LIANA JEAN JADAONE MADRIAGA
IT'S BEEN almost two weeks ng dumating si Kuya sa aming tahanan. Kaya ayon lahat ng katarayan pinapakita n'ya sa akin maging ang pagiging pakialamero sa lovelife ko, pinasok na n'ya sa pinakamasungit na paraan. He greatly express his dislike regarding Terrence minsan nga nakakainis na e. Siguro ganito din siya naiinis sa akin noon sa t'wing tinatarayan ko si Nicole at sinasabi kong bitchesa siya.
Tumingin ako sa orasan at nakita kong alas otso n ng umaga.I grabbed my notebooks and placed it inside my bag. Kailangan ko pa kasing mag-review sa school dahil sa aming exams. Ewan ko ba naman kasi, kitang malapit na ang closing e ngayon lang nagpa-exam 'tong professor ko. For formality lang ata ang kaniyang exams e pero either way, I need to review.
"Liana, pakigising na ang kuya mo dahil almusal na." sabi ni Mama sa akin.
"Opo!" napangiti ako dahil sa excitement. Gigisingin ko sya tapos masasaktuhan kong kakalabas lang nya sa CR at makikita ko ang ribs n'ya. Nakakakilig naman isipin. I shook the thought out of my head at saka inayos ang sarili ko.
Umakyat ako sa taas at kumatok saglit sa kwarto n'ya ngunit walang sumagot. Marahil ay tulog na tulog talaga siya.
Pinihit ko ang door knob at saka binuksan ito. "Kuya, kakain na ng almusal sabi ni Mama. Bumaba ka na daw." giit ko ngunit wala talagang sumagot. Pumasok ba ako ng tuluyan sa kwarto n'ya. Bumungad sa akin ang Manly scent ng kwarto nya. Malalaman mo na isang Sebastian Levy Madriaga ang gumagamit nito.
"Kuya Seb..." tawag ko ulit. Pumasok ako sa loob at nakita ko syang natutulog pa. Nakapikit s'ya habang mahinang humihilik, natawa pa nga ako kasi ang cute nung sound na nagagawa n'ya.
Lumapit ako sa kanya.
Dahan dahan na tila ba isa s'yang fragile na bagay. My brother is fragile and wonderful. Iniingatan kong 'di s'ya magising. Pero ano ba ang pinunta ko dito? Diba ang gisingin sya? Dahan-dahan akong naglean sa kanya. "Kuya..." tawag ko sa kanya. Hinawakan ko ang mukha nya, ganito na pala ito sa malapitan. Hindi ko na s'ya magawang gising ng tulad ng dati. Gisingin na parang bata dahil iba na ang lahat.
Iba na ang pagitan naming dalawa. Napakalaki na nang pagbabago at hindi ko na mababalik iyon, at masakit dahil kasalanan ko kung bakit nawala iyon.
"Kuya! Kuya!" tapik ko sa kaniya.
"Uhmm... Nicole! Mamaya na..." ungol n'ya at hinawakan n'ya ang aking kamay. Hanggang ngayon ay siya pa rin. Mahigit apat na taon na rin mula nang maghiwalay sila at 'di matuloy ang kasal nila pero siya pa rin. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ko dahil pakiramdam ko ay tinusok ang aking puso.
Nabigla na lamang ako ng kunin niya ang kamay ko upang halikan."Kuya, gising ka na daw sabi ni Mama kasi almusal na. Gising ka na." Tapik ko ulit sa kanya. His lips was against my hand, dinadamdam ko ang pagkakataon na 'yon. Alam kong mali pero nakaramdam ako ng warmth sa aking puso.
Minulat niya ang mata n'ya at agad na binitawan ang kamay ko. He pushed it away as if it's a mistake to touch it. Sino ba namang hindi magugulat e' hinalikan mo kamay ng kapatid mo? Napapikit ako ng may maalala ako ng dahil sa ginawa n'ya.
"Anong ginagawa mo dito?" He asked me coldly. Bumangon na siya at tumingin muna sa kanyang relos na nasa side table. Ngumiti ako sa kaniya, "Good Morning!Gising ka na daw sabi ni Mama. Kakain na tayo ng breakfast!" sagot ko sa kanya.
"Ganoon ba? Sige, bababa na ako." Sabi niya at saka siya tumayo ng kama. Nakita ko pa ang paghulog ng kumot sa kanyang shirtless na katawan. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inakala na maganda na ang kanyang katawan. Nakagat ko ang labi ko, "Bababa na ako mamaya. Mauna ka na." Malamig niyang giit sa akin. Para akong batang nagmamadaling tumango at tumakbo palabas ng bahay. Paglabas ko ay napapikit ako. Yung t***k kasi ng puso ko ay sobrang lakas, hindi ko na madinig ang sarili ko sa sobrang lakas. Bumaba na ako, mga makalipas ng 30 minuto pa sya bumaba, masyado kasi syang vain. Aakalaing mo bakla siya sa pagkabanidoso nito.
"Good Morning, Seb!" bati ni Mama sa kanya. He smiled and greeted her at ganoon din ang ginawa n'ya kay Dad.
"What are you plans for today Seb?" Dad asked him.
"I don't know, maybe I'll stay to do some reports," sagot naman ni Kuya sa kanya.
"Kuya gusto mo ba ako ihatid just like before?" I asked him. He just looked at me blankly before asking me. "Ano para sirain ang araw ko?" He asked me back. Nanahimik ako sa kaniya, "Wag na naman kayong mag away," sabi ni Dad sa kanya.
"Hindi naman ako nakikipag-away, Dad. Sinasabi ko lang totoo na ayaw ko syang masakama. She's way too childish and acts like she's special," sagot ni Kuya Seb sa akin.
"I'm not special anymore since it happened right?" I absentmindedly asked them. "Liana, what are you talking about?" Sabi ni Mama sa akin, naging alerto sila ni Papa at agad na hinawakan ang kamay ko.
"It's not true, okay?" Mom assured me."You are very special, Li... Hmmm?" she once again reassured me.
"There's nothing special with me anymore. You should've let me die." I absentmindedly said. Umubo si Papa dahilan para magising ako sa aking iniisip. Ano- ano na naman bang pinagsasabi ko? I suddenly I remembered Kuya Seb's last statement. Napayuko ako dahil sa inis.
"Sino bang nagsabi na gusto kita makasama, Kuya Seb?" I asked him back. He smirked, "Then that's great! Nagkakaliwanagan tayo." Giit n'ya sa akin. At saka sya bumalik sa pagkain nya. Inirapan ko na lang sya. Kung ganito ang gusto nya edi ganito na lang. Kung sa ganitong paraan ba kami magkakausap ng maayos eh. Susungitan ko na lang din s'ya dahil mas masaya 'yon diba?
"Dad do you have it?" Tanong ni Kuya Seb kay Daddy.
"Do you still need to move to your condo? Napag-usapan na natin to Seb kahit hanggang sa wedding lang at graduation ni Liana ay manatili ka dito sa bahay." Sabi ni Dad sa kanya. "I can't live with Liana, Dad. We will just keep on fighting and annoyed over things. Alam mo naman yun diba?" Sabi nya kay Daddy. Bakit ganon ka? Ganyan ka ba kagalit sa akin. Babae lang naman 'yon na iniwan ka pa rin. Kung mahal ka talaga niyan kahit gaga ako noon e' di 'yan aalis.
Bakit ba kasi ayaw mo maniwala sa akin? Kabutihan mo lang naman ang iniisip ko noon.
"Don't talk like that in front of your sister," sabi ni Daddy sa kanya.
"Alam naman nya na galit ako sa kanya, Dad. Alam n'ya ang kasalanan niya sa akin." Kuya explained. "And it would be impossible for me to forgive her. What she did affected me a lot." Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Ginawa ko lang naman ang tama nung oras na iyon ha? Kung 'di ko 'yon ginawa edi sana mas nasaktan ka.
"Hello, mother in law! Hello, father in law, and hello, brother in law!" Napalingon ako ng marinig ko ang nakakainis na boses ng boyfriend ko na si Terrence. I rolled my eyes when he started acting like someone with ADHD.
"Wow! Ang sarap ng breakfast naman ng n'yo, sakto di pa ako nag-a-almusal. Napakagaling ko talagang mag - timing." Sabi ulit ni Terrence sa amin. Nabasag ang katahimikan ganon na din ang tensyon. Humalik sya sa pisngi ko. "Makikikain ka na naman ba?" I asked him.
"Hayaan mo na si Terrence total sanay naman na ako d'yan.. Matuto kang maging mabait sa boyfriend mo, Liana. Ang tiyaga n'yan sa'yo." natatawang sambit sa akin ni Mama. I faked a smile, tama si Mama. Sobrang tyaga ni Terrence sa akin. He was not usually this bubbly pero naging masiyahin siya kasi alam n'yang nalilibang ako sa ka-abnormalaan n'ya.
Tumabi sya sa akin at saka hinawakan agad ang kamay. "Oo nga naman! Lalo na ngayon may surprise ako sa'yo!" sabi nya sa akin.
Tumayo muli s'ya at may kinuha sa may salas. 'Dad, the Condo keys." Pagpapaalala ni Kuya sa kaniya.
Ganon ba sya kaatat na iwanan ako? Sabay sino ba naman ang di maiinis sa taong nagpahiwalay sayo at sa taong minahal mo diba? "Here is my surprise for you." sabi nya sa akin.
Nakita kong may dala syang pink na pet house. "Omg! Terrence! Talaga bang pwede na siya umuwi?" Sigaw ko paano kasi dala na n'ya si Sven yung baby namin na pet. Madalas kasi itong nasa vet dahil nagkakasakit ito pero ngayon mukhang magaling na s'ya.
"Sabi ni Kuya magaling na si Sven. So you can be with him again and play with him if ever those thoughts came back again, okay?" sabi nya sa akin nilabas nya ito sa lalagyanan at agad ko naman na niyakap ito. The dog licked my cheeks as a sign of response.
"Thank you Terrence!" sabi ko sa kanya.
"Alam ko kasi na miss mo na si Sven," sagot naman nya sa akin
Malakas na bahing ang nadinig ko, malakas at sunod- sunod na bahing.
Napatingin ako kay Kuya at ang aso naman ay patuloy pa rin sa pagdila ng pisngi ko. "Ilayo nyo nga ang aso," reklamo nya sa amin. Oo nga pala allergy ang kuya sa aso at ayaw n'yang nalalapit ito sa kaniya.Agad kong inabot ang aso kay Terrence upang ibalik ang aso sa lalagyanan.
"Terrence pakibalik muna ang aso sa kulungan nito. Allergy kasi si Seb sa aso." Tumango naman si Terrence at saka tumingin kay Kuya.
"I'm sorry brother in law,"giit nito.
"Ibabalik ko na lang si Sven sa salas," paalam ni Terrence sa akin. Umiyak si Sven dahil kailangan na s'yang ilayo sa akin.
"Kuya ayos ka lang ba?" Nagsimula na syang umubo dahil sa kaniyang allergies. "Don't come near me! Wala ka bang alam ibang gawin kung 'di ang sirain ang araw ko ha?!" pasigaw n'yang sita sa akin.
Agad naman na tumayo si Kuya sa upuan at pumasok sa kwarto niya. Matapos no'n ay dinala namin si Sven sa sasakyan nya at pumasok sa school mas maigi na daw na wag ko ng iwanan ang aso para makalabas ang Kuya Seb ko ng kwarto "ganon pa rin ba sya?" Terrence asked me.
Tumango ako bilang sagot sa kanya "Di na ata kami magkaka-ayos ni Kuya. Apat na taon na kaming ganito ng Kuya.. Apat na taon na syang galit sa akin," sabi ko sa kanya. "Pakiramdam ko 'di na ako yung Princess n'ya na sabi nyang poproktektahan nya habang buhay," dagdag ko pa sa kanya
"Four years na ang lumipas, he left you and failed to do that promise. Kung may problema Liana, hindi ikaw 'yon. Siya ang problema kasi in the first place kasalanan nya kung bak--" natahimik sya at napatingin sa akin.
"Bakit? Anong kasalanan ng Kuya sa akin?" I asked him. Those four years all that I can remember was waiting for him. I felt empty, I felt like half of my life has been stolen away. The feeling of being protected and being his priority was taken away from me.
"Kasalanan nya kung bakit sya hiniwalayan ng Jowa n'ya," sagot n'ya sa akin.
"Kasalanan ko iyon. Gusto ko ng bumalik kami kuya ko sa dati.. yung happy kami. Yung princess n'ya ako tapos lagi nya akong sinusundo, yung lagi ko syang kasama." sabi ko sa kanya.
"Liana, as time goes by people change. Hindi pwede na yung ginagawa n'yo noong 10 pa kayo ay gawin nyo pa rin tulad ng paligo," sabi nya sa akin.
"That's not the point, gusto ko maging close lang kami yung priori--" natigil ako ng magsalita sya.
'Ayan ang gusto mo, ikaw ang nasa mga mata n'ya? Ano bang gusto mo? Kuya mo o' yung attensyon na galing sa kaniya?" He asked me.
Gusto ko lang maging masaya ulit. Yun lang talaga, at nagiging masaya lang ako pag kasama ko ang Kuya ko, si Kuya Seb. "Are you sure that it is just a brotherly love?" He asked me. Dahan dahan akong tumango sa kanya. Kumahol si Sven dahilan para mapunta ang attensyon ko sa kaniya. Tiningnan ko sya at naalala ko si Coco, yung pet dog na pinaghirapan na bilhin ni Kuya para sa akin. Pero namatay s'ya nung umalis si kuya dahil napabayaan ko siya. Siguro nalungkot s'ya dahil wala si Kuya Seb tapos malungkot din ako. kaya niregalo sa akin si Sven. Isa syang unanong aso. Three years old na siya pero para siyang puppy na fluffy. Kinuha ko si Sven at tumingin sa blue eyes nya. Magkahawig sila ng eyes ni Kuya, oh s**t! Did I compare my brother to my dog? Natawa na lang ako sa aking naisip.
"Iuuwi kita pero doon ka lang sa room ko ha? Di ka pwedeng lumapit kay Kuya kasi magkakaallergy ka" sabi ko sa kanya.
"We're here" sabi ni Terrence. Halatang bagot sya ngayon, anong nangyare dito? Di naman sya ganyan kanina ha?
***
AFTER CLASSES, dumiretso kami sa shop kung saan nagpatahi ng gowns si Mama. Magsusukatan na daw kasi at kailangan makuha nila ang adjustments for the gown. Malapit na rin ang wedding kaya nagiging hectic lalo ang preparations. Malapit na rin umalis na naman ang Kuya tapos gusto pa n'ya na bumalik sa condo n'ya kahit 'di naman s'ya magtatagal dito sa Pilipinas.
Ayaw n'ya talaga akong makasama. "Ang ganda naman nito Mama," sabi ko kay Mama. Nakatayo kami habang sinusuri ang gowns na patapos na at handa ng isuot. Si Daddy, Terrence at Kuya Seb naman ay nakaupo at kumakain. Si Kuya Seb ay may kinakalikot sa phone n'ya at sinusubukan na tawagan. Ang dami naman niyang load pantawag. Sino kaya ang tinatawagan niya?
"Mama, tatanggalin mo yung sleeves ng gown ko mainit masyado saka Makati sa katawan." Reklamo ko kay Mama habang sinusubukang ibaba ang zipper ng aking suot na dress dahil magsusukat na ako ng damit. Why did I wore this kind of dress? Ang hirap tuloy magsukat dahil doon.
"Sabihin mo kay Jerry 'yan, after mo isukat, dearie!" sabi naman nya sa akin.
"Liana baby ko, tingin ka na dyan ng wedding gown mo para sa kasal natin. Yung medyo mura lang ha? Alam mo naman mahirap ang buhay ngayon lalo na sa future!" Sigaw ni Terrence. Napalingon ang kuya sa kanya.
"Mag-ipon ka muna ng pampalamon sa anak ko bago ka mag-isip ng kasal." Sabi ni Daddy sa kanya.
"Ako pa Tito, handa na ako sa magiging future namin tho plano pa lang 'yon. Pero mayro'n na akong Bank account. Laman na pera na lang ang kulang tapos anak na rin!" sabi ni Terrence sa kanya.
"Do you know how to respect my sister huh?" sabat ni Kuya at tumingin sa kanya.
"Oo naman, sa simula pa lang ay 'yon na ang ginagawa ko nirerespeto s'ya, minamahal at hindi binabale ang mga pinangako ko sa kanya. Alam mo ba na ang broken promises pwede kang ipahamak?" sagot ni Terrence sa kanya kasabay ang pag flash nito ng nakakalokong ngiti.
"Talaga?" tanong ni Kuya sa kanya
"You are being sensitive on your sister, Seb." sabi ni Daddy sa kanya.
"Hindi ako sensitive Dad, ayoko lang sa bastos." sagot ni Kuya sa kanya. Napangiti ako ng lihim, magbabati na ba kami matapos nito? It's nice to hear him being concerned over me. Yung handa niya akong ipaglaban ulit.
"Masanay ka na kasi tong bastos na to, ang pakakasalan ng kapatid mo." sagot ni Terrence sa kanya.
"Sukatin mo na to," sabi ni Mama na parang nakikinig lang sa kanila.
"Ma'am dito po tayo sa fitting room," sabi ng staff dito. Pumasok naman ako at nagbihis. Natatanaw ko sila sa maliit na butas, nakikita ko kung paano s'ya pasahan ng mga titig ni Kuya. Tinapos ko ang pagbibihis at saka tuluyang binuksan ang pinto upang lumabas.
"Ayan na s'ya..." narinig ko si Terrence na talagang lumihis sa pagsusuot ng barong para lang. Paglabas ko, nakita ko na tumingin si Kuya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya, "My daughter is really pretty and majestic." Sabi ni Daddy sa akin.
"Thank you Daddy," sagot ko sa kanya.
"Saan ba magmamana ang anak ko ha? Syempre sa akin," sagot naman ni Mama
"Paano ako?" Dad asked her.
"Parang magkadugo kayo ha?" pabirong tanong ni Terrence sa kaniya.
"Alam kong hindi, hijo pero Liana is like a real daughter to me. Sa sobrang real nakuha na niya ang attractiveness ko." Natatawabg giit ni Daddy kay Terrence. "So as Seb to me, para ko na siyang panganay na anak na lalaki," sabi naman ni Mama sa kanya. Tumawa si Terrence.
"Liana grew up like you, Tito" sabi naman ni Terrence."Smart, gorgeous, beautiful and loving..." I saw how Terrence's eyes twinkled as he said those words. Namula ako ng dahil doon, pinasadahan ko ng tingin si Kuya and I saw him staring at me. Napalunok pa s'ya ng kaunti bago n'ya napansin na nakatingin pala ako sa kaniya.
"That compliment doesn't mean na gusto kitang manugangin. You still have a lot of rice and praises to eat, Terrence. My daughter is too precious for you," sabat ni Dad kay Terrence. Kuya rolled his eyes as he tried on his barong para sa wedding. Lumapit ako kay Kuya at saka ngumiti sa kaniya
"Kuya, do I look pretty?" I asked him.
"Tanong mo sa boyfriend mo, total gusto mo lang naman ng papuri diba?" he asked me. Nagkunot ang brows ko, "Galit ka pa rin ba dahil kay Sven kuya?Hindi ko naman s'ya ilalabas ng room at saka mabait naman si Sven, malambing siya at laging nanunundo." sabi ko sa kanya.
"Galit ako sa'yo, at hindi sa aso mo. At kahit palabasin mo na yang aso mo, I won't stay in the house in the first place," sabi nya sa akin.
"You can't leave!" sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya na agad nyang tinanggal parang nandidiri syang magpahawak sa akin. Sino ba naman kasi ang magkakagustong humawak sa'yo? Nakaramdam ako ng sakit sa nagawa nya, at siya naman parang nagulat sa pagbalya niya ng kamay ko.
"Hindi ko pa kaya na makasama ka sa isang bahay, ay di ako mahinga sa pagiging clingy mo Liana." sabi nya sa akin.
"But I just missed you, Kuya. Can you just stay more in the house? It's been years without you. Sobrang tagal at kulang 'yung ganitong panahon para sa akin." He didn't respond, sa halip ay tiningnan n'ya ang sarili n'ya sa salamin.
Napayuko ako sa kanya, "Can't we be a prince and princess again?" I asked him.
"There's no such thing as childhood fairytale, Liana. There is only a twisted reality. That's why we can't just be together again like before." He asked me at tumapat s'ya sa akin.
"Hindi pwedeng sa'yo na lang laging pabor ang tadhana dahil may mga nasaktan ka." Dagdag pa n'ya sa akin.
***
MATAPOS no'n ay umuwi na kami. Kuya, didn't come with us at home. He said he'll meet up some friends kaya malungkot akong umuwi ng bahay. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Kuya. I just want us to be together again, like before. Mahirap ba talagang ibalik 'yon? Can he not get mad at me and treat me like his princess again?
Sven went near me, Hhe was wagging his tail and butt at me hoping to keep me happy but I can't smile. I patted her head as a sign of assurance na okay lang ako but he didn't stop. He knows that I'm not okay.
"Pag gumawa ba ako ng paraan para magkabalikan sila ni Nicole, mapapatawad n'ya ako?" I asked Sven. He made a crying sound as he jump on my lap. "It's been four years, mahal pa rin ba nya si Nicole?" I asked him again. Dinilaan nya ang chin ko. "Siguro kung hindi na n'ya maha ay di sana sya galit sa akin. Siguro 'di pa s'ya nakakamove on kahit 4 years ago na mula ng mangyari 'yon." sagot ko rin sa tanong ko.
Tumingin ako sa relos at alas dose na ng madaling araw. Binuhat ko si Sven at bumaba kaming dalawa. Nauuhaw na kasi ako at ayaw ko matulog, I am having weird dreams again.
At sobrang nakakatakot sila ang mga 'yon. They started appearing again when Kuya arrived. Siguro kahit ang panaginip ko ay nasasabik at nagpapansin kay Kuya.
"Sven, are you thirsty?" I asked him.
Pagdating ko sa kusina nakita ko si Kuya na umiinom habang iniikot ikot ang Iphone nya. Pangiti ngiti tapos iiyak na tila ba isang baliw. "Kuya, dumating ka na pala!" giit ko pero 'di n'ya ako pinansin.
He is looking at a picture, "Sorry.." narinig kong bulong n'ya habang nakatingin sa photo na 'yon.
"Kuya Sebastian," I called him
Nilingon niya ako nang madinig niya ako. "Sorry," sabi n'ya ulit sa akin. Lumapit ako sa kanya, he looks weary and sad. He shouldn't feel this way, he shouldn't suffer this way.
"Bakit ka ba nagsu-sorry sa akin ha Kuya?" I asked him at inangat ko s'ya.
"Akyat na tayo para makapag pahinga ka." Saad ko at tinabi ko ang baso. The strong smell of alcohol ang nag-i-indicate ng pagkalasing n'ya.
"Mahal na mahal kita," sabi niya sa akin. Tumalon ang puso ko. Bakit ba ito sinasabi ni Kuya sa akin? Saka hindi tama na sabihin n'ya 'to sa akin.
"Pero Kuya," angal ko sa kanya. 'Magkapa--" Naitigl ako nang madinig ko ang hikbi niya. He was still in pain, I can see feel his sadness.
"Mahal pa rin kita, Nicole. Wala akong pakialam kung rumors 'yon. All I know is that I love you." Para akong nanghina nang banggitin n'ya ang pangalan ni Nicole.
"Wala akong nagawa at nawala ka sa akin. I know that you loved me but that brat took you from me. I just want you back, Nicole. Please..." He begged.
'"Mahal mo pa rin talaga siya no? Do you really want her that bad, again? Do you still love her?" I asked him.
"Nicole I want you again. I need you in... my... life..." bulong nya sa akin. Masakit masyado ang mga naririnig ko. Nasasaktan ako dahil para sa kaniya, I am a brat who took away everything from her.
Naiiyak ako sa katotohanan na I can't be the one he adores again. Tama nga si Terrence. Impossible na ako ang maging priority n'ya. I can't be his one. Step sister lang niya ako. Nicole is her Queen and I am just his princess. No, I think I am no longer his princess. I can never replace Nicole in his heart because for him I am his bratty s**t sister.
Dapat siguro matutunan ko ng tanggapin ang katotohanan. I can't be his priority.