VICTORIA "Iha? Si Mang Berting 'to, gising ka na ba?" isang malamyos na boses ang nagsalita pagkatapos ng tatlong katok. "O-opo, gising na po ako at nag-aayos na po," pabalik kong sagot at nagmamadaling naghanap ng suklay sa lamesa kung mayroon man. Tumikhim muna ang matanda bago nagsalitang muli. "Pinapasabi ni Sir William na kung tapos ka na raw mag-ayos ay lumabas ka na raw muna. Nasa hardin siya ngayon ha," pamamaalam niya bago tuluyang naglakad paalis. Ano na naman kaya ang gagawin namin sa hardin sa ganitong oras? Papalahin niya pa ba ako? Masyado ng mahamog at malamok sa labas. Hindi ko rin alam ngunit punong-puno ng reklamo ang sistema ko ngayon o marahil sa mga naiisip ko kanina. Bata pa nga ako at madali lang madala pagdating sa kaniya. Nang makakita ako ng suklay ay agad a