Chapter 17: Tolerance
LIANA JEAN JADAONE-MADRIAGA
HINDI ko magawang ma-enjoy ang aming company outing dahil sa nalaman ko. Hindi niya ako mahal at nais niyang ihinto na namin ito. Alam ko na mangyayari ito, alam ko na sisipain ako ng katotohanan ng ganitong kasakit. Handa na ako. Alam ko kaya ko pero ka na siguro girl's scout na laging handa ay masasaktan at masasaktan pa rin. Dahil habang nagtatagal ang mayroon kami ay umaasa akong magiging totoo 'yon.
Bakit ba kasi naging kapatid ko pa si kuya Seb? Pwede naman akong maging anak ng katulong na mai-inlove sa amo, o kaya babaeng makakabangga nya sa school at magiging first love pero bakit kapatid pa?
I don't hate my life but I hate our situation.
'Kanina ka pa umiinom Liana, mukha ka ng bangag! Tigilan mo na nga 'yan." sabi ni Ma'am Danica sa akin. Mas mukha nga syang bangag kesa sa akin, namumula sya ng sobra. Ako 'di ko alam kung lasing na ba ako kasi 'di pa rin nawawala ang sakit kahit nakarami na ako sa alak.
'Hindi ako lasing. Okay pa ako kahit ang sakit-sakit na. Dito." sabi ko sa kanya at saka ko tinuro ang puso ko. "Diyos ko, Liana! Sa panahon ngayon 'di uso ang masaktan ang puso. Pempem na lang dapat ang nasasaktan at 'di puso." Giit niya sa akin habang natatawa.
"Nagbreak na ba kayo ng jowa mo?" tanong niya muli sa akin. This is worst than a break up.
'Ano to? Usapang virginity?" tanong ni Boss Yna sa amin. Bigla siyang sumulpot mula sa kawalan, I looked at her at 'di inaasahan na nakita ko sa likod niya si Kuya Seb at si Nicole na may dala- dalang additional na pulutan at alak.
"Pinapayuhan ko si Liana na dapat pempem lang niya ang masaktan at 'di puso niya." Giit naman ni Ma'am Danica. "Parehas na kayong lasing e kakasimula pa lang ng inuman natin. Alas 9 pa lang bagsak na ang mga utak ninyo." Sita ni Ma'am Yna sa amin.
"Hindi pa ako lasing. Masakit pa din e." Giit ko at tumingin ako kay Kuya Seb, iniwasan niya ang tingin ko. "Sa tangkad ng jowa mo, malaki talaga 'yan! Dapat kasi huwag pasok agad."
"Danica 'yang bunganga mo!" Saad ni Boss Yna at saka niya binato ng marshmallow ang bunganga nito. "Pumasok na nga kayong dalawa sa mga kwarto ninyo! Dapat kasi happy drinking lang. Huwag ilagay ang alak sa puson!" Uubusin ko pa sana ang gin na nasa baso ko pero may matikas na kamay na nagtanggal nito sa kamay ko.
"Lasing ka na. Ihahatid na kita." Giit nito sa kaniya. I looked at him, si Sebastian. "Kasalanan mo 'to e." Giit ko sa kaniya at pilit na inagaw ang baso ng gin na naagaw niya mula sa akin. Hindi siya nagpatalo. Sa sobrang inis ko ay naiyak na lamang ako. Iyak na tila ba humahagulgol ako pero kahit na umiiyak na ako ay sobrang sakit pa rin.
Hindi talaga nababawasan.
"Ang sakit- sakit..."
Inalo niya ako at pinilit na pinatayo. Inilapit niya ang labi niya sa aking tainga. "I'm sorry... pero 'to ang tama..." bulong niya sa akin. At that moment alam kong decided na siya, wala na...
Hanggang dito na lang talaga.
***
SEBASTIAN LEVI MADRIAGA
"IS THERE something bothering you?" tanong sa akin ni Nicole, ningitian ko lang sya 'Nothing" sagot ko sa kanya as I took another shot ng beer "Gusto mo ba puntahan ang kapatid mo?" She asked me with a meaningful smile "She can handle herself" sagot ko sa kanya. Di maalis sa isip ko si Liana, Masyado ko ata syang nasaktan sa mga nasabi ko.
Pero tama naman diba?
Ayoko lang na masaktan sya, pag tinuloy ko ang nararamdaman ko o ang nararamdaman nya parehas kaming mahihirapan dahil bawal naman. Kapatid ko si Liana, Di nga kami magkadugo pero sa mata ng batas at ng diyos. Magkapatid na kami, I don't want to disappoint the people around me, kaya I'd rather focus over Nicole.
"I feel dizzy can we go inside?" She asked me.
"Nicole, the party barely started. Mawawala din 'yang hilo mo, uminom ka muna ulit. Wash it out using beer." Yna told me.
'I drank a lot and my alcohol tolerance is low. As in super baba na nito, not like before that's why I need to go to bed. Levi can go back to party with you." Sagot naman nya kay Yna 'Mauuna na ako, I'll just send her to bed" sabi ko naman sa kanila at tumayo na si Nicole, hinatid ko sya hanggang sa kwarto naming. Nung makahiga na siya, Tumingin muna sya sa akin, "I Love you Levy" sabi niya sa akin.
"Mmatulog ka na baka sumakit pa ang ulo mo." sabi ko sa kanya. "Hindi ko na naririnig ang I love you galing sa'yo. Is there something wrong?" She asked me, pinilit kong umiling at ngumiti. I'm trying to fix my mistake, the pain that I will cause Liana and yours too. I'm sorry Nicole, this is suppose to be our second chance but I have found myself falling out of love for you.
***
Kinabukasan ay nagsimula na ang mga activities namin dito. I didn't saw Liana the whole day, masakit daw ang ulo nya saka nahihilo kaya di muna dumalo sa mga activities. Pinadalhan na lang daw siya ni Yna ng pagkain, she was kind of disappointed because she wanted Liana to enjoy but my sister is sulking away. At kasalanan ko 'yon. Since busy naman si Nicole sa mga activities na ginagawa nila ni Yna. I decided to check on her on my way to our room.
Pumunta ako sa kwarto nya and I saw no one there, akala ko ba nagpapahinga s'ya? Pumasok ako sa loob ng kwarto, 'Liana, where are you?" I asked as I wondered around the room. Nakita ko ang phone nya nakakalat sa kwarto nya and a couple of painkillers. Tinabi ang mga iyon napalingon ako ng marinig ko na may pintuan na magbukas.
'Sebastian?" She asked me.
"Are you okay? Nahihilo ka pa rin ba?" I asked her. Napansin ko ang tuwalya na nakabalot sa kanya, Iniwas ko ang pangingin ko sa kanya.
"Hindi na ako nahihilo pero masakit na ang ulo ko." sagot nya sa akin.
"Take your medicine and don't drink too much. Sabihin mo lang kung may kailangan ka para maasikaso kita agad. I'll go." Sabi ko sa kanya. Paalis na ako nang pinigilan nya ako. Nabigla ako sa paraan ng pagpigil niya sa akin. Yinakap niya ako. Napapikit ako di ko dapat nararamdaman to, why did I let myself feel this way?
"Don't make things hard for us, Liana." sabi ko sa kanya.
Hanggang maari, hanggang sa 'di ko pa alam ang patutunguhan ng nararamdaman ko. Pigilan na sana namin.
"Nadidiri ka ba sa akin dahil sa nakaraan ko? Kaya ayaw mo na?" She asked me. Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi at hinarap ko sya.
"What made you think of that? There's nothing wrong with you." I asked her, "Naalala mo na ba ang lahat?" tanong ko sa kanya.
"Alam ko kung bakit tinatago nila Mama ang lahat. Hindi naman ako tanga, I know that I did something wrong and maybe that wrong disgusts you, right?" She asked me.
"Do you remember everything, Liana?"
Hindi siya sumagot sa akin, I looked at her, she's not on her focus right now, it seems like she is confused and I was the reason of it. She was thinking why I called it off and she ended blaming herself and her situation. Ako ang dapat sisihin pero siya ang nahihirapan. Kung hindi ako naging childish at nagpadala sa nararamdaman ko sa aking kapatid. She's my sister, my sister in front of the law.
'Bakit ayaw mo sa akin?" She asked me. Hindi ko na alam ang gagawin ko, ako rin mismo ay ayaw ko ng maalala nya ang nakaraan natatakot na maari syang masaktan, Natatakot ako na maging miserable sya muli.
"Ilang beses ko bang ipapaliwanag sa'yo na hindi pwede. Liana you're my sister. Hindi man tayo magkadugo, we grew up as siblings." sabi ko sa kanya.
"Sebastian, nalilito na ako kasi naniwala ako na pwede mong ipaglaban ngayon nasasaktan na ako ng sobra."
Hindi ako nakasagot.
"Di mo ba ako talaga ako mahal?" She asked me, basang basa ng luha ang mga mata nya. I smiled at her and wiped her tears.
"I'm sorry Liana, pero hindi 'to tama. Hindi tama ang naiisip mo."
"Edi gawin nating tama. Pakiusap gawin nating tama kasi kung ititigil natin 'to 'di ko na alam ang gagawin ko." Pakiusap niya sa akin, umiling ako at humingi muli ng tawad sa kanya pero pinatigil niya ako sa pamamagitan ng pagtakbo at pagyakap sa akin ng mahigpit. "Hindi ako makikinig sa apologies mo..." Bulong niya at saka niya inabot ang labi ko upang halikan.
Sinubukan kong pigilan siya pero' di ko na rin kinaya. It was hard to resist her.
***