“Bakit hindi ka kumakain?" tanong ni Sheila sa kapatid niya. Ikinataka nito, nang mapalingon siya kay Mimi. Tahimik lang ito at tulala.
Kangina pa sila sa restaurant. Nung dumating sila. Ganun pa rin parang ghost ang pakiramdam niya at hindi siya mga pinapansin ng dalawang kasama niya. Tawanan ng tawanan ang dalawa habang mga nag-uusap pa rin. Habang siya, maliban sa ipinaghila siya ng upuan ni Jonathan ng makalapit sila sa mesa na itinuro ng waiter. Tapos na! Bumaling ulit ito sa kanyang Ate Sheila.
Ipinaghila din ito ni Jonathan ng silya bago umupo sa tabi niya. Bago din sinulyapan saglit si Mimi, saka muli tumingin kay Sheila.
Subalit, kahit na nakaupo si Jonathan sa tabi niya. Si Ate Sheila niya pa rin ang inaasikaso at kausap ni Jonathan. May mga times din na mapapahawak si Jonathan sa kamay ng kanyang Ate Sheila.
Sakali siya, hindi man lang sa kanya ginagawa, ang ginagawa nito kay Sheila. May mga oras din na bigla na lang sasabihin ni Jonathan. “Try this, ang sarap promise." Jonathan said it to Sheila.
Ang sakit! Nakakasakit naman talaga ng pride.
Naghintay ka ng ilang oras, sumama ka, dahil buong akala mo ay mawawala ang tampo na nararamdaman mo sa lalaking mahal mo. Dahil sa ang sabi nito at pangako ay babawi siya sayo. Pero, nagkamali siya.
Sa nakikita niya, hindi ito bumabawi sa kanya. Kundi sa kanyang Ate Sheila.
“Subo mo, try this." ang sabi pa ni Jonathan habang nasasaktan mas lalo ang puso niya. Kunwari pa si Sheila na hindi isusubo at tatanggi sa alok ni Jonathan mula sa kutsara na hawak nito na may laman at pilit na pinatitikman sa kanya, at ipina-susubo sa bibig nito. Mapapahawak pa si Sheila sa kamay ni Jonathan na may hawak na kutsara at sabay sila nagtatawanan na dalawa.
“Ang kulit mo!" maarte pang tugon ni Sheila. Pero, kanya din naman isusubo. Habang malapad ang pagkakangiti sa mukha. Bakas na bakas sa itsura ang kilig at saya na nadarama habang kinukulit ni Jonathan. Itong si Jonathan ay tuwang-tuwa pa habang ganun ang kanilang kulitan ni Sheila.
Mas nagtatawanan pa ang dalawa. At pakiramdam ni Mimi, siya ang pinagtatawanan ng dalawa. Na kinaliliit niya, nababastos siya ang nasa isip niya. Habang napabuga at nakatingin sa dalawa. Lalo na sa Ate Sheila niya na kinikilig ng husto na tila kinurot sa pwet habang maingay na tumawa.
“Kumain ka, masarap. Tama, ang sabi ni Jonathan. Masarap nga yung food. Bakit, hindi mo man lang ako niyayaya dito?" may tampo pang wikang tanong ni Sheila kay Mimi. Nang balingan si Mimi, nakasimangot ang mukha nito. Parang bata na nakanguso kay Mimi.
“Buti nalang pala at sumama ako sa inyo. Kundi ay hindi ko matitikman ang mga pagkain dito." aniya muli ni Sheila, habang gumalaw ang mukha nito at naibaling sa nakatawang, si Jonathan. Napahinto, at ngumiti kay Sheila.
“Di 'ba, tama ako?" anito ng tumugon si Jonathan at siya ang sumagot sa tanong ni Shelia sa kapatid niyang hindi man lang siya kinibo.
“Kumain ka na, sayang ang food." pahayag na sabi ni Sheila. Ng napa-buntong hininga. Ng si Mimi ang balingan matapos na alisin ang tingin kay Jonathan.
“Busog pa nga ako. Wag ka ngang makulit. And, nakakain ka na rin naman. Ano pang ikinatatampo mo? Plastic!" walang gana niyang tugon, nagparinig.
Umaandar na naman ang pagka-childish niya at tinarayan si Sheila. She sighed. Habang tinitingnan lang ang pagkain sa mesa. Nakatitig at hindi maalis ang tingin sa kanya ni Jonathan nang bigla mapahinto ito sa pagsasalita at pagtawa. Gumalaw din ang mukha nito at napabaling kay Mimi matapos ang paghinto sa pagsasalita habang tumatawa naman si Sheila na napahinto din sa kanyang pagtawa.
“Babe, okay ka lang ba? Bakit ganyan ka sumagot kay Sheila?" tanong ni Jonathan. Nagtataka.
Nag-uumpisa na naman ang init sa buong katawan ni Mimi, inaakyatan siya ng inis at galit mula sa dalawa. She breathes habang sumagot.
“D-do you think o-okay lang ako?" sagot niya, galit. Nanginginig.
Hindi na niya napigilan ang sarili at binara si Jonathan. She sighed nanginginig ang mga kamay at binti. Nagbabadya na muli bumuhos ang luha sa kanyang mata. Kaya agad niyang iginalaw ang mukha at iniiwas. Ngunit mabilis na nahuli ni Jonathan. Nahawakan agad siya sa mukha nito, kaya't nakita nito ang nangingilid niyang luha.
“Galit ka?" malambing na tanong nito, pinunasan ang luha sa mata niya. Nakatitig ito sa mukha niya nang tumugon siya kay Jonathan.
“A-ako? Galit?" she smirked, ingos niya, pagkaka-tugon n'ya kay Jonathan. Inalis niya ang kamay nito na nakahawak sa mukha niya.
“Don't even touch me. Nandidiri ako." she said angrily.
“Huh? Nandidiri? Saan? At ano ba'ng pinagsasabi mo?" gulat ang boses, ikinataka, ang nangyayari ngayon kay Mimi.
“Mimi, anong ba ang nangyayari? Why? Bakit ganyan ka kay Jonathan? Saka please, pinag-titinginan na kayo. Wag kang maging arrogant dito na parang walang ibang nanonood sa inyo. If kaya pang pag-usapan. After kumain, mag-usap kayo. Hindi yung ganyan." suhestiyon ni Sheila sa kapatid. She sighed. Tila nagalit sa inasal ni Mimi.
“Nakakatawa!" she answered Sheila.
Tiningnan niya ng masama ang dalawa. Sumiklab na siya sa galit dahil sa mga nagmamaang-maangan pa ang mga ito sa kanya.
Tumayo siya sa upuan.
Ngunit bago pa siya tumayo ay padabog niyang nahampas ang ibabaw ng lamesa na siyang ikinagulat ng dalawa. Napahinto sa pagsasalita si Sheila habang pinagsasabihan niya si Mimi dahil sa pagiging childish nitong ugali. Habang nasa loob pa sila ng restaurant at marami ang mga nakatingin. Mga nanonood sa kanila at ang mga mata nasa kay Mimi ang punta.
She breathes heavily habang tumayo sa upuan niya. “Tell me, sino ba ang girlfriend mo sa amin, ni Ate Sheila? Ako o siya? I think am I supposed wrong sa naisip ko. Mukhang si Ate Sheila ang girlfriend mo at ako ang chaperonnnn dito." nanginginig ang boses niyang sabi niya sa dalawa. Kanyang tinapat sila Sheila at ang boyfriend niyang si Jonathan na super sweet sa kanyang Ate Sheila.
“Kangina ko pa napapansin. Mali, nuon pa but I am trying to figure out kung mali ba talaga ang tumatakbo sa utak ko sa tuwing nakikita ko kayo na masayang magkasama at habang ako. Ganito! Parang tanga na naghihintay na baka pwede naman na pansinin niyo naman. At maisip niyo na may kasama pa kayoooo." bumuhos na ang luha niya sa mga mata. She's trying na marelax lang ang sarili. Chill lang at wag masyado paapekto at masakit. Pero, hindi na talaga kinaya ng powers ni Mimi. At tuluyan na siyang iginiba ng galit at selos na nararamdaman niya. Sumasakit din ang dibdib niya.
Ayaw niya sana ang magtanong. Lalo na at tila ayaw din ng utak niya. Mali, ang puso niya taliwas sa nais malaman ng isip niya, sana... Pero, nagbago bigla. Parang ayaw na niya malaman pa ang isasagot ng dalawa. Pero, bakit hindi niya pa rin napigilan ang sarili na kumprontahin ang dalawang kasama niya.
“M-mimi!" panunuway ng Ate Sheila niya sa kanya. Usal nito habang she whispered.
Mimi? She's trying to call me by my name.
Bakit?
Dahil sa alam niyang mabilis ako kakalma dahil sa mga ganun na strategy niya? Tawagin niya lang ako, suwayin ng ganito. Lalambot agad ako. Dahil sa takot.
Hindi na ako bata. To treat me like that.
Nakakatawa talaga itong si Ate Sheila. Bakit? Dahil sa gusto niyang pagtakpan pa? Dahil sa gusto niya iwasan pag-usapan? Dahil sa ayaw niyang maging magulo dito, at mas pagkatinginan kami ng mga tao?
“Tumigil ka na!" aniya ni Sheila sa nakababatang kapatid niya.
“Don't tell me Ate na mali ako. Am I right? May relationship ba kayo?" prangkahan niyang tanong. Hindi na siya nag-isip. She was laughed kahit ang sakit. Malakas niya ring tanong. Pero, idinaan nalang sa pagtawa upang mabawasan kahit konti ang sakit sa puso niya once aminin ng dalawa… Oo, meron.
“And ikaw!" Turo niya ng harapin si Jonathan. Nang balingan naman niya ito, ikinalingon ni Sheila sa kanila.
“Do you think na pinagsabay mo kami ni Ate Sheila. Ang saya na?" she smirked ingos niya. Mad face, para na rin siya ma-sisiraan, sa pagtatanong niya, at paghihintay ng kasagutan.
She was hysterically at hindi na mapigilan pa ang sunod-sunod niyang pagkompronta sa dalawa.
“I am so sorry! Mimi, patawarin mo ako." nang bigla na lang nagbago ang mukha ni Jonathan. Umiiyak na rin ito.
WOW! She sighed while she whispered.
Sabagay, she expected na rin naman na ganito ang eksena matapos niya komprontahin ang dalawa.
“Mga g*go! K-kelan pa?" ikinanginig n'ya, nang kanyang buong katawan. Maging ang boses niya garalgal at nanginginig.
“Sabi na eh! May mali! Sabi na eh! Meron talaga—"
“Mimi, sorry! Hindi ko naman sinasadya. Kasalanan ko rin. I am sorry." si Sheila, sabi nito, sinubukan na malapitan ang kapatid at yakapin.
“Don't even touch me. Nandidiri ako sayo, Ate Sheila. Pinagkatiwalaan kita. Lahat sinasabi ko sayo, even sa relationship ko kay Jonathan. But, why do you lie to me? Bakit hindi mo sinabi? Bakit?" sigaw niya at lahat ng mata ng tao sa restaurant nagtataka, nagtatanong kung ano ang nangyayari.
“Hindi namin sinasadya, Mimi. Natakot kaming sabihin sayo, aminin. Baka masaktan ka! At takot din ako na masaktan ka, kaya ako ang nagsabi kay Jonathan na wag nalang muna sabihin sayo. Please, wag kang ganyan. Wag dito." isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Sheila.
“Hindi sinasadya? Ayaw mong masaktan ako? Pero nagawa mo? Nagawa mo akong saktan— higit pa roon. Sobrang sakit, Ate Sheila. Ang sakit-sakit ng ginawa mo. Ikaw pang kapatid ko talaga na halos Nanay na ang turing ko sayo, best friend ko na siyang lahat nakakaalam ng mga bagay na tungkol sa buhay ko. Ang sakit-sakit talaga Ate Sheila, napakasakit." naiangat niya ang dalawang palad nya at sinaklob sa kanyang mukha.
Umiyak si Mimi, habang nakatakip ang mga palad sa mukha niya. Nanginginig pa rin ang katawan niya sa galit.
Lumakad naman muli si Sheila upang yakapin sana si Mimi. Kaya lang mabilis na naramdaman ni Mimi ang paglapit ni Sheila. “Wag kang lumapit."
“Mimi, ako may kasalanan. Wag ka kay Sheila magalit." turan ni Jonathan, nakikiusap.
“Isa ka pang g*go ka! Almost the time na magkasama tayo, habang tumatakbo ang relationship natin. Habang mas minamahal kita ng husto. Habang na-gagawa niyo naman pala ako lokohin ng sira-ulo kong kapatid—"
“Mimi, stop. Masyado na nakakahiya. Wag dito." panunuway na naman ni Sheila.
“Stop?" bulalas ni Mimi.
“Ngayon na-gagawa mong pahintuin ako? Matapos niyo lokohin? Matapos niyo paikutin? Matapos niyo akong paglaruan? Naging masaya ba kayo? Na... na-kikita niyo na ganito? Nasasaktan ako? Nahihirapan ako? Halos nadudurog… dahil sa kagagawan niyong mga tar*nt*do kayo—"
Bumuhos na ang matinding galit kay Mimi at hindi na ito mapigilan ng dalawa sa kung ano-ano ang lumalabas sa bibig niya. Sinampal niya si Jonathan ng hindi siya makatiis ng sabihin nito. “Minahal naman kita, Mimi. Maniwala ka! But, dahil sa madalas mong pagiging childish…" Hindi na natuloy ang sasabihin nito ng mag-asawang sampal ang lumapag sa magkabila niyang pisngi.
“Nakita mo? Sa ganyan na ganyan na ugali mo kung bakit na fall-out ako sayo. Kung bakit nabaling ang pagmamahal ko kay Sheila. Napakabait kasi ni Sheila at more matured mag-isip kesa sayo. Ikaw, pag-magkasama tayo. Ang hirap mag-adjust alam mo ba yon? Ang hirap, sobrang kailangan ko pang makibagay sa mga gusto mo na malayo naman sa mga gusto ko. And, tulad ng nasabi ko. I need to ride on sa lahat ng mga—" isang napakalakas na sampal muli ang lumagapak kay Jonathan.
Namula ng husto ang mukha nito, halos pumutok, mali. Mabasag ang kanyang panga sa lakas ng sampal ni Mimi sa kanya.
Hindi na nito nagawa na makapagsalita dahil sa isang malakas na sampal ulit ang sumunod matapos ang isa.
Humihikbi si Mimi. Galit na galit talaga siya. Lumapit si Sheila kay Jonathan na nakahawak sa magkabila niyang namumula, naninigas at nangitim niyang pisngi.
Si Mimi, agad siyang tumakbo palabas ng restaurant. Agad din na humabol sa kanya si Sheila. Subalit, makaraan ang sandali ay napigilan din ito ni Jonathan.
“Susundan mo? Wag mo na balakin na sundan. Hayaan mo siya—" anito ni Jonathan nang hawakan sa braso si Sheila.
Tumakbo ng tumakbo si Mimi. Hindi niya alam saan siya papunta at tutungo. Basta tumakbo lang siya, hanggang sa isang sasakyan ang sumalubong sa kanya at binangga siya.
Bumagsak siya sa kalsada. Tumilapon, at sa pagbagsak niya tumilapon muna siya sa kotse. Tumama ang ulo niya, ang buong katawan niya bago tuluyan sa sementadong kalsada siya bumagsak at kumalat ang dugo.
Napansin ni Mimi, nakita niya ang dugo mula sa pumutok niyang ulo. Nanginginig ang buong katawan niya at hindi makapagsalita kahit naibuka niya ang bibig. Walang boses na lumalabas.
Nakita niya ang mga tao sa loob ng sasakyan. Sila Ate Sheila niya at ang lalaking minahal niya pero nagawa siyang saktan. Bago pa man siya napapikit ang mata. Narinig niya, pero malabo sa pandinig niya ang sinabi ni Jonathan.
Ang lalim ng iniisip ni Mimi. Mula ng magkahiwalay sila ni Britzstone naiwan siyang napatulala nalang at nag-iisip.
Iniisip niya ang sinabi na yon ni Jonathan bago siya nawalan ng malay. Subalit, hindi niya maalala. Hindi niya gaano narinig dahil sa unti-unti na bumagsak ang mga mata niya.
Ano kaya yon? Bakit ganun ang tingin nila sa akin? At ano ang pinag-uusapan nila ng mga oras na yon? sambit niya habang naibulong. Pilit niya pa rin inaalala. Ngunit walang pumapasok talaga sa isipan niya. Ano nga kaya iyon?