-Kimberlynn- UMANGAT ang tingin ko na mayroong tumapat sa table ko. Ang isang nakangiting Angelo ang bumungad sa akin. Tumaas ang kilay ko na mayroong takang tingin kay Angelo. "Yes?" taka kong tanong. Para s'yang ewan na nakatayo lang sa tapat ko. "I have meeting with Kim?" tanong nito. Agad kong kinuha ang phone ko para tignan ang schedule n'ya ngayon; Binalik ko ang tingin ko kay Angelo ng wala s'yang meeting ngayon. "Wala," saad ko. "No, I scheduled it, I have meeting with her," saad nito sa akin. Sinundan ko ng tingin si Angelo na pumunta sa tabi ko at hinalikan ako sa labi. "Out of town, siguro ay next week na ako makakauwi," paalam ni Angelo sa akin. Dalawang kilay na ang tumaas sa akin at may halong duda na nakatingin sa kan'ya. "Kayong dalawa lang?" tanong ko. Mahina