LIANA JEAN JADAONE- MADRIAGA
BUONG ARAW akong tulala sa office namin matapos nang gabing 'yon. Alam ko na may nararamdaman siya sa akin pero alam ko na alam niyang 'di niya mapaglalaban 'yon.Siguro ay nagising siya na dapat hindi na namin paniwalain ang sarili namin sa isang pagkakamali na makasarili ang pamamaraan.
The pain just crept into my heart. After our conversation, hindi na ako tinawagan ni Sebastian. Mapait akong napangiti ng dahil doon, "Umasa ka pa kasi..." mahina kong sermon sa sarili ko. "Alam mo naman na magkapatid kayo. Alam mo naman na mali." I double stabbed my heart with the truth, and the hope that he will come back to me.
Baka na-realize niya na dapat nga naming itigil ang aming kalokohan.
"Sige na Liana, sumama ka na sa company outing natin, It'll be fun. You can unwind too, tulala ka kasi nitong mga nakaraang araw." Aya sa akin ni Ma'am Yna. Kanina pa nila ako na kino-convince na sumama sa kanila. It will an outing with some of their investors and coaches. Team building kungbaga.
Saka baka hindi lang ako maka-relate, dahil lilipad-lipad ang isip ko. "Gusto ko sanang magpahinga lang over the weekends e." I am to weak to make myself smile, I am too weak to accept this reality.
"Sumama ka na saka sure ako mag-i-enjoy ka. I also invited your brother and Nicole for more fun." Sabi nya sa akin.
"Bakit mo pa sila kailangan imbitahan ma'am?" tanong ko sa kanya.
"It's because sila ang magii-sponsor ng hotel rooms na gagamitin natin. And at the same time, partner din sila ng company natin kahit na palugi na sila. Ang laking tulong sa kanila ng involvement ni Sebastian at umaangat na sila." Sabi nya sa akin. Tango na lang ang sinagot ko, if ever na sasama ako. Makikita ko si Nicole at si kuya doon.
"Sumama ka na, please?" She asked me.
Tango ang nasagot ko sa kanya. I know that it would hurt me but... I want to see Sebastian. Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Naghahanap ba ako ng dagdag na sakit ng puso? Habang nag-iisip ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Napatingin ako doon.
I miss you...
Si Sebastian ay nag text sa akin. Napangiti ako ng mabasa ko ang text niya sa akin. "Oh ngumingiti ka. Is that a yes for my invitation?" tanong muli sa akin ni Ma'am Yna. Hindi ako nagreply kay Sebastian, sa halip ay nanatili akong nakatingin sa phone ko. Muli itong tumunog at isang message na naman ang dumating. Galing muli sa kaniya.
Paano kung buuin ko ang pagmamahal ko at ipaglaban kita? Kakayanin mo bang lumaban kasama ko?
Our love is a war involving our family and moral. Our love is forbidden and twisted, it was wrong but it was right for our hearts. "Ma'am..."
Napatingin sa akin si Ms. Yna. "Have you made your decision?" she asked me.
Ngumiti ako sa kaniya. "I'm going to see my brother there, right?" She nodded.
"Sige Ma'am, sasama po ako. Siguro naman kakayanin ko.."
Hindi na ako sumagot pa sa message n'ya sa akin. Alam ko naman kasi na impossible ang gusto nyang mangyari, ang ibigin pa lang n'ya ako ng higit kay Nicole impossible na, at alam ko iyon. Nang matapos ang meeting naming dumiretso na ako para sa natira ko pang gawain na natira.
"Ms. Liana, may naghahanap po sa inyo sa Lounge Area," sabi ng Janitor sa akin.
"Sino daw ang naghahanap sa akin?" I asked her back. "Ms. Liana, Terrence daw po ang pangalan n'ya," sabi nya ulit sa akin.
"Ah, okay bababa na ako." Sagot ko sa kanya at kinuha ko ang phone ko.
Bumaba ako at hinanap siya, nakita ko siyang naghihintay sa may lobby kasama ang alaga naming si Sven! Lumapit ako sa kanila, "Hey!" Nakuha ko ang attensyon niya, rumehistro ang ngiti sa kanyang mukha. Tumahol si Sven at agad na kumawala sa bising ni Terrence
Agad tumalon ang aso sa bisig ko, at dinilaan ang aking mukha. Bahagya naman akong nakiliti at ni-kiss ko ito pabalik. Napaka-cute talaga ni Sven, nakakagaan ng loob. "So yung aso may kiss, pero ako na boyfriend na nagbitbit sa aso walang kiss." sabi nya sa akin. Naka-pout pa s'ya nung sinabi n'ya 'yon sa akin.
"Sven, mag-isa ka lang ba na dumating dito ha?" pang aasar ko kay Terrence. Napanguso muli siya sa harap ko. "Sa tingin mo ba mag-isa'ng makakapunta ang aso rito?" tanong niya sa akin.
"Kawawa naman ang aso ko mag-isa lang na pumunta dito..." Mas lalo siyang napanguso ng sabihin ko 'yon sa kaniya. Naging dahil 'yon upang matawa ako at ganoon din siya.
"Mabuti naman at naisip mong dumalaw kasama si Sven."
He smiled, "Magaling na kasi si Sven at namimiss ka niya." He said at saka siya lumunok. Nakagat ko ang labi ko, my boyfriend misses me, and here I am getting gaga over Sebastian. Importante sa akin si Terrence at alam ko na dapat tama ang gawin ko para maiwasan ang sakit pero hindi ko magawa. I can't hurt just because I love Sebastian.
"Ako din gaya ni Sven,nami-miss kita kaya 'di ko matiis na 'di ka dalawin." Nag-iba ang tingin niya sa akin pakiramdam ko ay may tinatago ang kaniyang mga mata. Nakaramdam ako ng konsensya dahil doon. Inaya ko na lamang na magpunta sa malapit na coffee shop si Terrence, total 11:30 naman na, maari naman akong mag- early lunch. Nagsend ako ng text message kay Ma'am Yna upang paalam at pumayag naman ito. Pumunta kaming dalawa sa malapit na cafe at doon kami nag-order ng pasta at coffee.
We ordered coffee and stuffs. "Liana, gusto mo bang magpakasal na tayo?" He asked me. I stiffened with his question. Hindi ako nakasagot sa kanya at sa halip napaawang ang labi ko. "Bakit mo naman 'yan natanong? Aren't we young for marriage?"
"Liana, sa halos limang taon ba magkakilala tayo, minahal mo ba talaga ako?" He asked me. Natigil ako sa paglalaro kay Sven. " Ano bang ibig sabihin mo?" I asked him.
"Liana, sagutin mo lang ang tanong ko, do you love me? or did you loved me?" He asked me. "Hindi ko ba ginagawang tanga ang sarili ko?" tanong niya muli sa akin.
For now, sigurado ako na hindi ko na sya mahal. But, he is important to me, and I don't want to hurt him. I I don't want to loose him in this way. Alam kong makasarili ako dahil ayokong malaman niya ang katotohanan.
I'm afraid to be left alone. I'm afraid to get hurt and be alone.
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. His question made my heart break because telling the truth will break him too. "Hi-hindi ako mawawala..." I can't hear my own voice when I told him that. "Hindi ka dapat matakot." My voice is missing, my voice is lying.
"Liana..." tawag niya sa akin.
"Terrence, sasama pala ako sa company outing namin ng Sabado gusto ko sanang magpaalam sa'yo. Pwede ba?" I asked him. Pagpapalit ko ng topic sa kanya, pinilit niyang ngumiti bilang sagot sa akin.
"Oo naman, para makapag relax ka ulit." sagot nya sa akin at binuhat nya si Sven.
"Pacute ka naman ha? Porket di ka lumalaki ha?" sabi nya sa aso at inalog alog ito.
"Kung napapagod ka na sa akin, sabihin mo sa akin ha? Kasi nagiging insensitive na ako, kasi 'di ko na alam kung tama ba ang iniisip ko. Nagiging selfish na ako, gisingin mo ako kung maari at ipamukha sa akin ang lahat. Natatakot na kasi ako. Hindi ko na alam kung ano ang tama sa mali." sabi ko sa kanya. Mas dumiin ang pagkakasandal n'ya.
"No matter what you do, I'll always be here, Liana. Kahit nasasaktan ako, kahit nahihirapan na ako. I'll wake you up, I'll tell you if its wrong. Just don't consider leaving me because I think I won't be able to make it." He told me. Mas dumiin ang aking pagkakasandal, pinigilan ko ang tulo ng luha ko.
****
Hindi nagtagal ay umalis na si Terrence at iniwan sa akin si Sven. Babalik siya sa office, dama ko ang bigat ng ambiance matapos ang aming pag-uusap, napabuntong hininga ako at saka bumalik na lang sa office. I can't stop thinking about Terrence after our lunch together, para silang nag-aaway ni Sebastian ng espasyo sa utak ko. Lumipas ang araw hanggang sa mismong company outing namin, hindi na kami nagkausap ni Sebastian at kung magkakaroon mas kami ng interaction, dahil ito sa outing na magaganap. I doubt that he will speak to me because I didn't reply on his message.
Alam kong kino-consider niyang sumugal, gusto ko rin, pero kaya kayang mapanindigan ito?
Siguro nasaktan sya sa mga nireply ko. Pero iyon naman ang totoo eh, pero di pa naman nya ako mahal, so bakit sya masasaktan?. Habang nasa bus ako nakikinig lang ako ng music sa MP3 na regalo ni Terrence sa akin. Ang mga kanta doon ay 'di pwedeng burahin at nilagay lang n'ya doon para sa akin. Gusto ko naman lahat ng kanta na naroon. "Levy, I am thirsty. Can you get me something to drink." Oo kasama ko si Sebastian at si Nicole sa bus. Sumama nga sila sa outing gaya ng sabi nila Ma'am Yna, akala ko nga aatras pa. At nasa katabing upuan ko pa sila. Hindi ko pinapansin si kuya sapagkat kasama nya si Nicole pero di ko mapigilan ang mapatingin sa kanila.
"Here, water, do you need anything else, babe?" He asked her. Umiling ito at bumalik sa pagkakapikit nya. Nagkatinginan kaming dalawa pero inilag rin nya ang tingin nya sa akin. Napa-shrug na lang ako ng shoulders ko sabay pasak muli ng earphones.
Tanghaling tapat na ng marating namin ang beach. Dumiretso ako sa Hotel room ko, pinarequest ko na mag solo akong kwarto at willing akong madagdag para lamang dito. Pumayag naman si Ma'am Yna dahil kay Sebastian, in-offer daw nito na siya na ang magbayad para sa sarili kong kwarto. Maganda naman ang nakuha nilang lugar. Lumabas ako at nakita ko si kuya and Nicole na papunta sa room. Very good! Katabi pala ng kwarto nila ang kwarto ko, Napailing na lang ako dahil kahit ngiti hindi niya magawa sa akin.
"Liana, gusto mo sumama na mag sight seeing?' tanong sa akin ni Ma'am Yna.
'Ayoko po muna magpapahinga na lang muna ako dahil medyo nahilo ako sa byahe." sabi ko sa kanya.
"Sayang naman! But anyways, sumunod ka na lang kung gusto mo okay. I'm going to text you pag snack time na rin," sagot nya sa akin. Tumango ako sa kanya bilang sagot. Nahiga na lang ako sa mesa habang nakatingin sa ceiling.
Kuya Seb.. I miss you so much.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan syang tawagan pero di nya sinsagot he was rejecting my calls. Kaya lumabas ulit ako, sarado ang kwarto nilang dalawa. Bumalik na lang ako sa kwarto ko at natulog. Kinahapunan bumaba ako para sa snack time. Nakita ko silang dalawa na naglalambingan sa isang parte ng mesa. Tinabihan ko si Boss Yna. She looked at me at saka siya bumulong. "Nag-away ba kayo ng kapatid mo?' She asked me.
"Kami? No, hindi." pagtanggi ko sa kanya. "Hmm.. di kasi kayo nagpapansinan. Parang nag-iiwasan kayo." sagot nya sa akin at saka siya sumubo ng fries. 'Talagang di namamansin si pag kasama n'ya jowa n'ya. Jowa time is jowa time." Pabiro kong sagot sa kaniya pero totoo 'di na kami nag-iimikan dalawa. Maging ang titigan ay iniiwasan namin.
Natawa tuloy si Boss Yna sa akin.
Napalingon naman ang kuya at tumingin sa akin. Inirapan ko na lang sya at kumain na ako. Matapos ang snack time, nakita ko ang kuya na magisa sa may Veranda ng Hotel. Wala si Nicole, nakita ko syang bumaba sa veranda at may sinagot na tawag.
"Seb..." tawag ko sa kanya, napalingon sya sa akin ngunit di nya ako pinansin.
'Iniiwasan mo ba ako?" I asked him. Hindi sya muling sumagot sa halip he made his way out of the veranda, pinigilan ko sya sa paghawak ng kamay niya.
'Iniiwasan mo ba ako?' tanong ko ulit sa kanya. "Please, sagutin mo naman ako."
'Mas maigi na to. Liana unti unti nang nagiging mali ang tungkol sa atin. Let's not make things worst." sagot nya sa akin.
"Akala ko ba Seize the moment, bakit tayo biglang naging ganito?" I asked him. Hinarap nya ako at pabalyang inalis ang pagkakahawak ko sa kanya.
"I don't want to hurt you, sorry for giving you false hopes, Liana," sagot nya sa akin.
"Kuya, hindi ako nag aasam na mahalin mo kasi alam ko impossible, alam kong bawal pero 'di ko pa ata kayang tigilan." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanya mga mata.
"Liana this is why I want us to stop. Pinasok kita sitwasyon na simula pa lang nasasaktan na kita, pinapaasa kita kahit na alam mong bawal naman, Ayokong saktan ka, ayokong masaktan."
"Sebastian, nama—"
"Liana, itigil na natin ito bago pa mapunta sa... sa isang pagkakamali," sabi nya sa akin. Umiling ako bilang pag-angal sa kanya. Tumulo ang luha ko "Sebastian, wag naman please/" sabi ko sa kanya.
'Kuya mo ako Liana, Our parents trust us, Pinagkakatiwalaan ako ni Nicole ganon din si Terrence sa'yo. If we do this and if we continue this. Mawawala sila sa atin ang mga taong higit na kailangan natin, I am sorry, Liana." sabi nya sa akin.
"Ayoko kaya ko na ganito tayong dalawa yung ganito kahit na masakit ay kaya ko." sabi ko sa kanya.
"I don't want to cause you pain anymore. Ayokong maging dahilan kung bakit magiging miserable ka na naman ulit. I want the best for you, I want what's better for you. Nung una gusto kong lumaban, pero sasaktan kita kapag ginawa ko 'yon." saad nya muli sa akin.
"Handa akong gawing lihim 'to kahit habang buhay pa. Sebastian, miss na miss na kita." Sabi ko sa kanya, napapikit sya sa akin at napabuntong hininga sya.
"Nasasaktan na kita. Mahal kita pero kapatid kita at hindi magbabago 'yon kahit anong pilit natin. I was just tempted on what you could offer for me. You were great and I'm sorry for doing that. I'm sorry. " sagot nya sa akin at saka sya umalis. Pakiramdam ko nadurog ako sa mga sinabi nya sa akin. Nanghina ako at saka ako napaupo sa silya na nasa harap ko. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko para tumigil ang pagtulo ng luha ko.