Chapter 39

2165 Words

SHEENA POV PAGKALIPAS ng bente-kuwarto oras ay saka pa lamang ako pinayagan ng doktor na makauwi sa bahay. Sa hospital kami nagpalipas ng gabi ni Lance. Magdamag akong umiiyak habang si Lance ay tahimik na lumuluha sa tabi ko. Hindi kami nag-usap. O mas tamang sabihin na hindi ko siya kinausap dahil sobrang sakit. Hindi ko alam kung paano tatanggapin na ganito kaagang kinuha at binawi sa akin ang anak ko. Bago ko pa lang na-i-enjoy ang pagdadalang-tao ko sa anak namin ni Lance pero binawi agad. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil hindi ko iningatan ang anak ko. Ang sakit sa dibdib na hindi ko siya naprotektahan kaya maaga siyang nawala sa akin. At sobrang bigat. Sobrang sakit sa dibdib na uuwi ako ngayon sa bahay na wala na ang anak namin ni Lance. Wala na ang baby ko. Par

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD