Chapter 14: Unfolding

2534 Words
LIANA JEAN JADAONE - MADRIAGA "TERRENCE, na - narinig mo ba?" tanong ko sa kanya. Ayokong malaman niya sa ganitong paraan ang namamagitan sa amin ni Sebastian. Ayokong masaktan siya, Terrence is important to me at kung sakaling maghihiwalay kami gusto ko na hindi niya malaman na nag traydor ako. Nakatingin lang sya sa akin at mukhang gago na ngumiti sa harap ko. "Ha?" tanong niya at saka niya tinanggal ng earphone na nakapasak sa tainga nIya. Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtanto kong wala siyang nadinig. "Ano bang ginagawa mo dito? Hindi ba ang sabi ko may tawag lang ako sa na sasagutin?" I asked him. "Ang tagal mo kasi kaya sinundan na kita at saka nag-uusap pa tayo diba? Gusto ko sanang tayo muna ang mag-usap. Mabuti tapos na ang tawag mo." simpleng sagot n'ya sa akin at agad nya akong yinakap, minsan di ko rin maintindihan ang lalaking to. "Bakit mo ba ako biglaang niyayakap?" I asked him. "Dahil na-miss kita. Sana lagi na lang tayo ulit magkasama, sana ay maging kagaya tayo dati na ako lang ang 'yong mahal, at ang mga mata mo ay tanging sa akin lang." Sagot nya sa akin. "Kanina mo pa sinasabi sa akin na miss mo ako. May problema ka bang dinadala, Terrence, ha?" tanong ko sa kaniya. Umiling siya sa akin at saka niya hinawakan ang aking kamay. "Maari ba tayong bumalik sa dati, Liana?" He asked me. Nagkunot ang noo ko. Marahil ay napapansin n'yang nagbago na ako sa kaniya. Sinasaktan ko na si Terrence, at aware ako doon. Ayokong malaman niya na ginagawa ko 'yon. Ayokong mahirapan siya. 'Hindi naman tayo nagbago para may balikan." Sagot ko sa kaniya. Natatakot ako saktan ka matapos ang lahat ng ginawa mo para sa akin. "Hindi ako tanga Liana, nararamdaman ko at nakikita ko na marami ng nagbago pero kahit na gano'n ay mahal na mahal kita. Hindi ako mapapagod na mahalin ka. Paulit- ulit..." sagot nya sa akin. Napapikit ako sa mga sinabi nya sa akin. . Ang swerte ko talaga sayo pero mukhang minalas ka sa akin.Patawad dahil 'di ko maibalik ang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin. "Mahal na mahal kita Liana, tandaan mo yan." sabi nya sa akin at hinalikan nya ang pisngi ko. Napangiti na lang ako at muling napatingin sa phone ko. May message galing kay Kuya. Bbinulsa ko muna ang cellphone ko at saka ko sya hinatak sa loob. "Manood na lamang tayo ng Titanic sa loob, manood na lamang tayo ng movie at magbonding." Sabi ko sa kanya. Buong magdamag wala syang ginawa kundi ang yumakap sa akin. Para siyang penguin na nakakapit sa akin. Pero kahit na gano'n ay di ko maiwasan ang kabahan. Natatakot kasi talaga ako na masaktan si Terrence pero 'di ko naman maaring balewalain ang puso ko at si Sebastian. Nanood kami ng pelikula ni Terrence at saka buong araw na naglambingan. Dito na rin siya sa aming bahay naghapunan. Bago umalis si Terrence ay binigyan niya ako ng halik. Hanggang kailan ba kita sasaktan? Hanggang kailan ko ba kakayanin? *** "LIANA, pakidala naman 'to sa marketing department. Pakisabi din sa kanila maghanda ng paraphernalia para sa ating event, kung maari damihan nila ang print ng flyers." Giit niya at inabutan niya ako ng dalawang envelopes. "Tapos itong folders kay Danica..." Utos sa akin ng boss ko. Wala sa wisyo akong napatango sa kaniya. Paalis na sana ako ng bigla n'ya akong tinawag ulit. 'Liana?" She called me. 'Bakit po, Ma'am?" I asked her. "Are you okay? Tulala ka ata ngayong mga nakaraang linggo, is there something bothering you?" tanong niya sa akin. "Wala naman po. May iniisip lang, personal matters." Sagot ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at saka tumingin sa paligid. "I'm actually worried about you, Liana. I want to talk about you, but it's kind of personal. Sana ay hindi mo masamain." Giit niya sa akin. Tumingin ako sa kanya at hinintay ko siyang magsalita, damang dama ko ang kaba. Pakiramdam ko may kung ano siyang itatanong sa akin. "Liana, alam kong kapatid mo si Sebastian pero... talaga bang hanggang magkapatid lang kayo?" tanong niya sa akin. Hindi ako nakasagot sa agad, sa halip ay natameme ako. "B- Bakit niyo po naitanong?" tanong ko sa kanya. "Well some of our colleagues saw the both of you sweet inside a car and they are well aware that you are sibling. People were naturally green minded at bastos ang utak kaya napatanong ako sa'yo ngayon. Ayoko rin na masira ang image niyong magkapatid. " Paliwanag niya sa akin. Hindi ko rin naman kasi ma-kontrol si Sebastian sa t'wing pupunta siya dito. Minsan nga ay may nakakakita sa paghawak n'ya ng aking kamay. Napapikit ako bago tuluyang makasagot. "Close po kami ng Kuya Seb pero bilang magkapatid lang talaga. Sa tingin ko e di lang nagbago ang treatment niya sa akin noong bata ako. And he's dating Nicole, alam mo naman po 'yon diba?" sabi ko sa kanya. She shrugged her shoulders and sighed. 'Maging maingat lang kayo sa kilos ninyo. Iba kasing mag-isip ang mga tao, Liana. They might look like your friends but they will stab you with their eyes." Sabi nya sa akin at muli syang pumasok sa loob ng opsina nya. Napabuntong hininga naman ako pagkatapos. Matapos kong ihatid ang mga files na kanyang pinasuyo ay pinagpatuloy ko ang trabaho ko, Masyadong maraming gawain ngayong araw. pero pinipilit kong tapusin dahil sa may usapan kami ni Sebastian. Gusto niyang lumabas muna kaming dalawa kahit saglit lang. Nabigla na lang ako sa pagvibrate ng cellphone ko kaya tiningnan ko ito. From: Sebastian See you soon, I'm on my way! Napangiti ako sa mga nabasa ko, agad kong kinuha ang bag ko at ang susi ng sasakyan ko pero napaisip ko. Mas maganda kung ihahatid ako ni Sebastian pauwi kaya iniwanan ko na lang din ang sasakyan ko sa office at nagtaxi na lang ako papuntang Robinson's Magnolia. Nakagat ko ang labi ko ng mapagtanto ko kung gaano ko siya ka-miss. I just want to be with him now and I wish that we will be together forever too. To: Sebastian Nasaan ka ba ha? Nandito na ako From: Sebastian A place near you! Natawa ako sa sagot nya sa akin at saka ko inikot ang paningin ko sa paligid. Nasa food court ba sya? O nakatambay lang dito, sa Male's clothing line? Oxygen? "Nasaan ka--AAHH!" napasigaw ako ng may yumakap sa akin ng mahigpit mula sa likod. "Hey!" He whispered. Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtanto ko na s'ya ang nasa likod ko. "Ikaw lang pala Sebastian! Ginulat mo ako!" Giit ko at pabiro ko siyang hinampas habang tumatawa. He chuckled back too, pakiramdam ko ay para kaming mga bata na nais maglaro. Pero ibang laro nga lang ang nalaro namin ngayon. Isang laro na alam naming magbabago ng mga buhay namin. "I'm sorry kung nagulat ka." He said at saka n'ya ako niyakap ng mahigpit. "Dapat ata mas maging maingat ako sa'yo." Giit n'ya sa akin. Hinawakan ko ang kamay nya at inabot ang labi nya para mahalikan sya kahit saglit lang. "Okay lang ako, Sebastian. Nag-alala ka na naman sa akin. Hindi na ako magkakaroon muli ng panic attack, I promise." "I just can't help but worry." Mahina akong napangiti, "Wala ka ng dapat ipag-alala, I'm okay." Sagot ko sa kanya kahit alam kong 'di ako okay. Na kahit alam kong bothered pa rin ako sa kagustuhan kong malaman ang nangyari sa akin dati. Na natatakot ako sa katotohanan pero gusto ko 'yong tanggapin. Inabot niya ang pisngi ko at marahang hinaplos 'yon. "Diba ang sabi ko, I will make up of the years na 'di tayo magkasama?" Tanong n'ya sa akin. "You don't need to make up about it Seb. Yung kasama kita, enough na 'yon." "But still I want too. Ang dami kong di nagawa kasama ka, I even failed to protect you because I was so selfish. Hayaan mo lang ako na bumawi sa'yo. Kahit mali ang kung anong mayro'n hayaan mo akong diskartehan 'yon para makabawi sa'yo. Maari ba?" He asked me. Tumango na lamang ako sa kaniya. "Sebastian, maari bang maging tayo? Yung magkakaroon tayo ng hinaharap, ng pamilya... Maari pa bang mangyari 'yon?" tanong ko sa kanya. Mahina siyang ngumiti, "I don't know, but I will try to make it work for us. Liana, alam kong mali ang mayro'n tayo pero nagmamahalan naman tayo diba?" tanong niya sa akin. Tumango ako bilang sagot sa kanya at yumakap sa kanya. "Kahit mahirap, kahit wala akong makitang konkretong hinaharap. Masaya ako, masaya ako dahil mahal natin ang isa't isa." Sagot ko sa kanya. He planted a kiss on my forehead at saka niya ako inayang mamasyal at mag-ikot muna sa mall. I clinged into his arms, para akong dwende dahil na rin sa tangkad ni Sebastian pero ang saya sa pakiramdam na nakakadikit muli ako sa kanya ng ganito kalapit. "Sinabi mo yan ha? Uubusin ko laman ng wallet mo. Yung tipong wala ka ng madukot kahit pang-gas mo!" sagot ko sa kanya. "That will never happen. Mas mayaman na ata ako kay Daddy." sagot naman nya sa akin. Tama, may kaya ang kuya.. dahil nga sa siya ang nagpapatakbo ng business namin sa Australia ay may sariling say na s'ya sa buhay nya. "Talagang uubusin ko ang laman ng wallet mo sa kayabangan mo. Maghintay ka lang!" *** "SEBASTIAN naman e' sabi ko diba ilaglag mo yung piso pag nasa loob na yung gumagalaw para itulak n'ya yung piso!" Inis kong tugon kay Sebastian. Paano kasi isang oras na kami 'dito pero di na ginagawa yung dapat na gawin. Wa-walong ticket pa lang tuloy ang nahuhulog para ipapalit namin. "That's what I'm doing!" sagot nya sa akin. "Talagang dinadaya na tayo nitong machine na 'to. Ayaw niya tayong bigyan ng tickets!" reklamo siya sa akin. "Ako na nga maglalaglag ng piso!" sabi ko sa kanya at inagaw ko ang mamiso miso na nasa kamay n'ya. "Ang goal natin 10,000 tickets para makuha ko yung malaking bear na yon!" sabi ko sa kanya sabay turo ng teddy bear na worth 10,000 tickets. "I know, I know pero marami pa namang game to try. And I can buy you the same exact one!" sagot nya sa akin. "Gusto mo ba tumakbo na tayo sa Bear Magic?" tanong niya sa akin. Inikutan ko siya ng mata."Shut up! Sebastian!" pagsita ko sa kanya. Nilaglag ko ang piso at maraming piso ang nalaglag sa ticket area. Tuwang tuwa ako kasi sobrang haba at dami nung lumabas, makalipas ang tatlo pang oras. Di ko na mabilang sa sarili kong kamay ang dami ng ticket na nakuha namin. "See, learn from the expert!" sabi ko sa kanya. "Oo na ikaw na magaling dyan. Nakaka-proud ka na," sabi nya sa akin. Natawa na lang kaming dalawa ng mapagtanto namin na para kaming mga bata. Napatingin ako sa paligid at nakita kong nagsasara na ang establishments sa paligid ng mall. Nagsisi-alisan na rin ang mga tao. Napatingin ako sa aking relos. "Hala, alas nueve y media na pala. Naubos na ang oras natin sa kakalaro." I told him. Tumingin din sya sa sarili nyang relos at saka mahinang napailing. "Tama ka, kailangan na nating umuwi at magsasara na ang mall. Sa tingin mo may 10K na ba ang mga tickets na 'yan?' he asked me sabay turo sa ilang kumpol na hawak nya pati sa mga lumalabas pa lang ng machine. "Wala pa ata, Sebastian. Gustong- gusto ko pa naman makuha ang bear." sabi ko sa kanya at saka ko nagnguso para sana magpacute pa sa kanya. "I wanted to get you that bear too but we can't stay anymore. The malls needs to close down and you need to go home. Mom and Dad might worry, baka din makatunog na sila sa mayroon tayo." sabi nya sa akin. I pouted once again to convince him. Nabigla ako ng ikiss nya ako ng madalian. Namula ang magkabilaang pisngi ko. "We'll go back to get the bear, i-uwi muna natin yung tickets..." sabi nya sa akin. 'Pero kahawig kasi ni Sven ang bear!" Malungkot kong tugon sa kaniya. "We're gonna get it okay but let's do it next time. Kailangan pa nating kumain dahil naubo--" natigil si Sebastian ng tumunog ang kaniyang phone. Kinuha n'ya 'to at saka tiningnan. "Si Nicole, tumatawag siya..." He said. "Sasagutin ko lang 'to ha?" Giit niya sa akin. Sinagot niya ang tawag kaya naman nanahimik ako. Oo nga pala, what we have is not official and our thing is not even important. Matapos n'yang makausap si Nicole ay tumingin siya sa akin. "She needs me..." Tumango ako sa kaniya. "Naiintindihan ko Sebastian. May next time pa naman." Giit ko habang nakatingin sa mga tickets na hawak naming dalawa. "I'm sorry..." "It's okay." "Ihahatid na kita." Umiling ako sa kaniya, ayokong ipahalata na nasasaktan ako kaya pinilit kong ngumiti. "Huwag na Seb. Magko-commute na lang ako total nasa company naman ang car ko. Babalik na lang ako sa parking area." "Are you sure?" "Yes Sebastian. Sige na, puntahan mo na si Nicole baka mamaya importante pala ang kailangan niya sa'yo." Sagot niya sa akin. *** THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "OH BAKIT paikot- ikot ka diyan?" tanong ng isang lalaki kay Nicole. Bumuntong hininga ang dalaga at saka nagprente sa kanyang upuan. "Seb is having an affair. I can feel it." sagot niya rito. "Edi huliin mo, magaling ka naman sa ganyan diba? Magaling ka manira ng mga taong naninira sa pagitan niyo ni Seb." Sagot nito sa kanya. Umikot ang mga mata ni Nicole, "Alam ko pero parang mali ang duda ko. I just need to be sure. Binigyan ko ng second chance si Sebastian kasi ang sabi niya mahal na mahal niya ako at mas pipiliin niya ako sa brat niyang kapatid. At saka, I want to be mature, I don't like to act like the b***h that I was before." Sagot nito sa kanya. "Anong klaseng affair ba ang pinagduduhan mo at nag-alala ka? You can just play with the woman again, the same way you did to his sister years ago." Natatawang giit nito sa kanya. Sumama ang tingin ni Nicole at kinuha nito ang baso ng Jack Daniels na nasa harap niya. "Galit ka na naman. Nagbibiro lang naman ako, alam ko na mature ka na para gumawa ng mga ganoong bagay. Actually 'di ko akalain na magiging hit 'yung s*x tape ng kapatid niya noon. Muntikan ko ng i-consider ang paglipat sa Japan upang maging p**n star." Natatawa nitong giit sa kanya. "How's that girl again? Is she doing great?" tanong muli nito. "She seems not to have an idea regarding what we did years ago. Wala rin nami-mention si Sebastian, it seems like their family kept is as a nasty secret." She said as she drank the whole glass of Jack Daniels. "Pakiramdam ko Richard, kinakarma ako dahil sa ginawa ko." Saad ni Nicole at tumingin ito sa binata. "It seems like Sebastian is having an affair with his sister." Nakagat niya ang labi niya ng masabi niya ang kanyang problema. "What the f**k?! Dude that's so gross!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD