong nalaman mo na matagal na palang alam ni Porche kung nasaan si Portia? Nagalit ka ba?" Napailing ng wala sa oras si Mackie. Kahit anong gawin niya, hindi niya magawang magalit kay Porche. He can never be mad at her, she lied to him, he felt betrayed pero hindi aabot sa puntong kamumuhian niya ang babae. "You know, technically, hindi nagsinungaling sa'yo si Porche. She didn't lied, she just didn't told you to truth. Magkaiba 'yon. Maybe she doesn't want you to hate her sister or she just doesn't want to hurt you." Napaisip si Mackie sa sinabing 'yon ni Lukas. "Do you love Portia?" "I.. Hindi ko na alam kung anong feelings ko para sa kanya.." "Gusto mo bang marinig yung iniisip ko?" "As long as related siya sa pinag uusapan natin, sige lang. Kung kagaguhan 'yan, h'wag mo nang ituloy." "For your information Mackie, matino akong kausap. 'Di naman puro ka-gaguhan ang alam ko, gagong 'to." Nakasimangot na sabi nito. "Anyways," pabaklang sabi ni Lukas na hinawi pa 'yung imaginary hair niya papunta sa may tenga niya. Gusto ng sapakin ni Mackie ang kausap dahil sa bigla na namang nagbago ang ihip ng hangin at para na naman Itong nakikipag-lokohan sa kanya. "Sa tingin ko, inlove ka kay Porche-" "Impossible! Girlfriend ko nga si Portia 'di ba?" Masyadong defensive na sabi niya. "Girlfriend mo nga, mahal mo pa ba?" Hindi na hinintay ni Lukas na sumagot siya. "I even doubt it kung minahal mo nga ba talaga siya. Infatuated siguro, I mean sino ba namang hindi mapapa-second look kay Portia e, papasa ngang pinaka sexy-ng babae sa balat ng lupa 'yon e." "Careful, girlfriend ko pa rin ang pinag uusapan natin dito." "I mean no harm naman, Mackie. Infatuated din naman ako kay Portia, maging ang kalahati ng populasyon ng lalaki sa Metro, ang pinagkaiba lang natin, you acted, habang kami, nakuntento na lang na titigan siya. Kung ako ang tatanungin mo ha, from a player's point of view, hindi ang tipo ni Portia ang nagseseryoso at sineseryoso. I know one when I see one." Naaalala ni Mackie 'yong huling mga salitang binitiwan ni Porche bago dumating si Portia. Na hindi na siya nito mahal. Nasaktan siya, pero hindi kasing sakit nun yung biglang pag-alis ni Porche. 'Yung pag-iwan nito sa kanya na hindi man lang lumingon ulit para tignan siya. "Mahal ko si Porche.." Hindi niya napigilang sabihin habang inaalala ang dalaga. The way she smile, she laughs. The way she talks, she blush, the freckles on her shoulder and way his insides melts every time he sees them. Na parang Bilibid na laging may riot ang tiyan niya at nagri-rigodon ang puso niya sa tuwing makikita 'yon. "About damn time you admit it." "Mahal ko si Porche-" "Ay, paulit-ulit-" "Mahal ko si Porche, Lukas, Mahal ko si Porche!" Hindi na nakaiwas si Lukas nung bigla siyang dambahan ni Mackie, dahilan para malaglag ito sa sahig kasama siya. "Gago ka, Paps, ipa-orthopedic mo 'ko, na-dislocate ata 'yung buto ko!" "Malayo sa bituka 'yan, ang arte mo talaga!" "Maarte talaga 'ko, gwapo ako e." Tinulak ni Lukas palayo si Mackie sa kanya para mag-inat. "Na-sort out mo na 'yong feelings mo para sa kambal, ang tanong anong gagawin mo? Ikaw na rin ang nagsabi, girlfriend mo pa rin si Portia." ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD