LIANA JEAN JADAONE- MADRIAGA
"MANONG, patulong naman pong ipasok ang kuya ko sa loob ng condo unit n'ya." Pakiusap ko sa gwardya. Lasing na lasing si kuya ngayong gabi, masyado s'yang naglasing di ko na lang pinaalam kay Daddy kasi siguradng maiinis sila. Lagi namang naglalasing si Kuya dahil sa nangyari noong wedding. It's my fault alam ko namang kasalanan ko kung bakit s'ya nahihirapan ngayon. Tinulungan ako ng gwardya na ipasok si Kuya sa kwarto nito at ihiga s'ya sa kama.
"Okay na po ba, miss?" Tumango ako at kumuha ng 100 sa wallet ko.
"Salamat, Manong guard." Sabi ko sa kanya at saka inabot sa kanya. Inayos ko ang higa ng kuya sa kama at tinanggal ko na rin ang kanyang sapatos. Panay pa ang reklamo niya kesyo daw mainit kaya mas nilakasan ko na rin ang aircon, binuksan ko na rin ang electric fan sa kanyang kwarto. "Ang dami mo kasing ininom at kung ano- ano pa ang mga pinagsasabi mo." bulong ko sa kanya. "Kung ano-ano rin tuloy ang mga naisip ko.
"Nicole..." bulong nya sa akin. "Ako na ulit please..."
"Huwag kang mag-alala kuya kapag naging kayo man ulit e' di na ako makikialam. Pipilitin ko na lang na maging masaya para sa inyong dalawa. Kasi pag nabuo ka ulit e' magiging buo na rin ako," sagot ko sa kanya kahit na 'di nya naririnig ang mga sinabi ko. Matapos ko syang mabihisan ng kumportable ay napabuntong hininga na lang ako. Napapikit na lang ako ng maalala ko lahat.. Kung paano nagsimula na magbago ang lahat sa pagitan namin ng kuya.
Yung pagdating ni Nicole na sobrang kinainisan ko at naging dahilan upang magbago ang pakikitungo ni Kuya sa akin.
***
PALABAS ako ng campus nang mga panahon na 'yon. I'm on my usual place kung saan madalas kong hinihintay si kuya. Si Kuya ang madalas na nagsusundo sa akin dahil sa ayaw ko bumalik sa service ko. Nakakainis kasi yung driver no'n mukha syang manyak kaya ayan, si Kuya ang naghahatid sundo sa akin. Excited ako na lumabas ng campus namin ng mga oras na iyon. I saw him there, he was wearing his gummy smile that everyone loves.
My brother had this b***h face look pero kapag gusto n'ya ang nakikita n'ya, he smiles like an idiot. That kind of handsome idiot naman.
"Kuya!" sigaw ko.
Lumingon sya sa akin, "Princess!" salubong nya sa akin. Agad akong tumakbo sa direksyon n'ya upang salubungin s'ya ng yakap."Dahan dahan lang Princess baka madapa ka" sabi nya sa akin.
Napangiti ako sa kanya, "Kuya may assignment ako sa Biology! Tulungan mo ako doon ah!" sabi ko sa kanya.
"Sure pero bago 'yan ay may dadaaanan tayo." sabi nya sa akin.
"Saan tayo dadaan kuya? Mayro'n ka bang lakad?" I asked him. Umiling sya sa akin bilang sagot,"Wala pero mayroon tayong susundion.." Sabi nya sa akin.
Nagkunot ang noo ko. Sino naman kaya ang susunduin namin? I hope it's not one of his friends dahil bully ang mga friends n'ya. They always makes fun of me and looks at my boobs.
"Sino ang ating dadaanan? Yung barkada mo ba na may putok?" I asked him, ayoko yun na sumasakay kay Kuya kasi ang baho n'ya. I only want my brother and none of his friends.
"Hindi, makikilala mo rin s'ya and I'm excited for you to meet her. You will like her!" sabi nya sa akin. Mas lalong nagkuntot ang noo ko.
Her?
Ibig sabihin babae iyon, sino naman kaya ang babaeng 'yon. He can't have a girlfriend dahil he promise that everyone girl he would date. Ako muna ang makakakilala at dapat may approval ko muna bago n'ya i-court.
"Sino 'yon? Babae ba 'yan kuya?" I asked him again. He just smiled as he speed up the car.
Huminto ang sasakyan at lumabas s'ya ng sasakyan. Isang babae na matangkad, chinita, mukhang mayaman, matangos ang ilong at may maliit na labi pero mukhang mataray ang ngumiti sa kanya. Binuksan nya muna ang pinto sa side ko saglit. His smile, 'di ko maipaliwanag ang saya ng kaniyang ngiti.
His smile got brighter because of that b***h looking girl.
"Lumabas ka muna at papakilala kita sa kanya." sabi sa akin ng kuya ko. Lumabas naman ako ng nagtataka. Tumabi sya sa babae at saka hinigit ang beywang nito. Malagkit silang nagtinginan bago binaling ang attensyon sa akin.
What the hell is the meaning of this?
"Liana, I know that this is surprising for you but I want to introduce you to Nicole." sabi nya sa akin.
"Bakit sino ba 'yang Nicole na 'yan, Kuya?" I am starting to get pissed off with her. Her smile is made of plastic. I can see it. Lahat naman ng babaeng may gusto kay Kuya ay nakikipagplastikan lang sa akin kasi alam nila na ayaw ko nang ibang girls. Kung tumanda lang ako ng kaunti, I'm more beautiful than her. My boobs is even bigger than hers, that's why I am wearing sports bra para mag flat nang kaunti.
"Liana, I want you to meet my girlfriend. Her name is Nicole." Pakilala n'ya sa akin. Nagtinginan pa silang dalawa at mutually na nagkaintindihan dahil doon.
Nanlaki ang mga mata ko,"Girlfriend?!"pasigaw kong tanong sa kanya.
"Oo at sana---"
"Bakit ka may girlfriend?! Akala ko ba ako lang ang babae sa'yong buhay! Bakit may iba kang pinapakilala sa akin!" sigaw ko sa kanya. Maging ang Nicole na iyon ay nagulat pero ngumiti lang sya. Mukha syang demonyita, plastic smile, plastic shocking face. Everything about her is plastic.
"Liana.." sita nya sa akin.
"I hate you kuya! You're a liar!" sigaw ko at tumakbo ako palayo sa kanilang dalawa. Sabihin n'yo ng Over-acting ako pero sabi nya ako lang ang babae sa life nya. Nakakainis diba? Princess nga n'ya ako. Why would he introduce a girl to me na girlfriend n'ya agad?!
"Liana!" malakas n'yang sigaw sa akin.
***
NAGISING ako dahil sa sinag ng araw. Umaga na pala, tumingin ako sa kama at wala na ang kuya sa tabi ko. Did he already left? Hindi man lang n'ya ako ginising. Tumingin ako sunod sa orasan alas otso na pala ng umaga. Lumipat ako sa kama na hinigaan ng Kuya ko. Naamoy ko pa ang manly nyang amoy sa kama. I slept on the couch yesterday kasi baka mamaya magising s'ya at ma-badtrip kung makita n'yang katabi niya ako. I was suppose to go home but I don't like riding taxi's and I can't leave him alone at his unit.
Nag-ayos ako ng sarili ko at saka lumabas saglit. Babalik na ako sa bahay mamaya, tapos ihahatid namin sa airport sila Mama at Papa para sa Honey moon nila na regalo ni Ninong Jay sa kanila.
Kinuha ko ang phone para tawagan si Kuya. I just need to make sure that he is fine, dahil kung hindi. I'm going to bring him some hang-over soup sa work n'ya. He was doing some of Dad's works in our business kaya naman madali ko lang s'ya mahahanap if ever.
It took him a while to answer my call and when he did my heart skipped a beat.
'Hello! " mahina nyang sagot sa akin. Halatang medyo may hang-over pa rin s'ya sa tono ng kaniyang boses.
"Kuya, bakit ka umalis agad? Hindi mo man lang ako ginising para magawaan ka ng hangover soup," bungad ko sa kanya.
'Wow, concern ka?" He sarcastically asked me.
"Kuya, nagaalala lang ako lasing na las--"
"Kung di mo ginago ang lahat Liana, di ako masasaktan ng ganito. Don't worry about me, kasalanan mo naman 'to diba?" sabi nya sa akin. Napapikit na lang ako sa mga sinabi nya sa akin, I forced a smile kahit nasasaktan talaga ako. Alam ko naman na kasalanan ko. Napaka-immature ko noon at 'di ko alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko. May sariling buhay si kuya, at umiibig din siya. Kahit na gaga si Nicole at alam ko na 'di siya ang babaeng karapat- dapat sa kapatid ko e minahal niya 'to. Maling - mali ako at naiintindihan ko 'yon.
"I'm really sorry." Bulong ko sa kanya, nadinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Inaamin ko naman na naging pakialamera ako at 'di ko alam kung saan ilalagay ang sarili ko. Na sana imbes na ipahiya siya noon e kinausap na lang kita. I'm really sorry." Giit ko muli.
"Kung wala ka nang sasabihin, ibaba mo na lamang ang tawag na 'to." Sabi niya sa akin at binaba ko ang telepono.
Mapait na lang ako na napangiti.
***
MAG-INGAT ka Liana ha? Lagi mo dapat i-lock ang pintuan. If ever you feel afraid, don't forget to call your brother to stay with you," bilin sa akin ni Mama at tumingin siya kay kuya. "Kinausap ko siya at dadalaw- dalawin ka niya." Tumango ako sa kanya bilang sagot, "Opo, malaki na ko po ako. Alam ko na po 'yan," sagot ko sa kanya.
"Pinag-i-ingat lang kita. Liana. You are my only daughter and I treasure you the most," sagot naman nya sa akin. I smiled at her, how can she still treasure me? They should've just--
Natigil ako sa pag-iisip ng tumingin si Mama kay Kuya Seb. Si Papa ay agad na tinawag si Kuya, he was wearing his b***h face when he turned into Dad. Tila ba napipilitan lang s'ya na ihatid si Mama at Papa sa airport. Or napipilitan lang siya kasi kasama ako.
"Sebastian, yung bilin ko sa'yo e gawin mo. Sasamahan mo ang kapatid mo," sabi ni Daddy sa kanya. Tumingin lang sya sa kay Dad at saka tumango. Wala pa sa mood ang pagtango n'ya, "Oo na." walang gana nyang sagot kay Daddy.
"Enjoy kayo doon mama ha?" habilin ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at saka niya yinakap ng mahigpit. "Yung bilin ko ha? Always take your medicine," sabi nya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya. Pumunta na sila sa waiting area at naglakad na kami paalis ng kuya. Magkasama lang kami ni Kuya at 'di nagpapansinan. I made him some juice before leaving the house pero 'di ko maibigay 'yon ngayon.
I wanted to be sweet and try hard to get his forgiveness.
'Ihahatid kita pauwi.Mananatili ako sa bahay saglit pero di ako matutulog doon.kaya mo na sarili mo diba?" He asked me.
Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya. "Then great, I'll just call you to check on you every weekdays. Baka tumawag si Mama at tanungin ka sa akin." giit n'ya sa akin. He really did bring me home and he stayed over until dinner. Hindi kami nag-uusap at hanggang nakaw tingin lang ako sa kaniya pero nakuntento na ako doon. Dapat kasi ganito na lang ako simula umpisa. Nakuntento na lang ako na hanggang dito lang kami. Na kapatid ko siya, at 'di dapat ako maging possesive sa kaniya.
"Aalis na ako," My thoughts was awaken when he said that. Hinawakan ko ang kamay n'ya, it's not my plan to do that but my hand reached for him.
"Kuya dito ka na lang," I told him.
"Kailangan ko nang umalis, Liana." He said. Umiling ako sa kaniya kasunod no'n ay ang malakas na pagkulog. Mas humigpit ang hawak ko sa kaniyang kamay pero pabalya n'yang winaglit ang pagkakahawak ko sa kaniya.
"Miss, ikaw ba si Liana?" tanong sa akin nang isang hindi kilalang lalaki habang naghihintay ako sa waiting shed kung saan ako madalas na sinusundo ni Kuya. Nag-text siya sa akin at sabi niya hindi na siya galit sa akin. Ang sabi niya magkita daw kami dahil ili-libre niya ako ng ice cream kaya hihintayin ko siya.
Hindi ako sumagot sa kanya. Mahigpit na bilin ni kuya sa akin na 'di dapat ako nakikipag-usap sa strangers. Na dapat hintayin ko siya lagi. Na kung hindi siya o si Papa ang susundo sa akin e' wag akong iimik o' sasama. "Miss, si Sebastian ba ang kuya mo?" tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kanya, "Paano mo nalaman ang pangalan ng kuya ko?" tanong ko sa kanya, ngumiti siya sa akin. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha pero alam ko na nakangiti siya sa akin.
"Tumawag kasi siya sa akin sabi niya sunduin daw kita. Hindi daw siya makalabas ng opsina niya kaya dalhin na lang kita sa kanya."
"Ang sabi ni kuya pag 'di daw siya ang susundo sa akin e' huwag daw akong sasama." Sabi ko rito. Ngumiti siya sa akin, at sa pagkakataong ito ay may halong inis ang ngiti niya. Hihintayin ko si kuya dito dahil 'yon ang sabi niya sa text niya.
"Sumama ka na lang sa akin at huwag mo na akong pahirapan." Nakangiting giit niya sa akin. Hinawakan niya ang braso ko, kasunod no'n ay ang malakas na kulog.
Ang sunod kong nakita ay ang pag-alis niya sa loob ng bahay. Naiwan akong mag-isa, kagaya nung mga oras na 'yon. Mag-isa lang akong naglakad sa gitna ng malakas na kulog at ulan.
***
SEBASTIAN LEVI MADRIAGA
Seb, magkita tayo mamaya. I need to tell you something.
Nabasa ko ang message ni Nicole sa akin. agad akong napabangon sa pagkakahiga ko. Tumingin ako sa labas at umuulan ng malakas. Suddenly naisip ko si Liana. Natatakot talaga sya sa kulog at malakas na ulan pero malaki na sya 'di na siguro mag o-over-acting na parang 10 Years old na bata pag nakarinig ng kulog. Agad akong nagbihis at naghanda para sa pagkikita namin ni Nicole.
Four years, pero ito ako gagong gago pa rin sa kanya. Siya lang kasi ang babae na ginusto kong balikan. I really love her, and I don't care about our past. Nagalit ako noong mapatunayan kong totoo ang sinasabi ni Liana pero wala e. Mahal Kahit ano kasing gawin nya tama man o mali tinatanggap ko, Marami ng nasaktan dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Maging si Liana ay nasaktan ko.
Pero parang wala lang sa akin. For me, Nicole is someone worth it. She is a girl na willing kang isugal lahat ng meron ka para sa kanya. Narating ko ang restaurant. As usual wala pa s'ya, I am little bit early and Nicole is know to show up on time. The rain is falling hard, at mas lumakas pa lalo ang bagsak ng kulog at kidlat.
Hindi nagtagal nakita ko na siya na dumating.
Still her effects on me is the same. She looked more classy and her beauty instantly took my breath away. Napangiti ako ng makita ko siya, agad ko syang niyakap ng mahigpit. "Nicole..." bulong ko sa kanya. Bumitaw sya sa yakap at saka sya tumingin sa akin.
'Di tayo nakapagusap ng maayos kahapon dahil lasing ka," sagot nya sa akin.
"I'm sorrry for that," I told her. Umupo sya sa bakanteng upuan.
"Pinag-isipian ko yung mga sinabi mo kagabi," sabi nya sa akin. "Actually, hindi ko akalain na ako pa rin sa kabila ng mga ginawa ko dati.I was immature and I thought what I'm doing is right." Giit niya muli sa akin.
"Alam ko bata pa tayo noon, we just graduated from college, and we think like we can make grand decisions." Sabi ko sa kanya at saka ako ngumiti.
Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng magandang ngiti. "Sebastian, sa tingin ko ay tama ka. Sa tingin ko hindi naman masama kung susubukan natin na ituloy ang dati at itama ang lahat." sabi nya sa akin. Tumingin sya sa mga mata ko, nakaramdam ako ng galak sa aking puso"Nicole if you will give me a chance. Promise ko sa'yo ko ibibigay ang lahat.. I promise!" sabi ko sa kanya.
Call me desperate but I love her very much.
She smiled at me.
"We can start over again, Sebastian. Pero sana tuparin mo ang pangako mo," sabi niya sa akin. "Na walang makikialam sa atin." Giit niya sa akin. "Kaya mo naman diba? Ang wag ng pansinin ang kapatid mo, wag syang isali sa usapan, wag syang isipin sa tuwing kasama mo ako diba? At kaya mo rin ba na ako lang paniwalaan habang buhay?" She asked me.
Kaya ko ba? Liana is like my real sister, a bestfriend, kahit na di kami maayos, inaamin araw -araw iniisip ko sya, araw -araw nag-alala ako para sa kanya. She grew up but she's still the little sister that I have.
But I need to have my own life too and Nicole is the life that I need.
"Oo naman, kaya ko. Mom, Dad and Liana will understand this. Alam nilang mahal na mahal kita," I told her. She smiled again kasabay no'n ay ang mas paglakas muli ng ulan.
"Ang lakas na ng ulan, maybe it is giving us a blessing," sabi nya sa akin.
I bit my lip, 'How about your boyfriend?" I asked her.
"Don't mind him. Richard was just a show. Gusto ko lang ipakita sa'yo na naka move on na ako kahit hindi naman talaga." Natatawa niyang giit sa akin. I smiled again, I held her hand tightly. "So, are we together again Nicole?" I asked her. Ngumiti na naman s'ya sa akin "Diba sabi ko---"
Tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon ang it's Liana. Pinatay ko ang phone call niya. "As I am saying, We will start over again," sabi nya sa akin. Muling tumunog ang phone ko, Siya na naman ang tumatawag sa akin.
"Is it her?" She asked me.
Tumango ako papatayin ko na sana pero mahinang tumawa si Nicole. "Pwede mong patayin ang phone pero 'di mo pinapatay para walang maka-istorbo sa atin. Diba kakasabi ko lang, dapat walang Liana?" She told him. Binaliktad ko ang phone para 'di ko madinig ang ringtone nito.
"Oo.. at tutuparin ko iyon, I just can't shut the phone off kasi baka tatawag si Daddy. I promised him that I will check on this brat." I told her. I put the phone on silent, para di ko marinig ang tawag nya. Ngumiti na naman sya sa akin.
"Do you want to bring me home?" She asked me at saka sya tumayo sa kinauupuan nya. I held her hand again. I can hold her hand for the whole night, I can hold her hand to have those four years without him.
"Nicole, thank you, Salamat kasi binigyan mo ako ng chance kundi mababaliw na talaga ako" I told her she smirked at me at saka nya binuksan ang payong n''ya para makalapit na kami sa sasakyan ko.
***
MATAPOS kong mahatid si Nicole sa kaniyang bahay ay naghanda na ako pauwi sa aking unit. I looked at my phone to check any messages saka ko tiningnan ang phone ko. 20 Missed calls from Liana. Tiningnan ko ang oras at nakita kong 11PM na. "Baka nakatulog na 'yon kakatawag sa akin. This kid still acts like a kid even though she knows I'm mad at her," I whispered. I started driving pero 'di pa ako nakakalayo ay muli akong huminto. I checked at my phone again. Nagtitimpi ang kamay ko na tawagan s'ya kaso lang naisip ko baka natutulog na siya ngayon. But still I need to be sure because I started to feel uneasy.
I dialed her phone number and It took her a while to answer. "Bakit ka tumatawag sa akin?" I strictly asked her pero wala akong nakuhang sagot. She was just quiet, all that I can hear was flowing water.
Walang bumungad sa akin na makulit o matinis na boses like she actually does.
"Liana, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Why the hell are you calling me?" I asked her again.
'K - kuya.." sabi nya sa akin. Nanginginig ang boses nya sa sa akin "Kuya.. kasi.. ayoko ng maalala pero bakit bumabalik pa rin kuya?" tuluyan ng nagbreakdown ang boses n'ya.
"Liana, anong bumabalik?"I asked her. Muli kong pinaandar ang sasakyan at saka ito pinaharurot. I found myself driving back to our home. "Everything... everything..." sagot n'ya sa akin habang umiiyak.
"Mom, should've let me die that day. They didn't believe me when I told them that was the only way to forget..."
"Liana papunta na ako diyan. Stop cracking that prank on me." banta ko sa kaniya.
"All I did was wait for you. Why does that it need to happen to me?" Pakiramdam ko ay hindi na siya makahinga, at ang pagtanong niya sa akin. Tila ba sinisisi niya ako sa isang bagay na 'di ko alam. If you just arrived like you used too. If you just arrived the way you used too!" tili n'ya sa telepono. Tahol na ng aso ang sunod kung narinig.
Agad akong nagmaneho papunta sa bahay. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong kaba. Pagdating ko doon tanging ang ilaw sa bintana ng kwarto niya ang bukas. Nagdoorbell ako agad. Sunod- sunod na tila pupudpurin ko ang doorbell namin.
Tinatawagan ko pa rin sya pero walang sagot. Out of coverage area na ang telepono niya. Ano bang nagyayari sa batang 'yon ha? "Sir bakit po kayo nandito?" Pamngad ng katulong at agad na binuksan ang gate ng bahay.
"Nasaan si Liana?"I asked. I'm panicking and freaking out. "Eh sir, naliligo po ata s'ya," giit n'ya sa akin. "Are you sure?" Nagdire -diretso ako paloob.
"Opo sir, kanina po kasi nagpahanda siya ng warm shower dahil nilalamig daw po siya." Sagot nito sa akin. Agad akong umakyat sa itaas
Hanggang marating ko ang kwarto n'ya. "Liana!" sigaw ko sabay katok ng malakas. Walang sumagot sa akin. Tinulak ko ng malakas ang pintuan walang tao sa loob kung 'di ang aso na kumakahol sa labas ng banyo.
"Liana!" sigaw ko muli. The dog barked as I came inside her room. Nakarinig ako ng agos ng tubig nanggagaling sa kaniyang banyo. It seems like something was overflowing. Agad kong binuksan ang banyo sa kwarto n'ya.
"s**t! Liana!" sigaw ko sa kanya. Nakita ko syang nakababad sa bathtub pero ang katawan nya lubog sa loob nito habang nag-o-overflow. Ano bang pumasok sa utak nito ha? Nasa lapag ang phone n'ya na, hiwa- hiwalay na ito na tila ba hinagis niya.
Is she going to kill herself?!
"Liana! Gumising ka!" sigaw ko habang inaalog- alog siya upang gumising.
"Anong tinitingin-tingin mo d'yan?! Tumawag ka ng tulong!" sigaw ko sa kanya.