"Bitin ka talaga minsan magkwento, Britzstone." Umaangal na sabi ni Ate Wilma.
“Sa hanggang duon nalang ang naalala ko. Anong magagawa ko." Tumatawa kong sinabi sa kanya.
Ilan taon na rin, pero hanggang ngayon duon lang nagtatapos lahat ng mga naaalala ko.
“Pero bilib ako sayo, hanggang ngayon marami ka pa rin naaalala na masasayang araw na kasama mo si Ate Joyce mo. Sakali ako, puro malulungkot na sandali lang ang bukod tanging natira sa mga alaala ko." Malungkot na aniya ni Ate Wilma.
“Malulungkot, kung papaano ako madalas binubugbog ng demonyong asawa ko. Kung papaano niya ako ginagago, harap at likod." Naiyak na niyang kwento.
“Napakasasakit, Britzstone. Kung alam lang ng iba, kung anong hirap ang pinagdaanan ko sa siraulo kong asawa. Baka sana, hindi ako humantong sa ganito." Humagulhol na si Ate Wilma.
“Habang ako, nakaratay sa Ospital, habang siya nagpapakasarap kasama ng babae niya, nagpapakalango sa alak at sa pera na naiwanan ko, habang ako pagala-gala nalang na kaluluwa. Nag-aantay na mabigyan ng pagkakataon na baka sakaling magising ako. At maitama ko lahat ng mga kagaguhan ng demonyo kong asawa." Muli ay sinabi ni Ate Wilma.
May ilang taon na rin ko siyang kasama, hindi pa rin siya nagigising mula sa pagkakacoma niya ng pukpukin siya sa ulo ng kanyang asawa ng mahuli siya ni Ate Wilma at magtalo sila.
Habang ako, tulad niya pagala-gala rin na kaluluwa, pero hindi ko alam kung ano ba talaga ang lagay ko sa ngayon dahil hindi ko pa man din natatagpuan si Ate Joyce.
Mula ng maaksidente ako ng mahulog si Ate Joyce sa Riverside, wala na akong maalala ruon. Hanggang dun nalang ang mga naaalala ko tungkol sa nangyari ng araw na yon.
Buti pa si Ate Wilma, alam niya kung nasaan nakaconfine ang kanyang katawan. Maswerte siya at maliban sa demonyo niyang asawa na may gawa sa kanya kung bakit siya ngayon aking kasama. May kapatid pa siyang nangangalaga sa kanya, habang ang kanyang magaling na asawa, nagsasaya kasama ang kabit nito.
“Ate Wilma, huwag kang mawalan ng pag-asa, mas swerte ka nga sa'kin dahil alam mong nangyayari sa katawan mo habang ako..." Natawa nalang ako ng maalala ko na naman kung nasaan nga ba ang katawan ko.
Buhay pa ba o baka tuluyan ng nailibing sa hukay at mababaliwa lang pala ang aking mga paghihintay ng ilang taon, habang pagala-gala lang ako at hinahanap si Ate Joyce.
“Ano ka ba, malakas ang pakiramdam ko na buhay pa ang katawan mo at may pag-asa na isang araw babalik ka sa katawan mo at mabubuhay muli ng normal at makakasama mo muli ang Ate Joyce mo." Pampalakas ng loob na sinabi ni Ate Wilma.
“Salamat, Ate Wilma dahil kahit kelan, simula ng magkita tayong dalawa. Hindi mo ako iniwanan." Masayang winika ko sa kanya.
“Para saan at iiwanan pa kita, parehas lang naman tayo ng sitwasyon." Tumawa siya. “Pagala-galang multo na hindi alam kung mabubuhay pa ba o hindi na. Maswerte nga lang tayo at hindi pa tayo sinusundo ni San Pedro, baka naman sa impyerno pala ang tuloy natin nito." Nagpatawa pa si Ate Wilma, kahit malungkot at naalala na naman ang demonyo niyang asawa.
“May bisita tayo." Bigla akong napalingon sa itinuturo ni Ate Wilma. “Mukhang may bago na tayo makakasama." Sabi pa niya.
Ilan kasi sa mga kasama namin umakyat na sa taas at sinundo na ni San Pedro. Kapiling na sila si Papa God, habang kami temporary andito pa rin sa lupa at pagala-galang kaluluwa. “Hi" wika na sambit ko sa babaeng papalapit sa amin.
“Nakikita niyo ako?" Nagulat niyang naitanong. Malalakas ang aming naging tawa ni Ate Wilma.
“Ou naman, bakit hindi." Sambit ni Ate Wilma.
Nakatingin ako sa babae, mukha bago pa lang ito sa pagiging pagala-galang multo. “Bago ka pa lang?" Tanong ko.
“What do you mean?" Gulat pa sa aking tanong.
“I mean, kung bago ka pa lang ba sa pagiging pagala-galang multo." Nakatawa kong itinanong at tugon.
“Ahh, yeah! Kangina lang." Sagot naman niya.
“Ibigsabihin ngayon ang unang araw mo?" gulat at sabay naming naitanong ni Ate Wilma.
“Yeah" Tumango-tango pa siya.
Lumapit si Ate Wilma sa kanya at tinanong. “Anong nangyari?"
Mausisa talaga si Ate Wilma sa tuwing may mga bagong dating, kanyang tinatanong bawat mga nangyari bakit sila naging mga pagala-galang multo.
“Halika maupo tayo roon." Turo ni Ate Wilma sa upuan malapit sa may puno.
Nasa isang park kami at namamahinga habang natapos sa pag-iikot-ikot, nang galing rin kami sa ospital kung saan ay dinala si Ate Wilma ng kanyang kapatid na nangangalaga sa kanyang natutulog na katawan.
Umaasa pa rin siyang isang araw, may himala na mangyari at makabalik siya sa kanyang katawan. “So" rinig ko na nag-uumpisa na si Ate Wilma sa pagtatanong sa babaeng bagong dating.
“Ate Wilma, bakit hindi mo muna tanungin ang pangalan niya at nang makapagpakilala na rin tayo sa kanya.
Huwestiyon ko, nginitian silang dalawa. “Ou nga pala, ako pala si Wilma, can you call me Ate Wilma. Siya naman si Britzstone, matagal na rin kaming magkasamang dalawa." Pagpapakilala na sinabi ni Ate Wilma sa babae, matapos ay siya naman ang nagpakilala.
“Cindy Ramiles, but you can call me Cindy or Mimi."
“Mimi, ano palang nangyari sayo?" Nag-umpisa na muli sa pagtatanong si Ate Wilma. Pasaway talaga!
“Accident" sagot ni Mimi.
“What kind of accident?" Muli ay itinanong ni Ate Wilma.
“I was collided by the car." si Mimi, sagot niya.
“Intention or no intention?" Si Ate Wilma pa rin.
“Huh?" Gulat na wika ni Mimi.
“I mean, kung nabangga ka ba ng accident or sinadya kang banggain." Paliwanag ni Ate Wilma sa hindi naunawaan ni Mimi, na kanyang sinabi.
“Actually, hindi ko alam. Nahuli ko kasi si Ate Shiela, kasama ang boyfriend ko. Matagal na pala nila akong niloloko, hinahabol nila ako ng aksidente na mabangga ako sa kotse na sinasakyan nila ng bigla nila akong habulin ng mahuli ko sila. Bigla nalang sila lumitaw sa lugar kung saan ako dumaan. Paglabas ko ng eskinita, siyang pagsalubong ng sasakyan nila." Kwento ni Mimi.
Isa pa palang napakalungkot ng kwento ng bago naming kasama. Parehas pa sila, galing sa mayayamang pamilya. Bukod tangi akong hampas lupa at walang maipagmamalaki sa kanila kungdi ang masasayang kwento tungkol sa amin ni Ate Joyce.
“Isa ka rin pala sa mga may malulupit na pinagdadaanan. Nakakalungkot, pero pare-pareho tayo ngayon. Mga pagala-galang multo habang ang mga minamahal natin ay niloloko pala tayo." Malungkot na sabi ni Ate Wilma.
Nagdrama na naman siya, kinukwento ang kanyang mga pinagdaanan sa malupit niyang asawa.
“Sorry, Ate Wilma. Hindi ko sinasadya na mapaalala sayo." Sinabi ni Mimi.
Habang ako nakikinig lang muna sa kanila. “Siya?" nang ako naman ang balingan nila.
“Si Britzstone, nalunod yan matapos silang masayang nagpi-picnic sa Riverside duon sa probinsya nila." Sinabi ni Ate Wilma, andaldal niya.
“Paano siya rito nakarating ng Manila?" Tinatanong pa ba yon? multo nga ako, pagala-galang multo, syempre kahit saan maaari makapunta.
“Ewan ko diyan, wala na siyang maalala, maliban sa nalunod siya. Siguro inanod siya sa ilog, maging alaala niya inanod na rin." Pabirong sinabi ni Ate Wilma.
“Biro lang, hinahanap niya kasi ang nakatatandang kapatid niya. Dito na kami nagkita ng mapadpad siya ng Manila. Kaya lang, hindi niya alam kung anong lagay ba niya. Matagal na rin siyang pagala-galang multo, mas matagal pa nga sa akin pero palagay ko, kaya hindi siya kinukuha ni San Pedro, malakas ang kutob ko na buhay pa rin ang katawan niya, gaya ko." Mahaba-habang kwento ni Ate Wilma, kala ko nga matatapos na siya sa kanyang kadadaldal hindi pa pala.
“Ako kasi, nakacoma ako. Hanggang ngayon madalas akong nagdadasal na sana isang araw, magising ako ng maitama ko lahat ng mga nangyari sa akin at ang ginawa sa'kin ng demonyo kong asawa." Nanggigigil na naman siya ng mabanggit ang kinaiinisang asawa.
“Ikaw, buti nga boyfriend mo pa lang, paano kung naging asawa mo na. Mas masakit, mas doble ang sakit oras na mahuli mo na matagal ka na pala niloloko. Ikaw, kapatid mo pa. Mas triple na sakit nun kesa sa naramdaman ko ng mahuli ko ang asawa ko at ang magaling niyang kabit." Si Ate Wilma, pinagkumpara pa talaga ang sakit niyang nakuha sa siraulo na asawa at ang sakit na naramdaman ni Mimi ng mahuli ang boyfriend at ang kapatid niya.
“Kayong dalawa, magmove-on na. Kalimutan niyo na nga iyang mga past niyo, iba naman ngayon, multo na tayo, mga pagala-galang multo na hindi matahimik o kaya'y nag-iintay nalang ng oras, upang sunduin ni San Pedro at isama na sa langit." Pabiro lang kong niwika, masyado na kasi silang madrama, si Ate Wilma nangingilid na naman ang kanyang luha. Habang ang bago naming bisita, kasama na pala. Nalulungkot na rin sa sitwasyon na pinagdaanan bago pa siya naging multo.
“Anong malay niyo isang araw may isang himala at ibalik niya kayo sa mga katawan niyo. Hindi natin kasi alam kung oras na ba, kelan tayo susunduin, or kung pababalikin pa ba niya tayo sa ating mga katawan." biro ko sa kanila.
Sinabihan ko silang tumigil na sa kanilang dramahan, saka ako nagkwento ng mga magagandang bagay na mga nangyari sa aking buhay. Nung nabubuhay pa ako, hindi pa ako isang pagala-galang kaluluwa at kung saan napupunta.
Ngayon nalang naman ako natigil sa paggala-gala ng makilala ko si Ate Wilma.
Hindi ko na siya iniwanan at ganon na rin naman siya sa akin. Magkasama kaming nag-iikot sa buong kamaynilaan upang hanapin si Ate Joyce na matagal-tagal na rin na panahon na nais kong makita siya. Bago pa man ako sunduin ni San Pedro ay masilayan at makapiling ko kahit saglit si Ate.