-Kimberlynn- "HINDI ka pa rin aalis?" tanong ni Anjie sa akin. Nakwento ko na sa kan'ya lahat at hindi naman ako tanga para hindi malaman ang mga pinaggagawa nila. Tinignan ko si Anjie sa tapat ko habang umiinom kami ng alak dito sa payapang resto-bar. Sumanda ako sa kinauupuan ko sabay inom ng malamin na alak sa baso ko. "Bakit ako aalis?" seryoso kong tanong. "He cheated on you," sagot ni Anjie sa akin. Kita ko sa mukha n'ya ang pagka-frustration dahil sa nalaman n'ya ang ginawa ni Angelo sa akin. Ako nga chill lang eh. "Kalma, nakita ko na ang kaniyang kayaman at hindi naman ganoon kalakihan!" natatawa kong saad. Ang irita sa mukha ni Anjie ay biglang nawala at napatingin ito sa paligid dahil sa sabi ko. "What the! Seryoso?" curious na tanong ni Anjie sa akin. Ngumiti ako saba