VICTORIA
Napatingin ako sa building na nasa harapan ko, na isang napakalaking unibersidad na halos lahat ng paroo't parito ay halatang mayayaman at may sinasabi sa buhay. Nakaramdam din ako kahit papaano ng hiya dahil mukhang hindi ako bagay sa paaralang ito ngunit ang 'di ko inaasahan ay ang mangyari ito. Sa pagkakaalam ko ay magiging tagapag-silbi niya ako kaya nga niya ako binili ngunit heto ngayon at tila inampon na niya ako ng tuluyan. Ito ang aking unang araw, at umaasa akong magkaroon ng ilang mga kaibigan, kahit na iilan lamang. Ngunit nang makita ko ang mga estudyante ay tila nagdalawang-isip ako sa mga naisip ko kung magkakaroon nga ba talaga ako ng kaibigan dito.
Pinigilan ako ni Sir Eric nang papalabas na sana ako ng sasakyan.
"Remember, no matter how they look at you, don't fight them; instead, show them that you are an educated woman, and they will be ashamed of their egos," wika niya na siyan namang ikinatango ko.
"Huwag po kayong mag-alala sa akin at hindi po ako mang-aaway dito dahil ayoko rin po na magalit sa akin si Master William," sagot ko at napangiti naman siya.
"Sandali, bago ko makalimutan kunin mo ito," wika niya sabay abot sa akin ng isang card na ngayon ko lang din nakita. Na surpresa rin ako dahil marunong din naman siya managalog.
"Hindi ko matatanggap 'yan, Sir Eric," saad ko dahilan upang matawa naman siya na siya namang ikinakunot ng aking noo.
"This school is expensive, yes you can pay cash here but I am sure it will not be enough. You will definitely get a bag of money if you want to stay here for a month," he explained. "William gave this black card to me to give to you, you can spend all the money you want and for your needs here. This school is just not like any other school, this is a vast school. All of the students here have a black card for their expenses."
All of this was planned by William, and it bears my signature.
"Wala naman po akong choice hindi ba po?" wika ko at inilibot ang aking tingin sa iskwelahan at narinig ko na naman siyang tumawa.
"Do you have your schedule?" he inquired.
"Opo nandito na sa bag ko. Wait po titingnan ko pala-" natigilan ako nang malaman kong 'di ko pala dala ang papel kung nasaan ang mga schedule ko. Hindi ko alam kung makakalimutin ba ako o malas ako ngayong araw na ito.
"Bakit?" tanong niya na tila may pag-aalala.
Agad ko naman siyang tinitigan na may pag-aalala dahil na rin sa katangahan ko. First day na first day ko at ganito ang mangyayari sa kain kakapakapa ako sa dilim nito mamaya. "Naiwan ko po ata ang schedule ko sa kwarto," saad ko at pati na rin naman siya ay nag-alala rin ngunit medyo malayo ang byahe namin papunta sa scholl na ito at isang hassle pa kung babalikan pa ni Sir. Eric iyon para lamang sa katangahan ko.
"You can also get a copy in their office, or you can rush to their president's office and say Master William's name, and they'll take care of you right away," wika niya na nakapagpakalma naman sa akin kahit papaano.
"Sige po mauna na po ako at didiritso na lamang po ako sa President's office at makikihingi ulit ng schedule ko. Pasensya na po talaga Sir Eric," saad ako at binuksan ang pinto ng sasakyan at tuluyan nang lumabas. "Mag-iingat po kayo pauwi," dagdag ko bago isara ang pinto.
Hindi ko inaasahan na iba pala ang makikita ko sa loob na siyang lagi kong nakikita sa mga kdrama ay kapagka bago ay ang kanilang mga mata ay tiyak na nakatuon lamang sa iyo ngunit dito ay iba. Sa kapapanood ko siguro ito ng kung ano-ano ay nagiging ambisyosa ako. May sari-sarili silang mga mundo at agad mong makikita ang iba't-ibang grupo ng mga estudyante at katulad sa mga kdrama na napapanood ko ay halos lahat sila ay mukhang elite na 'di madapo dapuan ng kahit alikabok sa kanilang mga uniporme. Kutis pa lamang nila ay artistahin na ano na lang kaya kapag katabi ko sila ay halos siguro mapagkakaalamang isa akong dukha.
Masyadong malawak ang paaralang ito para mahanap mo kung ano mismo ang hinahanap mo. Habang papalapit ako sa kalapit na bulletin board, napansin ko ang isang mapa ng buong paaralan at dumiretso ako sa opisina ng presidente. Nakatago ito sa pagitan ng dalawang gusali. Agad ko naman itong nilakad, ngunit hindi ko magawang lumakad sa kalahati dahil masakit na ang aking mga paa.
"Patience, Victoria, malapit ka na, maglakad ka na lang kung ayaw mong ma-miss ang first class mo," bulong ko sa sarili ko.
Sa wakas ay nakita ko na ang opisina pagkatapos halos ilang mga minuto sa paglalakad. Bago ako pumasok ay inihanda ko muna ang sarili ko. Napansin ko na hindi naka-lock ang pinto kung kaya't papasok na sana ako nang magulat ako sa biglang pagsulpot ng isang matandang babae na may salamin sa mata, na mukhang nagulat pero pasimpleng ngumiti sa akin.
"Well hello there, pretty young lady, what can I do for you?" she inquired softly.
"Good morning po Ma'am, gusto ko po sanang makakuha ng pangalawang kopya ng schedule ko kasi na-misplace ko po," katwiran ko, alam kong hindi ako dapat nagsisinungaling sa harap niya. Gusto kong sampalin ang sarili ko sa paglimot sa ganoong mahalagang bagay, ngunit hindi iyon makakatulong sa akin.
"You're new in here?" she asked that I instantly answered.
"Yes, ma'am."
"Name?"
"Victoria, Victoria Brooks," I replied looking at her computer immediately.
"Oh the ward of Mr. William Cranston?" she inquired, which caused me to frown. I'm not sure if he is that a well-known figure here.
"Y-yes," sagot ko na tila nagkanda utal-utal pa.
"Yes, you may have a duplicate of your schedule.Wait for me here and I'll print it for you." She stood up in her chair and walked into a room.
"Ward," ulit ko sa aking sarili sa kung ano ang narinig ko mula sa kaan'ya kani-kanina lamang at doon lamang nag-sink in sa isip ko kung ano ang ibig sabihin noon.
"Here it is, my dear, enjoy your day, and if you need anything, just come here," she said, and I simply smiled.
Nang makita kong alas-9 ng umaga nakatakdang magsimula ang klase ko, nakahinga ako ng maluwag. Pinag-aaralan ko ang buong iskedyul ko nang matamaan ako ng isang bagay, dahilan para matumba at mahulog ang mga gamit ko.
"Oh s**t!" muttered a husky strong voice. "Are you okay? Let me help you," he said worriedly, and without hesitation, he lifted me as if I were just a piece of paper.
Pinagpag ko ang pantalon ko at inangat ang ulo ko para magpasalamat sa kanya, pero hindi agad ako nakapagsalita. Itong lalaking nasa harap ko ay isang Greek deity. Ang kanyang mga mata ay nakatingin sa akin na para akong biktima, at ang kanyang mga mapuputing ngipin ay ganap na nakadisplay habang siya ay nakangiti sa akin, pati na rin ang kanyang malalawak na balikat, na aktuwal na kasya sa loob ng kanyang damit at maong na pantalon.
"I apologize, Miss-" he said and reached out his hand.
"Victoria," I replied and shook his hand.
"I'm Dmitry."