CHAPTER 5

1801 Words
“Babe!" sabay sila mga napalingon ni Sheila. Doon sa boses na bigla nalang tumawag na kinalingon nila ng sabay at laking gulat nila nang makita si Jonathan. Dumating na rin pala ito sa wakas sa may dalawang oras na paghihintay ni Mimi sa kanya. Sa itsura ni Jonathan tila nabigla din ito nang sabay makita ang magkapatid na tumingin sa kanya. Pero mabilis din ito nakabawi at nginitian ang dalawa saka nilapitan si Mimi. Lumakad siya na inihakbang ang mga paa papunta sa gawi ni Mimi na nakabusangot ang mukha at animo'y nagtatampo sa pagiging sobrang late ng kanyang boyfriend. “Kumain ka na?" gulat nitong tanong ng makita ang mga pinagkainan ng dalawa at mapadighay si Mimi sa sobrang kabusugan. Agad din tinakpan ng kamay ang bibig. Nakaramdam agad ng hiya tuloy bigla si Mimi. Napalingon din si Jonathan kay Sheila, ikina-buntong hininga nito habang nakatingin kay Sheila. “Sorry, na-late ako ng dating. Sobrang busy kasi sa office ang daming trabaho. Kaya now lang ako nakatakas. Kumain na pala kayo?" pahayag nito ng magpaliwanag pero kay Sheila nakatingin habang nagsasalita. Saka lang siya lumingon kay Mimi ng matapos na magsalita. “Sorry, Babe. Hindi ko alam na aabutin ako ng matagal sa meeting ko at sa mga reports na tinapos ko. Kailangan na rin kasi maipasa ngayon." sabi niya kay Mimi. Lumapit siya ng mas malapitan at saka nihawakan ang mukha ni Mimi ng dalawang kamay sa magkabilang pisngi. Saka niya ito tinitignan at tinitigan ng animo'y nagsusumamo na mapatawad siya ni Mimi sa paghingi ng sorry. “Pero babawi ako. Promise!" pahayag na sabi ni Jonathan at nangako na naman siya kay Mimi. “Wag na, busog na ako." walang gana na sagot niya. Pakiramdam niya habang kaharap niya ang kanyang Ate at si Jonathan ay may tila kakaiba siyang nararamdaman. Weird! Parang may nasense siyang iba talaga lalo ng hindi inaalis ni Jonathan ang tingin kay Sheila habang ito ay nagsasalita at nagpapaliwanag. “Babe, galit ka?" malambing na sabi nito at ngumuso. “Hindi! Ayos lang ako. Babalik na ako sa work ko. Kumain ka nalang ng mag-isa mo." sabi niya, galit. “Babe, naman oh! Wag ka na magalit!" nang yakapin siya nito na kinaiwas niya pero mabilis din siyang nahila nito at nayakap. “Sabi ko naman di ba! Babawi ako, halika kumain tayo sa favorite mong restaurant at libre ko." sabi ni Jonathan. Napa-tulala na lang siya at napaisip. Napatigil si Mimi, naisip niya na noon ay mas madalas siya ang gumagastos sa bawat lakad, kain nila sa labas. Sa mga date's nila na siyang madalas din ang nagyayaya. At madalas gumagastos at naglalabas ng pera dahil sa siya ang nahihiya kay Jonathan. Minsan nagpaparinig din kasi ito. Si Jonathan na may pagka-kuripot. Pero ngayon, nagulat siya ng magpresinta si Jonathan na ito ang magbabayad ng kakainin nila sa favorite niyang restaurant. She sighed. Himala kasi na si Jonathan ang unang nagpahayag na manlilibre. Sa kabila minsan kahit anong pangungulit niya ay nahihirapan siyang mapag-labas ng pera si Jonathan. “Tara na!" hila nito. Pero napalingon din kay Sheila. “Gusto mong sumama?" Umiling, si Sheila. “Hindi na, makaistorbo lang ako sa inyong dalawa. And, kumain naman na kami ni Mimi bago ka pa man dumating. Look, andami nga niyang nakain." ikina-buntong hininga sabay na tumawa si Sheila. Mas naging weird para kay Mimi ang kinikilos ng Ate Sheila niya at isama pa ang pangungulit ni Jonathan na sumama ito sa kanila. “Halika na, hindi ka naman magiging istorbo. Sasama ka lang naman at kakain tayong tatlo. And besides, ngayon lang ako manlilibre." pahayag nito na ginawa niyang biro mapilit lang si Sheila sumama sa kanila. “Sumama ka na!" nang bitiwan ni Jonathan ang kamay ni Mimi, saka ito humawak sa kamay ni Sheila. Napapitlag si Sheila ng dumampi ang kamay ni Jonathan sa kamay niya at magdikit iyon. Ikinagulat niya at nasa harapan pa nila si Mimi na nakatingin sa kanilang dalawa na parang nawala sa sarili. Nawalan siya ng kibo habang titig na titig sa kamay ni Jonathan na nakahawak sa kamay ng kanyang Ate Sheila. Hindi talaga niya mawari sa sarili. Pero nakaramdam siya ng kirot at selos. “Sasama ka di ba?" pahayag na pangungulit na tanong nito kay Sheila. Kay Sheila pa rin ito nakaharap at parang nawala ang atensyon ni Jonathan sa girlfriend niya nang dahil sa pamimilit nito kay Sheila. Dahil sa binitawan niya si Mimi, habang si Sheila ang hinarap nito. Napaatras si Mimi na kanyang kinangilid ng luha sa mga mata. Kung tutuusin nuon pa siya nagkaroon ng pagdududa sa kanyang Ate Sheila at sa boyfriend niyang si Jonathan. Hindi lang siya kumikibo at iniisip niya nuon na normal lang dahil sa kapatid niya si Sheila. Kaya ganun makitungo si Jonathan dito. Pero, sa ngayon na nakikita niya. Iba na talaga! Mukhang tama ang naglalaro sa utak niya may kakaiba nga talaga sa dalawang nasa harapan niya ngayon. Lalo sa nakikita ng dalawa niyang mata sa sobrang pagkasweet ng dalawa. “Sama ka na ahh!" hawak pa rin ang kamay ni Sheila at hindi na napansin pa si Mimi. “Labas niyong dalawa 'yan eh! Dapat di ako kasama." malambot na pagbigkas ni Sheila, na tila ba nahihiya habang tila ay kinikilig rin mula sa itsura ng mga tinginan nilang dalawa na malagkit sa isa't-isa. Napalunok, si Jonathan. Tinitigan niyang maigi ang nahihiyang si Sheila. “Okay lang, this is not a date. Lunch lang naman ito, kaya okay lang na magkasabay-sabay tayo di ba?" pamimilit pa din nito. “Okay lang, Babe di ba?" nang lingunin si Mimi at tanungin. Subalit nanlaki ang mata nila sa gulat ng makita nila ang umiiyak na si Mimi. Tumutulo ang luha nito habang titig na titig pa rin sa kanila. Nakatayo ito, nakaatras na rin ito may kalayuan ng kaunti at naghahanda na rin tumakbo palayo sa kanilang dalawa. Subalit napatigil ito nang biglang napalingon sa kanya si Jonathan upang tanungin siya sa pagyayaya nito sa kanyang Ate Sheila na sumabay sa pagkain nila sa labas… nang lunch. “Babe, anong nangyayari? May problema ba?" tanong agad nito ng bitiwan ang kamay ni Sheila at takbuhin siya upang lapitan. “Ayos ka lang? Sorry, alam kong fault ko. Kasalanan ko na pinaghintay kita kangina. But, wag ka na umiyak okay. Kakain na lang tayo ng mga favorite mo, sa favorite mong restaurant. So, wag ka na umiyak pa okay." anito ni Jonathan. “Tingnan mo, pumapangit ka tuloy." pinapahid nito ang luha sa mga mata niya na tumutulo. Humikbi si Mimi habang pinupunasan pa rin ni Jonathan ang magkabila niyang mata. Hindi kasi tumitigil ang luha niya. Nasasaktan talaga siya sa nakita niya kangina sa dalawa. “Halika na, kakain na tayo. Sheila, halika na." Aya nito kay Sheila. “Mimi, okay lang bang sumama ako?" tanong ni Sheila. Tumango na lang siya, alam niyang hindi man siya pumayag. Pipilitin pa rin ito ni Jonathan. Sobrang nakaramdam siya ng pagkirot sa dibdib niya dahil sa nakita niya habang nagpipilitan ang dalawa. Pakiramdam niya pa sa sarili niya ay talagang nagseselos siya sa kanyang Ate Sheila. Pinunasan niya ng panyo ang luha niya. Napapa-hikbi pa rin siya habang naglalakad sila palabas ng kumpanya nila. Lalo na sa tuwing mapapansin niya ang mga tingin ni Jonathan at ganun din ang Ate Sheila niya. Nagtatawanan pa ang mga ito habang nag-uusap. Siya naman, habang nakaakbay si Jonathan sa kanya. Kay Sheila naman ito nakasulyap ang mukha. Kay Sheila nakabaling ang mukha nito habang masayang tumatawa. She breathes heavily habang kinakausap ang sarili na wag mag-isip. Kaya nga lang ay hindi mawala sa isip niya ang isipin na mayroon namamagitan talaga sa kanyang Ate Sheila at sa boyfriend n'yang si Jonathan. Wag ka na mag-isip pa, Mimi. Baka mamaya mayroon lang talaga sila mga pinagsamahan. Kelan ka lang naman di 'ba pumasok sa company niyo? Mas nauna si Ate Sheila mo na makilala siya, bago kayo nagkakilala ni Jonathan. sabi niya sa sarili habang diretso sa daan ang tingin. Totoo naman ito. Kelan lang siya napunta at pumasok sa office nila matapos siyang magpahinga sa loob ng isang taon matapos siyang grumaduate sa college. After a year saka lang talaga siya napag-isip na subukan na pumasok sa kanilang kumpanya at magtrabaho kasama ang Ate Sheila niya. Na siyang namamahala sa maraming taon sa kumpanya na naiwan sa kanila. Matapos niya manatili ng ilang buwan upang magtrabaho sa company. Duon niya nakilala si Jonathan. Lumapit ito sa kanya at madalas niyang makausap. Una sobrang saya niya kasama ito, kaya mabilis nahulog ang puso niya sa mga magigiliw at malamig nitong pananalita sa tuwing magkasama sila. Kaya ng magawa nitong ligawan siya. Agad niya ito sinagot at walang pagdadalawang isip na sinabi niya na mahal na niya ito. Wag ka na, umiyak! Pigil niya sa mga matang papatulo muli ang luha. Ikalma mo lang si self. Kakain lang naman kayo kasama si Ate Sheila mo. And, besides ay hindi naman siya iba sayo. So, hayaan mo na, wag mo na lang sila pansinin pa, lumakad ka lang. Kumain sa oras na hainan ka ng pagkain. Just relax, nang hindi ka mas maapektuhan. muli niyang pahayag sa kanyang sarili. Habang busy na kinakausap niya ang sarili na lang niya habang ang dalawang kasama niya ay busy sa mga pinag-uusapan. “Alam mo ba, si Arthur balita ko mapromote na raw? Hindi ba, isa sa mga pumorma sayo yun dati? Bakit nga pala hindi mo siya sinagot? Nakapagtataka!" aniya ng nakatawa ni Jonathan habang itinanong kay Sheila. “Naku, wala naman panliligaw na naganap. Bulungan lang sa office. Hindi naman talaga ako ang gusto niya ano… Si Lucy, nakita mo yung sekretarya ko na sexy? Siya ang mga tipo ni Arthur. Ano ba naman ang laban ko sa isang yon? Eh, hamak na ganito ang itsura ko… Sa itsura ni Lucy, mga gaya ni Arthur ang hahabol sa kanya." pahayag na tugon naman ni Sheila. Naitsapwera na talaga si Mimi at hindi na napansin pa ng dalawa habang naglalakad sila. Hindi na talaga siya napansin ni Jonathan at tuluyan na nawala siya sa mga ito at nabura, na may isa pa sila kasama habang papunta sa kabilang kanto sa paborito na restaurant ni Mimi. Hindi na nga siya napansin ng dalawa at nawalan na siya lalo ng gana. Kung maaari na nga lang na umalis nalang siya at wag sumama. Hindi na sana siya sasama. Kaya nga lang ay naka oo na siya sa mga ito at malapit na sila sa restaurant na pupuntahan nila ng alisin ni Jonathan ang kamay na nakaakbay sa kanya. Napatingin nalang siya habang turo ni Jonathan ang restaurant. “Ayan na, malapit na tayo." masayang bigkas na sabi nito kay Sheila. Hindi sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD