Chapter 18: Drunk

3270 Words
Edited: April 03, 2020 LIANA JEAN JADAONE- MADRIAGA LUMIPAS pa ang ilang araw ng pananatili namin dito. Hindi ko namalayan ang pagpatak ng oras dahil sa mga nangyari. Napakabigat ng mga pangyayari para sa akin. At sa t'wing naiisip ko 'to 'di ko alam kung nagpapakamababa ba ako o tanga lang. I forced myself to him, kahit alam kong mali ay pinilit ko.  But do I regret it? No. But somehow nahihiya ako, gusto kong idahilan lang na nalasing ako pero hindi pwede. I was well and thinking clearly when I said those words, I was well and breathing heavily when we are kissing that night. "Liana! Tara mag wall climbing tayo!" aya sa akin ni Ms. Yna, I was awaken by my thoughts and I saw them. All geared up habang ako, ito, nakatulala at balak na lang ata tumulala buong araw. "Sige... mag-gi-gear up na ako!" "Tulala ka ata ngayon. Is something bothering you?" Ms. Yna asked me. "She's been like that for three days. Ngayon mo lang ba nahalata?" Ms. Danica told her. I assured them that I'm okay and I proceeded on gearing up para makapag wall climbing din kasama sila. "Liana, your left foot, step it up!" sigaw nila sa akin. 'I cant! Nakakatakot kaya!" sigaw ko sa kanya. Wala pa ako sa gitna, pero pakiramdam ko ang taas taas na ng naakyat ko "Wala ka pa sa gitna, it won't kill you step your left foot!" sigaw na naman nila sa akin. Tumingin ako sa baba and I saw kuya looking at me, he seems worried. Okay I don't know why I decided to do rock climbing para lang mapatunayan na hindi ako sabog pero nagsisisi na ako.  I kept on screaming dahil sa takot ko. Sa sobrang inis ni Ms. Danice sa akin ay sinita niya ako."Fine! Let go!" sabi ni Ma'am Danica sa akin. "Let go? Hindi ba ako malaglag?" I asked her. "Safe 'yan! H'wag kang OA!" sigaw nya muli sa akin. Hindi ako nakabitaw agad sa halip mas kumapit ako. "Come on! Bumitaw ka na!" utos nila sa akin at ganoon nga ang ginawa ko, bumitaw ako at naramdaman ko na bumaba ang katawan ko. Humihingal ako at puso ko sobrang lakas ng t***k. buo pa ba ako? Mamatay na ba ako matapos kong magmukhang baliw sa harap ni Kuya Seb kahapon?  Napapikit na lang ako nang may sumalo sa akin. "Are you okay?" He asked me. Pagmulat ko ng mata ko nakita ko ang kuya na salo salo ako nakayakap ako ng mahigpit sa kanya Napaiyak na lang ako di dahil sa muntikan na akong mahulog kundi dahil sa nararamdaman ko. Yumakap ako sa kaniya, 'di dahil sa takot ako kung 'di dahil sa nararamdaman ko. Hindi ko mawaglit ang pagmamahal ko sa kapatid ko. "It's okay. Hindi ka naman nasaktan." He assured. No, I'm hurt. My heart is hurt. 'Liana, are you hurt?" Mam Yna asked pero nanatili akong nakatago kay Kuya at umiiyak 'Kuya.." bulong ko sa kanya.  "Dadalhin ko s'ya sa clinic, puntahan nyo na lang sya doon." Sabi ng Kuya sa kanila at dinala nya ako sa Clinic.  Agad n'ya kong inihiga doon."HIndi ka ba nasaktan?"He asked me.  Umiling ako, "Nasaktan ako." Sagot ko sa kanya at saka ako tumingin sa mga mata nya 'Saan ang masakit sa'yo. I'll call the nurse. Sa susunod kasi--" Natigil siya sa pagsasalit ng tinuro ko ang aking puso. "Nandito kuya, ang sakit dito!" sabi ko sa kanya at saka muling tumulo ang luha ko. "Liana, ito ang tama. Naiintindihan mo naman ako diba?" He asked me. That night when we kissed, I remembered how he pulled away. How he thought that what we did is a mistake. "Sebastian, alam kong mali pero 'di ko kayang kalimutan. Hindi ko malimutan. Ang sakit sakit." sabi ko sa kanya. Pinunasan n'ya ang luha ko, "At mas masakit kung itutuloy pa natin to. Liana, marami tayong masasaktan at isa na doon sila Mama at papa. They trust us, and we can't keep on doing this just because it's what we feel. Kapatid kita sa mata ng batas, at sa mata ng magulang natin." sagot nya sa akin.  "Pupunta na ang nurse dito ganon na din sina Yna." Sabi nya sa akin at aalis na sana sya. Hinawakan ko ang kamay n'ya. "Stay with me please?" I asked him nakatingin sya sa mga mata ko. "Liana, ginagawa ko to kasi mahalaga ka sa akin, marami tayong masasaktan kung itutuloy natin to at hahayaan nating lumalim. Isipin mo si Terrence, sila Mama, maging si Nicole. Mali kasi to, Liana.. Pinagisipan ko lahat at alam kong mali to, please itigil na natin to." sabi nya sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Ayoko..." bulong ko sa kanya "Kuya ngayon lang ako magpapakagaga ulit. Sa'yo lang ulit. Pakiusap huwag na nating itigil ito."  'Liana, mahal kita at mahirap din sa akin ito." Parang mabilis na tumibok ang puso ko di ko alam kung tama ang narinig ko. Napabuntong hininga sya sa akin at saka tumayo. Hindi ako makagalaw o makapagsalita man lang. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako? 'Mahal kita, kaya please tama na. Tigilan mo na ang kalokohang 'to. Tigilan na natin hanggang kaya pa natin, hmmm?" sabi nya sa akin. Narinig ko na lang ang pag sara ng pintuan at wala na sya sa harap ko. Muli akong napahiga ng kama at saka napaiyak. Di na sakit kung hindi sa saya, saya ng malaman kong ako rin pala ang tinitibok ng puso n'ya. **** Hapon na ng makarating ako sa bahay. After my accident, we decided to cut the trip short at umuwi din kami kinaumagahan. Nicole and Sebastian left too, nauna pa sila sa amin at sinabing may emergency sila na kailangang asikasuhin. Wala si Daddy kasi nasa work sya ang mama naman nagdidilig ng halaman. Dumiretso ako sa kwarto ko at saka nahiga. Di mawala sa isip ko nung sinabi nyang mahal nya ako, bawat replay ko ng sinabi nya sa utak ko para akong maiihi sa kilig. Napabangon ako ng marinig ko ang katok ng mama sa pintuan. Bumukas ito at napaupo naman ako ng maayos, I smiled at her. "Ang sabi ng kuya mo ay may naalala ka na raw?" She asked me medyo kinakabahan ang boses nya ng itanong nya sa akin iyon.  "Hindi ko pa sigurado kung tama 'yung mga naalala ko. Sana hindi, pero kung sakaling totoo, kailangan kong tanggapin." sabi ko sa kanya. Nagsimula na akong makaramdam ng ganito, makaalala ng mga bagay na kahindik hindik naman kung tutuusin. Kaya lagi ko ring hinahanap si Seb kasi pakiramdam ko siya lang ang makakatulong sa akin. I feel less scared with him Napabuntong hininga siya. "H'wag mong kalimutan na uminom ng gamot mo ha?" Pagpapaalala nya sa akin. Napangiti na lang ako, maging ako mismo ayoko na maalala pa ulit iyon.  "Mama, maraming salamat ha? saka sorry din kung lagi kang nag-aalala sa akin. Sobrang childish ko, minsan makasarili pa ako. I'm really sorry." sabi ko sa kanya. Niyakap lang ako ni mama." Mama mo ako, normal lang na mag-aalala ako sa'yo, saka mahal kita anak. Hindi mo na kelangan na mag-sorry sa akin. Kami pa nga dapat ang humingi ng tawag sa'yo ngayon," sabi ng Mama sa akin. Napaisip ako sa sinabi ni kuya. Na baka madisappoint namin ang mama kung itutuloy pa namin ang nararamdaman namin sa isa't isa. Baka tama nga siya, dapat lang na iwasan na namin ang isa't isa. Matapos no'n ay umalis na si Mama para naman maghanda ng meryenda. Tumingin ako sa phone ko at nakita ko ang mga missed calls ni Terrence. Ilang araw ko rin na di sinasagot ang mga tawag nya. Minsan naiisip ko masyado na akong selfish secretly nasasaktan ko na si Terrence sa mga actions ko. Pinindot ko ang pangalan nya and his phone started ringing. Hindi nagtagal ay sinagot nya iyon. "Hey dear, miss mo na ako?" He asked me. "Hey!" simpleng sagot ko sa kanya at saka ako bumalik sa pagkakahiga ko. "Alam mo na nagtatampo ako. You're not picking up my calls right now," he told me. Narinig ko ang pagtunog ng kama malamang nakahiga rin sya. "Sorry, naging busy ako e. Kumusta na pala si Sven?" I asked him. "He's doing good at saka 'di na siya mahina. I'll bring home to you tomorrow." sabi nya sa akin. Panandalian akong natahimik, 'di ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. "Liana? Are you still on the line?"  "Oo, nandito pa ako. Pangako Terrence e babawi ako sa'yo soon." Sabi niya sa akin. "Hindi mo na kailangan bumawi. Naiintindihan ko na busy ka. I love you."  "Sige, Terrence. Paalam, tatawag na lang muli ako." At saka ko ibinaba ang tawag niya. **** HALOS dalawang linggo din ang lumipas mula ng huli kaming nagkausap ni kuya. Hindi siya nagti-text o 'di kaya'y tumawag. Bumalik ang lahat sa normal. At nakabawi din ako kay Terrence dahil lumalabas kami paminsan- minsan pero hindi ko maiwasan na isipin siya sa kahit na anong ginagawa ko. Kung ako nahihirapan na kalimutan ang pagmamahal niya, paano pa kaya sya? Kung talagang mahal niya ako. Bakit  parang ang bilis naman niyang kalimutan ako? Napaupo na lang ako sa upuan ko habang pinapatunog ko ang daliri ko na napagod na kaka-type. "Liana gusto mo ba sumama mamaya ha?" tanong sa akin ni Boss Yna sabay lapag ng papel sa desk ko. Ito mag-aaya lumabas pero maglalapag ng trabaho sa desk ko.  "Saan tayo pupunta?" I asked her. "Well, gusto namin magparty mamaya, are you free? Tamang kanta lang sa Kpub. Stress ako e." tanong nya sa akin. Napaisip ako baka nga kailangan kong mag-relax para kahit papaano 'di ko siya maiisip.  "Sure!" sabi ko sa kanya.  "Iyan gusto ko sayo eh madali kang kausap! Sabay ka na sa akin mamaya ha?" She asked me. Tumango na lang ako sa kanya nung maggagabi na, umalis na kami ng opsina.Pumunta kami sa malapit na videoke bar. Medyo nauna pa nga kami kasi sila Ma'am Danica pa lang ang andoon at yung ibang staff, nagkakantahan na sila. "Oy mag-share naman kayo ng kanta. Bakit 20 songs na agad ang nakalista?" Natatawang tanong ni Boss Yna. "Wala e. Atat ata 'to parang ngayon lang nakahawak ng microphone." Boring na sagot ni Ma'am Danice. She looked at Ma'am Danice. "Wala pa ba si Seb at Nicole?" boss Yna asked. Pupunta pala si kuya Seb ngayon. Teka, dapat hindi ako ma-excite, at kabahan? Pero bakit, siguro mahal ko pa si kuya? Madali lang naman sabihin na hindi pero ang hirap "Pupunta si Kuya?" I asked them "Oo may important announcement daw ang loko. Liana, wala ka bang alam ha?" Boss Yna asked me. Umiling ako dahil wala akong alam, at kung sakaling malaman ko, 'di ko alam ang mararamdaman ko. Gusto na ba talaga niya akong kalimutan?"Mamaya-maya tumugtog ang machine 'yon pala ay kakanta pala si Ma'am Danica ng Till My Heartaches end. Nakinig kami magandang pagkanta niya. Pakiramdam ko ay nakaka-relate ako sa kanta. "Danica! Heartbreak pa more!" sigaw ni Boss Yna sa kanya.  "Tigilan mo ako gaga!" sigaw naman ni Ma'am Danica sa kanya. Hindi nagtagal ay bumukas na ang pintuan at niluwa no'n si Sebastian na hawak ang kamay ni Nicole. Para akong nasaktan lalo na nung makita ang singsing sa kamay ni Nicole. Bumilis ang t***k ng puso ko. Para akong aatekehin sa puso "The guests are here!" Boss Yna announced. Kuya Seb smiled at us pati na rin si Nicole. Parang ang saya nila, parang nakalimutan na niya ako.  "Hello, Liana!" sabi ni Nicole sa akin. Nagising ako sa pagtutula ko at pilit na ngumiti, tumingin si kuya sa akin. Tumingin na parang walang nangyayari.Gusto mo na ba talagang kalimutan ko na lang ang lahat ha? kahit kasi yun ang tama 'di ko magawa? tanong ko sa isip ko.  He smiled at me too, he smiled as if everything is fine. "Liana, how are you?" He asked me. "Okay lang ako. Okay na ako." sabi ko sa kanya at saka ako naupo. Hininaan ni boss Yna ang tunog ng karaoke kaya naman sumigaw si Ma'am Danica.  "ANO BA?! KUMAKANTA AKO?!" sigaw ni Ma'am Danica. "Manahimik ka dyan!" mamaya-maya pumasok na ang waiter na may dalang pagkain. Kwentuhan, tawanan at harutan ang nasa paligid ko pero 'di ko napapansin 'yon. Dahil nakatingin ako sa kamay nila na magkahawak lalo na sa singsing na nakasuot doon. Ilang beses ko rin  nakita na hiwakan iyon ni Nicole at nagbubulungan sila. "Ano ba ang announcement ha?" napalingon ako kay Ma'am Danica. Napahigpit ako ng hawak sa baso ng beer na hawak ko. "Well, may good news kami ni Levy at sasabihin 'yon ni Levy." sabi naman ni Nicole. he smiled and looked at me, he was smiling like his having fun, like his really happy. "Spit it out, Seb. Before everyone gets wasted." sabi ni Ma'am Danica sa kanya. He held her hand tightly, nagngitian pa silang dalawa. "Me and Nicole, we decided to get married the soonest. Alam kong matagall na namin tong plano pero ngayon lang kami nagkaroon ng concrete plans, at meron na kaming date and theme."  he announced and boom! My heart bursts in to pieces. Hindi ako makaiyak at gusto ko ring sumigaw ng sobrang sasakyan. Ang sabi niya mahal niya ako pero tama siya, hindi kami ang tama. Maybe we love each other, at a wrong time, and wrong circumstances. Maybe It'll be better if I'm not his step sister. Pinilit kong ngumiti. "Congratulations, Kuya Seb and Nicole." Giit ko sa kaniya. He was avoiding my gaze, kasi alam niyang pilit lang ang aking ngiti. "That's good news Seb! Masaya ako at nagkabalikan na kayo! Just make sure it'll be worth it this time." sabi naman ni Ma'am Danica sa kanya. Habang nagkakaroon ng pagko-congratulate sa pagitan ng lahat ay tumakbo ako papunta sa CR, sa pinakamalapit na cubicle. Umiyak ako, wala akong magawa kung 'di ang umiya na lang dahil sa sakit.  Mahal na mahal ko si kuya sa simula't sapol ay mahal ko na siya. Kaya kahit alam kong bawal ay pinagpipilitan ko ang sarili ko sa kanya.  Bakit nagawa nyang mabilis na kalimutan ako kahit na mahal nya rin ako ha? Hindi nagtagal nag-text ako kay boss Yna na uuwi na ako. Hindi na ako naghintay pa ng reply. Lumabas ako ng banyo at nagmadali na sumakay sa isang taxi nagpahatid ako sa bar na malapit para uminom lang saglit. Gusto ko lang mag-isip at maliwanagan. Kungbaga bubuhusan ko lang ng agua oxinada ang puso ko para tumigil na sa kalokohan niya.  I started drinking alone and crying at the same time, the fact that I will lose him is killing me. Wala sa wisyo kong kinuha ang aking cellphone at may tinawagan na numero. Sa sobrang kasalingan ko ay 'di ko makita ng maayos ang tinatawagan ko. Pero si Sebastian 'yon. Gusto ko siyang makausap kahit alam kong hindi ako magiging okay. Ilang beses nya munang di sinagot iyon until the line picked up. Maingay pa rin sa background. Halatang nandoon pa rin sila at nagkakasiyahan dahil kumakanta ng congratulations.  "Hello!" sagot nya sa akin  "Akala ko ba mahal mo ako? Bakit mo akong kelangang saktan ng ganito?" sunod-sunod kong tanong sa kanya habang umiiyak ako ng malakas. Narinig ko ang unti unting paghina ng tunog marahil ay lumabas siya mula sa kinakaroonan niya. 'Liana, naiintindihin mo naman diba? Hindii pwede!" sabi nya sa akin.  'Alam kong hindi pwede kaya nga mas masakit e. Pero paano mo 'yon nagawa, 'yung para kang okay lang? Ako kasi 'di talaga okay." I asked him "Liana, it's not okay for me too. This hurts for me too, but you are my sister. I don't want to sin against our parents. Naiintindihan mo naman ako diba? " tanong nya sa akin ramdam ko ang inis at pagkalumo sa boses niya.Naiyak na ako wala na akong ibang masagot sa kaniya kung 'di iyak.  'Mahal kita Liana pero ayoko nang mas saktan kita." sabi niya sa akin. "Hindi na ba pwedeng ipaglaban?" "Liana kapatid kita. Please tama na. Tanggapin mo na lang na hanggang dito na lang tayo!" singhal niya sa akin at saka niya ako binabaan ng telepono. *** TERRENCE SANDOVAL POINT OF VIEW "Terrence, pakilagay nga tong docs sa filing cabinet. Don't worry last na 'to para makauwi tayo. Last na OT for this week din." utos sa akin ng boss ko nagmadali naman akong lumapit sa kanya at kinuha ang bagay na pinapaayos niya sa akin. "Okay lang boss. Don't worry 'di ako bitter dahil sa nag OT tayo." Natawa naman siya sa akin. "Iyan ang gusto ko sa'yo, Terrence. Napaka happy-go-lucky mo." Sabi niya muli sa akin. Pumunta ako sa filing cabinet at inayos ko lahat ang documents, habang ginagawa ko 'yon ay tumunog ang cellphone ko napatingin ako. Nakita ko agad ang numero ni Liana sa aking cellphone.   "Yes, hello, Baby?!" malambing kong bungad sa kanya. "Hello po sir." Isang boses ng lalaki ang sumagot. "Yes hello! Sino 'to? Bakit na sa iyo ang cellphone ng girlfriend ko?" tanong ko sa kaniya. Nag-alala na ako, I can't afford to see Liana in that state again. Ayoko ng masaktan siya, ayoko ng mawala siya sa akin. "Sir, lasing na lasing po kasi siya tapos po ayaw tumigil sa pag-iyak. Pwede pong pasundo na po siya rito? Magsasara na rin 'ho kasi kami." Napabuntong hininga na lang ako, akala ko kung anong masama na ang nangyari. Alam nyang mahina ang alcohol tolerance niya kaya 'di siya masyadong nag-iinom. "Sige pupunta na ako dyan. Can you please give me the address." Ginawa naman niya.  Nagpaalam ako sa boss na may biglang nangyaring emergency. Mabuti ay pumayag siya kaya naman nakapag out ako. Pagdating ko doon at nandoon nga siya. Nakatingin na ang ilan sa mga tao doon at tipong natatawa na sa kaniya.  "I'm gonna pay just give one more bottle." sigaw nya sa waiter na halos buhatin na siya para lang kumalma. "Maam hindi niyo na po kaya." "Hindi kaya ko! Lahat kaya ko. Tangina naman. Hindi ako weak!' singhal niya dito at saka siya ngumuso. Madali akong tumakbo palapit sa kaniya at saka sinabi sa staff na ako na ang bahala sa kaniya. Pinakita ko rin ang ID ko para mapanatag sila na safe ako.  Tumingin ako kay Liana nang nakita niya ako ay umiyak siya ng malakas. "Ang sakit! Ang sakit!" Sigaw niya sa akin.  She cried like a pig, "Liana, umuwi na tayo ha?" tanong ko sa kaniya. "He told me he loves me too? Why it is easy for him to do this?" She asked me. Nasaktan ako. Hindi ako nakagalaw, wala akong ibang maramdaman kung 'di ang sakit. The fact that her heart belong to her brother is painful, I may have her but she's not mine. Pinipilit ko lang na isipin na akin siya pero masakit pala. Alam ko na dati pa lang nawala na ang puso ko. Winala na niya. "Kasi magkapatid kayo at 'yon ang tama. Liana, ayaw lang siguro niya na gumawa kayo ng pagkakamali." sagot ko sa kanya. She continued crying. She hugged me tight, halos sa akin na nya ipahid ang uhog niya pero okay lang, alam kong kailangan niya ang bisig ko. Nang tumigil siya sa pag-iyak ay ngumiti siya sa akin. "Terrence, mabuti ka pa mahal mo ako. Sorry ha? Sorry kung 'di na kita mahal." Sabi niya sa akin. Nag-init ang paligid ng mata ko, pero anong magagawa ko? Ito ang totoo e. Hindi na ako. At mukhang hindi na magiging ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD