“Britzstone, masaya palang maging isang pagala-galang kaluluwa.” Tumatawa na sinabi ni Mimi, habang kami ay nag-iikot sa ilang lugar upang hanapin si Ate Joyce.
Si Mimi ang siyang sumama sa akin ngayon na mag-ikot dahil si Ate Wilma, tumungo sa hospital kung saan ay naka-confine ang kanyang katawan.
“Mimi, huwag kang lumayo sa’kin at mamaya mawala ka nalang, mahirapan pa akong hanapin ka.” Bilin ko sa kanya, habang palinga-linga siya sa buong lugar kung saan kami nag-iikot na dalawa.
Humarap pa siya sa akin habang patalikod na naglalakad. “Madapa ka naman.” Sinabi ko.
Tama nga ang naisip ko ng matalisod siya at muntikan ng bumagsak sa simento. Buti nalang at nahawakan ko agad ang kanyang kamay, kundi tuluyan na talaga siya babagsak sa kahabaan ng kalsada na aming nilalakaran.
Tumatawa pa siyang tuwang-tuwa ng maramdaman ang kanyang pagkakatalisod. “Britzstone, natatalisod rin pala tayong mga multo?” Pabiro, tumatawang kanyang itinanong.
Naalala ko tuloy ng unang araw ko ng nalunod ako. Totoo si Ate Wilma, dahil inanod talaga ako mula sa Riverside kung saan ako nalunod.
Hindi ko na malaman kung papaano ako babalik sa lugar kung saan kami nakatira ni Ate Joyce. Makalipas ang isang taon sa wakas natagpuan ko ang lugar, subalit wala na si Ate Joyce ruon.
Ilang beses pa ako nagpabalik-balik ngunit wala, hindi ko na nakita pa si Ate Joyce. Kaya nagdesisyon ako maglakbay baka sakali na makita ko siya at dito sa Manila ako dinala ng aking mga paa dahil sa mga turo ng ilan ring multo na nakasama ko.
Baka sakali rito sa Manila, naririto si Ate Joyce, pero ilang taon na ako nagpaikot-ikot rito, hindi ko pa rin siya natatagpuan. “Britzstone, hindi ka na kumibo riyan.”
Si Mimi, nagiging maingay na rin habang tumatagal. Ang kulit pa kung minsan ang hirap suwayin at pagsabihan. “Ano bang sinabi mo?” tanong ko kay Mimi.
“Nakakainis ka naman, anlalim kasi ng iniisip mo.” Inismiran niya ako. Tumalikod na at saka muling naglakad.
“Mimi, sinabi ng huwag kang lumayo sa akin.” Sigaw ko pa sa kanya ng makalayo na siya ng tuluyan at magsisiksik sa mga taong dumadaan.
Hindi ko na siya halos matanaw. “Mimi” sigaw ko pa, nagmadali na sa aking paglalakad baka sakali na akin pa siyang maabutan.
“Mimi” Muli ay tawag ko sa kanya. Pero wala na at hindi ko na talaga makita pa si Mimi.
Makailang ikot ako sa lugar subalit hindi ko na mabakas ang kanyang katawan. “Mimi” Nagtampo ata si Mimi ng hindi ko siya sagutin kangina at maglakbay muli ang isip ko sa pag-aalala ko kay Ate Joyce.
May ilang oras, maggagabi na nga. Dumidilim na at hindi ko pa makita si Mimi. “Mimi” nang matigil ako sa aking pagsigaw.
Isang babaeng nakayuko ang aking natanawan. Umiiyak ito habang sapo ng dalawang kamay ang kanyang mukha. “Mimi” Sambit ko sa mahinang boses, pagbabakasakaling si Mimi nga ang nakita ko.
Napangiti ako ng sa pag-angat ng kanyang mukha ay hindi ako nagkamali dahil si Mimi nga ang nasa aking harap. “Ano bang nangyayari sayo?” naitanong ko sa labis na pag-aalala ng bigla nalang itong mawala ng iwanan ako.
“Sorry” Humagulhol niyang iyak.
“Sorry” muli ay sinabi ni Mimi.
Tumabi ako sa kanya at tinapik-tapik ang kanyang likod. “Ano bang nangyari?” Tanong ko sa malumanay na boses sa awa sa kanya at pag-iisip kung anong dahilan at umiiyak si Mimi.
“Nakita ko sila.” Sabi niya habang patuloy sa pag-iyak.
“Nakita ko sila, Britzstone. Nakita ko sila kung gaano silang kasaya, habang ako pagala-galang kaluluwa nalang.” Si Mimi, naaawa ako sa kanya.
Bagkus kahit minsan ay hindi ko pa naramdaman ang kanilang mga pinagdadaanan ni Ate Wilma. “Britzstone, ang sakit, ang sakit-sakit, sobrang sakit na makita silang masaya tapos ako sobrang nasasaktan sa nakikita kong masaya nilang pagsasama. Lalo ng makita ko si Ate Shiela na sobrang saya habang kasama ang manlolokong lalake na yon.” Pinaghahampas pa ni Mimi ang kanyang dibdib.
“Sobrang sakit dito, Britzstone. Bakit kahit isa nalang akong kaluluwa, nasasaktan pa rin ako habang nakikita sila.” Niyakap ko si Mimi, tulad ng madalas na ginagawa sa akin ni Ate Joyce ng iwanan kami ng mga magulang namin.
Lagi niya akong inaalo, tinatapik ang aking balikat at hinihimas ang aking likod. “Tahan na Mimi, kalimutan mo na sila. Hanapin mo nalang yung bagong Mimi na magiging masaya sa kung anong pinili niya. Kung saang bagay ka sasaya, duon ka mag-umpisa.” Sinabi ko sa kanya, pinunasan ko pa ang luha sa kanyang mata ng muli akong magsalita.
“Mimi, maging masaya ka nalang para sa Ate mo. Ikaw, maging masaya ka na rin kung ano ang bagong ibibigay sayo. Marami pa namang iba, kung sakali na mabigyan ka pa ng pagkakataon na makabalik sa iyong katawan. Sulitin mo iyon, huwag mo ng pag-aksayahan ang mga taong nanakit sayo at hindi pinahalagahan ang nararamdaman mo. Bagkus duon ka magfocus sa panibagong ikaw, yung masayahing Mimi na nakilala at nakikita ko ngayon.” Muli ay sinabi ko, habang nakaharap sa kanya at pinunasan muli ang luhang umaagos sa kanyang mata.
Naaawa ako sa kanya.
Naaawa ako kay Mimi.
Kung maaari lang sana na tulungan ko siyang maibsan ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman, gagawin ko. Mapasaya ko lang siya.
“Mimi” Sinambit ko ng bigla ko nalang naisip, napangiti ako.
Bakit ngayon ko lang naalala, bakit hindi ko siya ayain sa amusement park. Masaya ruon, natitiyak ko kahit papaano ay mapapasaya ko siya. “Mimi, halika sumama ka sa akin.”
“Saan tayo pupunta?” tanong niya nagtataka ng mabilis ko siyang hawakan sa kamay at hilahin dun sa amusement park na minsan ay pinagdalahan sa akin ni Ate Wilma.
“Basta, sumama ka nalang.” Nakangiti kong sinabi sa kanya habang aking akay ang isa niyang kamay.
“Tara Mimi, tumakbo na tayo.” Malalakas kong sinabi sa kanya.
Nagmadali kami ng sa gayon ay umabot pa kami na bukas ang ilang masasayang rides na maaari naming masakyan na baka sakali makabawas sa sakit na dinadala ngayon ni Mimi.
“Baka matisod naman ako, Britzstone.” Mariing angal ni Mimi, takot na palang matisod ng gaya ng nangyari sa kanya kangina.
“Huwag kang mag-alala, ako bahala sayo. Basta bilisan mo lang ang iyong takbo” Winika ko muli at mas binilisan pa ang aming pagtakbo.
Labis ang pagkamangha ni Mimi ng nakarating na kami sa mismong destination na aming dapat puntahan. “Wow, ang ganda rito.” Maaliwalas na muli ang kanyang mukha at bakas ang masasayang ngiti sa kanyang itsura.
“Sumakay tayo ron, gusto kong sumakay ron.”
Turo sa octopus, napatakip ako ng aking mata. “Hoy, Britzstone! Huwag mong sabihing natatakot ka?” Sinabi niya ng nakatawa.
Sa wakas at tuluyan ng nakangiti ang kanyang mukha. “Siguro naman kahit papaano ay nabawasan ang bigat na iyong nararamdaman.” Tinanong ko, tumango at matapos ay ngumiti si Mimi.
“Buti naman, masaya ako para sa iyo, Mimi. Basta huwag mo na silang isipin. Nandito naman ako, anytime pag nais mo ng makakausap handa akong makinig sa lahat ng sasabihin mo.” Tinapik-tapik ko pa ang aking balikat at itinuro sa kanya. “Maaari kang umiyak rito if gusto mo. Basta nakakaramdam ka ng kabigatan sa iyong sarili, tawagin mo lang ako, lapitan, makikinig ako.”
“Britzstone, salamat talaga. Ang swerte ko pala kahit ngayon ay pagala-galang kaluluwa nalang ako, hindi ko akalain na makakatagpo ako ng kaibigan na tulad at kagaya mo. Salamat talaga!” Nang bigla niya akong niyakap.
Nabigla ako roon, may kakaiba akong naramdaman. “Ano ba yun?” bigla ko rin naitanong sa aking sarili.
Nagtataka ako sa bagay na bigla nalang parang bumagsak at mabilis na kumalat sa aking katawan.
Isang kaluluwa nalang ako pero bakit ganon? Sa ginawang pagyakap sa’kin ni Mimi, nanibago ako.
Nanibago ako sa pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman sa tagal kong naging pagala-galang kaluluwa.
Anlakas ng kaba ko, magpahanggang ngayon ay mabibilis ang bawat t***k ng puso ko.
Natawa ako, maaari pa lang tumibok ang puso ng isang multo?
Pagkauwi namin ni Mimi, agad ko tumungo kay Ate Wilma. “Ate” Tawag ko sa kanya.
Nagmamadali na nga ako at baka hindi ko mahabol si Ate, madalas minsan pala pag-ganitong oras ay tumutungo pa rin siya sa ospital at binabantayan ang kanyang naka-comatose, na magpahanggang ngayon ay hindi pa nagigising na kawatan.
Minsan naman tumatambay siya sa simbahan para magdasal. “Ate Wilma” Tawag ko sa kanya.
“Humahangos ka?” nagtataka nitong naitanong ng makalapit ako sa kanya.
“Kamusta Ate? Anong balita sa ospital?” Tanong ko muna, bago ko itanong ang aking sadya.
“Ganon pa rin, walang ipinagbago.” Malungkot niyang sinabi.
Lumapit ako ng mas malapit sa kanya upang kahit papaano ay pagaanin ang kanyang lungkot na nararamdaman. Tapos ay nginitian ko siya. “Ate Wilma, huwag kang mawalan ng pag-asa na isang araw, magigising rin ang iyong natutulog na katawan. Kasi ako, hindi ako nawawalan ng pag-asa para sayo. Ako ang isa sa pinakamatutuwa kung sakali na mangyayari yon.” Sinikap kong mapangiti si Ate Wilma kahit konti.
“Ngumiti ka lang Ate Wilma, hindi naman nawawala si Papa God, lagi lang siyang nandiyan nag-aantay ng tamang oras upang ipagkaloob yung bagay na matagal na nating inaasam-asam at madalas na idalangin sa kanya.” Muli ay sinabi ko.
“Dahil kung hindi, sana matagal na tayong kinuha ni San Pedro, saka dinala sa panibago nating tahanan. Hindi na sana tayo nagpapagala-gala rito habang pinag-iintay ng matagal.” Napatawa ko rin si Ate Wilma.
“Puro ka kalokohan, nagagawa mo pa talagang gamitin yan at gawin biro.” Nakatawa na sinabi ni Ate Wilma. “Pero salamat, Britzstone. Gumaan ang pakiramdam ko sa mga ginawa mo mapagaan lang loob ko at maging sa mga sinabi mo. Tama ka naman ron, siguro may plano pa sa atin yung nasa taas kaya’t hindi pa tayo pinasusundo kay San Pedro.” Si Ate Wilma naman ang siyang nagbiro. Nagkwento pa siya ng mga nangyari sa kanya sa buong maghapon na hindi kami magkasamang dalawa.