CHAPTER TWO

1811 Words
CHAPTER TWO SHEENA POV SOBRANG gaan ng pakiramdam ko paggising ko kinabukasan. At alam kong si Lance ang dahilan niyon. Hindi ko kasi ini-expect na nandito siya sa bahay namin. Sa paglipas ng mga taon ay walang nagbago, lihim ko siyang ginawang inspirasiyon. At masaya naman ako sa bagay na 'yon. Pagkatapos kong gumayak ay lumabas na ako ng aking kuwarto. Wala na akong balak mag-breakfast dahil maaga ang pasok ko ngayon. "Sheena." Palabas na ako ng pinto nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Mabagal ang ginawa kong paglingon at parang may paruparong nagliliparan sa loob ng tiyan ko nang magtama ang mga mata namin ni Lance. "Lance, ikaw pala. G-Good morning." Sinikap kong umaktong normal sa harap nito kahit parang sumirko ang puso ko pagkakita sa kaniya. Bakit ba kasi ang guwapo ng lalaking 'to? "Good morning, Sheena. Paalis ka na?" Mula sa pagkakaupo ay tumayo ito at naglakad palapit sa akin. "Aalis ka na nang hindi man lang nagkakape or kumakain?" seryoso ang mukha nito. "Medyo na-late ako ng gising, eh. Sa hospital na lang ako kakain." "Pumapayag ang kuya mo na aalis ka ng bahay na wala man lang laman ang tiyan mo maski ano? Buti hindi ka pinapagalitan ni Tita at Tito sa ginagawa mo," may halong sermon na sabi pa nito. Lihim akong kinilig. Tumingin ito sa orasang pambisig at kapagkuwa'y tumingin sa akin at nagtanong. "Anong oras ba ang pasok mo?" "8:00 am ang in ko, eh." "Great! You have 45 minutes left. Puwede ka pang kumain," nakangiti ng sabi nito at walang pakundangang hinawakan ang kamay ko sabay hila sa akin papasok ng kusina. Tila balewala rito ang ginawang paghawak sa kamay ko habang ako nama'y tila aatakehin sa puso sa sobrang kilig. Nakakapaso ang tila kuryenteng dumadaloy sa kamay ko galing sa kamay nito pero wala akong lakas na bawiin 'yon. Hinayaan ko siyang hilahin ako at pinaghila ng upuan bago pinaupo. Namamangha ako sa ikinikilos nito ngayon. Siguro dahil hindi ako sanay na binibigyan niya ako ng atensyon dahil nasanay ako na hindi niya mas'yadong kinikibo. Lance is a man of few words. Kung gaano ka hyper si Kuya Simon at Kuya Joven ay kabaliktaran naman ni Lance. Kaya nagtataka rin ako kung paano nag-swak nang ganoon ang friendship nila. Habang abala ito sa pagtitimpla ng kape ay titig na titig lang ako sa kan'ya. Gumala ang paningin ko sa kabuuan nito, tumigil iyon sa malapad nitong likuran. He's a Philippine Navy at hindi nakakapagtaka na ganito katikas ang pangangatawan niya. Batak sa ehersisyo ang katawan nito at nag-init ang mukha ko nang mapadako sa puwet nito ang mga mata ko. He has a nicest butt. Hakab na hakab 'yon sa short na suot nito. Makailang ulit kong pinilig ang ulo ko para alisin ang kagagahang pumasok sa isip ko. Ang umbok kasi talaga niyon. Maghunus-dili ka, Sheena. Piping sikmat ko sa aking sarili. Minsan ko pang tinitigan 'yon at halos lumubog ako sa kinauupuan ko nang mahuli niya akong nakatitig doon. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha. Natigilan ito pero mabilis ding nakabawi at ngiting-ngiting naglakad palapit sa akin. "Hot offee and sandwich for you." Sabay lapag niyon sa lamesa. Tumikhim muna ako para kalmahin ang nagwawala kong puso dahil sa labis na kilig bago tumingin dito at nagpasalamat. "Thank you, Lance." Umupo ito sa katapat ng upuan ko. "You're welcome. Eat well." Nagsimula na akong kumain. At yes, ilang na ilang ako. Nakangiti kasi ito habang pinapanuod akong kumain. At hindi ko kinakaya 'yon. "Ikaw? Kain ka," alok ko. "Sige lang. Hihintayin ko pa ang tropa, mukhang napasarap ang mga tulog nila, eh." "Kaya nga, eh. Naparami siguro ang inom niyo kagabi." "Sakto lang." Bagama't naiilang ay nagawa kong ubusin ang isang sandwich na may palamang ham at ang kape ko. "Salamat sa breakfast, Lance. Nabusog ako." Tumayo na ako at tangkang liligpitan ang tasang ginamit ko pero kinuha nito 'yon sa kamay ko. "Ako na niyan. Mayroon ka na lang 33 minutes." "Pero–" "Come on, fix yourself. Ako na ang bahala rito." Wala na akong nagawa kung 'di ang pumasok sa banyo para dali-daling mag-toothbrush. Paglabas ko ay wala na si Lance sa kusina. At nang maalala ko na naiwan sa kama ko ang laptop ko ay kaagad kong binalikan bago tuluyang lumabas ng aming bahay. Para lang matigilan nang makita ko si Lance na nakaabang sa labas ng aming bahay habang lulan ng kotse nito. Nakabukas ang bintana sa gawi nito. "Hop in," nakangiting utos nito. "Ha?" "Come on, Sheena. You only have 26 minutes, mali-late ka na kung hindi ka pa magmamadaling sumakay." Nang mapag-isip-isip ko ang sinabi nito ay nagmamadali na nga akong umikot sa kabila para sumakay. "Dito ka maupo sa tabi ko. Magmumukha akong driver mo kung diyan ka sa backseat uupo," anito nang pasakay na sana ako sa blackseat. "Sorry." Nakangiwing sabi ko, saka nagmamadaling sumakay sa tabi nito. Lihim akong napamura nang hindi ko ma-gets kung paano ilo-lock ang seatbelt. Hindi kasi 'yon kagaya ng sa kapatid ko. "Tss. Paano ba 'to—" kulang na lang ay hindi ako huminga nang basta na lang dumukhang si Lance. Sobrang lapit ng mukha nito sa akin na tipong isang maling kilos ko lang ay tatama na ang mukha nito sa mukha ko. Pigil ang hininga ko habang ikinakabit nito ang seatbelt. Gosh, ang bango niya talaga! Amoy palang ang pogi na. "Done." Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay lumayo na ito sa akin. "Salamat. Nakakaloka 'tong sasakyan mo, nangangain yata ng shunga 'to." Sinikap kong mag-astang normal sa harap nito. Nakatutok sa unahan ang mga mata ko pero ramdam ko ang panaka-nakang sulyap ni Lance sa akin. Pakiwari ko'y may gusto itong sabihin na hindi lang masabi-sabi. Paglingon ko rito ay nahuli ko itong nakatingin sa akin. Kiming nginitian ko siya. "May sasabihin ka ba?" Hindi na nakatiis na tanong ko. Nag-iwas ito ng tingin at itinutok ang tingin sa daan. Hinintay ko siyang magsalita pero hanggang sa makarating sa tapat ng hospital na pinagtatrabahuhan ko ay hindi na ito nagsalita. "Thank you sa paghatid, Lance." "You're welcome." Nang mapansin nito na hindi ko na naman maalis ang seat belt ay muli itong dumukhang para alisin iyon. "Salamat, ha. Nakakatakot 'tong sasakyan mo." Tumawa lang naman ito. Muli akong nagpasalamat bago tuluyang bumaba at naglalakad papasok sa entrance pero hindi pa man ako tuluyang nakakapasok nang may humawak sa kamay ko. "Lance!" "Naiwan mo sa koste ko." Sabay abot ng laptop ko na nakalagay sa bag. "Thank you. Sobrang naaababala na kita. Ingat ka pauwi." Pagkasabi ko niyon ay nagmamadali na akong pumasok sa loob. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Ang mga kasamahan ko sa hospital na nakakita kay Lance ay panay ang ngisi sa akin habang nagtatanong ang mga mata. At alam kong gusto nilang malaman kung sino si Lance. Pero nunka kong isi-share sa kanila kung sino siya. Ayokong pagtawanan nila ako kapag nalaman nila ang pinakatago-tago kong sekreto. Magaan ang pakiramdam na nagsimula akong magtrabaho. High na high ako sa kilig ng mga sandaling iyon dahil mas'yado akong pinakilig ng lalaking inspirasiyon ko. At aaminin kong ito na yata ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Ang mapansin at bigyan ako ng importansiya ng taong lihim kong minamahal sa loob ng lagpas isang dekada na. AT NANG dumating ang uwian ng hapon na iyon, kaparehong araw ay halos malaglag ang panga ko nang madatnan sa labas ng hospital ang taong pinagkakaguluhan ng mga katrabaho ko. Si Lance at Kuya Joven. Dali-dali akong lumapit sa kanila. Kaagad akong nakita ni Kuya Joven at hinawi nito ang mga taong nakaharang dito. Hindi naman kasi lingid sa akin na famous na si Kuya Joven. Kilalang magaling na photographer na kasi ito. "Hi, Sheena." "Anong ginagawa niyo rito?" Saka palitan ko silang tiningnan. "May pinuntahan kami kanina, malapit lang dito kaya nag-decide kami na hintayin ka na para hindi ka na mahirapang umuwi." Si Lance. May kung ano na namang damdamin ang lumukob sa buong pagkatao ko. "Salamat sa inyo pero hindi na sana kayo nag-abala pa." "Hindi ka naman abala, bunso, ikaw talaga." Si Kuya Joven at inakbayan ako. "Tara na?" "Sure." "Teka lang, Ma'am Sheena. Ipakilala mo naman muna kami sa mga Adonis na sundo mo, oh," animo'y kinikilig na ungot ni Martina. Ang nurse na kasamahan ko sa loob ng Lab. "Iyon lang pala, eh. Guys, ito si Kuya Joven," pagpapakilala ko at si Lance naman ang binalingan. "Siya naman si Lance, mga best friend sila ng Kuya Simon ko. Okay na?" Sabay-sabay silang tumango habang may ngiti sa kanilang mga labi. Pasimpleng lumapit si Martina sa akin. "Single ba sila?" "Ay 'yan ang hindi ko alam," sagot ko sabay tingin ulit sa dalawa. "Kung single daw ba kayo?" "Single and ready to mingle," game na sagot ni Kuya Joven. Kay Lance natuon ang mga mata naming lahat. At aaminin kong gusto ko ring malaman kung single pa ba siya para libre ko pa siyang pangarapin. "Single but taken." Sabay-sabay na pa-ohh ang mga kasamahan ko habang ako nama'y tahimik. May kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko. Taken na pala siya, meaning may mahal na siya. Ligwak na naman tayo, heart. Piping pagkausap ko sa puso ko. "Hoy, Sheena, bakit nakatahimik ka na riyan?" Untag ni Martina. "Ha? Ah, hindi, ah. Narinig niyo na ang sagot nila kaya mauuna na kami sa inyo, ha?" Umuoo lang naman ang mga ito habang kilig na kilig pa rin sa dalawa habang ako nama'y walang buhay na sumakay sa backseat ng sasakyan ni Lance. Kung anong saya ng nararamdaman ng puso ko kanina ay kabaliktaran naman ngayon na para akong na-friend zone nang walang kalaban-laban. Dala-dala ko ang bigat ng pakiramdam na 'yon hanggang sa makarating kami sa bahay. "Salamat sa pagsundo, guys!" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko nang sabihin ko 'yon. "You're most welcome, bunso." Ngumiti lang ako sa kanila bago tuluyang nagpaalam na magpapahinga muna. Nadaanan ko pa sa sala ang iba pang kaibigan ni Kuya Simon. Binati ko lang sila at pumasok na sa aking kuwarto. Ini-lock ko ang pinto ko at pabagsak na humiga sa aking kama. Nanlambot ako sa nalaman ko, hindi ko alam na taken na pala siya ulit. Baka may naiwan sa barko. Pagpikit ko ay mukha pa rin ni Lance ang nakikita ko sa aking balintataw. "Argh! Leave me alone, please lang…" parang tangang sabi ko at nagpabali-balikwas sa aking kama. Hindi ko alam kung anong puwesto ang gagawin ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala naman akong karapatang masaktan pero nasasaktan ako nang malaman na may mahal na si Lance. Ang tagal ko siyang lihim na minahal at baka nga panahon na para turuan ko ang sarili ko na tumingin sa iba. Mukhang tatanda akong dalaga kung si Lance ang hihintayin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD