Chapter 19: Risk

1933 Words
LIANA JEAN JADAONE-MADRIAGA  "MASAKIT pa ba ulo mo?" tanong sa akin yan ni Terrence busy siya na inaayos ang mga gamit ko.  Nagluto din sya ng hangover soup para sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya, wala akong gana. Wala akong ibang maisip kung 'di ang proposal kagabi. Ang ginawa ni Sebastian na pag-iwan sa akin. Sobrang sakit gusto kong umiyak ulit pero ayaw na ng mata ko. "Liana, may gusto ka bang kainin o inumin? Sabihin mo sa akin at ikukuha kita" sabi nya sa akin. 'Umalis ka na lang muna." Sabi ko sa kanya, nakita kong nababa nya ang kutsara.   "Kailangan kong masigurado na wala na ang hang-over mo." Inikot ko ang mata ko.   'Gusto kong mapag-isa Terrence, iwanan mo muna ako. " sabi ko ulit sa kanya.  "Pagkatapos mo uminom ng soup e iiwanan na kita—" "Mahirap bang intindihin na gusto kong mapag-isa?!" sigaw ko sa kanya, napalakas ng boses ko. Siguro 'di ko maexplika ang lungkot at sakit, nailabas ko 'yon lahat sa kaniya. Nakita kong parang naistatwa sya nagawa kong pagsigaw sa kanya. Napalunok ako. "Gano'n ba? Sige mauuna na akong umalis. Ihahabilin na lang kita sa maid ninyo." Sabi niya sa akin, humiga muli ako sa aking kama at saka nagtalukbong. Naluluha na naman ako, at nasasaktan. Napahawak ako sa sentido ko, pakiramdam ko sobrang sakit ng ulo ko pero mas masakit ang nararamdaman ng puso ko. Muli napahagulgol na naman ako sa isang sulok ng kama ko. Napakasakit, napakasakit kasi sobrang mahal ko si Seb, ang kapatid ko. Mahal na mahal ko siya bilang isang lalaki.  Lumipas ang ilang oras at di pa rin ako lumalabas ng kwarto. Puro pag-iyak ang nagawa ko, maging si Mama sinusubukan ako palabasin pero parang wala sa sistema ko. Wala akong ibang maisip kung 'di ang lungkot. Gusto ko na lang mabulok sa kwarto ko hanggang sa ikasal sila. Ganoon kasakit para sa akin ang lahat. "Liana, dinner na baka gusto mo namang bumaba?" sabi ni Mama sa pintuan. "Buong araw ka ng nasa kwarto anak. Huwag ka kasing uminom ng marami." Giit niya sa akin. "Masakit pa ang ulo ko mama. Hindi pa ako kakain. Ayoko."  Napabuntong hininga si Mama sa akin."Pero dadating ang kuya mo, may magandang balita daw pangit naman kung wala ka diba?" sabi ulit ng Mama sa akin. Mas lalong nanginig ang mga mata ko. "Ma, please po, sobrang sakit ng ulo ko." sabi ko sa kanya at pinigilan ko ang hikbi ko. Nadinig ko muli ang panibagong buntong hininga niya.  "Sige sasabihin ko na lang sa kuya mo ha? Pero kung magbago ang isip mo, bumaba ka." sabi ng Mama sa akin. **** SEBASTIAN LEVI MADRIAGA POINT OF VIEW NIYAKAP ako ni Nicole ng mahigpit. "Thank you for this. Thank you for marrying me, and thank you for this chance." Sabi niya sa akin, tumingin ako sa singsing na binigay ko sa kanya.  I smiled at her. 'Wala ka dapat ipagpasalamat sa akin. Mahal kita  kaya papakasalan kita," sabi ko sa kanya.  I kissed her cheeks softly.  "Alam ko naman na ako ang pipiliin mo. Ako ang tama. Tayo." Sabi nya sa akin. Suddenly I felt pain in my heart, ayoko pa rin sanang gawin to pero pag tinuloy ko ang nararamdaman ko kay Liana. Masasaktan ko sya, masasaktan ko sya kasi alam ko ang tama. Natatakot akong magkamali at paasahin siya sa wala. Masyado na s'yang nasaktan noong nawala ako. Sa mga pinagdaanan nya, I don't want to cause her anymore pain. I don't want to be the reason why she will remember such pain. She smiled at me at saka tumingin  sa wrist watch niya. 'Let's go! Baka hinahanap na tayo ng mommy mo. Excited na ako ibalita ito sa kaniya," sabi nya sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya at bumiyahe kami papunta sa bahay. It can be also my way of checking Liana out, her heart must be hurt pero alam kong mas masasaktan siya kung makikita niya ako. I'm torned. Mahal ko ang kapatid ko at alam kong mali ito, that is why I chose to hurt her at the first place. Gusto kong mawala ang nararamdaman niya sa akin. Narating na namin ang lugar. Sinalubong ako ni Mama ng yakap while Nicole gave Dad a kiss on his cheeks. 'Good evening po, Tito at Tita!" Nicole greeted them. "Good afternoon din, na-set na namin ang table. Umupo na kayo doon para makapag dinner na tayo," sabi ni Mama. Nauna si Nicole na kinakausap ang Daddy pinag-usapan nila ang ginawa kong proposal habang si Mama ay sinara naman ang pintuan.  Hinanap ng mata ko si Liana pero wala siya. "Hinahanap mo ang kapatid mo?" She asked me. Tango ang nasagot ko kay Mama.  'Masakit daw ang ulo niya kaya hindi muna sasama sa dinner. Kanina nga raw e nadinig ng maid na sinungitan din si Terrence. Sa tingin ko nireregla 'yan tapos lasing pa. "sabi naman nya  sa akin habang tumatawa. "Is she okay?" I asked her. I was about to go upstair to go check on her but mom grabbed my hand. "She's okay, puntahan mo na ang girlfriend mo doon. Let's celebrate your engagement," sabi nya sa akin. Buong oras sa dinner ay wala ako sa sarili ko. I kept on peeking on her doors upstairs. They are talking about the wedding the whole time. Tumunog ang phone ko. Tiningnan ko iyon at nakita ko ang numeron ni Liana, tumatawag siya sa akin pero nawala rin ang tawag niya.  "Let's meet next weekend ipapakilala kita sa nag-ayos ng wedding ko." I just snap back on my thoughts when I heard my Mother's voice. 'Sure Tita, pagbalik ko galing kay Mama next week, let's meet the wedding people. I'm so excited for this wedding." sabi naman nito sa kanya. **** LIANA JEAN MADRIAGA  LUMIPAS ang tatlong araw, nag file ako ng leave sa opsina at hindi muna ako pumasok. Dinahilan ko na lang na may lagnat ako. Pero ang totoo, my heart is broken. Hindi nagtagal napagpasiyahan ko na lumabas ng kwarto, tulog na ang Mama at ang Daddy. Napabuntong hininga na lang ako at wala sa sariling kinuha ang susi ng sasakyan ko. Magpapahangin lang ako saglit. Gusto kong mabawasan ang lahat. Naluha na naman ako ng maalala ko ang mga sinabi niya sa akin sa phone dati. Wala ako sa sarili ko, hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap kahit na tama siya. Sa sobrang gulo ng utak ko, I just found myself sa harap ng unit nya. Hinihintay ang sarili ko na pindutin ang doorbell papasok ng unit niya. Wala akong pakialam kung kasama niya si Nicole sa loob ang gusto ko lang mayakap sya. Masabi na sobrang mahal ko sya at di ko siyang kayang hayaan na pakasalanan ang babaeng iyon. Kahit walang patutunguhan ayos lang para sa akin. Pinindot ko ang doorbell niya. "Who's there!"Si kuya Seb, siya ang nadinig ko. Pinindot ko muli ang doorbell niya 'Please wait. I'm just gonna wash my hands!" He asked once again. Lumapit ako sa machine at pinindot ito muli. Para akong tanga na doorbell lang ng doorbell.   'Seb," tawag ko sa kanya at muli kong pinindot ang doorbell. Nanghihina ako, halos ilang araw din kasi akong walang kain at nanghihina din ako dahil sa sitwasyon ng puso ko. Hindi nagtagal ay bumukas ang pintuan 'Liana, anong ginagawa mo dito?" He asked me. I bit my lower lip 'Kuya, wag mo na syang pakasalanan please, wag mo naman akong ganituhin kuya, Kuya ang sakit" sabi ko sa kanya at muling tumulo ang luha ko hagulgol ang nagawa ko sa harap nya. Iniwasan niya ang tingin ko. "Umuwi ka na Liana. Wala na tayong dapat pag-usapan pa." Sabi nya sa akin. Umiling ako sa kanya "Hindi Seb. Huwag mo na siyang pakasalan. Huwag na please. Ako na lang please." sigaw ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya , nakatingin sya sa akin. "Seb, mahal kita." sabi ko sa kanya 'Please, don't hurt me like this!" sabi ko sa kanya.   "Liana, kapatid kita. Kahit hind tayo magkadugo e magkapatid tayo. Ito ang tama nating gawin para wala ng masaktan pa," sabi nya sa akin. Umiling muli ako at saka siya mahinang pinalo. '"I can't let you go." "I also can't but I need." 'Seb, mas sinasaktan mo ako sa ginagawa mo, alam mo ba iyon?" I asked him. Tumango siya sa akin. "Kailangan kitang saktan. Liana, masakit din ito para sa akin." I reached up to him and kissed his lips softly. "Walang mahihirapan sa atin kung gagawin natin yung gusto ng puso natin diba?" sabi ko sa kanya. Nanatili syang nakatayo lang sa harap ko Sev, alam kong parehas lang ang gusto nating dalawa. Akin ka na lang." sabi ko sa kanya. I kissed him again, this time sinagot na nya ng tuluyan ang halik ko, he pulled me closer to him. Wala na akong pakialam sa mali, at masaya ako dahil sinagot niya ang halik ko. Akin ka na ulit, Seb. Akin ka na ulit.  "Are you sure you want to do this?" He asked me. Tumango ako sa kaniya. "Sigurado akong handa ko ibigay ang lahat kahit walang kasiguraduhan. H'wag mo lang akong iwan nang di pa natin nasusubukan," bulong ko s akanya. 'Kahit mali? Kahit hindi tama?" He asked me. Tumango ako sa kanya. "Oras at circumstances lang ang mali, pero ang nararamdaman natin ay tama." sabi ko sa kanya, and he kissed me again. Hinila nya ako papasok ng unit niya at sinara ang pinto. He trapped me in the corners of the wall.   "Mahal kita..." He told me and he kissed my hand. "Then make me feel your love. Hayaan mong malunod na lang tayo. Pakiusap, kasi kung hindi e 'di ko kakayanin." I told him. Tumingin sya sa mga mata ko at saka umiling. 'No, I won't take advantage of you. Patawad...."sabi nya sa akin. Kitang- kita ko ang pagkagulo sa kanyang emosyon. He doesn't know where to lean, sa akin ba o sa tama. Pero ako, buong buo ang loob ko na  "Akala ko ba okay na?" Pagpilit ko sa kaniya. "Natatakot ako masaktan kita. Natatakot ako na baka pinagpatuloy natin bumitaw ako. Liana, I'm not as brave as you."  "Okay lang ako at maiintindihan ko. Sebastian mas masasaktan ako kung ititigil natin 'to. Alam kong mahirap pero alam kong may paraan pa para magmahalan na tayo." Sabi ko sa kanya as I bit my lower lip. "Sebastian, mahal mo ba ako?" I asked him. He smiled at me and held my face. 'I Love you. Mahal kita, Liana. Mahal kita dahil mahal kita." He said as he kissed my lips wala na akong nagawa kung di ang malunod sa mga salita niya. Naramdaman ko na lang pagbagsak ko sa malambot na kama nya, pati ang malambot nyang labi na bumaba sa leeg ko. "Liana, do you trust me?" He asked me. "Even tho our situation is hard. Will you put your heart on me?" tanong niya sa akin, tumango ako sa kanya. "Handa akong ialay sa'yo ng buo kung anong mayro'n ako kahit pa mali ito. I Love you, Sebastian." Sagot ko sa kanya. And the next thing I know is that we are lost through the night, with his gentle kiss, di ako nakaramdam ng takot na'ng kasama ko si Seb. What I felt is pure love  between us. And I will fight for this, kahit na mali to, alam kong di tama ang pagmamahalan namin. But I will be selfish, I will be selfish for my heart, for our hearts...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD