Chapter 8: La Trinidad

4680 Words
LIANA JEAN JADAONE- MADRIAGA BUONG gabi ko tinitigan ang watch na binigay sa akin ni Kuya. Napakaganda kasi nito at parang pinili n'ya talaga para sa akin. Pakiramdam ko ako talaga ang iniisip n'ya habang namimili siya ng regalo. Maybe my brother didn't really forget me, he hates me but he knows every bit of me. Hindi ko alam kung nararamdaman ko ito dahil sa bigay nya. I just found myself smiling with the thought. Humiga ako sa kama, matutulog na ako pero suot suot ko ang bigay nyang watch sa akin. Lumipas ang ilang araw, dumating na ang araw kung saan mag-a-outing na kami. Well excited na nga ako sa outing na magaganap e.  Ang hindi lang nakakaexcite ay makikita ko si Nicole doon ngunit kailangan kong tiisin iyon para magkabati na kami ng kuya ko.  "Liana, na-pack mo na ba lahat ng gamit mo?" Terrence asked me. Mas excited pa 'yan sa akin at buong linggo na bukang bibig ang aming trip. Ngayon lang kasi kami mag-a-out of town na magkasama. Isang bag lang dala ko pero sya maleta ang dala n'ya at may mga dala-dala siya na 'di naman magagamit dahil hindi naman kami magka-camping. Titira kami sa bahay ni Lola Teresa at kumpleto ang gamit roon. Tumingin ako sa kanya. He was wearing a polo and khaki shorts. Ang cute nga niya tingnan dahil para siyang bata kung ma-excite. Hindi kasi sila madalas mag - outing ng ama niya dahil sa trabaho nitong bilang doktor. Kaya kung na-aaya siya sumama ni Mama ay sumasama talaga. Pumapayag naman ang Dad niya dahil alam nilang ligtas si Terrence kasama namin. Ako lang ata ang 'di ligtas sa kabaliwan niya. "Oo na-empake ko na ang lahat," sabi ko sa kanya. Sa Bagiuo kami pupunta for the vacation pero ang bahay na titirhan namin ay sa  Trinidad pa may house kasi ang family ni Mommy doon. It was a farm, para itong mini hacienda kung saan maari kaming magsaya pamilya. I remember having barbecues with aunts and uncles before.  "Liana, kuha tayo ng maraming strawberries ha?" Parang bata nyang tanong sa akin.  'Oo gusto mo bigyan pa kita ng isang puno no'n." Sagot ko sa kanya at saka ko pinasok ang mga gamit ko na pampaganda sa bag. "Bilisan mo na at ng makaalis na tayo. Gustong- gusto ko ng makarating sa Bagiuo. Huling punta ko doon e 11 years old pa ako." sabi nya sa akin. "Wag ka ngang masyadong sabik diyan dahil 8 hours lang ang byahe natin." Sagot ko naman sa kanya.  Ngumiti siya muli sa akin. "Alam mo babe, gusto ko na makarating na tayo kasi sabik na akong sumakay sa kabayo kasama ka tapos yayakap ka sa akin ng mahigpit. Sure ako babe, kikiligin ka na  naman sa akin. Mas lalo kang makukumbinsi na pakasalan ako!  " Assumero din kasi tong lalaking to  "Sige na, na-convince mo na ako baka pakasalan na kita matapos ng Baguio trip natin." Natatawa kong giit sa kanya. Bumaba na kami  sa parking lot upang ipasok ang gamit namin at pumasok sa sasakyan. Nandoon na kasi si Daddy na naglalagay na ng mga baong pagkain na lulutuin namin sa barbecue. Nang ma-sigurado ni Mommy at Daddy na handa na ang lahat ay bumyahe na kami. Nakasakay sila kuya sa ibang sasakyan at napagdesisyonan na maki-convoy na lang sa amin.Mas gusto ko sana na wala si Nicole para siya ang driver namin at buong pamilya lang kami. Gusto ko muli sumakay sa passenger seat at titigan siya... Teka, ano ba 'tong mga pinag-iisip ko? Mag a-alas-kwatro na ng hapon ng makarating kami sa La Trinidad. Walang polusyon kaya masarap na hangin ang bumungad sa amin. Habang abala ang lahat sa pag-aayos ng gamit ay lumabas ako sa terrace at saka tumingin sa magandang paligid. Napapikit ako dahil napaka-relaxing ng paligid. "Pumasok ka na sa loob babe, may pagkain ng nakahanda doon. Let's eat early dinner!" sabi ni Kuya kay Nicole napalingon ako sa kanila. Hindi ko alam na nandito pala sa terrace si Nicole. Sa sobrang pagri-relax ko ay 'di ko napansin na may demonyita na sa paligid ko. Yumakap siya patalikod kay Kuya. Nakangiti ang kuya na humarap pa sa kanya para halikan ang ulo nito. "I'm tired, I just want to rest right now. Do they have rooms for us?" Tanong n'ya kay kuya Seb.  "Yes they do. I have a room that I sleep here before, let's take that. Magpahinga na lang tayo ng maaga mamaya.I told you to stop working on your laptop while we are on the road. Nahilo ka tuloy." Malambing na giit ni Kuya Seb sa kaniya. "Liana!" napalingon ako ng marinig ko ang malanding boses ni Terrence, pumasok din siya sa terrace. Nakanguso pa ito sa akin at tila ba makikisabay pa sa lambingan ni Nicole at ni Kuya Seb. "Liana, pagod na pagod na ako. Please kiss me." Nakanguso n'yang pakiusap sa akin. Sinungalngal ko tuloy ang bunganga n'ya na nakapout sa akin."Tumahimik ka nga diyan, baka isipin ng mga taong nandito sa bahay e baliw ka." sigaw ko sa kanya at tumingin ako sa orasan.  "Baliw naman ako ha?" Nagkunot ang noo ko. "Ano?" Itong lalaking 'to, minsan 'di ko ma-gets ang humor niya. Minsan nakakatawa siya tapos madalas e corny lang talaga siya. "Baliw na baliw ako sa'yo, Liana." Seryoso niyang giit sa akin. Pinalabas pa niya ang malalim niyang boses na kinababaliwan ng mga nagkakaroon ng crush sa kaniya. "Terrence..." napahawak na lang ako sa aking sentido. "Sige na kasi, isang kiss lang. Bakit ba ayaw mo ako i-kiss ha?" Tanong niya muli at mas humaba ang nguso niya. "Kita mo yung kambing doon?" tinuro ko ang kambing na kumakain ng d**o sa gilid. Tumango naman siya sa akin, hindi pa rin niya inaalis ang pagkakanguso ng kaniyang labi."Oo baby, bakit anong gusto mong gawin ko sa kambing?" He asked me. "Halikan mo kung gusto mo ng kiss. Gabing- gabi e humaharot ka na naman. Kasama natin sila Mama at Papa pero 'yang harot mo 'di mo makontrol." Sagot ko sa kanya at saka ako muling sumilip kay kuya. Nakatingin sya sa akin. Binalik ko ang attensyon ko kay Terrence na wagas kung makapagpout sa harap ko ngayon.  "Babe naman e--" Natigil si Terrence ng halikan ko siya. Bahagya akong sumilip kay Kuya Seb. Bakit ba ako sumilip pa? Ano bang iniisip ko magseselos siya? Pero kung magselos man siya ay... Agad akong nagising sa bilis ng t***k ng puso ko at inalis ang sulyap kay kuya Seb. Iniwas nito ang tingin niya sa akin at nagpocus kay Nicole na naglalambing sa kaniyang ngayon. Terrence responded to my kisses, grabbing me near him, pulling me for a more deeper kiss. Saglit akong sumilip at nakita kong hinila na ni Kuya Seb si Nicole, umalis na sila sa terrace. Bumitaw na ako sa halik ni Terrence sa akin, "Did my kiss went to hard?" He asked, nag-aalala ang tono ng kaniyang boses. Ngumiti ako sa kaniya, "Hindi, mayro'n lang akong naisip." "Liana, are you sure that you're not having panic attacks anymore?" tanong n'ya muli sa akin. Seryoso ang kanyang boses, ibang- iba talaga ang lalaking 'to kapag nagseseryoso na siya. "You need to be honest with me." Dagdag pa niya muli. Umiling ako sa kaniya, "Hindi, huwag ka ng mag-alala. Pumasok na tayo sa loob kasi baka hinahanap na ako nila Lola Teresa." Sabi ko sa kaniya at saka ako mahinang ngumiti. Pumasok kami sa loob at nakita ko na nandoon nga si Lola Teresa. Lola is on her 60's, marami siyang puting buhok but she doesn't look like she's old. She have this mestiza look on her, given that our lineage is partly spanish, and her age does not show on her face. Malalaman mo lang na matanda siya dahil sa mga puting buhok niya. If she dyes it in black, she looks like someone on her 40's. My Lolo Enrico died 10 years ago, that makes Lola alone in her mini hacienda but she doesn't feel alone because my cousins, aunts and uncles always visit her. She loves taking care of her grandchild, I remember spoiled ako sa kaniya dati. Even si kuya Seb noon ay ini-spoil niya, lagi kaming may toys and money from her.  "Hello! Lola Teresa!" I greeted her, nag-bless ako sa kaniya agad. I gave her a tight hug, I miss seeing my lola. Ever since I started college ay 'di na ako nakadalaw sa kanya. She is talking to my Mom and Dad. "Oh my dear, Liana!" She hugged me in response. I giggled when she kissed my cheeks."It's just four years since I last saw you Liana but you grew up to be a fine woman." tanong ni Lola ng makita nya kami ni kuya.  "Mama, I told you Liana's beauty is almost after you. You look like her when you are young!" Sabi ni Mama sa kaniya. "Amelia, my apo is prettier than me." I giggled again. Napatingin ako kay Terrence at saka ito hinila. "Lola, I want you to meet my boyfriend. His name is Terrence!" pagpapakilala ko sa kanya rito. My grandmother smiled  "Oh, he's such a fine young man." Lola told him at saka siya nagbeso kay Terrence. "Hello po, Lola in law!" Bati ni Terrence sa kaniya. Siniko ko si Terrence sapagkat umaatake na naman siya, he groaned in pain. "Tumahimik ka nakakahiya kay Lola!" sita ko sa kaniya   "Kung magiging asawa kita edi Lola in law ko na siya. Dapat alam ni Lola na ako ang mapapangasawa mo." Dahilan niya sa akin. Tumawa si Lola dahil sa mga sinabi ni Terrence, "Oo nga naman Liana. Naku, gustong- gusto ko ang sense of humor ng 'yong nobyo. Bagay na bagay din kayo." Puri ni Lola sa kanya, tumaas naman ang noo ni Terrence na tila ba proud na proud siya. "You are forgetting me, Lola..." Kuya Seb said. He went over Lola and gave her a hug too. "Aba syempre, hindi ko makakalimutan ang aking gwapong apo. Diyos ko, Seb! Napakatangkad mo lalo, nakakatangkad ba ang hangin sa Australia, apo?!"    Kuya Seb chuckled at her, 'di ko mapigilan ang mapalunok ng marinig ko ang tawa ni Kuya Seb. Napapikit ako, I need to mentally slap myself for thinking that way. "Lola naman, alam mo namang matangkad talaga ako kahit dati pa." He pulled Nicole beside him. "Who is this beautiful woman with you, Seb?" Lola asked him. She smiled at her, acting like a wonderful person. "Lola, she is Nicole, my girlfriend. Don't you remember her anymore?"  "Good Afternoon po, Madame." sabi n'ya sa lola ko. Lola smiled at her, 'Oh, I remember her, she became more gorgeous. Nagkabalikan na pala talaga kayo. Siguro ay talagang destined at bagay kayo sa isa't isa." Sabi naman ni Lola sa kaniya. Napayukom ako ng palad ko. Bagay sila, Oo bagay na bagay. Pumunta na kami sa Dining area matapos ng kamustahan, they have a lot of stories. Four years is a lot of time and a lot of things happened. hanggang sa dining area ay tuloy ang kwentuhan. Everyone is having their own time together, ang sweet ni Mom and Dad, even Nicole and Seb.  Nagsusubuan pa silang dalawa, I can't help but to feel something in my chest. There's a hint of pain that registered towards me. Di ko na lang sila pinansin at humarap ako kay Terrence, napasigaw ako ng makita kong nakanganga siya sa harap ko. "Terrence!" pinalo ko ang braso niya. "Subuan mo rin ako, dali gayahin natin sila naiinggit ako," sabi nya sa akin at binuksan niya muli ang bunganga n'ya . "Mamaya may langaw na pumasok dyan. Isara mo nga 'yang labi mo!" sagot ko sa kanya. "Gusto mo putulan kita ng kamay?" I asked him. "Bakit?" He asked me at napahawak sya sa biceps n'ya. "Para may dahilan para subuan kita. Para rin mas feel na feel ko." sagot ko naman sa kanya and I smiled at him. "Sabi ko nga eh mag-isa na lang ako kakain kasi kaya ko naman subuan ang sarili ko.  Ang bait ko talaga at masipag rin ako." Sabi nya sa akin "Mabuti naman nagkakaintindihan tayo," sabi ko naman sa kanya. "Seb hijo, nabanggit sa akin ng Mama mo na balak n'yong magpakasal muli. Ano na ba ang plano ninyo?" tanong ng lola, napatingin ako kay kuya na nakangiti ngayon habang pinipisil ang kamay ni Nicole. Inalis ko ang titig ko sa kamay nila at saka tinuon ang attensyon ko kay Terrence. Hinawakan naman niya ang kamay ko at saka ito pinisil. "Actually Lola Teresa, we are planning to have our wedding scheduled soon. We want our second chance to be our road to forever." sabi ni Nicole sa lola ko. "At saka ayoko nang mawala ulit ang pagkakataon na 'to. I want to be with Sebastian." 'That's nice! Sino bang mag-aakala na paglalapitin ulit kayo ng tadhana? Para siguro kayo sa isa't- isa ni Sebastian," sabi ng Lola sa kanya. She smiled, kung alam n'yo lang kung ka demonyita ang babaeng 'yan. You would not want her for kuya. Binaba ko ang tinidor ko, mas lumala ang sakit na naramdaman ko sa aking chest. I keep on telling my self to be happy for them, to just let them but... I can't. Naalala ko ang halik naming dalawa, that thought alone is making it hard for me. "Mauuna na po ako Lola, napagod po kasi ako. Gusto ko na lang magpahinga," sabi ko sa kanila. "Sigurado ka ba ha? Hindi mo pa masyado nagagalaw ang pagkain mo." tanong sa akin Daddy. "Tulog ka lang ng tulog sa daan pero mukhang pagod ka." Natatawa niyang dagdag. "Dad naman! My head aches naman po talaga." Dahilan ko. "I'll bring you to your room, Liana." Terrence offered to me. "May gamot din akong baon. Bibigyan kita." "Hindi na, kumain ka na lang diyan. Sumunod ka na lang sa room kapag tapos ka na kumain. Don't mind me." I said and I kissed his lips.  "Padadalhan ka na lang namin ng pagkain mamaya sa kwarto dahil baka magutom ka sa gitna ng gabi. Sige na, magpahinga ka na dahil mas mapapagod ka lang kung kulang ka sa pahinga tapos ay mamasyal kayo bukas." sabi ni Lola sa akin.I stood up at saka ako naglakad paakyat. I took a glance at kuya Seb, nakatingin siya sa akin.   Pumasok na ako sa magiging kwarto ni namin ni Mama at saka ako nahiga sa aking kama. Tiningnan ko ang relo na binigay nya sa akin.  "Kuya, di ko alam kung paano ko kokontrolin ang sarili ko. Kung paano ako mag a-act ng mature sa sitwasyon ngayon." Napabuntong hininga ako dahil hindi ko mapigilan na maisip kung... Paano kaya kung hindi kami magkapatid? *** KINABUKASAN maaga kaming bumangon para pumunta sa Pakdal. Nais kasing mangabayo nila Mama at Papa gano'n din si Terrence. "Liana, sakay tayo sa kabayo roon! Pagkatapos magpakuha tayo ng litrato!" sabi sa akin ni Terrence habang nasa sasakyan kami. Sa iisang sasakyan na kaming lahat dahil sa wala naman ng mga gamit na nakakapagpasikip. At saka mas enjoy daw kung sama-sama kami, Mom wants to promote family bonding.  'Gusto mo pa pakasalan mo kabayo pagkasakay mo," sagot ko sa kanya. "Grabe ka naman babe. Ikaw siyempre ang papakasalan ko at 'di ang kabayo." sabi nya sa akin. "Hindi na nga lang ako sasakay sa kabayo. Ako na lang ang sakyan mo babe!" "Don't talk like that to my sister." Seb grittted his teeth at Terrence. "Huwag mo siyang binabastos sa harap ko," Kuya Seb added. Natawa na lam,ang si Terrence sa tanong niya kasunod no'n ay ang biglaang pagseryoso ng kanyang boses."Since when did you have concern over Liana?" Terrence asked him back, nakangisi pa ang loko habang sinasabi 'yon. Mas lalong umigting ang panga ni Kuya. "Seb, just let them be. They are already in legal age. They can do what they want." Sita ni Nicole sa kaniya.  "Kuya, sanay na ako diyan. He might talk like that but he respects me. Huwag ka ng mainis kay Terrence." Sabi ko sa kaniya, I held Terrence hand para pakalmahin ito.  "Anong nangyayari diyan sa likod ha? Are you fighting, kids?" Dad asked. "Hindi po Dad!" I replied at saka ko pinilit na isandal ang aking ulo sa balikat ni Terrence.Naging tahimik ang byahe dahil doon. Nang marating namin ang kabayuhan ay dumiresto kami ni Terrence sa mga kulay pink na kabayo upang kumuha ng litrato doon. Nilabas ko ang aking Nikon na camera at nilagyan iyon ng film. "Gusto mo ba sumakay sa kabayo ha?150 lang ang bayad o," sabi nya sa akin. Ngumiti ako kay Terrence at saka tumango, hinawakan niya ang aking mga kamay at excited ako hinila.  "Sige ba!" sagot ko sa kanya. "Magpakuha din tayo ng picture habang nakasakay sa kabayo!" Masaya kong saad sa kaniya.   "Manong sasakay kami ng girlfriend ko. Ibigay mo nga sa akin ang pinakabarakong kabayo!" sabi ni Terrence sabay turo sa kabayo na may pink na buhok. Napailing na lang at natawa sa kaniya.  "Kami rin, we want to ride the horse." Sabi ni Kuya habang hawak hawak niya ang kamay ni Nicole. "Mayroon po ba kayong kabayo na pwede para sa dalawang taong nagmamahalan?" tanong naman ni Nicole. "That is so cheesy, Nicole!" Natatawang giit ni kuya sa kanya. "Sige po!" sabi ni Manong. "Dalawang machong kabayo para sa dalawang pares ng magsing-irog!" Sumakay kami ng kabayo ng mga oras na iyon pero wala kay Terrence o sa kabayo ang attensyon ko. Na kay Kuya habang masaya na kasama si Nicole sa kabayo, parehas silang ngumingiti  at masakit sa akin na makita silang masaya. Napayuko na lang ako at nagtago sa likod ni Terrence.  "Sa akin ka lang kasi tumingin," seryoso niyang giit sa akin. "Sayo naman ako tumitingin ha?" I told him. "Pero wala sa akin ang mga mata mo. Alam kong mali ang magselos ako pero kaunti na lang pagseselosan ko na ang kapatid mo, " bulong nya sa akin. "Huwag mo sanang hintayin na isipin kong wala na ako para sa'yo, Liana. Kasi ikaw ang lahat sa akin." Seryoso niyang bulong sa akin.  Yumakap ako ng mas mahigpit sa kaniya.  "Mahal kita Terrence. Ikaw ang mahal ko, ikaw..." Ikaw dapat... ikaw dapat. Sinasabi ko 'yon dahil sa gusto kong itama ang nararamdaman ko. Dapat na kay Terrence ang attensyon ko, dapat siya lang. Dapat siya ang mahal ko, dapat siya ang tinitibok ng aking puso. Naging tahimik si Terrence habang namamasyal kami. Alam kong nasasaktan siya maging ako naman ay nasasaktan sa aking kinikilos. Hindi ko alam kung bakit ako ganito, 'di ko alam kung bakit ako uhaw sa attensyon ni kuya. O kung bakit napakalaking bagay sa akin ang lahat ng kinikilos niya. *** NASA Camp John Hay kami ngayon mamasyal kami sa mga lugar na andoon. Saka magpipicnic lunch na rin kami doon.  "Ihanda n'yo yung mga pagkain doon. Paki-ingatan at baka matapos ang sopas na baon natin." Utos ni daddy sa mga bata at teenager naming mga pinsan. Dahil mga bata sila at gusto nila ng bente, they complied rightaway kasi bibigyan sila ni Dad ng tig bebente kung susunod sila. Hinayaan ko na sila mama at ang mga pinsan ko. Sa halip ay pinuntahan ko si Terrence na nag-i-emote sa gilid. Tinabihan ko sya sinandal ang ulo ko sa kanya.  "Wala kang dapat ikatampo Terrence, kahit hard ako sayo mahal kita." sabi ko sa kanya. "Sanay naman ako sa pagiging hard mo. Walang issue sa akin 'yon. Sa mga kinikilos mo ako natatakot ngayon." Sabi niya sa akin. I looked at him, "Dati kung hinahalikan kita, alam kong tumitigil ka dala ng panic attack mo pero ngayon, iba na ang dahilan. Pakiramdam ko wala na akong laban. Natatakot ako sa naiisip kong dahilan, Liana. Call me stupid but, I'm getting scared with the attention you are giving your brother." Sabi niya sa akin. "No, don't think like that Terrence. Ikaw ang mahal ko." Iyon ang alam ko. Ikaw ang dapat kong mahalin. He looked at me, I never saw him this serious. Sa tagal ng relasyon namin, he is always the first one to say sorry or the first one to stop his tantrums. "Hindi mo nga suot ang kwintas na bigay ko pero yung watch na galing sa kanya suot mo." Sabi nya sa akin napahawak ako sa leeg ko. Oo nga pala 'di ko nasuot ang kwintas na iyon.  "Terrence, naiwan ko lang sa bahay necklace na 'yon," sabi ko sa kanya.  "Pero 'di mo naalala suotin, parang ang attensyon mo pag kasama kita and anndyan ng kuya mo, dala dala mo ako pero lagi mong naiiwanan. " sagot nya sa akin. "Dala-dala kita at di kita naiiwan," sagot ko sa kanya. "Lagi kang nandito..." I placed his hand on my temples. "At saka dito..." I placed his hand on my chest.  "Dinadaan mo ako sa pahawak dede e! Hindi mo ako madadala sa ganyan. Matapang ako lalaki, tigas ako lalaki! Di ako titigasa--" Pinaharap ko siya sa akin  and I softly kissed him on the lips. He stopped talking and he kissed me back. He pulled me closer to him as our kiss gets deeper, soon his tongue knocked on my lips. I let him inside my mouth, discovering every part of my mouth and fighting with my tongue. I stopped kissing him and smiled.  "See?" I told him. He smiled at me and kissed me again."Sige na nga marupok na nga akong lalaki. Tinigasan din ako ng kaunti." sagot nya sa akin. Natawa na lang ako sa kaniya. "Tara, mamasyal tayo doon sa woods." sagot ko sa kanya at tinuro ko ang parang mini forest na nandoon. "Yieee gusto niya ituloy sa gubat..." pang-aasar niya sa akin. "Gago, mamasyal lang tayo! Gusto kong masolo ka sa gubat." Giit ko sa kaniya.  "Are you sure?" He asked me while smirking. Tumango ako sa kanya bilang sagot at tumayo na s'ya, he automatically helped me to stand up too.  "Yep!" "Hala wala akong dalang condom. Pwede na ba 'tong plastic ng ice candy na kinainan ko kanina?" tanong n'ya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon. "Joke lang naman babe, hihihi... pero may condom ako sa wallet. Handa akong ipagpalit ang swerte para sa tatlong oras na ligaya..." Panghaharot niya sa akin. Maharot man si Terrence pero 'di siya yung tipo ng lalaki na magti-take advantage sa babae. Sa tagal namin na mag kasintahan ay ilang beses pa lang may nangyayari sa amin. He is always gentle ang sweet, he never force me to do things. Ito siguro ang dahilan kung bakit masyado akong kumportable sa kaniya. Terrence helped me to cope up with a lot of things. "Magpapaalam lang ako kay Mama at kukunin ko ang camera. Itago mo lang 'yang condom mo sa wallet mo kasi 'di mo magagamit 'yan." Giit ko sa kaniya, sumimangot naman siya sa akin. Lumapit muna ako kay Mama na busy sa pagtitimpla ng niluluto niyang noodles na hotpot style. Nag-request kasi ang mga bata ng noodles na may hotdog. "Ma, doon lang kami sa mini woods ha?" pagpapaalam ko sa kaniya. 'Sige pero tingnan n'yo maigi ang signs. Wala akong balak magpahanap ng kapre kapag nawala si Terrence sa gubat." sabi ni Mama sa akin. Tumango ako bilang sagot  sa kaniya. "Don't worry Mommy, kung sakaling mawala ako sa gubat makikita n'yo ako agad!" sigaw naman ni Terrence. "Pupunta ka ba talaga doon kasama niya sa ganitong oras?" Kuya asked me. I was startled with his question. Tumalon ang puso ko ng marinig ko ang boses n'ya. "Oo kuya, maglalambingan lang naman kami doon." sagot ko at saka ako tumalikod at hinawakan muli ang kamay ni Terrence. "Make sure that he's not doing you dirty, Liana. Kahit na nobyo mo siya dapat nag-iingat ka. Hindi mo kontrolado ang isip niyan sa oras na magkamali kayo." Giit niya sa akin. "Yes kuya!" Giit ko sa kaniya, nagkatinginan kami saglit pero siya rin ang unang nag-iwas ng kaniyang paningin.  Marami kaming pinuntahan ni Terrence habang nandoon kami. We enjoyed looking at different insects and plants. Puro kuha din kaming dalawa ng pictures, naubos na nga ang dalawang rolyo ng films na dala ko dahil napakakulit niya magpakuha ng litrato. We enjoyed our time, bumalik na lang kami ng maisip namin na baka tapos na silang magluto ng pagkain. And we are not wrong, saktong kumakain na ang mga kasama namin ng matapos kami sa pamamasyal. Magdadapit hapon na ng makabalik kami sa bahay, dumiretso ako sa kwarto at saka agad na nahiga. Kinuha ko ang magazine na nakalapag sa lamesa at binasa 'yon pero habang nagbabasa ako ay may napansin ako. Nasaan ang watch ko? Bigla akong kinabahan ng makita kong wala na ang relo ko sa kamay ko. It was just here a while ago, bakit nawawala na bigla ang relo ko? Tumingin ako sa buong kwarto pero 'di ko nakita ang relos ko. 'Nasaan na ang relo ko?" sabi ko sa sarili ko. Hinanap ko sa kwarto pero wala ito. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa salas. Nakita ko sila Lola at ang mga magulang ko nagkekwentuhan. "Nasaan na 'yon?" halos magfreak out na ako. 'Bakit anak ano bang hinahanap mo?" tanong ni Mama sa akin. "Si Terrence ba? Natulog muna siya at nahihilo raw. Namumutla kaya hinayaan ko na rin muna." Mama told me.  Umiling ako sa kaniya.'Ma, yung regalo ni Kuya na relo sa akin. Hindi ko makita. Sa tingin ko ay nalaglag ko." sabi ko sa kanya at hinawakan ko wrist ko.  "Baka naiwan mo lang sa kwarto anak?" sabat ni Daddy sa akin.  'No, wala doon Dad! Suot- suot ko 'yon kanina nung nasa Camp John Hay tayo. Hindi pwedeng mawala 'yon!" sagot ko sa kanya. Halos maiya- iyak na ako dahil mahalaga sa akin ang relos na 'yon. It's my brother's gift to me! "Hija, sigurado ka bang suot mo ang relos mo?" Lola Teresa asked me. I nodded, "Yes Lola! It's kuya Seb's gift to me kaya lagi kong suot 'yon. Hindi ko binibitawan 'yon." Sagot ko sa kaniya. "You might have lost it in the park a while ago. Noong namasyal kayo ni Terrence. Sa tingin ko ay may nakapulo na no'n kung 'yon nga ang nangyari." sabi naman ni Mama sa akin. Shit, tama nga si Mama baka nandoon ang watch ko. "Hindi pwede! Dapat ay mahanap ko 'yon!" sabi ko sa kanila.  "Liana, 10PM na at sarado na yung mini forest na pinasyalan n'yo.  We can go back tomorrow to find it. Hindi mawawala ang relos mo sa pinaglalaglagan nito."sabi ni Papa sa akin. "Huwag ka maniwala sa Mama mo nananakot lang 'yan. Walang pupulot doon." "Hindi! Hahanapin ko 'yon! Saglit lang ako Dad!" sabi ko sa kanila. Nagsuot ako ng Jacket at kinuha ang susi ng sasakyan ni Daddy. "Tell Terrence, Im off to somewhere babalik din ako" sabi ko sa kanila.  "Liana! gabi na kaya huwag ka ng lumabas!" sabi sa akin ni Mama. "Pwede ko namang patawagan na lang sa Tito Marcel mo ang staff ng park para hanapin ang watch mo on your behalf!"  "No mom! Hahanapin ko 'yon! Hindi 'yon pwede mawala sa akin. It's kuya's gift to me!" at tumakbo ako palabas ng bahay namin at agad na nagmaneho gamit ang sasakyan ni Daddy. Narating ko ang Camp John Hay, bukas pa sila kahit gabi na. Pero tama nga sila, sarado na ang mini Forest kung saan kami namasyal. Mayro'n ng caution na warning sa entrance senyales na sarado na ito dahil hindi makikita ang trails kapag gabi na. Lumapit ako at winasak ang caution na warning, pumasok pa rin ako sa loob. dala- dala ang flashlight na nasa kotse ni Daddy at ang mobile phone ay matyaga kong sinuyod ang paligid ng forest. How can I be so careless? Hindi ko naramdaman na nawala na ang regalo ni kuya sa akin. "Nasaan ka na ba?" I asked. Nagulat na lang ako ng parang may tumulo sa aking ulo. Shit! Uulan pa ata. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD