"HINDI KA NA talaga magtatrabaho?" may kalungkutang tanong ni Paulin kay Blaire habang may nakasalpak na kwek-kwek sa bibig nito.
Nasa labas sila at break nila ngayon kaya naman naisipan nila munang kumain ng kung ano-ano sa labas ng gusaling pinagtatrabahuhan nila.
Kaagad siyang tumango. "Oo, napapagod na kasi ako. Pati sabi ni daddy puwede naman daw akong huwag nang magtrabaho. I already told this to Tito Jarred and he agreed naman kaya ayon, naghahanap na siya ng papalit sa akin. Ngayong araw na ang huling trabaho ko ngayon dito kaya mami-miss ko kayong dalawa," aniya na may katamlayan ang boses.
Um-agree na siya dahil hindi na rin niya kayang magtrabaho bilang sekretarya ng tito niya kaya umalis na siya. Hindi naman nagalit ang mommy niya nang sinabi niya iyon dahil parang naintindihan din nito ang sitwasyon niya. May advantage ang pag-alis niya sa kumpanya ng tito niya at isa na roon ang hindi na niya pag-iinom. Nito lang naman siyang natutong mag-inom nang magtrabaho sila. Pero nag-iinom na siya dati pa, hindi nga lang iyong matagal katulad nitong mga nakaraan. Sa totoo nga niyan ay wala siyang trabaho nitong mga nakaraan pero nagkakapera siya sa pamamagitan ng pagba-vlog. Vlogging is her life!
"We will miss you, Blaire," malungkot na saad ni Danny habang ngumunguya ng barbeque.
"Mami-miss ko rin kayong dalawa. Paalala lang ha, huwag na huwag kayong gagawa ng ikakainit ng ulo ni tito. At ligtas na ako, hindi na ako ang magbibigay ng mga ipinapabigay mo, Paulin. Pero ito, seryoso na. Mabait naman talaga si Tito Jarred, as what I said, huwag lang kayo gagawa ng ikakainit ng ulo niya dahil literal na iyon sa kaniya. Ganiyan din si mommy, e, iinit kaagad ang ulo kahit hindi naman kalakihan ang problema o mali ko."
"Heh! Bakit pa kasi kailangang umalis ka?" Si Paulin.
"This job isn't for me, okay? Hindi naman sa ayaw ko pero hindi ko lang talaga gusto. Kuntento na ako sa dati kong ginagawa at iyon ay ang pagba-vlog. I'll continue doing my passion. Sorry talaga. Huwag kang mag-alala dahil kakausapin ko ang magiging bagong secretary ni tito."
"May magagawa pa ba kami?" At tumalikod si Paulin na akala mo'y nagtatampo.
Napabuga na lang siya ng hangin sa kaniyang bibig at ipinatong ang hawak sa lamesa saka hinarap ang nagtatampo niyang kaibigan. "Huwag kang mag-alala dahil bibisita pa rin ako rito, no. Don't be sad, para kang bata," she teasingly said and tickled Paulin.
Nag-angat ito ng mukha sa kaniya. "I'm not sad, b***h!"
"Huwag nga ako, Paulin. Tigilan mo ako sa kaartehan mo. Mangingibang-bansa ba ako? Hindi naman, hindi ba? Huwag ka ng malungkot, ikaw rin Danny. Kumain na lang tayo at i-enjoy natin ito dahil treat ko kayong dalawa," masaya niyang sabi saka bumalik sa puwesto at kinuha ang kinakain kanina.
"Hindi naman ako malungkot, e. It's just a joke. Actually, I'm happy dahil maaakit ko na ulit si Fafa Jarred."
Kaagad niyang nahampas ang balikat nito. "Gaga ka talaga! Anong ibig mong sabihin? Inaakit mo dati si Tito Jarred?" gulat niyang tanong kay Danny, ang harot!
"Hindi naman, parang ganoon lang. I'm just lusting him." At humagalpak ito.
Napairap na lang siya. "Ang landi-landi mo tal—"
"Ms. Blaire, can we take a picture?"
Napalingon siya sa nagsalita at may nakita siyang isang babae sa hindi kalayuan. Malapad ang ngiti nito sa kaniya. Take a picture? Sure! Ngumiti siya sa babae saka ipinatong muli ang hawak sa lamesa saka nilapitan ito.
"Hi," aniya rito.
"Oh my God! Hindi ko po inaasahan na makikita po kita sa personal. I'm a fan and I really idolized you. Puwede po ba tayong mag-picture? Remembrance lang po sa pagkikita natin."
"Sure, let's go." Hinawakan niya ang kamay ng babae saka hinila ito patungo kina Danny at Paulin na abala pa rin sa pagkain. Nang makarating silang dalawa, hinarap niya ang babae. "Can I get your phone?" she asked.
"Sure," tatango-tangong sabi ng babae saka kinuha ang sariling cellphone sa bulsa at ibinigay sa kaniya.
Nang mapasakamay na niya iyon, inabot niya iyon kay Paulin. "Kuhanan mo kami, please?"
"Ano ba bang magagawa ko?" parang naiinis na asik nito saka kinuha ang cellphone sa kamay niya kaya naman umayos siya kasama ang babae.
Nagsimula na silang kuhanan ni Paulin. They smiled for every second that has passed. Pinayagan na niya ang babae dahil minsan lang naman niya gawin ito sa kaniyang buhay— ang makipag-usap sa kaniyang mga tagahanga— ang makipag-picture, it's fine for her!
"CAN I JUST ask?" tanong ni Blaire habang ang cellphone niya ay nakadikit sa kaniyang kanang tainga. Nakaupo siya sa bintana ng kuwarto niya at nakasilip sa labas.
"Sure, ma'am. You can ask anything," magalang na sabi ng nasa kabilang linya.
Napatango siya. She took a deep sigh. "Magkano ang babayaran ko para makapasok lang sa isla?" she asked.
Dahil sa kuryosidad, tinawagan niya ang numerong nasa imbitasyong natanggap niya nitong nakaraan. Iniimbitahan siya na pumunta sa Wild Island, isang tagong isla sa Batangas at hindi raw iyon kilala. May isla bang hindi kilala? Ang ibig niyang sabihin ay, bakit hindi kilala? Wala bang mga turista? Napailing siya. She needs to go there para makita niya ang mismong isla. Kahit magkano pa ang bayaran niya, pupunta siya makita lang iyon.
"Two million po, ma'am," diretsahan at walang pagdadalawang-isip na sagot ng babae sa kabilang linya.
Napanganga siya ng mga sandaling iyon. Two million? Dalawang milyon ang babayaran niya makapasok lang sa islang iyon? What the hell?! Seryoso ba ito? Dyamante ba ang tubig doon? Ginto ba ang mga buhangin doon?
"Bakit naman masyadong mahal?" tanong niya habang nakakunot ang noo.
Aniya nga, kahit magkano ay pupunta siya. Hindi lang niya naisip na ganoon kalaki ng pera ang kailangan niya makapasok lang doon. Baka nga isang araw lang siyang manatili, e 'di hindi na worth it ang binayad niya.
"Ma'am, the island is for exclusive people only. We invited you because we know you're a rich. And yes, ang isla po ay para lang sa mga taong mayaman o may pera. But, may 60% pong discount because you're a celebrity. Binibigyan po namin ng discount ang taong iniimbitahan namin— exclusively katulad po ng ginawa namin sa inyo."
Celebrity? b***h, hindi artista ang tingin niya sa sarili niya, duh! Oo nga't sikat siya pero never niyang inisip na artista siya. She's just a vlogger and that's all. Magmumukha siyang mahirap kapag tinanggap niya ang discount. Pero sayang din, pera rin iyon.
"Sige, I'll go there," aniya at tumayo sa kinauupuan at naglakad patungo sa kama niya.
"Alright, Ms. Castillo. We will email you right away and instruct you on how to send your p*****t to us. Thank you and God blessed, ma'am. And we're looking forward for your coming in Wild Island.
"Thank you rin. I will wait."
The line died. Napabuga siya ng hangin sa bibig at umupo sa kama. She can't wait to visit the Wild Island, she can't wait to see if the said island is beautiful. Mayamaya pa ay napagdesisyunan na niyang tingnan ang laptop niya dahil baka nag-email na ss kaniya. Hindi nga siya nagkamali, they sent an email na kaagad niyang binuksan.
"WHERE ARE YOU going, Blaire?" tanong ng daddy ni Blaire nang makababa siya sa unang palapag ng bahay nila, bitbit niya ang camera niya samantalang may bag siya sa kaniyang likuran.
"May pupuntahan lang po ako, daddy," nakangiti niyang sabi rito saka nilapitan ito kung saan ito naroon— sa sala.
Nang makalapit, umupo siya sa harap nito.
"At saan ka na naman pupunta? Hindi porke pinayagan kitang huwag nang magtrabaho kay Jarred, gagawin mo ulit ang mga ginagawa mo noon. Travel?"
"Yes, daddy. I will travel. This is my passion, daddy. Hindi naman po malayo ang pupuntahan ko dahil sa Batangas naman po ang location ng islang pupuntahan ko," aniya rito.
"Isla? Sa isla ka pupunta?"
She nodded. "Yes, daddy. I already paid my p*****t. Don't you worry dahil isang araw lang po akong mananatili roon. I will explore the island. Please, daddy. Payagan niyo na sana akong umalis dahil ilang buwan ko rin po itong hindi ginawa. Please? Please? Please?" pagmamakaawa niya at tumayo sa kinauupuan saka tinabihan ang daddy niya.
"Wala kang kasama?" tanong nito habang nakatingin sa kaniya.
"Wala po, daddy. Ako lang pong mag-isa. Please, payagan niyo na po ako. Ano po bang gusto niyong gawin ko para mapapayag mo ako?"
Hindi siya maaaring hindi makapunta sa isla lalo pa't nakita niya ang mga larawan ng isla. The island is insanely beautiful and the water is color blue. Hindi lang iyon, maganda talaga ang isla at ngayon ay masasabi niyang worth it and binayad niya. She can't believe na may nag-e-exist pa lang ganoong isla rito sa Pilipinas.
"Wala kang kailangang gawin, Blaire! Kung wala kang kasama, magpahatid ka kay manong sa pantalan at para malaman ko kung saang isla ang tinutukoy mo. Baka magkaroon ng emergency sa iyo. Kung ayaw mong magpahatid, drive your own car pero sasama sa iyo si Bernard."
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Si Bernard? Ang kanilang hardinero? At bakit naman siya magpapasama sa lalaking iyon? No way!
"Daddy, puwede bang ako na lang ma—"
"Hindi puwede. I'll call Bernard at sasamahan ka niya sa isla. Wait me here, Blaire," anang daddy niya at tumayo na kinauupuan saka naglakad na— dinako ang pinto palabas para tawagin ang hardinero nila.
Sa lahat ng lalaki, bakit si Bernard pa? Ayaw naman niya kay manong dahil ayaw niyang malaman ng daddy niya kung saan mismo nakatayo ang isla. Oo, sa Batangas. Pero hanggang doon lang ang alam ng daddy niya. Wala na siyang magagawa pa, may plano siya mamaya. Subukan lang ng lalaking iyon sumama sa kaniya, tatanggalan niya ito ng trabaho!
TO BE CONTINUED...