Chapter 8

2172 Words
SHEENA POV SIMULA nang umalis si Lance, pakiramdam ko bumagal ang paglipas ng bawat araw. Ramdam ko 'yong kahungkagan sa dibdib ko dahil sa pag-alis niya. Sa loob ng dalawang linggong pagtira niya sa bahay, nakasanayan ko na siyang makita at makasama. Ngunit sa kabila ng lungkot na aking nadarama, sinikap kong magpatuloy sa buhay ko. Ayokong lunurin sa matinding lungkot at pangungulila ang puso ko. Kaya nagpaka-busy ako sa mga araw, linggo at mga buwang lumipas. Natuto akong gumala kapag walang pasok at sumasama rin sa mga hiking ng mga kasamahan ko sa trabaho. And I enjoyed it. Hinayaan ako ng pamilya ko dahil alam kong gusto nila akong tulungan. May mga pagkakataong gustong-gusto ko siyang kumustahin pero grabeng determinasyon ang ginawa ko para 'wag 'yong gawin. Bihira na rin akong gumamit ng social media dahil alam kong makikita ko siya. Hanggang sa unti-unti, hindi ko na naiisip si Lance. Hindi na kasingdalas nang dati na halos siya na lang ang laman ng isip ko. Na tipong hirap na hirap akong matulog sa kakaisip sa kaniya. Sobrang malaking tulong na nagkaroon ako ng sariling mga kaibigan bukod kay Rachel. Nakangiting nag-inat-inat ako nang umagang 'yon habang nagmumuni-muni. "Happy birthday, Sheena!" Masayang bati ko sa aking sarili. Yes, kaarawan ko ngayon at wala akong pasok. At siyempre, wala rin akong planong gumala dahil may plano si Kuya na ilibre kami ng pamilya namin. Kakain daw kami sa labas at manunuod ng sine. Chance na rin para makapag-bonding kami kasama ang parents namin. Medyo matagal na rin kasi nang huli kaming lumabas na magkakasama. "Tumatanda na tayo, self. Ano nang plano natin sa buhay?" Nakangiti pa ring pagkausap ko sa sarili ko. "Thank you, Lord. Nadagdagan na naman po ang edad ko. Sana po more more years pa–" Mahihinang katok sa labas ng pinto ang nagpahinto sa akin. "Sheena, Anak, gising ka na ba?" Boses ni Mama. Bumangon ako at binuksan ang pinto. "Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" Pagkanta ni Mama nang buksan ko ang pinto. "Thank you, Ma…" naluluhang pasalamat ko. "Make a wish and blow your candle." Dagdag pa niya sabay umang ng maliit na chocolate cake na dala niya. Pumikit ako at taimtim na nag-wish pagkatapos ay hinipan ko na ang kandila. "Thank you, Ma." "You're welcome, Anak. Puwede bang malaman kung anong winish mo?" May halong panunudyong tanong niya. "Wish ko po ay good health for all of us." "Asus! 'Yon lang?" "Ma!" Natatawang sabi ko. "Bakit? Nagtatanong lang naman ako, ah. Malay ko bang may iba ka pang wish." "Like?" "Hmm," kunwari siyang nag-isip. "Katulad ng sana ay magkanobyo ka na this time." Inakbayan ko si Mama na parang kapatid ko lang. "Baka mamaya, umiyak kayo kapag nagkanobyo na ako. Alam niyo namang may pangako ako sa sarili ko na kung sino ang unang magiging nobyo ko ay siya na talaga forever." Natigilan si Mama pero mayamaya ay tumawa na rin. "Ang swerte ng lalaking 'yon, Anak." "Eh bakit parang naiiyak ka, Ma?" Tudyo ko. Nanginig kasi ang boses ni Mama nang sabihin 'yon. "Siyempre, excited akong magkaroon ka ng nobyo pero bigla akong natakot kasi baka mag-asawa ka naman agad. Hindi pa pala ako ready na mawala ka sa amin ng papa at kuya mo. Bigla kong na-realize na kahit 24 ka na, you're still my baby girl." Na-touch ako lalo na nang makita kong mangilid ang mga luha ni Mama. Naglalambing na niyakap ko siya. "Makakagawa na ako ng baby, Ma." Biro ko dahilan para makatikim ako ng kurot kay Mama. "Ayoko pa! 'Wag muna, Anak." "'Di ba gusto niyo na ni Papa ng apo?" "Oo nga pero sa kuya mo at hindi sa 'yo!" Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Hindi pa ako ready, ipaubaya mo na muna sa kuya mo ang pagbibigay sa amin ng apo." "Ang daya, 'pag kay kuya ready na, sa akin hindi pa." Kunwaring hinampong sabi ko. "Bata ka pa naman, Anak. Saka dapat kuya muna bago bunso." "Sige na ng–" "Puwede bang makisali sa yakapan ninyong mag-ina?" Bungad ni Papa at pumwesto sa gitna namin ni Mama. "Happy birthday, Sheena, Anak." Bati niya kapagkuwan. "Thanks, Pa. Puwede na akong magnobyo?" "Puwedeng-puwede na. Basta 'yong maayos na lalaki naman sana, Anak. At sana 'yong mapagkakatiwalaan ko sa nag-iisang prinsesa ko. Kung puwede nga lang sana 'yong kilala na namin ng mama mo, eh." Nagkatinginan kami ni Mama sa hiling na 'yon ni Papa. "'Di ba, Mama? Mas maige sana kung kakilala na natin para masiguro nating sa maayos na lalaki mapupunta itong baby natin?" "Oo naman," sang-ayon ni Mama. "Pero kung sakaling hindi pa natin kilala, eh 'di kilalanin natin. Bigyan natin ng chance ba." Tumango si Papa. "Tama ka naman, Mama." Binalingan niya ako. "Basta, kung magpapaligaw ka dito sa bahay, ha?" "Yes, Pa." Nakangiting sagot ko at yumakap dito. Mayamaya'y nagyaya na si Mama para bumaba dahil nakaluto na raw si Ate Myra, ang kasambahay namin. Kasalukuyan kaming nag-aalmusal nang pumasok sa dining si Ate Myra. May dala siyang isang bungkos ng mga bulaklak habang sa isang kamay ay may isang katamtamang laki ng paper bag. "Saan galing 'yan?" Si Papa ang unang nagtanong. "Wala pong nakalagay, Kuya Victor, pero para raw po ito kay Sheena sabi ng delivery man." "Para sa akin?" Nang iabot ni Ate Myra sa akin ang mga bulaklak ay tinanggap ko 'yon. "Ang gaganda naman nito. Kanino kaya galing?" Tiningnan ko ang card na kasama ng mga bulaklak pero simpleng "Happy birthday, Sheena" lang ang nakalagay. "Kanino galing?" Si Mama ang sumunod na nag-usisa. Umiling ako. "Wala pong nakalagay, eh." "Baka sa manliligaw mo, 'di kaya?" Si Papa na seryoso ang mukha. "Papuntahin mo rito para makilala namin ng mama mo kung sino man 'yan." "Wala akong manliligaw, Pa." Ingos ko. "Wala, eh kanino galing 'yan?" "Baka may secret admirer ako, Pa." Nakangiting sabi ko sabay amoy sa mga bulaklak na nasa kandungan ko. Ang gaganda niyon at talagang na-apprreciate ko kung sino man ang nagpadala nito para sa akin. Habang inaamoy-amoy ko ang mga bulaklak ay napatingin ako sa paper bag na nakapatong sa dining table. Kinuha ko 'yon at binuksan para makita kung ano ang laman. Napasinghap ako nang makitang isang pares ng gold earrings ang laman niyon. "Wow! Ang ganda naman niyan, Anak. Mukhang mamahalin 'yan, ah." Puna ni Mama nang makita rin ang pair of gold earrings. Kaya lang kagaya ng mga bulaklak, walang ibang nakalagay sa card kun'di "happy birthday at hope you like it" lang. Walang pangalan ng nagpadala. Hanggang sa matapos kaming mag-almusal ay wala kaming idea kung kanino galing ang mga 'yon. Bandang alas otso ng umaga, nakatanggap ako ng long distance call from unknown number. "Hello?" Bungad ko sa nasa kabilang linya. "Happy birthday, baby girl!" Sandaling tila tumigil sa pag-inog ang mundo ko. Hindi ko na kailangang itanong kung sino siya dahil boses pa lamang niya ay kilalang-kilala ko na. Biglang parang gusto kong umiyak dahil ngayon ko napagtanto na sobrang na-miss ko pala siya. "Hey! I said happy birthday." Untag niya. "T-Thank you." Tanging nasabi ko. "Bakit parang hindi mo ako na-miss? Hindi ka rin yata natuwa na tinawagan kita." Hinampong sabi niya. "Of course I do. H-Hindi ko lang ini-expect na maaalala mo ang birthday ko." Tumawa siya sa kabilang linya. "Puwede ba naman 'yon? Siyempre, hindi ko makakalimutan ang birthday mo." Na-touch ako. Masaya ako. Sobra. Hindi ako nakaimik dahil nabibikig ang lalamunan ko. "I missed you, Sheena. Ang daya mo, wala kang paramdam sa akin for the past few months. Gusto ko tuloy isipin na iniiwasan mo 'ko or baka may nagawa akong ikinagalit mo kaya hindi ka na nag-reach out." Tumikhim muna ako, saka umiling na para bang nakikita niya ako. "Na-busy lang a-ako, Lance." "Gano'n?" "Oo, gano'n." "Hindi ka galit or–" "No. Bakit naman ako magagalit sa 'yo? Na-busy lang talaga ako." Bumuntong-hininga ito. "Okay sabi mo, eh. Sana i-seen mo 'yong mga messages ko sa 'yo kapag hindi ka na busy." Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero nahamigan ko ng lungkot ang boses niya. "Sige, i-check ko minsan." "Thanks. Anyway, sana nagustuhan mo 'yong regalo ko sa 'yo." Natigilan ako at pagkuwa'y nanlaki ang mga mata nang ma-realize kung aling regalo ang sinasabi niya. "Sa 'yo galing 'yon? 'Yong flowers at gold earrings?" "Yeah. Nagustuhan mo?" Hindi agad ako nakaimik. "Hey, kumusta, did you like it?" Tumikhim muna ako para alisin ang pagbabara ng lalamunan ko bago sumagot. "O-Oo naman. Sobrang nagustuhan ko. Hindi mo naman kailangang gawin 'yon pero thank you." "You're welcome. Masaya ako na nagustuhan mo." "Ang ganda, eh. Salamat uli, ha." "Basta ikaw, baby girl." Mariin akong napapikit para kalmahin ang naghuhurumintado kong puso. Parang ang sarap na namang umasa. Ilang sandali pa kaming magkausap ni Lance. Ang dami niyang kuwento sa akin at masaya akong malaman ang mga nangyari sa buhay niya sa nakalipas na mga buwan na iniwasan kong makibalita sa kaniya. "Kumusta 'yong tips na ibinigay ko, nagamit mo naman ba?" "Hindi pa. Nag-iipon pa ako ng lakas ng loob. Maybe soon." Sana 'wag muna. "Oh, eh 'di good luck sa 'yo." "Thanks, baby girl." "Welco–, ay kabayo!" Napasigaw ako nang may tumulak sa akin. Muntik na akong mapasubsob, mabuti na lamang at nakahawak ako agad. "Sorry, bunso, napalakas ba?" Tumatawang tanong ni Kuya na siyang tumulak sa akin. "Ay, hindi. Kainis 'to." Angil ko. "Sorry na. Ito o, pambawi ko sa 'yo. Happy birthday!" Sabay abot ng bulaklak at isang maliit na box. "Naks, may bulaklak talaga, Kuya? Anyway, thanks." "You're welcome. Ganda 'no?" "Mas maganda 'yong nauna, Anak." Sabay kaming napalingon nang marinig ang boses ni Mama. "Hi, Ma!" Nagbeso ang dalawa. "Hi, Anak. Kumain ka na?" Tumango si Kuya. "Tapos na, Ma. But wait, anong ibig ninyong sabihin na maganda 'yong una? Unang ano ho?" "Ah, 'yong bulaklak na pinadala sa kapatid mo kanina." "Sino hong nagpadala?" Usisa ni Kuya. "Hindi pa namin alam, walang pangalan, eh." Saka ko pa lang naalala si Lance. Pagtingin ko sa cell phone ko ay nasa kabilang linya pa pala siya. "H-Hello, naku sorry. Dumating kasi si Kuya." "No problem." "Pasensya–" "Sino 'yang kausap mo?" Biglang singit ni Kuya. "Ah, s-si Lance, Kuya." Nagkatinginan si Mama at Kuya. "B-Bumati lang siya." "Ah, pakausap nga." Napilitan akong ibigay kay Kuya ang cell phone ko. At ang loko, ini-loud speak ang cell phone. "Napatawag ka, P're?" Bungad nito kay Lance. "Bumati lang ako sa kapatid mo." Dinig kong sagot ni Lance. "'Yon lang?" "Tinanong ko rin kung nagustuhan niya 'yong regalo ko. Naalala mo 'yong gold earrings na sinabi mong gustong-gusto ni Sheena? Binili ko na for her at nagustuhan daw niya." Napasinghap si Mama habang si Kuya nama'y nang-aarok na tumingin sa akin. "So 'yong bulaklak sa 'yo rin galing?" "Yes, P're. Today is her birthday kaya may regalo ako." "Oh," napatango-tango si Kuya. "Mahal 'yong earrings na 'yon, ah." Narinig kong tumawa si Lance. "Yeah, but I don't mind. Si Sheena naman 'yon so walang problema basta maibigay ko 'yong gusto niya." Nag-iwas ako ng tingin kay Mama at Kuya. At habang naririnig ko ang pag-uusap ng magkaibigan ay hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng kasiyahan at umasa na naman. "Sige na, ingat ka riyan." Mayamaya'y paalam na ni Kuya sa kaibigan. "Thanks, P're. Pakausap nga ulit sa baby girl natin." Sabay na napaubo si Mama at Kuya. Ibinalik ni Kuya ang cell phone sa akin. Naiilang ako sa tinging ipinupukol nila sa akin kaya inalis ko sa pagkaka-loud speak ang cell phone. "Happy birthday again, Sheena. Enjoy your special day." Ani Lance. "Thank you, lalo na sa mga regalo mo." "You're welcome. So paano, next time na lang ulit kasi may family date pala kayo." "Oo, treat ni Kuya." "Sana nandiyan ako para makasama ako sa family date ninyo." Natawa ako. "Family date nga, eh." "Oh, bakit? Family naman ako, ah. Ako 'yong nawalay ninyong kapatid." Aray! "'Di ba?" "O-Oo." Sang-ayon ko na lang. "Sige na, ibababa ko na 'to. Ingat ka na lang diyan." "Thanks, kayo rin. Have fun, Sheena. I missed you." Hindi ako umimik dahil alam kong nakikinig ang pamilya ko. "Sabi na hindi mo talaga ako na-miss, eh." May hinampong sabi niya. "I-I missed you too…" Napangiti ako nang sabay na namang umubo si Mama at Kuya. Pero si Kuya ang pinaka-oa sa pag-ubo. "Sa wakas inamin mo rin. Oh, sige na happy birthday na lang ulit, baby. Enjoy, bye!" "Bye…" Pagbaling ko sa pamilya ko ay pareho silang nakatingin sa akin. Nakahalukipkip pa si Kuya habang nakasandal sa pader. "What? Bakit ganiyan kayo makatingin sa akin?" "Masaya 'yan?" Seryosong tanong ni Kuya Simon. Malawak akong ngumiti dahil hindi lang ako masaya kundi masayang-masaya. "Oo naman. Masaya ako dahil kumpleto tayo ngayon at ililibre mo kami. 'Di ba, Ma?" "Oo naman." Si Mama. "Tss! Ang plastic mo." Sabay kaming natawa ni Mama dahil sa ginawang pag-irap ni Kuya. Ang cute kasi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD