-Nolie- "MALAYO ba 'yon?" Angela asked me. Hinahanda ko ang ilang gamit ko dahil pupunta ako sa binyag ng anak ni Sir Axton at Fay. Pangdalawang araw lang naman ang dala ko kaya isang bag lang ang madadala ko. Tinignan ko si Angela na nakaupo sa kama ko habang pinapanuod lang ako sa ginagawa ko. Madalas s'yang pumunta sa unit ko, at hindi ko alam kung bakit. "Medyo," tipid kong saad. Pagkaayos ko ng mga gamit ay balak ko maligo muna bago ako matulog dahil maaga pa ako bukas aalis. "Bakit hindi ka sumama kila kuya?" tanong ni Angela sa akin. "For?" Wala namang kinalaman sa business ang pupuntahan nila kaya bakit pa ako sasama. Personal na lakad nila iyon, at wala naman akong interest na magbakasyon lang. "Relax lang. Gusto ko sana sumama kaso ayaw mo naman, so I stay here with you,