LIANA JEAN JADAONE- MADRIAGA
"SINO ako?" his deep voice enveloped my whole system. Napangiti ako nang madinig ko ang malalim n'yang boses at kasabay ng pagtakip niya sa aking mga mata. Napabuntong hininga ako bago banggitin ang kaniyang pangalan.
"Terrence..." simple kong sagot sa kanya. Wala akong gana ngayong araw, siguro, dahil sa naiisip ko ang pinag-usapan namin ni Kuya kahapon. I was hurt, alam ko na ng madinig ko na gusto n'yang balewalain ang halik namin ay kumirot ang aking puso. Nalilito na kasi ako sa dapat kong maramdaman, basta ang alam ko mahal ko si kuya kasi kapatid ko s'ya! Mahal ko siya bilang kapatid, dapat ay tanging sa ganoong dahilan lamang.
"Wala ka atang gana ngayon?" He asked me. Tumingin ako sa kanya at saka ko sinara ang hawak kong libro, pinilit kong ngumiti. Pinilit kong maging okay pero hindi ko kaya, 'di ko malimutan ang pag-uusap namin ni Kuya kahapon.
"Medyo pagod lang ako dahil may mga pinagka-abalahan ako kahapon." simple kong sagot sa kanya. Umupo siya sa aking tabi at saka tumingin sa akin.
"Today I can write the saddest, write for example.The night is shattered and the blue stars shivered under the night sky. Tonight I can write the saddest line. In nights like this I held her in my arms and kiss her again and again under the endless sky."
Biglaan nyang recite sa akin ang tulang 'yon. "Third year pa tayo noong binigay ang tulang 'yan, memorize mo pa rin hanggang ngayon?" I asked him. "Siyempre matalino ako, madali kong mami-memorize ang mga bagay na madaling kalimutan." Giit niya at saka s'ya kumindat.
"Bakit mo naman naisip na biglaang i-recite ang tulang 'yan sa aking harap?" tanong ko sa kaniya.
"Baka kasi mamaya, ipa-recite 'to sa akin."
"Terrence, magtatapos na tayo. Wala na tayong world literature!" I said. He chuckled but his emotions changed right away. Nagseryoso ang kanyang mukha na kung tutuusin bihira lang mangyari. Terrence always try his best to be happy-go-lucky in front of me. He wants to see me smile always that's why he is trying his best to make me smile and happy. Napaka-swerte ko at naging nobyo ko si Terrence, kasi alam ko na baka wala nang tumanggap sa akin.
"Hindi baka kasi mamaya i-recite ko 'to para sa puso ko." He said, malungkot ang tono ng kaniyang boses.
"Bakit mo ba sinasabi yan Terrence ha?" I asked him. Seryoso ang mukha n'ya na, "Pakiramdam ko kasi mawawala ka sa akin." sabi nya sa akin.
Yinakap ko s'ya ng mahigpit ng madinig ko 'yon. Napapabayaan ko na ba si Terrence? Nagititnginan ang mga estudyante na dumadaan pero wala akong pake. I just want to make him feel okay. I don't want to hurt Terrence but it turns out that I'm being insensitive over him.
"Talaga bang pinagseselosan mo si kuya?" I asked him.
Umiling sya "Hindi naman ako nagsi-selos, alam ko kasi na mas gusto mo na bumalik kayong dalawa sa dati." sabi nya sa akin at saka siya huminga ng malalim. "Alam ko na mahal na mahal mo pa rin ang kapatid mo sa kabila ng mga nangyari sa'yo." Giit niya muli sa akin.
Hinalikan ko sya sa pisngi." Alam mo mas maigi na kalimutan mo na ang tulang 'yan." Suwestyon ko sa kanya. "At bakit naman?" natatawa niyang tanong sa akin.
"Kasi wala pa sa isip ko na hiwalayan ka at mahal kita." sabi ko sa kanya. Tama, si Terrence ang mahal ko, this love is what a woman should feel for a man. At si kuya, it was just a brotherly love. And our kiss is a mistake, marahil ay nadala lang kami ng pangyayari. Hindi pa huli ang lahat, maybe I can still repent for it. I just want to be with my brother again like before. No romantic bullshits and strings attached.
Mahina nyang pinisil ang pisngi ko. "Tara na, nandyan na ata yung prof nating late magpa-exam. Nagri-rehearse na tayo tapos biglang may exam." sabi n'ya sa akin. Napangiti na lang ako sa kanya at magkahawak kamay kaming pumasok sa classroom. Dapat kasi wala na kaming iintindihin pero itong professor na isang buwang 'di pumasok ay biglang nagpa-exam. Diba? Imbes na petiks na kami sa kanya dahil graduation na. Ito kami bumalik para lang sa exam n'ya. Nang matapos ang exam ay dumiretso kami ni Terrence sa bahay. Gusto ko kasing magpahinga ng maaga at saka matulog nalaman samantalang siya naman daw ay gustong makikain ng meryenda at laruan si Sven.
Pagdating namin sa bahay at nakita kong nakaparada ang sasakyan ni Kuya Seb sa labas. Lumakas ang t***k ng puso ko, binalewala ko naman 'yon at saka kami pumasok sa loob. Pagpasok na pagpasok namin ay sinalubong kami ni Sven, agad akong tumalon -talon sa harap ni Terrence. Agad naman siyang nilaruan nito, naglakad naman ang aking paningin sa kitchen at doon nakita ko si Mama at si kuya seryoso silang nag-u-usap. Umiinom pa ng kape si kuya sa harap nito, sandali siyang napatingin sa amin ng makita niya kami ni Terrence, ngumiti na lamang ako. Dumating sila Mama last week mula sa honeymoon nila ni Papa, napakarami nga n'yang kwento at pasalubong sa amin.
Ngunit sa kasamaang palad, 'di na daw kami magkakaroon ng bunsong kapatid. Bumalik ang sistema sa loob ng bahay ng dumating sila pero naging madalas naman ang dalaw ni kuya. Na kahit sila na muli ni Nicole ay tila ba 'di sila madalas magkita dahil mas madalas s'ya rito sa bahay.
Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong nakikita siya. Just his presence alone makes my heart flutter. "Aw! Aw!" ginising ng tahol ni Sven ang aking diwa.
Tumingin ako sa kanya at nakita ko s'yang lumalantak ng mani galing kay Terrence, napaikot ang aking mga mata. "Terrence! Diba ang sabi ko 'wag mong pakainin ng mani yung aso?!" sigaw ko sa kanya. Binigay na naman kasi nya yung mani ng chocolates kay Sven. Kita n'yang bawal ito kay Sven, ang swerte nga lang nitong aso na 'to at ang haba ng buhay.
"Ayoko ng mani alangan naman na ibigay ko sa'yo 'to. Mas gusto ko pa kung mani mo ang kakainin ko kesa ipakain ko ang mani'ng 'to sa'yo," sabi nya sa akin. I inhaled and let out a sigh, 'di ko mapigilan ang matawa kay Terrence. Mukha lang siyang green minded pero 'di niya magawa ang mga sinasabi niya. May mga oras na sinubukan naming gawin 'yon pero umaatras siya dahil baka 'di daw ako handa o' baka napipilitan lang ako.
What did I do to deserve someone like you?
Kinuha ko is Sven at binuhat ito at saka ako tumabi kay Terrence. We are playing with Sven when Mom went to us. Basa ang kamay niya at may hawak s'yang kutsilyo, senyales na hands on siya sa dinner namin ngayong gabi at siya ang nag-prepare ng lahat ng lulutuin niya.
Mamaya maya pa pumunta na si Mama sa amin "Terrrence dito ka na maghapunan ha?" sabi nya dito.
"Thank you, Mommy!" sagot ni Terrence. Nabatukan ko tuloy s'ya ng dahil sa sagot niya. "Feeling ka e, nagma-mommy ka na naman sa nanay ko," sabi ko sa kanya.
"Magiging Mommy ko rin naman siya sa hinaharap e. Bakit ba ang rude mo?" Nakangusong tanong ni Terrence sa akin.
"Hayaan mo na 'yang si Terrence, Liana. Sanay na ako d'yan at saka napag-usapan namin nila Kuya and Dad mo na mag outing tayo matapos ang graduation n'yo sa katapusan. Do you like that idea?" Mom asked me.
"Yes Mom, it's okay..." sabi ko sa kanya.
"Ako Mommy, pwede po ba akongng sumama?" tanong ni Terrence kay Mama. Tinirikan ko sya ng mata. Madalas talaga ako ang nahihiya sa kakapalan ng mukha nitong ni Terrence. But he's not Terrence when he's not acting like this.
"Ikaw pa ba Terrence. Automatic ka nang pwedeng bumingwit dahil kasama naman ni Seb si Nicole. Mahirap na kung magiging tag along ang girlfriend mo." Natatawang giit ni Mama sa kaniya.
Kasama si Nicole sa family bonding namin. "Mama diba family bonding to?" I asked her. "Bakit kailangan may kasamang iba?" tanong ko sa kanya.
"So ayaw mo akong kasama?" Malungkot na bulong ni Terrence sa aking likod. Nakita ko pa na binuhat niya si Sven at saka ito niyakap habang nagpapanggap s'yang umiiyak. Napailing na lamang ako sa pinag-iisip ng lalaking 'to.
"Ayaw kasi ng kuya mo sumama kaya pinapasama ko nalang si Nicole. He reluctantly agreed when I suggested that. So pumumunta na lamang tayo kasama ang mga jowa niyo para kunyari triple date tayo." Mom said while laughing.
Sa totoo nyan naiinis ako bakit kasi kailangan kasama pa ang babaeng iyon. Hindi pa ba sapat na halos araw araw at gabi gabi syang iniisip ni kuya.
Pumunta si kuya sa tabi ni Mama at inilapag ang baso ng kape nito sa lamesa. He looked at his watch as if he needed to do something important. "Aalis na ako, Mama." sabi nya at saka sumulyap sa akin.
"Talaga? Akala ko mananatili ka hanggang sa dinner?"
"Nicole is asking to have dinner with me tonight. I forgot that I promised to be with her." Sagot niya rito. Nakagat ko ang aking labi ng madinig ko 'yon. Bakit sobrang sakit sa t'wing nababanggit niya si Nicole? Bakit napakahirap? Bakit pakiramdam ko ay hindi dapat?
***
MABILIS na lumipas ang araw, mas naging busy ako sa paghahanda ng resume ko, at sa paghahanda sa graduation pero kahit na gano'n ay di mawala sa isip ko ang halik namin ni Kuya. Napakatagal na mula nang mangyari 'yon pero ang init ng labi niya ay 'di mawala sa isip ko. Naalala ko pa rin ang bawat galaw, ang hawak niya sa aking likod. Ang lahat... "God, I don't know what I'm feeling." I prayed. "Please guide me not to make a mistake." Dagdag ko pa at saka pinatay ang aking computer dahil paulit- ulit na ako natatalo sa minecraft.
Pakiramdam ko may paro paro sa tiyan ko. "Liana, naplantsa na ni yaya ang toga mo. Bumaba ka na at ng maayusan na kita ng buhok." sabi sa akin ni Mama. Pero kahit na gano'n masaya ako kasi pupunta si kuya sa graduation ko, 'yon nga lang ay kasama n'ya si Nicole. I'll just try to avoid her, I don't want to have any conversations with that girl.
"Opo, Mama!" sigaw ko at sinuot ko na ang sapatos ko. Nakasuot ako ng blue dress at black na high heels para sa graduation namin. Regalo ni Mama ang damit at kay Papa naman galing ang sapatos. Terrence bought me an Urban Decay and too- faced pallete for our anniversary before at 'yon naman ang ginamit kong make up. Dati noong graduation ko ng elementary at high school ay may regalo si kuya sa akin.
Pero sa ngayon ay sapat na sa akin yung magkabati kami bilang regalo. Kinuha ko ang gift ko para kay Terrence at bumaba na ako. Mom fixed my hair and made it curly yet so natural. Habang inaayusan ako ng buhok ay tumitingin ako sa salamin. Palihim kong pinagmamasdan si Kuya Seb.
"Mama. mauna na kami ni Nicole sa venue. We'll just wait you there!" Kuya told her. Mom nodded dahil busy siya sa pag-ikot ng curler sa aking buhok. Kuya went ahead and Mom is also done with my hair. Saglit kong tiningnan ang itsura ko sa salamin. I gasped when Terrence held my hand. his warm smile welcomed me.
"Tara na, Ms. Magna c*m!" He smiled.
"Opo, Mr. Suma c*m, halika na!" sagot ko naman sa kanya.
Si Terrence ang Suma c*m Laude sa aming batch. Mas bata si Terrence sa akin ng dalawang taon dahil tumigil ako sa school noong may sakit ako. Dalawang taon din ako wala noon, ang naalala ko e' lagi ko siyang nakikita sa hospital at lagi niya akong kinakausap. Ang kanyang Papa kasi ang naging doktor ko at nang naging okay na ako, sabay kaming pumasok sa kolehiyo at nag-aral siya kung saan ako nakapasa.
Sumabay ako sa sasakyan ni Terrence samantalang sila Mama at Papa naman ang may hawak sa toga namin. Hindi ko naiintindihan ang lalaking 'to dapat ay sumabay siya sa kanyang magulang pero pinauna na raw niya ito sa PICC para lamang sunduin ako.
"May surprise ka pa ba?" I asked him.
Umiling sya sa akin, "Wag na, ayoko na mag surprise dahil alam mo na ang gusto kong gawin. Hindi na rin surprise 'yon papakiligin na lang kita sa stage. Baka mag pakita na lang ako ng pwet tapos may nakasulat na I love Liana Jadaone- Madriaga." Seryoso n'yang sagot sa akin.
Inirapan ko na lang sya nang marating namin ang venue agad kong sinuot ang toga ko. Malapit na kasing magsimula. Umupo sila Mama sa may bandang likuran pero kitang kita ko sila. Pagkatapos namin na magmartsa nagsimula na tawagin isa - isa. Hindi naman ako kinakabahan, sa totoo pa nga n'yan ay masaya ako e.
Hindi nagtagal ay tinawag na ako sa stage. Si Mama pa ang sumama sa akin para sa aking diploma. Wala akong mapaglagyan ng tuwa dahil magtatapos na ako. Sa kabila ng lahat ay nakapagtapos ako. After years of battling with professors and examination. I made it, finally I'm gonna be an adult! #Adulting.
"Finally, you made it!" sabi nya sa akin. "Thank you Mama, kasi pinagtyagaan mo ako, lalo na nung mga oras na naging pasakit ako sa inyo ni Dad." I said.
"Hindi ka naging pasakit sa amin, okay? Whatever happened before, no one controlled it You are the best and I'm proud of you, Liana." sabi nya sa akin. Ngumiti ako sa kanya, bumaba na kami ng stage at pinanood na matapos ang ilan pang estudyante. Soon afterwards, Terrence was called to deliver his speech. Tumahimik ang mga tao ng makita nila s'ya, he's height and good looking smile welcomed the crowd. Nang makatapat siya sa podium ay ngumiti siya dahilan para asarin siya ng mga ka-blockmates namin.
"Finally! Graduate na tayong lahat. After years of struggles, of cursing with prof's who can't come to class but can give us exams. After many years of copying notes as well as answers to exams. Mapa enumeration, multiple choice, matching type, completion of answers and even essays. Maging ang paglalagay ng lyrics sa examination ni Sir. JDL dahil alam naman nating 'di niya babasahin ang 20 questions of essay na binibigay niya. Matapos ang mga taon kung saan marami tayo nai-luha, nai-tawa, maraming beses din tayong nabaliw. After those meaningful years... Finally, graduate na tayo!" He said, we applauded and laugh with what he said. Ibang- iba ito sa practice speech na masyadong formal.
"And this Summa c*m Laude title, hindi ko ito maabot kung wala ang aking mga inspirasyon." sabi n'ya. "Sa aking Mommy at Daddy na inintindi ako noong 'di ko kinuha ang dream nilang university para sa akin at nag doctor. Hello USTE, you almost had me but I chose my heart. Maraming salamat dahil naintindihan n'yong in love ako nung mga oras na 'yon. Siguro naman e masaya pa rin kayo dahil nagtapos ako bilang Suma c*m Laude! Sa aking girlfriend na kahit lagi akong jinojombagan e ako naman ang pinaka-gwapo sa puso n'ya," sabi nya ulit sa speech. Napafacepalm ako para itago ang aking kilig. Nag-tilian din ang aming mga ka-batch at nag chant pa ng kiss at couple of the year.
"Mamaya na 'yan guys! Mamaya na niya ako iki-kiss!" Sita niya at kunyari pang nahiya. "Dapat kasi susurpresahin ko sya sa speech ko kaso lang nalaman niya ang plano ko. Mayabang kasi ako at sinabi kong mayroon akong surprise. Ano na-surprise ka ba?" He asked. The crowed laugh because of it. Ang ilan ay nangasar pa at hinanap kung sino ang babaeng tinutukoy ni Terrence.
"Miss. Liana Madriaga, maraming salamat sa lahat ng nagawa mo para sa akin. You made me have goals in my life, you made love at the way I never thought I can love. At alay ko rin sa'yo itong diploma ko. Liana Jean Jadaone - Madriaga, I love you... " sabi nya sa akin. Napatingin ako sa likod, si Mama dapat ang titingnan ko kasi kinikilig ako pero ang mga mata ng kuya ang tumama sa akin. Parang nawala ang kilig ko, napalitan yun ng paru-paro sa tiyan ko. Bakit kailangang maging ganito ng aking emosyon?
Parang biglang awkard ang lahat dahil nang idako ko ang tingin ko sa paligid nakita kong nakasandal pa si Nicole sa shoulders niya. Binalik ko ang tingin kay Terrence.
"Liana, I promise.. palagi kitang poprotektahan.. and sa Mama at Papa ko, alam kong sinusuportahan mo ako kahit na di ako magdodoctor, ako lang kasi sa atin ang magiging Business Entrepeneur.. Kaya salamat talaga sa lahat. Thank you for always being there" sabi nya ulit. Nagpatuloy pa sya sa pagsasalita nang matapos na ang speech nya may nilabas syang box at may kinuha dito sabay balik sa bulsa nya. It was necklace lumapit sya sa akin. Narinig ko ang kantyawan ng mga tao sa amin.
"Kiss na yan! Kiss na yan! Kiss na yan!" sabi ng mga tao. He gave me a sweet kiss on my cheeks kaya naman mas naghiyawan ang mga tao.
"Diba sabi ko kikiligin ka?" He asked me.
"Ulul!" sagot ko sa kanya. "Sa lips! Sa lips! Sa lips!" Nilagay niya ang kamay n'ya sa waist ko. I closed my eyes and he kissed me softly. Natawa pa nga ako kasi feeling n'ya talaga romantic ang ginagawa namin. kung 'di pa kami nasita ng Emcee e baka 'di pa tumigil si Terrence sa kakiligan na pinapakita niya. Matapos ang graduation we took some pictures. Halos lahat ay may picture kasama ko pwera si Kuya at yung girlfriend nya na si Nicole.
"Seb, magpicture naman kayong dalawa ni Liana" sabi ni Daddy sa kanya. Tumingin sya kay Nicole pati pa ba yun ipagbabawal ng girlfriend nya ha? "Sure baby, you can." Sabi ng Nicole na iyon. Lumapit ako kay Kuya at tumabi sa kanya. Awkard. "Magdikit pa kayo parang hindi naman kayo magkapatid n'yan." Sabi sa akin ni Daddy. Ginawa namin, it was nerve wracking. Nang magtabi kami ay inilagay niya ang kanyang braso sa aking beywang. Pumulupot ito, 'di ko napigilan ang paghinga ng malalim.
"Ayan ganyan dapat! Diyos ko! Magdidikit din pala!" reklamo ni Papa.
We smiled as the camera flashed.
***
DUMIRETSO kami sa isang pamoso na Italian restaurant pagkatapos. Hindi sumama si Terrence pagkat kakain din sila ng Papa n'ya sa Seaside sa MOA, balak daw nilang lantakan ang dalawang kilo ng hipon.Habang nagu-order ang Papa sa may counter. Naiwan ako kasama sila Mama at at si kuya. "Ano bang balak mo, will you work?" Nicole asked me.
"Balak ko sana na mag-a-aral ako ng martial arts." sagot ko sa kanya. She smiled at me, angelic style pa ang pag ngiti niya. "Pati rin pala Exorcism," taas kilay kong giit sa kaniya.
'You'are really funny, Liana." Sabi nya sa akin.
"Napansin ko kasi may masamang espirito na umaaligid sa pamilya namin kaya balak kong mag aral ng exorcism para mawala na sya sa mundong ibabaw." saka ako tumingin sa kanya.
Tumawa si Mama sabay kurot sa tagiliran ko, napaungol naman ako sa sakit ng kurot niya sa akin. 'Magaling talagang magbiro ito si Liana, nahawa sa humor ni Terrence." sabi naman ng Mama.
"Yung puno sa likod ng bahay namin may kapre ata do'n. Naghahanap madalas ng maaring i-atang, may alam ka ba?" I asked my mom at tumingin ako kay Nicole. She was shocked at halatang nainis s'ya, I flipped my hair and chuckled a bit."I was just asking you. Pwera na lang kung gusto mong maging alay?" I teased. She raised her brows. "On the serious note, ang sagot ko sa tanong mo ay balak kong magwork agad para 'di ako tatambay sa bahay. May mga interviews na ako na dadahulan after the graduation and I might get hired." sagot ko sa kanya.
'Really? san ka nag-a-apply?" She asked me.
"Bakit hahangarin mo ang magiging future ko?" I asked her again.
"Hindi ko gawain ang mga gawain mong bitchy, Liana. Hindi ko ugaling manira." Sagot n'ya sabay tawa. Nag-igting ang aking panga, sabagay tama naman siya. I destroyed their relationship before that's why I shouldn't get pissed.
'Food's here, kumain na kayo..." pinutol ni Mama sa usapan naming dalawa. Tumingin ako kay Kuya Seb at nakita kong 'di maganda ang impression sa akin ngayon.
"I'm sorry." Sabi ko sa kanila at saka ako nagsimulang kumain. Masaya silang nagkwentuhan. Silang apat lang at para bang wala akong sa eksena. Wala ako sa eksena kasi di ko kaya na pakisamahan si Nicole. Pag naghahawak ang kamay nila, nagsusubuan pa sila.
"Itutuloy n'yo ba yung naudlot n'yong marriage?" Dad asked to my brother. Tumingin ako kay Kuya, it seems like he was caught of guard.
"About that.--" He was stopped when Nicole spoke on his behalf.
'Of course, Tito. We are just making things alot strong this time, pero pag maayos na ang lahat. We might as well get married again." sabi ni Nicole at saka ito tumingin sa akin.
***
"LIANA, tanggapin mo na si Nicole. Alam mo namang mahal na mahal ko s'ya diba?" Kuya Seb asked me. I shook my head, I can't accept someone like her. Her reputation is not good in school, she's female version of a womanizer. And my Kuya is her victim.
"Kuya, ayoko s'ya para sayo. She's not a good girl. She'll hurt you!" sabi ko sa kanya. Narinig ko kasi na balak lang nya paglaruan ang kuya, Iiwan nya si Kuya matapos nyang mapaibig ito sakanya. Narinig ko na pinag-u-usapan nila iyon ng mga kaibigan nila nung nag tour kami sa Campus nila.
"Liana, hindi mo pa sya kilala, everytime na magmi-meet kayo tinatarayan mo s'ya. Kilalanin mo si Nicole, she's is a good girl and I love her," sabi nya sa akin.
Tumingin ako kay Kuya. "I still don't like her!" sabi ko sa kanya.
"Liana, ikaw pa rin ang princess ko diba? Hindi magbabago ang aking tingin sa'yo, please, hayaan mo naman ako na maging masaya kasama ang babaeng mahal ko. Please accept her." He asked me. "But she will be your queen.. and she don't deserve a good man like you. You deserve someone better, someone who loves you, 'yung totoong pagmamahal." Saad ko sa kanya.
"Just this time, be good to her . Please give her a chance to show you and our family that she is worth it. Kapag nagustuhan mo siya e baka magustuhan din siya ni Mom and Dad. Baka 'di na ako mahirapan na makuha ang approval nila." Pakiusao niya sa akin.
Umiling ako sa kanya. Kinuha nya ang libro sa aking desk. "I'll do your calculus just do me this favor, please. Pretty, pretty please? " He asked me. Hindi ako tumingin sa kanya. Naiiyak ako, bakit kasi 'di na lang nya hiwalayan ang babaeng 'yon. Hindi siya maganda para sa family namin, at nung nisi-search ko siya nakita ko na may pictures niya sa internet na 'di magaganda. Gusto ko 'tong sabihin kay kuya para lamang hiwalayan n'ya ang babaeng 'to pero tila ba walang makapapagbago ng kanyang isip.
***
KINABUKASAN ay sinama ako ni Kuya sa date nila. Wala kasi si Mama at Papa at walang maiiwan sa akin sa bahay. Ayaw naman n'ya ako iwanan sa mga maid namin dahil gusto ko ngang mahusgahan pa si Nicole. I want to know the real her and not her plastic barbie side.
Habang andoon kami nakikita kong busy siya. 'Kuya ibili mo ako ng Taro Milk Tea," sabi ko sa kanya.
"Just wait, my princess, maupo ka lang dyan ha? I'll be back!" sabi nya sa kin. Nakita ko na pumunta sya sa counter para umorder. Nakakatuwa dahil bine-baby pa rin ako ni Kuya. Napatingin ako sa pintuan at nakita ko na pumasok yung Nicole kasama ang mga kaibigan nya. Agad syang tumingin sa akin and she smirked at inirapan ko naman s'ya.
"Here's you--"
"Hi baby!" lumapit si Nicole at hinalik ang labi ni Kuya. Nabitawan pa nga ni kuya ang Taro Milk tea na dala niya para sa akin. Just like that, he dropped me. Dalang dala s'ya sa halik ni Nicole, unang bumitaw si Kuya sa kiss nila ng mapansin n'yang tinitirikan ko siya ng mata.
"Sorry Princess, bibilhan na lang kita ng bago." sabi naman nya sa akin.
"Dumating na ako, Seb. Your attention should be on me," sabi ni Nicole sa kanya. "Let your sister buy her own, she's a teenager.
"Nagpapabilil kasi ang baby princess ko. I'll be back rightaway, I'll just buy her a new one." sagot naman ng kuya sa kanya.
"Im getting sick of you being like a katulong sa kapatid mong spoiled brat," sabi naman nya sabay tingin sa akin.
'Good thing you made it." sabi ng Kuya sa kanya. Trying to avoid what she said first.
"I am in hurry, I have a recital, remember?" sagot naman ni Nicole sa kanya.
"this will be short.. umupo ka muna" sabi ng kuya sa kanya. He kissed her again at saka pumunta si Kuya sa stage. Kinuha n'ya ang mikropono ."Uhmm.. 1,2..1,2,3.. check"
"Tonight! I will be doing the biggest thing in my life." sabi ni Kuya. Naglabas sya ng box na maliit. Wait magpopropose sya kay Nicole. Tumingin ako kay Nicole na nakasimangot ngayon.
"Ano na naman bang katangahan ang gagawin n'ya?" bulong nito. aba! Aba! Ang swerte nga at binebeybi ka ng kuya ko.
"Ms. Nicole Chua?" Tumingin sya kay Nicole.
"You are my life, at sobrang kinakabahan ako," sabi ni Kuya. Pumunta si Nicole sa stage dahil sa instruction ng isang staff. Napatingin ako sa natapon ng Milk Tea, pakiramdam ko ako ang Milk Tea, naiwang mag-isa at tinapon sa sulok.
"Spit it out, Levy!" sabi nya kay Kuya. Walang gana, di man lang ba nya naappreciate ang ginagawa ng kuya ko para sa kanya. Bakit ba sya nagustuhan ng kuya. Umibig ang kuya sa manloloko.
"Nicole, will you marry me?" Kuya asked her. Nagkneel sya sa stage at saka nilabas ang diamond ring. The ring we bought together na akala ko ay gift niya para kay Mom, para akong nanghina ng marinig ko ang tanong ni Kuya.
Wala n'yang gana na tiningnan si kuya. "Bakit hindi?" She asked him. Kuya smiled and hugged her tight she even rolled her eyes nung ginawa iyon ni Kuya "thank you Ni--"
"Your done? I need to leave.. thanks for this!" sabi nya at umalis na sya sa aming harap. Si Kuya naman sobrang saya. Tumayo na lang ako sa kinauupuan ko at umalis sa harap nila
***
"SAAN ka pupunta?' tanong ng mama ko sa kanya
"I'll just go at the CR," sagot ko naman at pumunta ako sa may lobby kung nasaan malapit ang CR. Pagpasok ko doon huminga ako ng malalim.
"Kailangan mong maging masaya para sa kuya mo, Liana." sabi ko sa sarili ko.
Naghugas ako ng kamay at saka lumabas ng CR. Pagdating ko sa lobby nakita ko ang kuya nakatayo sa may sandalan "Kuya" tawag ko sa kanya. Lumingon sya sa akin. May kinuha syang medium sized na maliit na kahon. It looks so regal and beautiful, pakiramdam ko ang ganda ng laman ng box na 'yon.
"Congratulations..." sabi nya sa akin and he smiled a bit.
Tiningnan ko ang laman nito at isang silver na relo ang bumungad sa akin. Napangiti "Do well, Congratulations." sabi nya ulit sa akin. Paalis na sana s'ya ng magsalita ako.
"Salamat Kuya." sabi ko sa kanya. Lumingon sya muli sa akin and he smiled at me.
That warm smile. I miss it.
"Kuya.." tawag ko ulit sa kanya. Yinakap ko sya ng mahigpit. I hid my face on his chest, inhaling his manly scent. "Salamat at pumunta ka sa graduation ko. You really made me happy," sabi ko sa kanya. Di na lang sya umimik sa akin at tuluyan ng pumasok ulit sa loob.