CHAPTER 5

1671 Words
KANINA PANG INIS na inis si Blaire habang nagmamameho patungo sa pantalan. Nasa tabi niya si Bernard at hindi siya makampante kanina pa. Bakit ba kailangang sumama nito? Ayaw niya ng kasama at gusto lang niyang pumunta mag-isa sa Wild Island. Gusto niyang mag-isa para ma-explore niya ang isla na siya lang. Hindi katulad dati na kasama niya ang mga kaibigan niyang adventurer at vlogger din na katulad niya. Gusto niyang sipain si Bernard palabas ng sasakyan niya pero alam niya sa sarili niya na hindi niya magagawa iyon. She's not a horse! "Bakit ka sumama sa akin?" tanong niya na hindi man lang tinitingnan ang lalaki. "Sinabi sa akin ni sir na kapag hindi ako pumayag, tatanggalan niya ako ng trabaho. Wala akong nagawa kundi ang pumayag, Ma'am Blaire," magalang na sagot ni Bernard na akala mo'y matanda na siya. Napailing siya at itinigil ang sasakyan sa gilid ng highway saka binalingan ito. Bernard is handsome at hindi bagay dito ang maging hardinero lang. Pero hindi ito ang pinag-uusapan ngayon, ang pinag-uusapan ay kung paano niya mapapaalis ang lalaki sa tabi niya. Hindi naman siya nandidiri rito dahil mabango naman ito. Naaasiwa lang siya kasi hindi niya talaga gusto ang desisyon ng daddy niya. "Paano kung sabihin ko sa iyong bumaba ka ng kotse ko, bababa ka ba?" tanong niya. Kaagad itong umiling. "Hindi po, ma'am. Nangako po ako sa daddy mo na hindi ako aalis sa tabi mo." Shit! Nakakainis! "Hindi ka aalis sa tabi ko? Paano ang paliligo ko? Tatabi ka pa rin kahit hubo't-hubad ako?" She's just testing him. "Iba na pong usapan iyan, Ma'am Blaire. Kapag maliligo o magsi-CR po kayo, malamang mag-isa lang po kayo dahil hindi naman po ako manyak. Mabuti po akong tao at ginawa ko lang ito para protektahan ka." Para protektahan siya? Sa tanang buhay niya, hindi siya napapahamak kaya hindi niya kailangan ang katulad ni Bernard. Palibhasa'y tinakot ng daddy niya kaya ganito ito. Paano kaya kung makipag-deal siya sa lalaki? Aalukin niya ito ng pera umalis lang ito. "Nangangailangan ka ba ng pera, Bernard?" tanong niya— nakangiti itong tiningnan. Nakita niya ang paglunok nito. "Opo, pero kung balak niyo akong bigyan ng pera para umalis, pasensya na pero hindi ko tatanggapin. Kahit ano pa ang ibigay mo, hinding-hindi ko tatanggapin iyan. Pasensya na, Ma'am Blaire." Napayukom siya. Gusto niyang iangat ang kamao niya at suntukin ito. Paano niya mapapaalis ito? Wala na siyang maisip na plano. Lahat yata ay nagawa na niya. Paano niya ma-e-explore ang sarili niya kung kasama niya ito? Damn him! Mahimatay sana ito tapos iiwan niya sa gitna ng kalsada! Napakibit-balikat na lang siya at ipinagpatuloy na ang pagmamehon ng sasakyan niya. Ibang ruta ang binabagtas niya ngayon... hindi sa pantalan na dapat niyang pupuntahan. Bahala na, mag-iisip siya habang abala siya sa pagmamaneho. Mayamaya pa ay bigla na lamang may tumawag aa cellphone niya na nakapatong sa dash board ng kotse niya. Hindi niya kinuha ang cellphone dahil may suot naman siyang earpiece na nakakonekta sa cellphone niya. She tapped the device on her ear thrice that's why the call answered. "May pupuntahan ka ba ngayon, Blaire?" Oh, it's Paulin. "Oo. Actually, I'm driving now. Bakit mo natanong?" naiiling niyang tanong sa kaibigan. "Balak sana kitang ayain na mag-inom mamayang gabi kasama si Danny. Nakakainis lang, Blaire. Nagalit sa akin si Sir. Jarred dahil natapilok ako kanina sa harap niya. Nandoon pa naman si Sir. Del Fierro, iyong bago niyang business partner. Hoy, gaga, espanyol pala iyon." Natawa siya. "Gaga ka! Bakit ka naman natapilok? Nakakahiya kaya iyon. You made a scene. So, ano, tanggal ka na ba?" "Hindi, no! Grabe, ang hot ng bagong business partner ni Sir. Harred. Daddy siya. Ang guwapo pati. Baka maging sugar baby ako noon soon," anang Paulin at humagalpak pa ng tawa. "Kadiri ka naman! Papatol ka sa matanda? Sayang ang kagandahan mo, Paulin! Guwapo nga, matanda naman." "At least mapera. Tsismosa ako kaya narinig kong ang pinag-usapan ng dalawa. Si hot daddy, may offer kay Sir. Jarred na isla. Ibibigay daw kay Sir. Jarred ng free. Pero punyeta, hindi tinanggap ng tiyuhin mo!" parang inis na inis na wika nito. "So, what's the matter?" tanong niya. "Hala, ewan ko sa iyo! Nga pala, saan ang lakad mo?" "Papunta ako sa Wild Island." "Huh? Anong while island? Hoy, nawawala ka." Natawa muli siya at pinatay na ang tawag sa pamamagitan nang pagpindot ng end button sa earpiece na suot niya. Napailing na lang muli siya at istriktong tumingin sa kalsada para hindi siya maaksidente. "Ma'am, puwede bang huminto muna tayo sa gasulinahang iyon? Naiihi lang ako, e," mayamaya pa'y wika ni Bernard at itinuro ang gasolinahang may kalayuan pa sa kanila. It's a time. Sinunod niya ang gusto nito. Nang makarating sa harap ng gasolinahan, tinigil niya ang kaniyang sasakyan. Kapag lumabas ito, papatakbuhin na niya ang kotse niya hindi lang ito makasama. Alam niyang hindi ito maganda pero alam niyang ito lang ang way para maging mag-isa siya patungo sa isla. "Huwag kang aalis, ma'am." Si Bernard at lumabas na ng sasakyan niya at tumakbo na palayo— papasok sa gasolinahan para umihi. Nangingisi siyang ngumiti. Sinarado niya ang pintong nilabasan ni Bernard. "Bye, see you..." At minaneho na niya ang sariling sasakyan palayo sa lalaki. Finally, she's alone! Habang nagmamaneho, tiningnan niya ang kaniyang likuran at nakita niyang humahabol sa kaniya si Bernard. Napatawa na lang siya dahil doon. Sa wakas, mag-isa na lang siya. Hindi niya kailangan ng katulad ni Bernard. Sadyang naaasiwa lang talaga siya sa lalaki. Naiiling siyang humarap at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang may makakasalubong siyang isang truck. Kaya naman mabilis niyang kinabig ang maninela patungo sa kanan at itinigil iyon sa tabi ng kalsada. Thank God, she's safe now. Pero iyong puso niya, kabang-kaba pa rin. Ang tanga naman niya kasi, e! Sinilip niya ang likuran niya at hindi na nakita si Bernard. Tsk, bagay lang ang ginawa niya rito. Wala naman siyang galit sa lalaki, ayaw niya lang talaga ng may kasama. Sunod-sunod na napailing si Blaire at muling nagmaneho ng kaniyang sasakyan. Ngayon, magiging istrikto siya dahil kamuntikan na siyang mabangga kanina. Sh-um-ortcut siya sa daan patungo sa pantalan ng isla. At makalipas ang halos kalahating oras, narating na niya ang pantalan. She parked her car in the parking lot and stepped out. Sinabi ng admin sa kaniya na rito siya magtungo at hanapin lang ang number ng yateng sasakyan niya. Siniguraduhan muna niyang naka-lock ang lahat ng pinto ng kotse niya bago siya naglakad bitbit ang kaniyang backpack at camera. "Good morning po, ma'am," nakangiting sabi ng lalaki na naka-shade at puro itim ang suot nito. Mapasaklob at sapatos, kulay itim. May patay ba? Kidding. "Good morning din. Papunta ako sa Wild Island. Can you guide me? Paano ko malalaman ang number ng yateng sasakyan ko, e ang daming mga yate sa harap ko?" aniya saka tinuro ang mga yate na nakatigil. "Can I see the code, ma'am?" tanong ng lalaki. Code? Anong code ang sinasabi nito? Napailing siya bigla nang may maaalalang may s-in-ave nga pala siyang code kanina. Ibinigay din iyon sa kaniya, kasama ng email. s**t, bata pa siya pero makakalimutin na siya. "Oh, wait," saad niya saka kinuha ang cellphone sa bulsa at pinuntahan ang gallery. Nang makita ang code, iniharap niya ang cellphone sa lalaki. "Here," sabi niya. The man nodded. May kinuha itong kung ano sa likod. It's a device na hindi niya alam ang tawag. But it looks like a thermal scanner. Pero hindi, hugis lang ang pagkakaparehas nila. Maybe it's a scanner. Nothing! Itinutok ng lalaki ang hawak sa cellphone niya at biglang may tumunog na kung ano. Matapos ang ilang segundo, tinanggal na nito sa pagkakatutok ang hawak. "Your yacht number is nine, ma'am. You are recorded kaya hindi ka mapapahamak. Welcome in Wild Island, ma'am. We have a policy. No camera is allowed, ma'am. Ayaw po ng may ari ang pictur-an o video-han ang isla. Camera po ba iyan, ma'am?" At nginuso nito ang bag niya na nakasabit sa balikat niya. Yeah, it's a camera. Ano bang klaseng pulisiya iyan? Bakit bawal ang camera? Ang arte naman ng may ari. Sarap kutusan. Kailangan niyang magsinungaling lalo pa't parang hindi sigurado ang lalaki kahit obvious namang camera iyon dahil mismong bag ng camera ang kinalalagyan nito. "Hindi iyan camera. Puwede na ba akong pumunta sa yatch ko?" She raised her eyebrows. "Ah. Sure, ma'am. I'll guide you." She just nodded. Nanguna ang lalaki samantalang siya'y sumunod lang dito. Nang makatawid, kaagad siyang pumasok. Wow, the inside is so beautuful. Mangilan-ngilan lang ang tao. Worth it ang bayad niya. Malapad siyang napangiti at naglakad na patungo sa top deck. Nang marating, lalo pang lumapad ang ngiti niya. She loves this kind of scenario and she can't wait to see the Wild Island. "Hey, miss! You are beautiful," anang isang boses sa likuran niya. Napairap siya saka bumaling sa likuran niya. She saw a man who's looking at her sharply. Bahagya siyang natakot dito. He looks decent pero parang demonyo. "Puwede bang iwan mo ako?" "Why would I do that? You're so beautiful, miss. May I know your name?" Ang galing! "I'm sorry pero hindi ako nakikipag-usap sa estranghero. Iwan mo na lang ako kung ayaw mong masuntok kita," naiinis niyang wika saka tinalikuran ito. "I'm Warren, by the way." So? Umiling siya at pinagmasdan ang karagatan. Hindi pa naandar ang yate dahil baka may iniintay pa. Gusto na niyang umandar ito para marating ang destinasyon niya. Nang mapagod, umupo siya sa upuang malapit lang sa kaniya. Tiningnan niya ang kinaroroonan ng lalaki kanina, nawala na ito. Ang bilis namang nawala noon. Ni hindi niya naramdaman ang pag-alis nito. Bakit niya ba iniisip ang lalaking iyon? He's just a stranger! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD