LIANA JEAN JADAONE- MADRIAGA
"LIANA! Wake up!" nagising ako dahil sa pag-alog ni Mama sa aking kama. Sa sobrang puyat ko kagabi kakaisip sa mga bagay- bagay ay ang tinatamad na akong magising. Sana pala ay binawasan ko ang pagiging atat at excited.
"Urghh... later please. Tulog pa ako ng kaunti, Mama. Mamaya pa ang pasok ko..." atungal ko sa kaniya. I heard my Mom sigh and chuckled a little before speaking again.
"Ngayon dadating si Seb from Australia, remember? Hindi ba excited ka? Bakit ayaw mong gumising?"Awtomatikong napamulat ako ng mata ko at agad akong napatingin sa aking kalendaryo. Kahit wala pa sa wisyo ang mata ko at may mga muta pa ito ay hinanap ko ang date ngayon.
Ngayon na ba iyon?
July 1, 2002, Ngayon na sya dadating! Tama. Ngayon ko na ulit makikita si Kuya Seb. Ito nga pala ang dahilan kung bakit 'di ako nakatulog ng bongga kagabi.
Agad akong bumangon at naligo, Ewan ko ba? Pero halos apat taon ko rin sya 'di nakita. Simula ng mangyari iyon dahil sa pagiging ingrate ko ay'di na s'ya bumalik na. I waited for him, sa tawag n'ya o kaya sa kaniyang mga emails pero wala talaga. Doon ko napagtanto ang gravity ng ginawa ko, it affected him a lot. My selfishness affected him.
Until now happened, magri-renewal of Vows na kasi sila Mama kaya napilitan s'yang umuwi galing sa Australia. Of course, our family needs to be complete para sa special day nila Mama at Papa. Nagmdali akong maligo at magbihis para makapaglagay ako ng simpleng make up at magandang damit.
I want to be presentable in front of my brother. Gusto kong sabihin n'ya na, "Liana, you grew up to be a fine lady." Namula ako ng maisip ko 'yon pero agad din akong napabuntong hininga. Sasabihin lang n'ya 'yon kung 'di na siya galit sa akin.
"Dahan dahan sa pagkilos, Liana. Huwag kang masyadong excited! Your brother will stay here for a long time!" sigaw ni Mama mula sa labas.
"I'm sorry, Mom! I can't help it! Sa tingin mo ba 'di na siya galit sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Of course dear, at saka sa tingin ko tama lang pala ang ginawa mo dati. I'm pretty sure he realized that too." Giit niya sa akin. Napangiti ako nang dahil doon. Nagmadali akong maligo para makapag handa . I can only see Kuya Seb through the pictures that he was sending my Dad at nalalaman ko lang ang mga nangyayari sa kaniya through letters. Even tho, in those letters I was not even mentioned pero okay lang! What's important is that he's safe right? At ang mahalaga 'di na ako naging burden sa kaniya kahit nangyari 'yon...
Sebastian Levy Madriaga is my step brother. Nagpakasal ang parents namin nung 5 ako at sya naman ay 13. Naging sobrang close kami ni kuya Seb, he became my brother, my knight in shining armor and my Prince Charming. I use to be a princess but I dreamed to be his queen. Well, pwede namang maging King and Queen ang magkapatid diba?
Pero nag-iba ang lahat nung mag 15 ako. Masyado kasi akong close sa kan'ya at ayokong may ibang babae na mahal siya pwera sa akin. I am a b***h, well I have become a mean b***h kaya ayon nagkanda leche leche ang lahat tapos mas ginusto nya na pumunta sa Australia. Mas ginusto n'ya na lumayo sa akin dahil naging masama ako sa kaniya. He left all of a sudden, I waited for him so that I could say sorry pero wala siya. I waited for him through my lightest and darkest times but he never cared about me.
That's when I realized how much pain I've caused him.
Hindi pa nga ako nakakapagsorry sa kanya dahil sa ginawa ko eh. Kaya naisip ko na perfect timing na ang ngayon ako hihingi ng tawad pag makikita ko s'ya. Pagktapos kong mag-ayos ay bumaba na ako sa aming dining table, I saw Mom fixing our table. Nakalapag doon ang mga paboritong ulam ni Kuya Seb at mga desserts na madalas nitong ipaluto kay Mama dati kapag naglalambing. I am starting to get a vibe that our home will be complete again.
"Ma, anong oras dadating si kuya? Ano ulit 'yung sinabi niyang arrival niya?" tanong ko sa kanya.
"Ang sabi nila ay nakalabas na sila ng airport baka malapit na sila dito. Maybe we can expect them within 15 minutes." Sabi nya sa akin tumingin ako sa orasan at nakita kong 9:30 am na. Dad should've brought me with him para naman nakita ko si Kuya. Napasimangot ako dahil doon, it will be better if I will see him right now. I really want to see him.
Umupo ako sa upuan at kumuha ng ilang pirasong clams at saka ulam. "Tirahan mo ang Kuya mo" sabi nya sa akin. tumango na lang ako bilang sagot sa kanya at kumain saglit pero natigil ako sa pagkain at halos mabilaukan ng madinig ko ang busina ng sasakyan ni Papa.
"Ako na lang pupunta para sumalubong sa kanila. Kumain ka na lang muna, Lianan." sabi ni Mama sa akin.
"But I want to see him, right away..."
"Liana, we don't know how your brother will react if he will see you, right away. Just stay here, darling." Giit n'ya sa akin. Lumabas s'ya ng bahay , sumilip ako sa may binata at nakita kong binababa na ni Papa ang mga gamit ni Kuya Seb. Agad akong napabalik sa upuan ko ng makita ko ang silhouette n'ya.
Nakaramdam ako ng kaba.
Kaya ko na bang makita si Kuya?
"Naku Sebastian, mas lalo ka atang tumangkad ng pumunta ka sa Australia," sabi ni Mama.I heard him chuckled.
Nandito na si Kuya... Malapit na sa akin si Kuya.
Napasubo ako dahil sa nararamdaman kong pagkasabik. "Mom, I'm already tall even before I left. I think what you meant is that I'm even more handsome." He replied.
"Sasabihin ko pa lang 'yon e nahulaan mo na agad." They laughed. Nakita ko ang pagpasok ni Kuya sa kusina. He was the first one to step his feet inside.
Parang biglang sobrang bagal ng oras para sa akin ng mga panahong iyon.
Puting polo shirt, itim na pantalon, isang matangkad na lalaki na may napakatapang na mata at magandang shape ng mukha. His smirking face was the prettiest thing in the world. My brother got even more handsome, naging Prince charming type talaga ang kaniyang dating.
Alam kong mali ang sinasabi ko tungkol sa kapatid ko pero nagpapakatotoo lang ako.
"Napagod ka ba sa byahe ha? I prepared your favorites, Mostly nirequest ni Liana na yan ang iluto ko para sa'yo." sabi ni Mama sa kaniya, the smile on his face disappeared when he heard my name. His eyes roamed around to find me and when he did find. My world stopped, I was waiting for him to find me that time but no one came. He never came because he is angry. Hanggang ngayon galit pa rin siya sa akin.
Napangiti ako ng magtama ang mga mata namin. How should I react? Should I act excited? No, I am really excited! I want to go and hug him. Tama 'yon ang gagawin ko.
***
"KUYA!" malakas kong sigaw. I ran going to his side kahit na madumi pa ang kamay ko at puno ng sauce ang bunganga ko. Agad ko syang niyakap ng mahigpit, when I felt being into his arms again, I wanted to cry. I want to tell him everything that had happened, I want to say sorry. I want to say sorry for being his biggest disappointment.
"Kuya, mabuti naman nakita na kita. Ang saya ko at nakita na kita!" sigaw ko sa kanya pero imbes na sumagot ay masama s'yang tumingin sa akin. I can feel the coldness in his eyes and his reaction. Pakiramdam ko ay nainis siya sa akin.
"Get off." malamig n'yang saad sa akin,bumitaw naman ako agad dahil sa alam kong naging over acting ako sa aking kinilos.
"Ang tagal kitang hinintay Kuya!" masigla kong sambit sa kanya pero nakatuon lang ang attensyon nya sa damit na nadumihan dahil sa ginawa ko sa kanya. Napakagat ako ng labi ko at saka tumawa. "Hala, kuya, I'm sorry! Nadumihan ka tuloy. Sabik na sabik na kasi akong makita ka e!" giit ko sa kaniya.
"Nasaan ba ulit ang CR dito, Ma?" baling nya kay Mama at saka binalewala ang mga sinabi ko sa kaniya. Nawala ang ngiti sa labi ko, ng mapagtanto kong galit pa rin siya sa akin.
"Liana, it's okay darling..." Sabi sa akin ni Papa. Tumango ako sa kaniya at saka na lang akong tahimik na pumunta sa aking upuan.
Bumalik sya sa dining area na nakapalit na ng damit. Naka-puting T-shirt na siya, at bakat na bakat doon ang matikas niyang katawan. "Since tapos ka ng magbihis e' kumain na tayo. Ang dami kong gustong malaman tungkol sa stay mo sa Austrailia," sabi ni Mama sa kanya. "I always send letters, Mom. Minsan pa ay nagtatawagan tayo. You know everything." Giit niya kay Mama.
"Overseas calls where expensive that's why we need to cut short. Umaaray na ang Papa mo kapag umaabot tayo ng 20 Minutes sa telepono." Giit ni Mama at umikot ang mata nito. Papa laughed, "Kahit may negosyo dapat magtipid." Giit naman ni Papa sa kanya.
Umupo na s'ya sa tapat ko imbes sa dati n'yang pwesto na lagi sa aking tabi. I can't even smile right now, hindi ko alam kung paano ako muling makikipag-usap sa kaniya. "How's Australia?" tanong ni Papa sa kaniya habang kumakain kami. Papa decided to break the silence that is now building up between us.
"Australia is doing good. Ganon din ang business natin doon. We are looking forward on opening another branch for our restaurant business." sabi n'ya kay Daddy. Nagmamay-ari si Papa ng malaking restaurant business at hardware business. Both of it are successful to the point that it is also growing in Australia right now.
"Then that's great. I think I made the best decision of having you manage our Australia accounts." Giit ni Papa sa kaniya, kuya Seb smile at him.
"Since nandito ka na rin para sa Renewal of Vows namin ng Mama mo. Why don't you stay for Liana's Graduation too?" tanong ni Papa sa kanya napangiti ako at tumingin sa kanya. Nakaramdam ako ng excitement. Of couse! I want kuya Seb to see how great I am since I am graduating with honor and a c*m Laude.
"Dad, hindi ko pwedeng iwan ng matagal ang business natin. I need to leave right after your wedding because I have more important things to do, " sabi nya kay Daddy. Nalungkot na naman ako nang sinabi n'ya 'yon. Binaba ko ang tinidor dahil nawalan ako ng gana.
"Ma, Pa! Ano..." Napatingin sila sa akin.
"Bakit anak?"
"Aakyat na po ako kasi may klase pala ako mamayang ala-una." giit ko sa kaniya. "You haven't even finish your food, Liana." Sabi ni Mama sa akin.
"Nawalan na ako ng gana, pakain mo na lang sa pusang gala ang tira ko. Sige po, aakyat na ako." Giit ko, napatingin si Papa sa akin with questions in his eyes. "Pasok? Hindi ba't sabi mo wala kang pasok ngayon? " tanong ni Papa sa akin.
"Mayron po pala at saka may graduation practice din pala kami na nakalimutan ko. Attendance is a must daw, mas importante naman 'yon." sabi ko sa kanila at tumingin kay Kuya.
"Okay, just drink your meds before leaving. Huwag kang masyadong magpagabi. Gusto ko sabay- sabay tayong apat na mag-dinner."Dad reminded me, mas lalong sumama ang mukha ko.
"Wala na akong sakit!" sabi ko sa kanila, bahagyang lumakas ang boses ko. I just told them not to mention anything rearding my medications and stuffs to my brother or in front of my brother. Pero ito naman si Papa, talagang binanggit pa n'ya sa harap ni Kuya 'yon.
"I'm sorry, aakyat na ako. I'll be late," giit ko sa kanila at saka ako umakyat sa taas at muling nagbihis. Wala naman kasi talagang schedule o gagawin, palusot ko lang 'yon kasi nasaktan ako ng sabihin ni Kuya na ayaw n'yang sumama sa aking graduation. Tatambay na lang ako sa school at kakain ng masarap na pagkain doon.
"Sebastian, kausapin mo naman ng maayos si Liana. Your sister is really excited to have you over. Alam mo bang last week pa 'yang hindi mapakali. Gusto rin kasi niya na pumunta ka sa graduation niya." Narinig ko na sabi ni Dad kay Kuya Seb. Nagtago ako sa divider para marinig ang pinaguusapan nila.
"Sinusubukan ko Dad pero hindi ko pa kaya. Nawala ang babaeng mahal ko ng dahil sa kanya." sabi ni Kuya Seb sa kanila. He sighed, gano'n ba ako kahirap kausapin ngayon? I know that I did wrong and I am willing to do anything to correct it.
"Kung iniisip mo yung ginawa ng kapatid mo noon. She did it because she was too clingy and close with you. Your sister treats you like you are the only man in her life. Immature si Liana at 'di niya" sabi naman ni Mama sa kanya.
"Alam ko Ma, I'll to talk to her again tomorrow. Wala lang ako sa mood ngayon dahil sa pagod ako. I'll talk to her okay? I'll try," sabi ni kuya Seb sa kanila. Dahan dahan akong naglakad palabas,at 'di na nagsabi pa na aalis na ako.
Total nabigay naman na ang allowance ko, aalis na lang ako ng walang paalam.
***
BUONG araw lang ako na nasa School at walang ginagawa. Kungbaga nagpalipas oras lang ako at tumambay sa kung saan- saang parte ng school. Naki-sit in pa nga ako sa isang Philosophy class para lang magpalipas talaga ng oras. Gabi na ng makauwi ako sa aming bahay. Nag-abang ako hanggang alas otso bago umuwi. Okay! Sige na nga aamin na ako akala ko kasi e gagawin ni Kuya ang ginagawa n'ya dati na pagsundo sa akin pero hindi pala.
I waited like s**t there. Nagsinungaling ako kay Terrence at sinabi kong nakauwi na ako kahit 'di pala tapos.. wala palang susundo sa akin.
Pagdating ko nakita kong nanood ng TV si Dad samantalang si Mama naman naghahanda ng mga invitations sa kasal kasama si Kuya . Mukhang tapos na sila kumain at 'di na ako hinintay pa. They are sorting the invites at sinusulatan 'yon ng names ng guest sa likod. My brother had a beautiful handwriting lalo na kung cursive.
"I'm home!" sigaw ko mula sa malayo, dahil alam kong busy na busy silang mag-usap habang naghahanda. They won't notice me at all. "Mabuti ay dumating ka na. Susunduin ka na sana ng kuya mo kasi gabi na," napangiti ako sa narinig ko .
"Talaga Kuya? Susunduin mo ako! Sana pala nagpagabi pa ako yung tipong madaling araw ," sabi ko sa kanya.
"Sa tingin mo maganda magpagabi ha?" He asked me. Napapout na lang ako sa harap n'ya. "Kasi susunduin mo ako kaya magpapamadaling araw ako." Sabi ko sa kanya at saka ako ngumiti ng malapad at lumapit sa kanya. Agad ko syang niyakap ng mahigpit. "Wag mo nga akong yakapin dahil mainit. It's summer, Liana. It's f*****g summer." Sabi nya sa akin saka niya ako pinalayo sa kanya. Tumayo sya at pumunta sa kusina kaya agad ko naman syang sinundan. Niyakap ko ulit sya nang mahigpit."Kuya, I'm really sorry." sabi ko sa kanya.
I heard a deep sigh from him. "Liana, your sorry won't change anything. Alam mo ba 'yon?" He asked me. "I'm sorry," pagpupumilit ko sa kanya at mas hinigpitan ang aking yakap.
"Mag-usap muna kayong dalawa ha?" Sabi ni Mama at iniwan n'ya kami. Tumabi siya kay Papa sa TV area at nanood muna sila ng TV. I kept on looking at Kuya Seb, I am really sorry for what I did before.
"Nawala si Nicole ng dahil sayo Liana, alam mo naman yun diba? Nawala ang babaeng mahal ko dahil sayo" sabi niya sa akin, looking straight into my eyes with pain. Kitang- kita ko ang panghihinayang sa nawala sa kanya. "Kasi ayaw ko siya para sa'yo noon kaya ko 'yon nagawa. Hindi ko alam na malala pala yung mga rumors na nasabi ko at naapektuhan ang career niya even her masteral studies. I'm really sorry." sabi ko sa kanya.
"Liana, we are about to get married. We risk a lot of things because we love each other. We are willing to start anew even tho we are young. We are full of love and hope, pero nang dahil sa ginawa mo, nawala ang plano ko para sa amin. I love her, and I believe her, but your lies broke her, and here I am miserable as f**k because of you." sabi nya ulit sa akin. Di ko mapigilan ang mapaiyak sa mga sinabi nya sa akin.
"Paano naman ako?" I asked him.
"Mas pinili mo siya kesa sa akin kahit ang sama- sama naman talaga ng ugali n'ya! Kuya kapatid mo ako," sabi ko sa kanya "
Bakit ba kasi ganoon? Hindi pwede na maging ako ang nag-i-isa sa attensyon nya. Bakit ba kasi sya nakakita ng babae na willing nyang ipaglaban. Bakit ba kasi naging kontra bida ako sa kanyang buhay?
Ayan tuloy nawala ko ang Kuya ko sa akin. Apat na taon syang nawala, apat na taon kung saan magisa lang ako, walang kasama. Wala akong kuya na nagtatanggol sa akin. Apat na taon na sobrang miserable, sa apat na taon sinubukan kong 'di magbago, sinubukan kong mag stay sa kung sino ako para sa kanya.
Hindi ko pa rin pala kaya. I just found myself buried in the sheets of my bed. Crying for a long time. I don't know how many hours I cried. Naririnig ko ang mga katok sa pintuan na sinasagot ko lang ng balibag ng mga gamit.
"Liana hindi pa tayo tapos mag-usap!" I heard his voice pero wala na ako sa sarili ko. "Don't cry as if you are the one who is in pain." He said within the walls.
"Nagpapahinga na ako! Pwede ba?! Wag n'yo akong kulitin!" sigaw ko sa pagitan ng pintuan. Nasaktan ako, Oo nasasaktan pa rin ako. The fact that I can't be his only one is what hurts me the most.
I was his princess, 'Yon ang tawag niya sa akin. His only one, nang dahil doon ginustong maging queen niya. Sabi nga nya di nya liligawan yung babae pag ayaw ko, I believed it. Pero hanggang sabi lang 'yon, kasi nang mahulog s'ya sa maling tao, pinaglaban niya 'yon kahit alam n'yang sasaktan lang siya nito.
Kahit na anong sabi ko sa kanya noon na wag nang tuluyang jowa-in o pakasalan si Nicole dahil 'di ito mabait at mabuti ay ginawa pa rin niya pero wala akong magagawa e. Gustong-gusto niya si Nicole at mahal na mahal n'ya ito. Nicole makes him more happy than I am. Kasi dati ako ang dahilan ng bawat pagngiti nya. We used to be happy with just each other, but I was his sister and his heart fell for other. Nicole Marie De Guzman is lucky to have my brother despite of her cruel intentions.
Masakit sa akin, kasi ako ang prinsesa nya at sya ang prinsipe ko. Pero ibang babae ang pinagtanggol n'ya. Hindi ako ang pinuntahan n'ya ng kailangan ko siya at habang hinihintay ko siya ay iba ang sinusundan niya.
Ring Ring...
Agad kong kinuha ang phone ko nang mag-ring ito. It's Terrence, bumuntong hininga ako at sinagot ang phone. Doon ko na rin napagisipan na lumabas. Hindi pa rin sila tulog, at mukhang hinihintay nila ang paglabas ko. Mom is worried about me, I tried to keep it normal. Ayoko kasing mag-alala si Mama.
"Bakit ka napatawag ha?" I asked him.
"I just feel like calling, I missed you and all of the sudden, I was worried." sabi nya sa akin. And here's Terrence making me realize everything. Why am I acting like someone who used to be in love with my brother? I am his sister!
Tinawagan ka ni Mama no?" tanong ko sa kaniya, he chuckled. "Hindi, na-miss lang talaga kita at naramdaman kong kailangan mo ako. I have something for you. Nagdala ako ng Ice Cold Coffee from Mcdo at nasa labas ako. Lumabas ka muna." sabi nya sa akin.
Natawa ako sa kanya,"Labas? No f*****g way! 11 pm na kaya!" sabi ko sa kaniya.
"Sumilip ka pa. Dalian mo! Makikita mo ako." he said. Tumingin ako sa labas at nakita 'syang nakatayo sa harap ng kaniyang sasakyan. Napangiti ako, "Wait lang lalabas ako, I'll get you." sabi ko sa kanya.
"Where are you going?" Mom asked me.Gising pa sila at naghahanda ng invitation, pero alam ko na ina-abangan din ni Mama na bumaba ako. Nag-alala sila sa akin sa t'wing nagbabago ang aking mood.
"Nasa labas daw po si Terrence at may dalang Ice Coffee." simple kong sagot sa kaniya.
"Are you okay, dear?"she asked me again. "Hindi ka lumalabas ng kwarto kanina noong kinakatok ka ng maid. Hindi ka rin lumabas nang kumatok ang kuya mo." Giit niya sa akin.
"I'm okay, Mom. Sumama lang pakiramdam ko saglit kaya hindi ako lumabas. I'll just get Terrence outside." Sagot ko sa kaniya, napabuntong hininga ni Mama sa nadinig n'ya. Lumabas ako ng bahay at nakita ko siyang nakatayo pa rin. Naka-cross arms siya dahil tinitiis n'ya ang lamig sa labas. Napangiti ako at agad ko s'yang hinatak gamit ang kwelyo niya upang sermonan sana siya pero napangiti na lang. This guy and his lovely efforts is my reality.
"Aray! Liana! Aww!" angal n'ya hanggang sa makarating kami sa loob ng bahay.
"Aray, ang brutal mo baby aww! Gusto ko 'yan 'yung hard!" angal nya ulit ng tainga naman n'ya ang hilain ko. Tinigil ko ang paghila ng marating naming ang salas.
"Good evening po, Tita at Tito! Kumusta na po kayo?" Bati niya kay Mama at Papa.
"Magandang gabi din Terrence, mabuti at pumunta ka kahit gabi na."
"Alam n'yo naman po future Mommy and Daddy malakas kayo sa akin e! Kaya kahit nakakatakot 'to kung topakin at nalalagay sa panganibo ang buhay ko. Isasakrispisyo ko pa rin ang buhay ko." Giit nito at saka siya nag pogi sign. Muli kong hinila ang tainga n'yang malakas. "Aray ko naman, Love! Aray!" angal n'ya sa akin. Natigil s'ya sa pagrereklamo ng magtagpo ang landas nila ni Kuya Seb.
"Sino yan?" He asked me at saka nagpa-cool sa harap ni kuya. Nabitawan ko ang tainga ni Terrence at biglaan ako nakaramdam ng hiya.
" Yung kuya ko na galing Australia," sabi ko sa kanya. Tumango – tango naman s'ya at saka lumapit kay kuya. Inilahad n'ya ang kamay n'ya na tila ba makikipagkilala s'ya rito.
"Hello! Brother In Law! Ako nga pala si Terrence ang future husband ni Liana." Sabi niya sa kuya ko at saka pa ito kumindat.
Muli kong nahila ang tainga n'ya ng dahil doon."Ang gago mo talaga!" sita ko sa kaniya, ngumisi siya at saka muling kumindat. Pakiramdam n'ya kinagwapo n'ya 'yon.
"Saan ba mapupunta ang ating landiang pururut, Liana? Sa kasal din naman diba?" He asked me. Inilapag ang binili nyang ice cold coffee sa lamesa at agad na yumakap sa aking likod. Natawa na lang sila Mama at Papa sa kaniya, sanay na kasi sila sa galawan nito ni Terrence at tanggap nila ang pagiging abnormal nito. They knew him very well and they trust him with me.
"Sino yang lalaking 'yan, Mom?" Narinig kong tanong ni Kuya kay Mama.
"Ah! Si Terrence. Siya ang boyfriend ng kapatid mo." sabi ni Mama kay Kuya.