LIANA JEAN JADAONE- MADRIAGA
DAHAN- DAHAN akong pumasok ng kwarto namin ni Mama. Parang akong tanga na ewan. Gusto kong paulit- ulit na batukan ang sarili ko. Bakit ko ba iyon sinabi? Alam ko naman na masasaktan ako. Kasi mali ito. Mali ito sa lahat ng aspeto ng bagay.
Kapatid ko si kuya Seb, minsan naiisip ko kung bakit ang bobo ko. Kung bakit di ko makontrol ang bunganga at puso ko. Mas lalo kaming di magkakaayos dahil sa mga sinabi ko. Maybe things would get akward between us.
Mahal din naman n'ya ako pero bilang kapatid lang din. And it's one thing that I must accept. His love can never be as a woman, nor as a lover because I am his sister.That fact is absorbed by him even tho we are not blood related. Masakit ang katotohanan. Alam ko naman na ganito ang kakalabasan pero mapilit ako. Para akong shunga. Nakakairita rin minsan.
Humiga ako sa tabi ni Mama. I think nafi-fail ko si Mama. Wala na naman akong nagagawang matino. Ever since before, I am her failure. A result of a broken marriage, a victim of stupidity. I'm becoming a failure and making a huge mistake.
Gumagawa ako ng mali, at ito ang mahalin si Kuya Sebastian pero mali bang maituturing kung 'di naman nasusuklian? Napabuntong hininga ako, wala akong magawa kung 'di ang huminga ng malalim. Kinabuksan at sa mga sumunod pa na araw, di ko na lang pinansin su kuya. Kung maari iniiwasan ko ang bawat tingin nya sa akin.
Kung maari iniiwasan ko na madinig maging ang boses nya. Mahirap pala, lalo na kung alam mo na ito ang nakakapagpasaya sa iyo.
"Liana, kunin mo 'yung beef na iihaw sa loob. Malapit na matapos itong pork." Utos ni Mama sa akin. Tumango ako at dali-dali na pumasok sa loob ng kusina.
Kinuha ko ang beef na nakalapag sa refrigetor. Naka- marinate na iti at mukhang masarap ang magiging luto nito. Napapagpasiyahan kasi na babalik na kami ng Maynila kaya nagpabarbecue si lola para sa amin. Gusto niya ng masayang kainan. Habang kinukuha ko ito sa mesa nabigla ako ng may yumakap sa akin sa akin bigla.
"Ay, palaka!" nasigaw ko.
"Hello babe ko. Miss you!" malanding tawa ni Terrence 'yan.
"Mangyayakap ka na lang mangugulat ka pa. Buong araw tayo magkasama tapos namimiss mo ako." sabi ko sa kanya. Mas humigpit ang yakap nya sa akin.
"I just want to hug you like this. Pagbalik sa Manila we need to find our own jobs. We are going to be busy so I want to hug you tight as possible." He softly said.
We spent our college together, sa iisang kumpanya din kami nag ojt noon. We are both on the same age but Terrence should have graduated earlier but he changed his course and enrolled in the samr university as mine."Yumakap ka na lang ulit pag nahatid ko na tong beef sa labas. Hindi ko ito mahahatid kung sakop mo ang buong katawan ko." Natatawa ong sambit sa kaniya.
Umiling sya sa akin at saka siya nag-isip. "Pwede bang kumapit na lang ako?" He asked me." Gusto ko talagang masolo at mayakap ka." Pakiusap niya sa akin.
"Ngayon solo mo na ako, dali kapit ka na sa akin. Dalhin na natin ito kay Mama at Tito!" sabi ko sa kanya. Bumalik s'ya sa likod ko at para kaming penguin na lumabas ng bahay papunta sa place kung saan nagiihaw sila Mama at mga kamag- anak namin.
Samantalang si Nicole at Kuya naman naglalaro sa may harap ng mini lake dito. Di ko maiwasan ang mapatingin, ganon din si Kuya na sumusubok ngumiti pag nagtatagpo ang mata namin. Napapaiwas na lang ako ng tingin sa kanya.
"Magsa-shot ba tayo?" tanong ni Papa sa aming dalawa ni Terrence.
Tumango ako at ganoon dun si Terrence."Sure Papa!" sabi ko sa kanya.
"Game din ako diyan, future Daddy in law!" Terrence agreed. "Mag-iinom pa talaga kayo e babyahe naman na tayo bukas. Huwag kayong iiyak kapag nagsisakitan ang mga ulo niyo! Walang hihingi ng gamot sa akin!" Giit ni Mama at umikot pa ang mga mata nito.
"Opo, 'di po kami maglalasing." Pabirong giit ni Papa sa kanya at saka nito binaling ang tingin niya sa akin.
"Tawagin mo ang kuya mo at mga pinsan mo. at ng makakain na sila upang makapag-inuman na tayo." sabi nya sa akin.
" Sige, Dad." Giit ko.
Tumingin ako kay Terrence na pinapak na ang kilawing isda na ginawa ni Tito para sa amin. Muntikan na nga n'ya 'to makalahati. Sinamaan ko siya ng tingin kaya tinigil niya ang paglamon. Tumayo na lang ako at lumapit sa aking mga pinsan.
"Jun, Marie at Nelly kain daw muna tayo! Oy, mga bata kumain daw muna tayo." Tawag ko sa kanila nagsilingunan naman sila sa akin.
"Okay, Liana. Papunta na kami." My cousin, Marie, responded to me. Nagsitakbuhan ang mga bata at lumapit sa table. Hinila din niya ang iba dahil alam niyang magagalit si Lola kapag matagal na walang tao sa dining area dahil naglalaro pa sila.
Napatingin ako kay kuya Seb na busy sa.pagkuha ng litrato ni Nicole.
"Kain daw muna kayo sabi ni Papa." I caught their attention. Kuya Seb smiled at me and I gave him a smile too.
'Let's go Seb! Gutom na rin ako." Sabi naman ni Nicole sa kanya at hinila siya nito.
'Yeah.." sabi ni Kuya sabay ligpit ng camera nya. Naiwan akong mag-isa doon, I wached them walked away together.
I felt another pang of my chest again. Ganito ba talaga ang epekto pag na sisterzoned ka?
****
"LIANA, Terrence! H'wag kayong iinom ng marami. Pinagsabihan ko lang kayo kanina tapos ngayon mas mabilis pa kayo umubos sa mga lasinggero talaga." Pagpaalala sa amin ni Mama. Paubos na kami sa una naming bote pero nagpapaalala na si Mama sa akin. We rarely party before pero madalas kaming magsariling inuman ni Terrencr sa bahay. It was always Mom who fixes our mess after our walwal.
"We are legal, Mommy in law. Pwede na kaming uminom ng marami ni Liana." Giit ni Terrence sa kaniya habang nakadikit sa akin na parang linta.
"Parehas kayong mukhang shunga pag nalalasing kaya dalawang bote lang ang.maari ninyong inumin. " Mom flatly said.
'Ang daya naman, Mama." sabi ko sa kanya and I pouted.
"Walang madaya, aalis na tayo bukas kaya bawal ang masyadong lasing. Dahil pag nagsuka kayo sa daan ay iiwan namin kayo sa expressway." sabi nya sa aming dalawa.
"Iiwan daw tayo dito babe kung nalasing tayo. Tara gawa tayo ngpamilya if ever!" Excited na giit ni Terrence sa akin.
"Manahimik ka dyan!" sigaw ko kay Terrence. Nagtago na lang sya sa likod ko at 'di na nagsalita miuli. Habang nagtatagl ay nagpapa-cute sya sa likod ko. Unti- unti na kaming nahihilo at nalalasing. I took another shot, one after the other. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Lalo na't nakikita ko ang kamay nila ni Nicole na magkahawak.
"Sebastian, siguro naman dahil sa nagkabalikan na kayo, are you going to extend your stay here?" tanong ni Mama sa kanya.
Tumingin ako kay Kuya. "Yes, Mom I might as well stay longer. I already asked my secretary there to arrange some of my stuffs and send it through DHL." sagot naman niya kay Mama.
"That's great! How about you Nicole? Anong plano mo matapos tong vacation natin? Magiging busy ka din ba?" Mom asked her. She petted her eyes like a nice girl. Napangisi ako dahil alam kong kaplastikan lang iyon.
'Yes Tita, kailangan kong i-manage ang business ko and at the same marami din akong matters na aasikasuhin. I guess it will be really helpful kung mag iistay muna si Levy dito. To lessen the pressure. Having my lover around is my stress reliever." sabi naman n'ya sa mama ko at sumandal sya sa shoulders ni kuya. Tinuloy tuloy ko ang pag-inom ng alak.
"Isa pa," utos ko kay Terrence para lagyan niya pa ng alak ang baso ko.
"Nakakaisa ka na..." sabi nya sa akin.
"Isa pa nga..." utos ko sa kanya at nilagyan naman nya ng inumin ang baso ko.Pparehas kami na marami ng naiinom ni Terrence. Uminom lang ako ng uminom hanggang sa sobrang pungay na ng mata ko.
Uminom ako ng uminom hanggang sa mawala na ang ibang tao sa paligid ko.
'Lianashhh..." lumingon ako kay Terrence at saka ngumiti sa kanya.
"Alam mo ba nagtatampo ako sayo?" sabi nya sa akin mapungay na rin ang mga mata nya.
"Shhh... alam ko wag mo ng ipagmayabang." sabi ko sa kanya.
Yinakap nya ako, "Lianash..." tawag nya ulit sa akin.
'Hmmm.. Bakit gago?" tanong ko sa kanya at saka ko hinila ang malaki niyang tainga.
"I love you baby." sabi nya sa akin. Pinalo ko sya ng malakas at saka ako natawa. "Lagi mo namang sinasabi yan sa akin." sabi ko sa kanya .
"Hindi ka na kinikilig kapag sinasabi ko yan kasi di mo naman ako mahal. Hindi mo na ba ako love, Liana?"
I raised my hand at saka ako humingan ng malalim."Hindi ko alam." Sabi ko sa kanya at saka ako tumawa. "Pero God knows! Gusto ko ikaw ang mahal ko. Its easier..." at tumingin sya sa kay Kuya
"Ikaw!" turo n'ya kay Kuya.
Lumingon naman si kuya sa kanya. He chuckled. "Hindi porket dumating ka ay makukuha mo sa akin si Liana.. sinaktan mo na sya kaya di ako papayag na ulitin mo." sabi naman ni Terrence sabay posing na pangmanly. Sinubukan ko namang kumuha pa ng isang bote pero nabagsak ko ito.
" I'm sorry..." I chuckled. Dad picked up the bottle for me. "Lasing na ang mga bata." He said.
"Daddy..." he looked at me.
"Why dear?"
"I'm sorry for being a failure and mistake sa inyo ni Mommy.Hindi ba kayo nagsasawang alagaan ako?" He smiled at me.
"Hinding- hindi anak." He replied and he looked at Mom. " Ikaw, Terrence?" He looked at me.
"Hindi! Never ever!" Mahina akong natawa. "Kahit na ang dumi ko na?" Silence filled the place when I asked that. I always have this missing memory in my mind.
Memory that I dont want to remember anymore.Everytime that its verging to come out of my mind pakiramdam ko mamatay ako. The fear and pain of the memory is killing me.
Minsan nga nacu-curious ako, how can something that I dont remember make me feel so scared and alone?
'Lasing na kayong dalawa ni Terrence. Pumasok na kayo lara magpahinga," sabi ni Daddy sa amin.
Napangiti ako sa kaniya. "Hindi ako lasing Dad. Sisterzoned lang ako." sabi ko sa kanya at saka ako uminom ulit. Pinag-awayan pa nga namin ni Terrence ang bote ng alak.
"Sebastian, ipasok mo na nga sa loob ang kapatid mo dahil lasing na siya." Utos ni Mama kay Kuya.
"Yeah, sure..."
***
SEBASTIAN LEVY MADRIAGA
"SEBASTIAN, ipasok mo na nga sa loob ang kapatid mo dahil lasing na siya."" sabi ng Mama sa akin. Nagulat ako sa inaakto nila ni Terrence ngayon. Hindi ko pa nakitang maglasing si Liana.
Matapos nilang maghilaan ng ilong at tainga ay nagrewrestling naman sila. Labat gagawin nila maagaw lang nila ang isang ubos na bote ng alak. Mula ng umamin sa akin si Liana ay di na n'ya ako muling kinausap. Parang hangin na dinadaanan lang ang naging turing niya sa akin. Ang dating akala ko na umaayos naming relasyon ay tila naglalaho na. Ngayong nalasing lang siya ulit na tumitingin sa akin ng nakangiti. Iniisip ko tuloy? Mali ba ang naging sagot ko?
Tama naman e, its the right answer. Kapatid ko s'ya at mali ang nararamdaman n'ya. Mali din ang ikonsinte ko ang feelings nya. Dahil baka mas lalong lumala ang nasa pagitan namin.
"Terrence naman eh! Ang init wag kang yakap ng yakap." sabi nito. Kanina pa pinipisil ni Nicole ang kamay ko pero ang attention ko di ko mabaling sa kanya.
"Ayoko pang bumitaw! Kapit lang! Kapit!" sabi naman ni Terrence kanina pa sila parang linta medyo naiinis na ako.
"Ipasok mo na ang kapatid mo dagil baka mamaya mag live show 'yang dalawang yan." Dad said while chuckling. Tumayo naman ako at pumunta kay Liana. "Tara na, pumasok ka na. You're drunk." sabi ko sa kanya. Tumingin sya sa akin at nagbeautiful eyes.
"Ayoko pang pumasok sa loob. Gusto ko pa uminom. Terrence, isang bote pa nga. Ipapasok ko sa pwet mo!" sigaw nya.
"Sige nga gawin mo! Totohanin mo!" Ani Terrence sabay palo ng pwet nya.
She chuckled. "Halika dito tuwad ka." sabi naman nya ulit. Pumunta naman si Terrence at tumuwad sa harap niya. Pinalo niya ang pwet nito. "Ang baho mo gago!" sabi naman nito.
"Lasing na talaga tong dalawa..." sabi naman ulit ni Mama at saka tumingin sa akin. Si Dad naman ay hinila si Terrence dahilan para masubsob ito sa lupa.
'Lianash... bakit amoy lupa lips mo?" tanong nito sa kanya. She giggled. "Gago! dwende kasi yang ka-kissing scene mo.' sagot naman nito sa kanya.
'Liana, halika na..." sabi ko sa kanya. Umiling sya sa akin at ngumiti. "Buhatin mo ako kuya gaya ng buhat mo sa akin sa park." Sabi nya sa akin saka niya nilahad ang dalawang kamay nya.
"Tumayo ka ng maayos at kailangan mo ng magpahinga." Sabi ko sa kanya at hinila ko siya. She stomped her feet. "Sige na nga" sabi ko sa kanya at saka ko sya binuhat sa aking likod. She giggled as she hugged me tight.
'Kaya mo bang buhatin yang kapatid mo ha?" Dad asked me.
I nodded. "Kaya ko po Dad. I'll be back after I settled her." sabi ko sa kanila. We are just starting pero ang dami na nilang nainom. Liana ang Terrence became our cousin's entertainment.
Dinala ko siya sa loob ng kwarto. I settled her down the bed. Hinubad ko ang suot niyang cardigan and left her with her maong shorts and white tank top. Her volumptrous body welcomed me.
"Kuya, I love you..." bulong nya sa akin.
"Hindi pwede ang gusto mo. You are my sister..." sabi ko sa kanya.
She slightly opened her eyes ."Bakit ganyan ka? Do you also find me dirty?" She asked me and she slightly bit her lips. Tinanggal ko ang tsinelas n'ya para tuluyan na siyang maging kumportable.
"You're not dirty Liana." I said and I sat beside her. Hinawi ko ang buhok niya.
"I'm dirty..." she whimpered as tears start to flow in her eyes. Her body started shaking.
" They made me dirty that's why no one likes me now." She whimpered as she to wipe her body using her hands. Her nails dug into her own flesh.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Did something happened to you while I'm gone?" I asked her, shr stopped and looked at me.
"Kuya,bakit lagi mo akong binabalewala? Bakit lagi mo akong pinaghihintay? Bakit di ko magawang mag give up sayo Kuya? I always do things for you even tho you fail to appreciate it." She asked me again.
"Thank you for doing that. Thank you for everything but I'm sorry..." I have decided, Sure ako sa feelings ko kay Nicole. My love for her never disappeared. Nicole is my sanctuary and salvation. Ayoko na gumawa ng mali o madisappoint ulit si Mama at Daddy.
Ayoko na saktan ni Liana, kaya kailangan ma-clarify ko na ang lahat sa kanya.
"Liana.." tawag ko sa kanya but she already closed her eyes. She already fell asleep. Kinuha ko na lang ang kumot at kinumotan ko sya nabigla ako ng hawakan n'ya bigla ang kamay ko.
'Kuya.. dadating ka naman diba? dadating ka naman talaga noon diba?" she asked me. Nagkunot ang noo ko.She always say this to me. Im f*****g curious about what happened to her but everyone in this family is quiet about it
"What do you mean?" I asked her.
"Hinintay kita kuya, pero di ka dumating. Ang sabi nila di ka talaga dadating. That calling out for your name is useless." Sabi nya sa akin. and tears fell from her eyes, what does she mean.
"Kuya, sinaktan ako. Wala ka na daw pakialam sa akin kaya sasaktan na nila ako...They took everything as they hurt me. Kuya save me..." She begged me.
Pinunasan ko ang mga mata n'ya. "Im going to save you okay? Kuya is here beside you. Kaya matulog ka na, no one will hurt you while I'm hear." sabi ko sa kanya. Mas humigpit ang hawak nya sa kamay ko.
"H'wag kang aalis please.. please wag..." sabi nya sa akin. She opened her eyes who are now wet with tears. She pulled me closer to her and with a second...
Our lips met again...
****
Matapos ng inuman ay pumunta na kami ni Nicole sa kwarto. I'm not drunk but my head feels so lightheaded. "Ayoko yung inaarte mo towards Liana." Sabi nya sa akin napatingin ako sa kanya at agad na sinuot ang T shirt ko.
'Pag aawayan na naman ba natin to ha? Ginagawa ko ang gusto mo at di kami gaano naguusap." sabi ko sa kanya.
"Pero tinitngnan mo sya, Levy. Please remember na sya ang dahilan kung bakit tayo naghiwalay dati! She'll do worst if you give her a chance to f**k with us." sabi nya sa akin.
Oo si Liana ang may kasalanan no'n, I can clearly remember. She broke up with me because she lost the chance of being a ballet dancer. Dahil sa ginawa ni Liana na pamamahiya sa kanya. It was the reason kung bakit ako nagalit kay Liana. It seems that I lost Nicole forever because of her, because she doesn't like her for me.
Kahit na ang dapat naman talaga ay kay Nicole ako magalit kasi nagkaaffair sya with her instructor during that time. She's cheating with me and I was bkindly in love. And Im still blind until now.
Nilabas ni Liana sa campus ang affair ni Nicole. It reached the board and her privileges and opportunities was removed. She did it to inform me and to believe her but I was mad. I was really inlove with Nicole at that time. Di ko alam ang mali sa tama nung mga oras na iyon, at maging hanggang ngayon mukhang hindi ko pa rin alam ang tama sa mali.
"I am trying my best, saka nasa family vacation tayo. You won't expect me to avoid her all the time because we are family. Kapatid ko siya. Maging s'ya rin naman iniiwasan ako." sabi ko sa kanya.
"Levy, di yun ang pinupunto ko, I can see that you are really concerned with her. Nag-alala ka sa kanya more than me. Again, yung attention mo napupunta na naman sa kapatid mo." sabi nya sa akin.
"Nicole, you are being paranoid again. Hindi pa ba sapat na mahal kita ha?" I asked her. umiling sya sa akin.
"Di pa rin sapat. Love and trust is what we need, Levi!" sagot naman nya sa akin. Tinabihan ko s'ya sa kama at hinila ko sya pahiga.
I went over her. "Nicole believe me, ikaw ang mahal ko. You have my heart and you will always own it." sabi ko naman sa kanya. Still nakasimangot sya sa akin, I kissed her forehead.
"Nicole, believe me," sabi ko sa kanya. Inirapan lang nya ako at tumalikod sa akin.
***
BUMALIK na kami ng Manila, tahimik ang byahe namin dahil kalahati ng nasa sasakyan ay may hangover. Tanging ako, si Mama at si Nicole lang nasa wisyo pa ang pag-iisip. Para tuloy kaming nag-aalalaga ng mga may sakit sa sasakyan kanina. Pagkahatid ko kay Nicole sa bahay nya ay dumiretso ako sa bahay para magpaalam kay Mama at Daddy. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Liana na nakahiga sa sofa.
I stared at her as our third kiss overwhelmed my memory.
"May hangover pa rin yan." nagulat ako ng magsalita si Mama mula sa likod. I smiled at her ."Pati din si Terrence kaya umuwi na agad. Atat na atat na daw siya matulog." sabi naman nya ulit sa akin.
"Mom, I want to ask something Liana." She looked at me.
"Tungkol saan anak?"
"About what happened to her. Why does she always ask me to stay with her. She keeps on blabbering about getting hurt. May nangyari ba sa kaniya noong wala ako? And why does she takes medicines all the time?" I asked her. Her eyes went dark as her mood changed. I know that something is wrong and I want to know it.
"Anak, mas maigi ng di mo alam para di maalala ni Liana ang lahat. Her life is okay and the truth will ruin it. Let her live her life." She responded to me. Lumapit siya kay Liana at saka tinapik ito upang magising. "Wake up and say goodbye to your brother, dear..." sabi ni Mama. Minulat naman nya ang mga mata nya at tumingin at tumibgin sa akin.
"Bye..." simpleng saad n'ya, she stood up and tried to make her way upstairs. She didn't even look at me, she avoided our gazes.
'Liana! Do it properly... inabala mo ang kuya mo kagabi." sabi ni Mama. The kiss came over my mind again. I remembered how our lips touched. How I went over her and kissed her hard. Her delicious moan empowered my kiss as it became more intense. Liana didnt listen to our Mom and continued walking away.
"Epekto ng hang over..." natatawang giit ni Mama at saka ito umiling- iling.
"Ako ng bahala sa kaniya mama. Kakausapin ko muna si Liana." sabi ko naman sa kanya. Sinundan ko si Liana sa kwarto nya at nakita ko sya nakatalukbong na doon. I smiled nung nakita ko sya.
"Kalimutan mo yung mga sinabi ko noong isang gabi at kagabi." Biglang nagkunot ang noo ko, tinanggal nya ang pagkakatalukbong nya at umupo ng maayos.
"Sorry kung naabala kita sa mga sinabi ko, I was just stressed at that time..." sabi nya ulit sa akin. I wad about to speak but she opened her lips again.
"Masyado akong nalito.. kaya nalito ako.. sorry kung nabigla ka ng sabihin kong mahal kita" sabi nya sa akin. Suddenly there's inside me na parang nalungkot but it is better this way. I smiled at her
"I will leave, see you soon." sabi ko sa kanya. Tumango lang sya sa akin at bumalik sa pagkakahiga nya.
"Just close the door when you leave kuya. I'm so tired."