Chapter 6: VHS

4421 Words
LIANA JEAN JADAONE- MADRIAGA HINDI ako nakatulog matapos ng halik namin. Para akong shunga na paikot-ikot sa kwarto, kama, banyo, carpet maging sa swivel chair ko. Maging si Sven ay tinatahulan na ako, nahihilo na ata s'ya dahil paikot- ikot ako. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Dapat kasi ang iniisip ko is mali ang halik dahil sa kapatid ko sya, pero hindi.. The kiss is the sweetest thing na gusto ko pang ulitin. Napatingin ako sa picture namin ni Kuya. This photo was taken 6 years ago napangiti ako at naisip ang isang bagay. Kuya ko s'ya and it's a fact. Tama, Seb is my brother.  Siguro nangyari lang ang kiss na iyon dahil sa hormone na na-release dahil nga sa magdikit kami halos. Okay, I'll just believe on that. It's better to believe on that, right? Oo, ganon lang iyon. Kapatid ko si Kuya Seb, my older brother. f**k! Hindi normal na naghahalikan ang magkapatid. But I need to think that its normal.   Pero Hindi eh.. Liana, mali ang enjoyin mo na halikan ang kapatid mo. Mali na tugunan at isipin mong tama 'yon. Pero bakit? bakit nya ako hinalikan. Bakit hinayaan ni Kuya na tugunan ko ang halik nya. Masyado akong naguguluhan sa mga nangyari at ang siste hindi na ako nakatulog. Kinabukasan ay maaga akong bumaba, kahit na gusto kong matulog ay 'di ko magawa. Gusto ko ring tawagan ang kuya ko pero nahihiya ako. Ewan ko ba ngunit pakiramdam ko sasabog ako pag naalala ko ang halik na pinagsaluhan namin kagabi. Bumalik na lang ako sa wisyo ko ng tumunog ang phone ko. Si Mama. Agad ko naman iyong sinagot. I cleared my dried throat before speaking. I tried my best to shake off the nervousness in my nerves. Ayokong mahalata n'yang may nagawa akong mali. "Ma, kumusta ka na d'yan?" Pamungad kong tanong sa kanya.  "Good thing you picked up the phone. Akala ko tulog ka pa e." "Maaga kasi akong nagising ngayon, Ma." I responded. Mahina siyang natawa, "Kung kailan wala kami ng Papa mo saka ka maaga nagigising." Sabi niya sa akin, kung alam mo lang Mama, 'di talaga ako nakatulog ng matino. "Sa Saturday kami dadating ng Daddy mo d'yan sa Manila. Pick us up at the airport by 7AM baka kasi makalimutan n'yong magkapatid. I just want to remind the both of you.' sabi nya sa akin. I nodded as a respond.  "Of course, Mom. We would never forget about that. Anywanys, how's honeymoon? Magkakaroon na ba kami ng kapatid ni kuya?" I asked her. "Liana, menopaused na ako. Hindi ko na kayo mabibigyan ng kapatid. Sana nga lang ay nakagawa kami ng Papa mo noong mga bata pa kayo ni Sebastian para sana mayroong bata sa bahay." sagot sa akin ng Mama. "Malay mo lang naman e' makahabol kayong dalawa. The both of you looks so young and fit. Wala naman sa edad 'yan diba?" nakakaloko kong saad sa kaniya, natawa siya muli sa akin. Tawa na tila ba kinikilig ito. They might not be each others first wife or husband pero sila na talaga forever. I'm really happy that they found each other.  "Pero ginawa n'yo ba ulit ni Daddy?" I asked her in a whispering way.  "Of course, dear! Tumanda lang siya pero wala pa rin siyang kupas. He might have arthritis pero kapag ginaganahan siya nawawala 'yon." sambit nya habang kinikilig pa sa telepono. Natawa na lang ako sa pagkakasabi ni Mommy. Love na love kasi talaga nila ni Daddy ang isa' t isa. "Nakakakilig kayo Mommy!" sabi ko sa kanya. Tumawa ng mahina ang mama ko sa akin. "Sana makita ko na rin ang lalaki na parang si Daddy na magmamahal sa akin ng ganyan." sabi ko at saka ako sumubo ng cereal na nasa harap ko.  "19 ka pa lang yan na ang iniisip mo. And you already have Terrence. Don't ask for more." I chuckled. Sabagay, Si Terrence para s'yang si Daddy. If you have a guy like him you won't ask for more. Napabuntong hininga ako at napahawak sa labi, I felt a guilt lalo na't naghalikan kami ni Kuya sa likod ni Terrence. I fell silent for a while. "Wait na withdraw mo na ba yung p*****t for your graduation?" She asked me. 'Yes Mom, magbabayad na rin ako kapag may rehearsal kami." sabi ko sa kanya. "Oh and wait, kakausapin ko nga pala ang kuya mo, is he there?" She asked me. Oo nga pala ang alam nila sinasamahan ako ng kuya ngayon dito sa bahay. "Umalis s'ya ng maaga, Mom. May lakad daw siya at mamayang hapon pa balik." I lied. She sighed at me, "Wala ang kuya mo no?" She asked me.  "I already knew it... kahit ano atang pilit namin na bumalik kayo sa dati talagang ayaw ng kuya mo." Sabi ni Mama sa akin. "Don't worry mom, babalik din kami sa dati.. Masyado naman kasing masakit ang ginawa ko noon sa kanya at naiintindihan ko po 'yon. Pinaghiwalay ko sila ni Nicole noong engaged na sila. Mali na pinangunahan ko siya at pinahiya ko si Nicole sa mga kaibigan nila. Mali na pinagsigawan kong gold digger siya at inilagay ang mga pictures niya na 'di kaaya-aya sa projector. I was very wrong." sabi ko sa kanya. Napahiya si Nicole noon, lahat ng mga kaibigan nila kuya ay nagulat dahil nakuha kong makakita ng pictures niya na 'di maganda sa isang internet site. At namangha sila sa tyaga ko upang ma-download 'yon, siguro noon e' wagas ang kagustuhan ko na maghiwalay silang dalawa. 'Alam ko naman iyon, pero masyado ng matagal iyon anak. He needs to forgive you. You are only 15 when it happened and you suffered enough after that. Alam kong mali ang nagawa mo pero bata ka pa no'n. You are sensitive and vulnerable." sabi nya sa akin. Pineke ko ang aking ngiti kahit 'di naman nya nakikita. Matapos ang ilang minutong kwentuhan ay ibinaba na ni Mama ang telepono. Dahil sa wala naman akong pasok ngayon napagpasiyahan ko na mag -  ikot muna sa mall. Naubos na kasi ang facial mask na ginagamit ko gabi-gabi kaya napagpasyahan kong bumili sa Watsons. Habang mag-isa akong namamasyal sa mall. Naiisip ko ang kiss namin ni Kuya. Jusko buong araw ba ako guguluhin nito. Hinawakan ko ang lips ko, kailangan ko na bang bumili ng lip balm. Para sa susunod na maghalikan kam--- Teka ano bang iniisip ko ngayon ha? Liana. Di na mauulit iyon, hindi na mauulit 'yon.  You will not kiss him again, and you will not do anything for that thing to happen again. Pero kahit na iniisip kong 'di na mauulit 'yon ay nakita ko na lang ang sarili ko na kinukuha yung lipbalm na nakadisplay plus dalawang box ng facial mask. After roaming around Watson's and buying what I need. Napagdesisyonan ko na tumambay muna sa starbucks, pagpasok ko sa loob ay ang aroma ng lugar ang bumungad sa akin. Maraming mga nakatambay doon upang magkape at makipagdate. As I made my way to the counter I bumped into someone. "I'm sorry!" I said as I picked up my paper bags that fell when I stumbled over the girl. Tumango ako at nakita ko siya, it's Nicole.  Ang liit ng mundo at nakita ko pa siya.  "Oh, Liana? Hello, you're here!" Giit niya sa akin. "Hello!" sagot ko sa kanya at saka ako mahinang ngumiti.  I decided to cut it short and walked towards the counter. Binaggit ko ang order ko na iced coffee with whip creme sa barista at habang sinusulat nito ang pangalan ko sa baso ay nadinig ko muli si Nicole. "Seb! I am here! I ordered your coffee." Napalingon ako ng madinig ko ang pangalan ni Kuya. Nakita ko ang kuya na papasok ng starbucks may dala s'yang J.CO donuts at mukhang kakainin nila dito. Magkasama silang dalawa, are they together again? My brother smiled at her, he gave her the prettiest smile he can give. The smile he never dared to show me when he returned in Manila. Napaiwas ako ng tingin, sa tingin ko ay 'di pa ako nakikita ni kuya.Lumapit sya kay Nicole and gave her a sweet kiss. Kumpara sa halik namin ay mas nakakakilig tingnan ang halik nila, napaiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. "Did you wait?" He asked. Umiling si Nicole sa kaniya. "Hindi naman kakatapos ko lang 'din kasi mag-order, ginagawa pa ang coffee natin." Sambit niya kay kuya. Rinig na rinig ko ang mahinang tawa nito, nai-imagine ko ang tingin niya kay Nicole. At sa tingin ko ay nakakatunaw ito.  "Look who I found here, Seb! It's Liana!" and that's it. Nagtagpo ang aming mga mata pero ako rin ang unang umiwas sa aming nagmumuong tinginan.  Umiwas siya ng tingin sa akin at umupo na sila ni Nicole sa isang upuan doon. I was taking glances at them and I saw how happy they are. Siguro sila talaga ang magkadestiny and I was just this little girl na masyadong selfish. Ako ang maliit na bata na pinahirapan ang kuya n'ya. "Ma'am, here's your iced coffee. Enjoy po." Sabi ng cashier sa akin at saka ko kinuha ang order ko. I took one last glance at them. Habang nagkekwento si Nicole au nakatingin din si kuya sa akin.  Ako na lang ang umiwas.. Kasi masakit... Masakit ang makita s'ya na kasama ang babaeng mahal n'ya. Ang babaeng pipiliin nya, ang babaeng mas higit pa sa akin.  Ano ba Liana?  Maari mo bang isuksok sa kokote mo na magkapatid lang kayo? Pwede bang galingan mo ang suksok para 'di na mawala sa pag-iisip mo 'yon? He is your stepbrother. "Miss?" A guy called me. I looked at him, he's with another guy who was whispering something behind him. "Siya 'yon sure ako, siya 'yung nasa VHS tapes kumalat apat na taon na ang nakakaraan." Giit nito na tila ba nakakamangha ang sinasabi niya. Napakunot ang aking noo dahil 'di ko alam ang tinutukoy nila. "Miss parang pamilyar ka? I- ikaw ba 'yung  nasa popular na VHS dati?" tanong niya muli sa akin. Hindi ako nakasagot sapagkat pakiramdam ko nanuyo ang labi ko. "Do something! Wala akong pakialam kahit maubos ang pera ko siguraduhin mo lang na walang ni isang piraso ng VHS tapes na 'yan ang matitira!" nadinig ko ang sigaw ni Papa habang nakatingin ako sa malayo. Galit na galit siya, at kasalanan ko naman 'yon. Lahat ay kasalanan ko, maging ang nangyari sa akin ay kasalanan ko. "A- anong sabi ng NBI? At saka ng pulis? Natawagan mo na ba ang PNP Chief?" tanong ni Mama sa kanya. "Amelia, ginawa ko na, pipilitin nilang makuha ang lahat ng kopya na makita nila." Sambit ni Papa sa kanya. "Sinabi mo na ba kay Sebastian ang nangyari kay Liana?" tanong ni Daddy sa kanya. Tumingin ako kay Mama, nakita ko ang pag-iling nito. "Ayaw niyang mapag-usapan si Liana, kapag nababanggit ko 'to e nagbabago siya ng topic. Sa tingin ko mas maganda rin na huwag natin 'tong sa kanya. Mahihirapan lalo si Sebastian." Binalik ko ang tingin ko sa bintana, nakita ko ang pagbagsak ng ulan at ang kulog na sumunod dito.  Naibagsak ko ang hawak kong ice coffee, sa 'di malamang dahilan ay nanginig ang aking kamay. "Sabi sa'yo siya 'yon e. Kabado na o!" Giit muli nito. "Anong nangyayari dito?" Nadinig ko ang boses ni kuya.  "Wala naman mukha kasi siyang pamilyar kaya tinanong lang namin." Sagot ng isa sa lalaki na nandoon. Hindi mawala ang aking panginginig hindi ko maintindihan kung bakit takot na takot na ako nang madinig ko ang tanong nila. Nakita ko ang pag-alis ng mga lalaking 'yon sa aking harap. "Anong tinanong nila sa'yo?" tanong muli ni kuya sa akin. Hindi ako sumagot sa kanya, sa halip ay tumakbo ako palabas ng Starbucks, at nang makalayo ako, hindi ko napigilan pa ang umiyak. Nang makakalma ako ay napag-pasyahan ko na umalis na lang sa mall. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Pagod na pagod na ang dibdib ko sa sobrang kabog nito.  Pumunta ako sa parking lot upang sumakay na sa sasakyan. Gamit ko ang car ni Mama ngayon at nagpaalam naman ako. Papasok na sana ako ng may bumusina sa akin, binuksan pa nito ang ilaw ng sasakyan to get my attention.  Agad naman akong lumingon nakita ko si Kuya na lula ng sasakyan na iyon. It's him and he's not with Nicole. 'Liana, wait! Let's talk!' Giit niya sa akin. 'Bakit?" I asked him. "Kanina sa may starbucks, ano ang tinanong nila sa'yo?" tanong niya sa akin. "Wala naman napagkamalan lang ako." Simple kong sagot sa kanya at pinilit kong ngumiti. "Mauuna na ako." "Liana sandali lang!" muli n'yang giit sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay, magaan ang hawak niya sa akin at pakiramdam ko hawak- hawak ako ng isang anghel. "About last night..." Nanuyo ang labi ko ng sabihin niya ang katagang 'yon.  "Hindi ba kasama mo si Nicole? Bakit narito ngayon?" Tanong ko muli sa kanya. "I left her at the Spa center for a while. I went around to look for you. Kailangan kitang makausap." "We don't have anything to talk about." Yes we do have something to talk about." Giit n'ya sa akin, his eyes met  mine again. Nakita ko ang need sa kaniyang mga mata. "Alam mo ba ang sweet n'yong tingnan kanina. You guys, you look so perfect together. Bagay pa rin kayo at masaya ako na nagkabalikan kayong dalawa." Sabi ko sa kanya.  "Don't change the topic Liana, we need to talk about this." sagot nya sa akin "Wag kang mag -alala kuya, 'di ko naman na kayo sisiraan ni Nicole. You don't need to tell me to forget about our kiss. I will forget it. Don't worry," sabi ko sa kanya. Binuksan ko ang sasakyan ko at pumasok ako sa loob nito. "Sige na baka hinahanap ka na ni Nicole. Enjoy your date with her." sabi ko sa kanya at ini-start ko ang engine ng sasakyan. Hindi na ako tumingin pa sa kanya. Sa halip ay bumuntong hininga na lamang ako.  *** SINUNDO ako ni kuya sa bahay nang sabado ng umaga. Sabay kasi naming susunduin ang Mommy at Daddy at sa hapon naman aamuhin ko yung tarantadong nagtampo sa akin. Ayaw kasi talagang sagutin ni Terrence ang tawag ko. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kaniya. Habang nasa daan kami ng Kuya walang nag sasalita sa aming dalawa. Tahimik lang ako na kumakagat sa mansanas.  "Gusto mo?" I asked him to break the silence. Umiling s'ya bilang sagot sa akin. "Anong oras daw ulit sila dadating?" He asked me. "7 AM daw kuya." sagot ko sa kaniya. "We're a little late, bubungangaan tayo ni Mom pagdating sa airport." tumingin ako sa orasan at 7.30 na nga ng umaga.We reached the airport at past 7AM late kami ng 40 minutes at nandoon na nga sila Mom and Dad. Nakaupo sila habang magkasandal pa at nagbabasa ng newspaper.  "Mom!" I ran towards Mom and gave her a sweet hug. She chuckled, nawala ang inis niya sa paghihintay dahil sa yakap ko. "Bakit ba ang tagal n'yong dalawa, ha?" Mom asked me. "Si Kuya kasi late nagising, 6.30 AM na niya ako sinundo sa bahay." sabi ko naman sa kanya.  "Sebastian..." "I'm sorry, my alarm didn't sound at 6AM kaya late na ako nagising. Hindi pa nga ako naliligo e." Natatawa n'yang giit kay Mama. Natawa na lang din si Dad at saka hinawakan ang balikat ni Kuya.  "Atleast dumating ang mga anak natin para sunduin tayo. Aba, tara na at nagugutom na ako!" Sabi ni Dad sa amin.  "I already texted Yaya, prepare na ang food for our simple lunch with the family." sabi naman ni Kuya Seb. "It's gonna be mini welcome party for the newly weds." He teasing told Mom and Dad.  Yes, we decided to have a mini welcome party for Mom and Dad. Alam n'yo naman sila  Mommy at Daddy gusto nila lahat ng bagay cinecelebrate kahit ang pagbabalik nila mula sa Honeymoon nila. We got tired shopping the ingredients for today the other day kaya naman nahuli din ng gising si Kuya at na-late kami ng pagsundo kay Mom and Dad.   "And you will meet someone too." sabi naman ni Kuya sa kanila.   "Is that a girl?" Mama asked him. Pumasok na ako sa sasakyan. Nakangiti ng wagas si Kuya with the thought na kinuwento nya si Nicole sa kanila. Nung nakapasok na sila Mama at Daddy sa car "So, after all this time ay nagkabalikan pala kayo ni Nicole. That's great!" Tumango naman ang kuya at ngumiti ng malapad. "Yes, Mom.. nagkabalikan na kami ni Nicole. Maybe we are meant to be together. Those things that we've been through before baka challenges lang 'yon." Sabi naman ni Kuya sa kanila. Iba ang ngiti nya sa pagbanggit nya sa ngalan ng babaeng iyon.  Masakit...  Ang 'di ko maintindihan is kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Paguwi sa bahay naghanda na kami. Pagkalapag pa lang ng gamit ay nag ayos na si Mommymaging ang mga pasalubong ay inayos na rin niy na para bang 'dii sya napagod sa byahe. By 10AM dumating na ang ibang guest. And here comes Kuya with Nicole. He was holding her hand habang naglalakad papunta sa Dining Table namin. He was holding her hand like it's his world. "Ma, Pa, Tito Ramir, Tita Malen and whole fam! Meet Nicole, my Girlfriend and future wife!" sabi naman ni kuya. "its nice to see you again, hija." She flashed a smile and a smirk pagdating sa akin. "Wow naman, destiny talaga kayong dalawa no?" Tito Ramir asked Kuya Seb. "I think so... Ngayon naniniwala na ako sa Destiny when fate gave us second chance together." Hinigit niya ang beywang ni Nicole papalapit sa kaniya kaya naman muling ngumisi ang babaeng 'yon sa akin.  Oo na nanalo ka na. "So kailan kayo nagkabalikan ni Seb?" Mom asked her.   "We just decided to get back together this week. Para tuloy kaming new couple. It's fascinating." sabi nya dito. I smiled, a fake one "ako na kukuha ng caldereta" sabi ko at kinuha ang lalagyanan. Nai-imbyerna ako, sumilip ako at nakita ko sila na magkahawak ang kamay. Masakit talaga.. Liana? bakit ka ba nasasaktan.. kapatid mo si Seb. Dapat masaya ka para sa kanya.  Tama, dapat 'yon ang maramdaman mo. Force yourself, Liana. Force it. "Ma'am ako na po dyan." sabi ng katulong namin 'No need to help me, Manang. I can do this things na. Kunin mo na lang yung drinks," sabi ko sa kanya.  "Sige po ma'am!" Mamaya maya pa nakita si Sven na bumaba ng hagdanan winawagayway nya ang buntot nya sa harap ko "Later ka na kumain Sven ha? After the Lunch, I'll give you many food. Bumalik ka na room ko dalian mo!" sabi ko sa kanya.Kumahol naman itong bilang sagot at saka lumayo sa akin. Nagawa pa nitong magpa-cute bago tumakbo papunta sa itaas. Bumalik ako sa dining area at saka nilapag ang mga desserts na inayos ko kanina. "Liana napansin ko na parang wala si Terrence, today. Nasaan s'ya? " Mom asked me. "Oo nga Liana, your boyfriend is always the life of family gatherings." Tita Malen said.  "Nagtatampo ata. I've been calling him this past few days but he's not even responding. Kung 'di siya nagtatampo e baka sinusumpong naman." sagot ko at saka ako nahiga ulit. "Nagtatampo? Hindi naman n'ya ugali ang magtampo ha?" tanong sa akin ng Mama. "I will try to call him again. Kung 'di pa siya sumagot e pupuntahan ko na siya bukas." Giit ko sa kanila. Tumingin ako kay Kuya na nakatitig naman kay Nicole habang sumusubo ito nawa'y mabulunan sana ang girlfriend mo at mamatay sa katakatawan n'ya. Tumingin ako sa phone ko, wala pa rin text si Terrence sa akin.  Nang matapos na ako tumambay muli ako sa kusina. Tulad nga ng sabi ko ayokong makita silang dalawa na naglalambingan. Pakiramdam ko kais ay may tumutusok sa aking puso. Nasasaktan ako. There's a thought inside me that wants my brother to be happy but with me... Not with Nicole.  "Liana!" napalingon  ako to see Kuya, kasama n'ya si Nicole. "Pwede bang samahan mo s'ya sa Cr?" He asked me, I smiled.   "Oo naman, kuya." sagot ko sa kanya.  Naiwan si Kuya sa baba at umakyat kami ni Nicole upang pumunta sa CR ng aking kwarto. Tahimik kaming naglalakad nang magsalita s'ya. "Ang galing mo rin magpanggap, no?" Sheasked me.  Pumasok kami sa kwarto ko, sinara ko ang pintuan at saka ako nagpeke ng ngiti sa kaniya. 'Hindi ako nagpapanggap Nicole pero nakikipagplastikan ako." sagot ko naman sa kanya. 'Matapang ka kasi masyado. Alam mo bang 'yan ang dahilan kung bakit ka mapapahamak at kung bakit mawawala ang lahat sa'yo." sagot nya sa akin.  I rolled my eyes at her, "Makikigamit ka ba ng CR? Gamitin mo na ang banyo bago pa ako mainis kasi baka sa imburnal kita paihiin." At binuksan ko ang pintuan ng banyo sa kwarto ko. She smiled sweetly na tila nang-aasar siya. Akala mo kung sinong anghel. Bago siya pumasok sa banyo ay kinuha n'ya picture namin ng kuya ko "Liana, pagbaligtad baliktarin man ang mundo.Parehas nating alam na di lang kapatid ang tingin mo kay Seb," sabi nya sa akin. "Kapatid ko si kuya kaya huwag kang mag-isip ng madumi." sabi ko sa kanya. Lumapit sya sa akin, "Really? Think before you speak Liana.. Obvoius ka kasi" sabi nya sa akin at pumasok na sa banyo. Ikandado kita dyan hanggang sa mabulok ka eh. Nauna akong lumabas ng kwarto ko. Naiimbyerna ako. Nasa garden silang lahat at nagpaparty, I mean nagkekwentuhan. Pumunta ako sa tambayan namin nung bata pa kami sa may Tree house. Doon lang kasi tahimik saka doon kami madalas masaya ng kuya ko.  Pag-akyat ko doon ay nakita ko si Kuya, nakapikit sya habang nakaupo sa mga bunton ng stuff toy na nakalagay doon. Napangiti ako, dati freely ko lang s'ya na lalapitan pag ganito ang eksena. Tatabihan ko sya and he won't mind, minsan pa nga ay natutulog ako sa hita niya habang naglalaro siya ng PSP niya. O' di kaya ay dadaganan ko siya at matutulog ako sa matikas n'yang dibdib pero ngayon hindi na pwede 'yon. I have so many things na gusto ko sabihin kay kuya  pero natatakot ako. Nightmares, even dreams na gusto ko ikwento ko, but I can't do it now. We are not even in good terms. Tumapat ako sa kanya at pinagmasdan ko ang gwapo nyang mukha.  Mahal na mahal nya si Nicole at kapatid lang n'ya ako.. Impossible na mapalitan ko si Nicole sa puso nya. He hugged a teddy bear tight, It's Mr. Muffin yung luma kong bear na sobrang laki. Regalo 'yon ni Dad sa akin pero kaming dalawa ang gumagamit sa kaniya pag nasa tree house kami.  Napangiti ako, "Buti pa si Mr. Muffin nararamdaman ang mahigpit na yakap mo" bulong ko sa kanya. Umupo ako sa tapat at sinandal ko ang ulo ko sa edge ng table. Hindi nagtagal he opened his eyes. Nagising sya at nanatili akong nakatingin sa kanya. Tumingin sya sa orasan nya "How long did I fell asleep?" He asked me. "An hour. Pagod na pagod ka ata at nakatulog ka ng matagal." sagot ko sa kanya. Agad syang tumayo at tumingin sa phone n'ya "Bakit di mo ako ginising? Nicole might be looking for me." sabi nya sa akin. May mga miss calls siguro galing kay Nicole. Iniwan ba naman n'ya yung tao sa baba.   "Gusto ko kasi makasama ka," sabi ko sa kanya habang 'di tumitingin sa kanya. "And this is the safest way na makasama kita na di nagagalit sa akin..." dagdag ko pa sa kanya. tumayo na rin ako and I smiled. "Thank you for the time kuya, kahit papaano.. nabawasan ang nararamdaman ko just by looking at you" sabi ko sa kanya. Yumuko sya sa akin at tumingin ulit sa akin.  "If you want to talk to me when you have a problem. You still can, I'll listen like I usually do. Hinddi ibig sabihin na di tayo maayos, iiwanan ko ang responsibilidad bilang kuya mo. I just want to set limitations, that's all." sabi nya sa akin. "That's the problem, I don't know how will I talk to you. I am afraid that you wouldn't understand. " sabi ko sa kanya. Tumunog muli ang phone niya."Bumaba ka na.. baka mawala na naman s'ya ng dahil sa akin. Ayokong ng maging malungkot ka ng dahil sa pagiging makasarili ko." I told him. He took a step. Pababa na sana sya, Pababa na sana sya when I ran into him. Yinakap ko sya ng mahigpit. Gusto ko ang kuya, I like my brother, I love my brother. He is my brother and I hate na hanggang kapatid ko lang s'ya.  I want it more than that... Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang nakayakap sa kanya "I am afraid Kuya..I am afraid" sabi ko sa kanya. Hinarap n'ya ako, and made me look at his eyes. Pinunasan niya ang luha na tumulo sa aking mga mata. 'Tell me, why?" He asked me. Umiling ako sa kanya I don't know what to say basta ang alam ko lang takot ako. Nung mga oras na 'yon, ang tanging naalala ko lang ay ang pagtawag ko sa pangalan niya. Ang paghihintay ko sa kaniya sa kabila ng mga nangyari. "Ayokong mawala ka sa akin, Kuya." sabi ko sa kanya. "Kaya hinintay kita pero 'di ka dumating." sabi ko sa kanya. He was looking intently in my eyes. Yumuko sya ng bahagya sa akin. I started to close my eyes, I am waiting for it... "Seb, what are you doing?" bumitaw sya sa pagkakayap ko sa kanya. Agad naman akong tumalikod sa kanya at pinunasan ang aking mga mata.   'Nicole." He called her name. Lumapit s'ya para yakapin si Nicole ng mahigpit. The witch este girl hugged her back. 'Mag-isa lang ako sa baba for an hour. I'm waiting for you." sabi nung Nicole sa kanya. "What are you doing here?" dagdag pa nito sa kanya. "It was just this the place where I use to rest. Nagpahinga lang ako dito and Liana woke me up. She caught me snoring." He chuckled. Ano bang iniisip mo Liana? Mali nga diba? Mali ang nararamdaman mo, kung ano man ang namumuo sa puso mo ay itigil mo na. Sobrang mali.. Kuya mo sya.. Kapatid ka n'ya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD