-Kimberlynn- NAKAKUHA ng isang irap si Nolie sa akin bago ko simulan sarado ang pinto. Lahat na lang ng masasayang pagkakataon ay sisirain n'ya? Pagkasarado ko ng pinto ay agad babalik na ako sa kwarto ko ng... "What the hell?!" inis kong saad kay Nolie dahil bigla n'yang binuksan ang pinto ng room namin. Balak ko na s'yang itulak palabas ng room, pero nagulat na lang ako nh bigla n'yang tinakpan ng panyo ang bibig ko at biglang niyakap patalikod sabay hila sa akin palabas. Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak n'ya sa akin, pero masyado itong malakas kung para sa akin. Hindi ako makasigaw dahil sa panyong nakatakip sa bibig ko. Walang kakaiba sa panyo, o maski amoy na gamot, pero sa tingin ko ay ginagamit n'ya lang iyon para hindi ako makagawa ng ingay. Pinipilit ko pa rin na kumawala ha