Chapter 33

2445 Words

SHEENA POV Mahirap maghintay sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan. Pero para sa akin, handa akong maghintay at magtiis para kay Lance. Parte iyon ng buhay na pinili ko nang magpakasal ako sa asawa ko. At ngayon ko napatunayan na tama pala ang mga magulang natin na ang pag-aasawa ay hindi puro saya, at hindi rin puro kilig. Kapag gumawa ka na ng desisyon sa buhay mo, paninindigan mo na iyon lalo na sa pagkakaroon ng sariling pamilya. ‘Ika nga raw wala nang bawiin. Magdadalawang buwan na si Lance dito sa bahay namin. Wala pa rin siyang naalala pero maayos naman kaming dalawa. Namumuhay kami bilang mag-asawa kahit hindi niya pa maalala ang lahat. Minsan, parang gusto ko na ring ipagpalasamat na nakalimutan niya ang lahat dahil kasama sa nakalimutan niya ang madilim na nakaraan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD