TEN

2098 Words
Ilang araw pa bago nagdesisyon si Mackie na pumunta sa bahay nila Portia para makipaghiwalay sa kasintahan at umaasa din siyang makikita niya d'on si Porche. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ng kambal- baka isumpa lang siya ng dalawang 'yon at ipa-salvage sa gagawin niya but he's willing to take risk. Inihahanda na niya rin ang sarili sa galit ni Porche, ang babaeng mahal niya talaga. It took him a couple of days, para lang patunayan ang nararamdaman niya at para paghandaan ang araw na 'yon. Wearing his immaculate white coat and tie, kumatok siya sa bahay ng magkapatid. Handa na rin siyang ilagan ang anumang bagay na maaaring humagis sa kinatatayuan niya sa oras na pumasok siya d'on. May dala din siyang bulaklak. Sa tatlong buwan na relasyon nila ni Portia, never niya itong nabigyan ng bulaklak samantalang si Porche, he'll do everything-kahit araw-araw pa niyang bigyan ang dalaga ng bulaklak, kausapin at mapangiti niya lang ito, gagawin niya. Namimiss na ni Mackie si Porche. Kung bakit ba naman kase siya nagpadala sa takot niya sa dalaga, edi sana matagal nang malinaw ang lahat. "Babe! What are you doing here?!" Nadismaya siya ng hindi si Porche ang nagbukas ng pintuan. He's expecting Porche and her feisty mouth. Not Portia and her cool and collected self. "Uhmm.. Ano, f-flowers for you." Alanganin siyang iniabot 'yon kay Portia na taas-kilay iyong tinanggap at ipinasok sa loob ng bahay. Palingon-lingon siya, nagbabaka-sakaling makikita si Porche. "You know, this is the first time you actually gave me flowers." Sabi pa nito habang kumukuha ng vase para paglagyan nung bulaklak. Oo nga. 'Yon ang unang beses na binigyan ni Mackie ng bulaklak ang babae at hindi pa talaga para sa kanya 'yon. "You never asked." "Do I really have to?" Natatawang tanong nito sa kanya. Portia took a deep breath. Wala naman siyang balak na makipagtalo sa lalaki. Masisira ang make up niya. "I may not be a flowers and chocolate type of girl, but I think I deserve this kind of stuff every once in a while." Natigilan si Mackie sa sinabing 'yon ni Portia. Siguro nga ay hindi humihingi ang kasintahan ng bulaklak but still it was Mackie's obligation to give her flowers. "Sorry." Nakayukong sabi ni Mackie. "Oh, don't be. Para mo naman sinabing nagmamaka-awa akong bigyan mo 'ko ng bulaklak." Natatawa na lang na sabi nito. Nagpaikot-ikot ulit ang mga mata niya para hanapin si Porche at para na din maiwasan niya ang mga mata ni Portia. "She's not here." "Huh?" "Si Porche. Alam ko namang siya ang pinunta mo dito at hindi ako 'di ba? Wala siya dito." Nagu-guilty siyang napatingin kay Portia. Baka may binili sa labas si Porche, o kaya nasa isang medical mission ito kagaya ng madalas nitong gawin. Blessing in disguise na din siguro na wala doon ang babae para makapag-usap sila ni Portia. "Paano mo naman nasabi na siya-I mean si Porche ang hinahanap ko?" Napalunok si Mackie. Even saying her name makes him shiver. "Maglolokohan pa ba tayo?" Portia said shrugging. "Hindi naman ako manhid at tanga para hindi maramdamang may nag iba." Sinubukan ni Mackie na maglakad papalapit sa babae pero itinaas nito ang dalawang kamay niya at iniharang 'yon sa pagitan nilang dalawa. "Sabihin mo nga, Mackie, kailan mo balak sabihin? O may balak ka man lang bang sabihin sa'kin? Sabagay, kasalanan ko naman kung bakit tayo humantong sa ganito. Ginusto kong lumayo para ikaw na mismo 'yong tumapos nitong kung ano man ang meron tayo. Pinabayaan kita, binalewala, but why am I feeling this empty hollow inside my chest?" "Portia-" "Patapusin mo muna ako, Mackie. Ilang araw ko ding hinintay 'tong pagkakataong 'to. Ilang araw din akong nagmuni-muni tungkol sa mga bagay na meron ako that I took for granted. Including you. Siguro naman hindi na lingid sa kaalaman mo na hindi ako 'yong tipo ng babaeng marunong magseryoso. Kaya nga sa bar tayo nagkakilala dahil hindi ako yung klase ng babaeng iiwanan mo sa isang tabi at pagbalik mo nand'on pa rin. I'm free-spirited. I wanted to do things on my own. Ayoko ng may nagdidikta sa kung paano ko bubuhayin 'yong buhay ko. Kaya nga ang plano ko, pagbalik ko, makikipaghiwalay na 'ko sa'yo. Pero nagbago 'yong isip ko nung makita ko kayong dalawa ni Porche. Wala na akong balak pakawalan ka. Totoo yung sinasabi nila na malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o tao, kapag wala na 'yon sa'yo, kapag nakita mong mas maaalagaan ng mabuti ng iba yung bagay na binalewala mo. But then again, hindi ako selfish na tao so I'm letting you go." Napansin si Mackie ang pagkagat ni Portia sa pang-ibabang labi niya para pigilan ang panginginig n'on at ang pagpatak ng kanyang mga luha. Gustong-gusto niyang yakapin at I-comfort ang dalaga pero alam niya din na hindi makakatulong 'yon sa sitwasyon. "Port--" "May isa lang akong tanong Mackie." "Ano 'yon?" "Do you love her?" Alam ni Mackie na napaka-inappropriate na sagutin niya ang tanong na 'yon ni Portia kaya tumango na lang siya ng dalawang beses at nakita niyang nag uunahang pumatak ang mga luha galing sa mata nito. Hindi na pinansin ni Mackie ang pagpiglas ni Portia, hinila niya ito at ikinulong sa nga bisig niya. "Sinabi ko kay Porche na hindi ako umiyak at hindi ako iiyak nang dahil lang sa'yo but look at me. Look at the mess i become." Humahagulgol pang sabi nito. "I've been crying since the day I saw the two of you. I know you spent the night with her, kung alam mo lang kung gaano ko pinigilan ang sarili kong magwala nung gabing 'yon because I know, I know I deserved it.. Naninikip ang dibdib ni Mackie habang pinagmamasdan ang umiiyak na si Portia pero wala siyang sinabi. Nothing he will say would be enough to take Portia's pain away. "Take care of her, Mackie. Take care of my sister." "I will, Portia." -------- "DOKTORA Abillon, ready na po ang next patient n'yo." Nakangiting sabi nung nurse sa kanya. Nasa Zambales pa rin siya, pero hindi tulad nung naunang balak ni Porche na sa isang liblib na lugar ulit mamalagi, nasa isang pampublikong hospital na lang siya nagta-trabaho. Mas okay na rin 'yon. Atleast wala na siyang dahilan pa para manatili sa Metro. 'Pag naroon kase siya ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang isipin si Mackie. At sa tuwing iniisip niya ang lalaki, napapaiyak na lang siya. Alam niyang unfair kay Portia na bigla na lang siyang umalis pero magiging unfair naman siya sa sarili niya kung hinayaan niya pa rin ang sarili niyang ma-torture t'wing magkasama sila Portia at Mackie. "Sige Nurse, tatapusin ko lang 'to. Pakihanda na lang nung mga gagamitin ko." Tinapos na ni Porche ang paglalagay nung tulips sa vase at nilagyan niya 'yon ng tubig bago inilagay sa ibabaw ng table niya. Hindi niya alam kung saan galing ang mga bulaklak na 'yon but it reminds her of Mackie. And their bittersweet memories. Ipinilig ni Porche ang ulo niya para I-clear ang isip niya. Bakit ba iniisip na naman niya 'yong taong hindi naman siya iniisip at baka sa mga oras na 'yon ay kasama na si Portia? Pagkatapos niyang isuot ang gloves at mask ay pumasok na siya dun sa stall na nahaharangan lang ng kurtina at halos atakihin siya sa puso ng makita kung sinong naghihintay sa kanya. "A-anong ginagawa mo dito?!" Hindi napigilan ni Porche ang abnormal na pagtibok ng puso niya. Nandon na naman 'yong pamilyar na pagri-rigodon ng puso niya. "Magpapa-check up. Masakit e." Pabalewalang sagot nito sa kanya. Bakit ba tila mas gumwapo ito sa paningin niya? Parang gusto tuloy ni Porche na lundagan ito at siilin ng halik. "Wa-wala bang dentista sa Metro at dumayo ka pa rito?" "Hindi naman ngipin ang masakit sa'kin e. Puso. At alam kong ikaw lang ang makakapag-pagaling nito." "Hindi ako albularyo, o faith healer lalong-lalo na hindi sa puso ang specialty ko." Mataray niyang sagot. "Check up-in mo na lang muna kase, baby girl. Natatakot ako e, abnormal 'yong tunog nung heartbeat ko. Imbes tugdug-tugdug, Porche-Porche ang sinasabi." "Tigilan mo nga ako sa kalokohan mong 'yan. Sinabi ko na sa'yo, layuan mo na 'ko." Kinikilig siya ngunit hindi niya iyon ipinahalata. Ano, magpapadala na naman ba siya sa mga matatamis na salita ni Mackie? Mahuhulog na naman siya para sa bandang huli masaktan na naman siya? Nagpupuyos ang kalooban niyang tinawag ang nurse. Ayaw man niyang gumawa ng eskandalo pero mas gugustuhin pa ni Porche na mag-eskandalo kesa makasama ang lalaking 'yon. Ang lalaking ayaw niyang makasama pero nami-miss naman niya. "H'wag ka nang mag-abala pang tumawag ng back-up, whole day akong naka-book na pasyente mo." Nakangisi pang sabi nito sa kanya. "Naka-book? Hoy h'wag kang filingero. Pa book-book ka pa d'yan. Anong akala mo dito, private hospital?" "Ako nga lang kase ang pasyente mo. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mo akong asikasuhin." "Tumahimik ka sabi e, bubunutin ko lahat ng ngipin mo ng walang anesthesia 'pag di mo 'ko tinigilan. "Go on Porche. Basta ba kakausapin mo 'ko pagkatapos." "Urgh!" Naiiritang sabi niya. Matagal nang makulit si Mackie pero mas naging persistent ito ngayon. Ano pa bang kailangan nilang pagusapan? Wala na. Hiniling na nga niya ditong tigilan na siya para sa Ikatatahimik ng kalooban niya e. "Nurse Jen- Aaaahhh!" Naitakip ni Mackie ang kaliwang kamay niya sa bibig ni Porche bago pa man ito makasigaw ng husto pagkatapos ay ipinulupot nito ang kanyang kanang kamay sa bewang ni Porche at binuhat siya paupo sa lamesa. "Kausapin mo nga muna kase ako. Putak ka ng putak d'yan e, hindi mo pa nga naririnig ang sasabihin ko. Pagkatapos mong sabihin na mahal mo 'ko, bigla-bigla ka na lang nawala. 'Ni hindi mo man lang nga inintay na sabihin kong I love you, too." "Hoy! Para sabihin ko sa'yo, trip-trip lang 'yong sinabi kong mahal kita kaya h'wag kang mag-I love you, too d'yan." Saglit na natigilan si Porche sa pagsasalita habang ina-absorb 'yung mga sinabi ni Mackie. Biglang bumilis ang t***k ng dibdib niya na halos naririnig na niya ang pagdagundong. "Anong sabi mo?" "Sabi ko, I love, uhmm.. hindi pala-" Naningkit ang mga mata ni Porche at pinaghahampas niya kay Mackie yung mask niya sa sobrang inis. "Abnormal ka talaga. Dumayo ka pa rito para lang pag-tripan ako! Ano bang akala mo sa'kin? Laruan mo? Kung wala kang magawa sa buhay mo, bakit hindi mo na lang maghiwa-hiwalayin 'yong ingredients ng 3-in-1 kesa ako ang iniistorbo-" "Mahal kita." Natigilan siya sa sinabing iyon ni Mackie. Nakagat pa ni Porche ang pang-ibabang labi niya. Hindi pa ba sapat kay Mackie yung ginawa nito dati sa kanya kaya hanggang ngayon nangungulit pa rin ito? "Walang halong biro, Porche. Mahal kita. Ayaw kong sabihin na I love you dahil ang sabi mo dati para sa'yo mas sincere 'yong mahal kita kaya mahal kita. Kung kulang pa, kung hindi ka pa rin naniniwala, araw-araw kong sasabihin sa'yo 'yon hanggang sa ikaw yong magsawa at paniwalaan mong mahal kita." "Paano ako maniniwala sa'yo ngayon kung hindi mo naman nasabi 'yon noon?" "Hindi ko sinabi noon na mahal kita but that doesn't mean na hindi kita mahal. Bigla ka na lang nawala e. Nanggulat ka pa. Tingin mo, paano ako makakapag-react ng maayos kung biglang pumasok si Portia sa eksena? Halos maihi na nga ako sa kilig nung araw na 'yon e, tapos bigla pang umurong." Hindi na napigilan ni Porche ang matawa. Ang cute kaya tignan ni Mackie lalo na't nanghahaba ang nguso nito na para bang batang inagawan ng kendi. "H'wag mo nga akong tawanan d'yan! Sinasabi ko kaninang mahal kita, hindi mo pinaniniwalaan tapos ngayon tinatawanan mo naman ako.." "Mahal mo 'ko? Talaga?" Panunukso pa niya. Itatanggi niya pa ba kay Mackie 'yon. e mas maliwanag pa sa sikat ng araw 'yong nararamdaman niya? "Mahal na mahal- "Talaga? Sabihin mo nga ulit." Ngiting-tagumpay na sabi ni Porche. "Mahal kita. Mahal na mahal. Kotang-kota na 'ko pero gusto ko pa ring malaman mo na mahal kita. M-" "Mahal din kita." "Na mahal- teka.. Pakiulit nga yung sinabi mo? Nabibingi na ata ako." Nakangiting sabi ni Mackie sa kanya. Hinila ni Porche ang lalaki papalapit sa kanya at ipinulupot niya yung legs niya sa waist ni Mackie. Hinila niya ang kwelyo nito at ginawaran niya ito ng matamis na ngiti at mapusok na halik. Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman niya nang mga oras na'yon. Para siyang nakalutang sa alapaap. "Ang sabi ko, Mahal din kita, Rexbert Marcus Guevarra."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD