CHAPTER 6

1715 Words
HALOS DALAWANG ORAS yata ang byinahe bago makarating si Blaire sa Wild Island. Halos mahulog ang baba niya nang makaapak siya sa buhangin ng isla. Mas maganda pa pala ito sa personal kaysa sa picture. The island is beautiful, jaw-dropping, and cozy. The water is color blue. Sa bandang malayo ay may mga floating cabin. She's actually cursed in her mind because of amusement. Ngayon ay masasabi na niyang worth it ang binayad niya. Hindi na siya makapaghintay na makapaglangoy sa dagat, makapunta sa cabin niya, at makakain ng mga pagkain dito. Balita niya'y hindi pagkaing pilipino ang hinahain dito bagkus ay mga pagkain na nagmula pa sa Espanya. Ang dati kasing may ari nito ay isang Espanyol at ipinamana lang nito ang isla sa anak. She's amazed! "Good morning, Ms. Castillo. Welcome to Wild Island," magiliw na wika ng babaeng lumapit sa kaniya. She smiled. "Good morning, din. And thank you for welcoming here in Wild Island. By the way, how did you know me?" "Ma'am, you're a famous that's why I knew you. And I'm a fan. I just want to inform you that cameras aren't allowed." At inangat nito ang palad sa kaniya. Napakunot siya sa huling talatang sinabi nito. Hindi allowed ang camera rito? Oo nga pala, bawal nga pala ang camera katulad ng sinabi ng lalaki kanina. My God! Paano na niya mare-record ang isla? Wala na? Wala siyang nagawa. Tinanggal niya ang camera niyang nakasukbit sa kaniyang leeg at inilagay sa palad ng babae. "Bakit ba bawal mag-record?" Kahit alam niya, tinanong niya pa rin. "Gusto ko lang namang kuhanan ang mga gagawin ko rito sa isla. It's beautiful and it's instagrammable. Sayang lang. Kung puwede ngang makausap ko ang may ari, nagawa ko na. Tsk!" may pagkainis niyang sabi saka pinag-krus pa ang mga braso sa tapat ng kaniyang dibdib. "I'm really sorry for this, Ms. Castillo. I'm just working here at ginagawa po natin ang nasa policy. Don't you worry, ibabalik itong camera mo kapag aalis ka na ng isla. At doon sa sinabi mo, you can actually talk to Sir. Del Fierro. He's in his office. He's open right now. Malay mo, payagan kang pagamitin itong camera mo." "Del Fierro?" wala sa sariling tanong niya sa babae. "Yes, surname of the previous owner and latest owner. Pupuntahan niyo po ba? I can guide and help you, Ms. Castillo," anang babae. Napailing siya. If she's not mistaken, she already heard that surname. Nakalimutan lang niya kung saan pero sigurado siyang narinig na iyon ng kaniyang tainga. Bakit niya ba pinagtutuunan iyon ng atensyon? Naiinis siyang muling napailing. "H-Hindi na. Hahayaan ko na lang na hindi ko ma-record ang pagpunta ko rito. Ayaw kong abalahin ang may ari. Nga pala, puwede mo ba akong samahan sa cabin ko? Hindi ko kasi alam kung saan dahil ang dami," halos matawa niyang wika sa babae. "Of course, Ms. Castillo. Ano bang number ng cabin niyo?" "It's..." Kinuha niya ang isang papel sa kaniyang bulsa at tiningnan ang number doon. "My cabin number is 39," she informed. "Great! Let's go, Ms. Castillo. Akin na ang bag mo, ako na ang magdadala." Wala na siyang nagawa. Ibinagay niya ang back pack niya kahit ilan lang ang laman noon. Ni hindi nga siya nabibigatan, e. Parang nakakahiyang tumanggi sa babae kaya napilitan siya. Nanguna ang babae samantalang siya ay sumunod dito. Malaki ang isla at talagang napakaganda. Iyong mga cabin, ang lalaki at hindi katulad sa mga napuntahan na niya. May building pa sa hindi kalayuan na parang hotel dahil halos hile-hilera ang mga pinto. Tapos marami pang iba. It looks like a city. Nang makarating sila sa kaniyang cabin, namangha kaagad siya. Maganda ang loob. Kakaiba ito dahil may second floor pa. Wala na yata siyang ibang ginawa nang makaapak siya rito kundi ang mamangha. "Here's your key, Ms. Castillo. If you need us, don't hesitate to call us in the telephone." Ipinatong ng babae ang susi sa lamesa kapagkuwan ay itinuro ang telepono na nakadikit sa pader. She nodded. "I will. Thank you for guiding me," nakangiti niyang sabi at umupo sa kahoy na upuan. Mula sa harap niya, tanaw na tanaw niya ang asul na karagatan. Such a nice view. "Hindi ako nagsisising pumunta ako rito. Baka abutin ako rito ng ilang linggo o baka buwan na," nangingiti niyang bulalas. "That's good to hear that, Ms. Castillo. Nga pala, may party mamayang 8 PM. Lahat ng nasa isla ay imbitado at kasama ka na roon. May live band at Ms. and Mr. Wilder tonight." "Ms. and Mr. Wilder? Why wilder?" She's confused. "Dahil ang mga taong pumupunta rito ay mga open-minded, Ms. Castillo. Hindi lang ito basta isla katulad ng sa iba. This island is different. Malalaman mo iyan mamayang gabi, sa party. Are you open-minded, Ms. Castillo?" "Yes, I am. Bakit mo natanong?" "Oh, that's great too. Huwag ka sanang magugulat sa mga makikita mo. Dahil para sa mga matagal na rito, normal na ang mga iyon. I have to go, Ms. Castillo. Aasahan kita mamaya sa party." She wants to ask her what does she mean pero hindi na niya naitanong dahil baka pagsabihan siya nitong usasera. Tumango siya kaya naman lumabas na ito sa cabin niya. Bakit naman siya magugulat? Hindi naman siya magulatin. Kung walang manggugulat, hindi siya magugulat. Ang gulo, maganda nga ang isla, ang gulo naman ng mga patakaran. Katulad na lang nang pagbabawal ng camera. May party mamaya, sige, dadalo siya. Bahala na kung ano ang mangyari sa kaniya. Napailing siya at tumayo sa kinauupuan dahil bigla siyang nakaramdam ng uhaw. Tinungo niya ang refrigerator at binuksan iyon. Bahagya siyang nagulat nang makitang punong-puno iyon ng kung ano-ano. Galante naman pala itong isla. Kaya pala ekslusibo lang sa mga mayayaman. Napairap siya at kumuha ng tubig at uminom. Matapos uminom, inilang hakbang niya ang maliit na counter. May mga iba't-ibang klase ng mga alak doon. Mga kopita. Parang nauhaw siya pero pinigilan niya ang sariling hindi uminom dahil may dadaluhan siyang party mamaya, ayaw niyang malasing kaagad. Muli siyang napailing at tinungo ang banyo para maghuhas ng mukha. 'Pagbukas niya ng banyo, bumungad sa kaniya ang magandang loob. Magkasama na ang shower at toilet. Not bad, huh. Hindi katulad ng sa iba, walang shower— sa labas lang. Naglakad na siya patungo sa lababo. Tiningan niya ang sariling repleksyon doon. She's beautiful— a pretty woman. She's almost perfect pero bakit wala pa siyang boyfriend. God, nakakainis naman kasi. She's protecting herself— her virginity. Iba na kasi ang panahon ngayon, puro s*x na lang ang habol ng mga lalaki kaya todo ingat siya sa sarili niya. Sunod-sunod siyang nagpakawala ng hangin mula sa bibig at binuksan ang cabinet na nasa tabi lang ng salamin. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya sa kaniyang mga nakita. Ito ba iyong tinutukoy ng babae na huwag magugulat kapag nakakita ng hindi normal na normal na sa iba? Oh God, bakit niya iyon nakita? Ilang d***o ang nandoon at may ilan pang vibrator. Bakit ganoon? Bakit may mga d***o at vibrator sa banyo niya? Dahil sa pagkainis, padaskol siyang lumabas ng banyo at nagtungo sa ikalawang palapag ng cabin niya. Kung sa iba'y normal lang iyon, puwes, sa kaniya'y hindi, hindi normal ang ganoong bagay para sa kaniya. Bahagyang napa-anga si Blaire nang makita niya ang kabuuan ng ikalawang palapag. Maganda at malawak. May malaking kama, isang lamesa, at isang hindi naman kalakihang closet. Ang mga iyan lang ang laman ng ikalawang palapag. Isama pa ang aircon na nakadikit sa dingding at orasan. Ayan lang. Kaya pakiramdam niya'y maginhawa. Inaakit siya ng kama ngayon pero pinipigilan niya ang sarili dahil maglalangoy siya sa dagat. She shaked her head and went back in the first floor. Kinuha niya ang bag niya saka muling bumalik sa ikalawang palapag ng cabin niya at umupo sa kama. She's about to open her bag when her phone from the inside rang. Tinuloy na niya ang pagbukas noon at tiningnan ang tumatawag. It's her daddy. Bago siya sumagot, sunod-sunod muna siyang nagpakawala ng hangin sa kaniyang bibig at pinindot na ang answer button. "Hello, dadd—" "At nasaan kang babae ka, huh?" It's her mommy, omo! "M-Mommy..." she said nervously. "Nasaan ka, Blaire?! Did I allow you to leave the house, huh? I agreed to your daddy because you are pressured. Alam mo ba kung ano ang dahilan nang pagpayag kong huwag ka nang magtrabaho kay Jarred? Because I want to you to be at home and rest. Pero anong ginawa mo? You left without talking to me! Where the hell are you, Blaire?!" galit na galit ng saad ng mommy niya sa kabilang linya. If she could see her, baka pulang-pula na ito, katulad ng angry emoji. Kidding aside! Pero iyong totoo, takot na takot talaga siya dahil lumabas na naman ang ugali ng mommy niya. Ano nang gagawin niya? "M-Mommy, l-let m-me e-ex-plain..." halos mautal niyang wika saka tumayo sa kinauupuan. "Explain? Sa tingin mo tatatanggap ko ang eksplanasyon mong bruha ka? No, I won't! Kaya kung ayaw mong magalit pa ako sa iyo nang tuluyan, umuwi ka na ngayon din!" "But, mommy! Nasa Batangas po ako. Hindi po ako makakauwi ngayon. Sorry po talaga, mommy. Mag-e-explain na lang po ako kapag nakabalik ako. Sorry talaga, mommy. Gusto ko lang namang mag-enjoy, e. Huwag niyo naman po akong tawaging bruha. I am not, mom—" She stopped talking when her mommy yelled at the line. "Shut up, Blaire!" Shit, para yatang naapektuhan ang eardrum niya dahil doon. "Mommy naman, e. I'm not a kid anynore!" "Wala akong pake, Blaire. Gusto ko nandito ka na kung ayaw mong makita ang tunay kong ugali." Then she ended the line. Marahas siyang nagpakawala ng hangin sa bibig at bumalik sa pagkakaupo sa kama. Grabe talaga ang ugali ng mommy niya. Parang gusto na siya nitong tirisin dahil sa panggigigil. Pero, hindi siya aalis. She will enjoy this island. Sayang iyong binayad niya at sayang din ang kagandahan ng isla. Ngayon lang ulit siya gagawa ng lalo pang ikakagalit ng mommy niya. She won't leave, hindi talaga siya aalis! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD