Chapter 26

1857 Words

LANCE POV NAALIMPUNGATAN ako sa pag-iingay ng cell phone ko. Napatingin ako sa asawa ko, himbing na himbing siyang natutulog. Pinagod ko siya, alam ko. Sa takot na magising ay kaagad akong bumangon at tiningnan kung sino ang tumatawag nang dis oras ng gabi. Napakunot ang noo ko dahil unknown number ang caller. Sa pag-aakalang emergency call ang tawag ay napilitan akong sagutin iyon. Pagtapat ko pa lamang ng cell phone sa aking tainga ay kaagad akong nakarinig ng pag-iingay mula sa kabilang linya. “Hello? Who is this?” tanong ko. Lalong nangunot ang noo ko nang hindi siya sumagot bagkus ay tumawa. Kaagad sumiklab ang galit sa dibdib ko nang makilala ang tawa na iyon. Hindi ako maaaring magkamali dahil iisang tao lamang ang may kakayahang buhayin ang lahat ng galit sa dibdib ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD