Victoria
"Magiging okay din ang lahat," bulong ko sa aking sarili dahil parang hindi na ako kakalma sa sitwasyon ko na ito.
"Magiging okay din ang lahat."
Isang mainit na luha ang kumawala sa aking mga mata nang maalala ko na naman ang sinabi ni mama sa akin kamakailan lang. Bakit ba 'to nangyayari sa akin? Hindi niya ba talaga ako anak? Pakiramdam ko parang tumigil ang mundo ko sa pagkakasabi niya no'n sa akin. Ni hindi ko na namalayan na nasirado na ang pintuan ng kotse.
Para akong sinasaksak ng kutsilyo ng paulit-ulit. Sino nga ba talaga ako? 'Yon ba ang dahilan kung bakit iba ang apilyedo ko sa kanila? Na sabi niya nagkamali lang ang gumawa ng birth certificate ko?
Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari sa akin, lalo na ngayon. Saan ba nila ako dadalhin? Lalo akong kinabahan dahil sa mga iniisip ko dahil naglipana naman aksi ang samut-saring mga balita na maraming kinikidnap na mga kababaihan at natatagpuan na lamang na patay sa mga gilid ng kalsada o sa mga damuha pagkatapos kunin ang mga organ at baka magiging isa na ako sa kanila.
Susubukan ba nilang ibenta ako? Nali-link ba sila sa mga drug lord? Bakit dapat ako pa . . . napaka-unfair na nga ng buhay ko pati ba naman kamatayan ay iginigiit pa. Para akong isang garapon na walang laman walang kwenta at walang halaga. Oras na ba para mamatay ako? Ito na ba ang aking kapalaran? Ang dami kong tanong pero wala ni isa sa mga 'yon ang nasasagot.
Wala akong marinig na mga boses sa tabi ko ni hindi man lang sila nag-uusap. Tanging ang huni ng sasakyan lang ang naririnig ko at may hanging dumadampi sa aking pisngi. Bukas ang bintana at may naririnig akong mga tao at alam kong hindi masyadong malayo ang distansya namin.
'Sisigaw ba ako? Pwede akong sumigaw para may tumulong sa akin . . . oo tama.' Isip-isip ko at bago pa man ako makasigaw ay naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng isang malamig na panyo sa aking bibig at ilong at walang ano-ano ay unti akong nawawalan ng ulirat na hindi naman dapat at kahit anong gawin kong paglaban ay wala ring silbi dahil ni hindi ko na rin maramdaman ang aking mga kamay at ang mga mata ko naman ay bumababa na at tuluyan na nga akong nilamon ng kadiliman.
At ngayong kaharap at nasilayan ko na ang mukha ng taong bibili na sa akin.
As I met the man who had offered such a substantial amount, my body trembled with fear. His gaze was fixed on me as if I were his prey; I bit my lower lip to keep from shaking when I noticed him smile. That grin had a hidden word...that you probably don't want to know.
"Eighteen million," The man next to me repeated the price, and despite his calm voice, his hand on his back trembled with fear.
"Mr. Cranston," tawag niya rito at para bang umiiwas siya sa mga tingin ng lalaki.
"I want her," wika niya na halos malamig pa sa yelo ang pagkakabitaw niya mga mga salitang iyon.
Gusto niya akong bilhin? Bakit? Bakit ganoon na lang ang pagkakabagsak niya ng presyo sa akin? Sino ba siya?
And why would he offer such a hefty amount? Wala na ba siyang magawa sa mga pera niya at parang wala lang sa kanya kong magwaldas ng ganoong kalaking pera? Myembro ba siya ng mga kilalang sindikato? Ibebenta niya ba ang katawan ko?
"Going once," the man next to me said, his gaze fixed on the people, but the entire room remained silent.
"Going twice," still nobody interrupt.
"Sold," he said, as the man in front of me began to walk away, and I noticed two men approaching him. May binulong ata sa kanila at agad silang tumungo sa direksyon ko na siyang namang ikinalaki ng aking mga mata dahil sa malalaking tao talaga sila na para bang isang hagis lang ako ay mababali agad ako o isang hawak lang nila sa braso ko ay agad akong mababali dahil na rin sa pagkalaki-laki ng kanilang mga kamay.
Napatingin ako sa dalawang lalaking nagyon ay nasa harap ko na at nakatayo na parang inaantay din akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Doon ko lang din napansin na naka-silk bathrobe lang pala akko at pinakiramdaman ko ang aking sarili at wala pala akong kahit among saplot sa aking katawan dahilan upang yakapin ko ang aking sarili.
"Sumama ka na sa amin ngyaon at naghihintay na sa labas si Mr. Cranston," saad ng isang lalaki na naka-shades at di ko alam kung nakakakita pa ba siya gamit 'yan dahil ang dilim ng paligid kung tutuusin.
Napaghigpit ako ng pagkakahawak sa aking sarili at dahan-dahang tumayo mula sa aking kinauupuan at napansin ko rin na wala rin pala akong sapin sa paa ngunit kailang ko ng makaalis dito dahil hindi ko na rin matagalan ang titig ng dalawang lalaking ito sa aking harapan.
Nauna akong naglalakad sa kanila na sana dapat ay sila ang mauna dahil hindi ko naman alam kung saan dadaan at liliko subalit para bang tama naman ang dinadaanan ko ngunit hindi pa rin akko mapakali dahil ramdam ko ang mga titig nila sa aking likod. Halos ata sa balikat lang nila ang tindig ko at sa pagtingin ko kanina ay halos kasing tangkad din ni Mr. Cranston ang dalawang ito ngunit ang knailang mga katawan ay tila ba bato-bato na at kahit siguro anong tibag at bangga mo sa kanila ay 'di sila natitinag.
Hindi ko man talaga nasilayan ng maayos ang mukha ng lalaking nakakuha sa akin ay ramdam ko na iba siyang tao na isa siyang makapangyarihang tao. Sa mga mata nito at mga ngiti at mga makahulugang mgaa salita na binitawan niya kanina ay hindi ko mapigilang hindi rin mapaisip sa kung sino siya at kung bakit niya naisipaang bilhin ako sa ganoong kalaking halaga.
"Turn right," utos ng lalaking nasa aking likuran at agad ko naman itong sinunod at doon nakita ko ang tatlong maitim at mukhang mamahaling kotse na tila ba naghihintay sa amin at doon nakita ko na may paunti-unting nagsasarang bintana.