CHAPTER TWENTY SIX

1955 Words

VICTORIA Hindi ko alam pero mukhang hihikain ‘ata ako sa mga narinig ko sa kaniya. Para akong maiihi sa kilig na ‘di ko ma ipahiwatig kung ano ang nararamdaman ko. Isang oras na kaming nasa byahe at isang oras na rin simula no’ng sabihin niya ‘yon sa akin ngunit tila ilang segundo pa lang para sa akin ang nakalipas. Hindi na siya umimik pagkatapos no’n at ako naman ay napepe na parang timang. Para akong sumilab agad na apoy na agad niyang itinumba ng fire extinguisher. Napakadali ko namang huminahon dahil sa mga pinanggagawa niya. Hindi ko na rin alam kung nasaan kami at wala na rin akong pakialam doon dahil hanggang sa naririto siya sa tabi ko ay hindi na dapat pa ako mag-alala pa. Nakapatay na rin ang tugtog at hindi ko pa rin magawang titigan si William. Hindi ‘ata ako makamove-on

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD