CHAPTER 7

1336 Words
“Hindi mo naman siya tunay na kapatid. Sheila, don't even you understand ang madalas kong sinasabi sayo? Hindi mo kailangan na palagi nasa tabi ni Mimi. And, besides hindi naman kayo tunay na magkadugo. Kung tutuusin nga, dapat nga alisin mo na rin siya sa landas natin." pahayag na sabi ni Jonathan habang nakatayo sila sa harapan ng nakahiga at in coma na katawan ni Mimi. “Please, stop!" nagngingitngit na sabi niya. Pa-hikbi-hikbi si Sheila sa kanya pagsasalita habang nagpuputol na sabi niya. “I-ikaw ang may kasalanan nito, Jonathan." sabi niya, bintang niya. Pagtuturo at pagtutulak na si Jonathan ang siyang may kasalanan kung bakit nakahiga si Mimi sa kanilang harapan na dalawa. Kung bakit ito nasa sitwasyon na hindi niya naman talaga kagustuhan. Si Jonathan, siya ang may kasalanan habang pinipigilan niya ito. Subalit, huli na at nabunggo na nito si Mimi at tumilapon. Shock ang mukha ni Sheila nang mga oras na yon. Hindi siya halos makagalaw sa kanyang pagkakaupo, sa upuan. Sa passenger seat kung saan katabi niya si Jonathan na nakaupo sa drivers seat na siyang nagmamaneho ng mga sandali na yon. She told Jonathan na wag nito ituloy. Subalit mabilis ang pagpapatakbo nito sa sasakyan na dapat ay hahabulin lang sana nila si Mimi. Ngunit biglang nagbago ang itsura ni Jonathan na parang isang demonyo na nagdilim ang paningin at plinano niyang sagasaan si Mimi. Hawak niya ang manibela. Nakikipag-agawan siya kay Jonathan. Ngunit talagang huli na, malayo pa lang si Mimi. Sakto sa pagtawid nito. Siyang pagdating ng sinasakyan nila na sasakyan ni Jonathan. Hindi siya makagalaw. Tumulo agad ang luha sa mata ni Sheila habang napatulala at nakatitig sa katawan ni Mimi na nakatingin sa gawi nila. Nasa loob pa sila ng sasakyan ng mga oras na yon. Hindi niya pa alam kung paano siya bababa sa sasakyan at haharapin si Mimi habang ito ay kumalat na ang dugo sa kalsada. Marami na mga tao ang mga nakatingin sa kanila. Sa katawan ni Mimi na nakahandusay sa sementadong kalsada. Na mas lalo pa nakapag-palakas ng kaba ni Sheila at takot na baka dumugin sila ng mga tao sa paligid. Ang tagal pa napatulala ni Sheila habang pinipigilan siya ni Jonathan ng mga oras na yon na wag na tangkain na bumaba ng sasakyan. Subalit, makaraan ang ilang minuto. Nanginginig ang mga kamay, binti at buong katawan. Sinubukan niyang bumaba at lapitan si Mimi. Nang makababa siya. Nagsi-paglingon sa kanya ang mga tao. Nanginginig siya na inilakad niya ang kanyang mga paa. Inihakbang niya ng dahan-dahan papalapit sa nakahigang si Mimi at napansin niya rin. Natanaw ng kanyang mata ang luha sa mga mata ni Mimi na kusang pumatak habang sa gawi niya nakatingin. Hindi na gumagalaw ang katawan ni Mimi. Hindi na maigalaw nito. At maraming dugo na ang siyang nagkalat sa sahig. “Mimi!" she whispered habang nakatayo sa nakahigang si Mimi. Nanginginig pa rin ang katawan niya hindi alam ang gagawin ni Sheila. Mas dumami pa ang mga tao sa paligid at hindi niya napansin na katabi na niya si Jonathan. Nagsorry pa sa kanya si Jonathan na parang natauhan sa nagawang krimen. Niyakap siya nito habang dumating na rin ang mga pulis, at ang ambulance na maingay na nagkakagulo na rin na sinipat ang lagay ng katawan ni Mimi. Napansin din ni Sheila na kinaiyak niya. Ikina-buhos, nang kanyang maraming luha sa kanyang mata ng pumikit na kusa ang mata ni Mimi, matapos na mapansin na tila may nais ito sabihin bago nawalan ng malay. Inalo siya ni Jonathan at sinabi na wala siyang kasalanan. Wala sila kasalanan na dalawa o alin man sa kanila. Dahil sa ipinagpilitan nito na isang aksidente ang nangyari ng mga oras na yon. Walang sino sa kanila ang may kagustuhan. Lutang ang utak ni Sheila ng mga oras na yon. Hindi siya makausap matapos ang nangyari sa kapatid niya. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa kapabayaan niya… Kaya't nangyari ang bagay na kinakatakutan niya. Kaya nga lang ay mahal niya si Jonathan. Ang bagay na hindi niya rin inaasahan na mangyayari sa kanya. Ang mahalin ng sobra at mahulog ng tuluyan sa lalaking minamahal ng itinuturing na rin niyang kapatid. Matapos ang araw na yon. Si Jonathan nay hindi umalis sa kanyang tabi. Inalo siya nito at hindi iniwan. Pero, tila nalason ng pagmamahal ang kanyang utak. Ngayon, napansin niya matapos ang marinig ang mga pinagsasabi na walang kwenta ni Jonathan. “Ano ka ba! Hindi ka ba masaya na ganyan si Mimi? Masaya tayo at malaya na hindi na kailangan pang itago ang relasyon nating dalawa. Walang pinagtataguan. Nailalantad natin sa marami ang pagmamahalan nating dalawa." giit na sabi ni Jonathan sa kanya na kinarindi ng tenga niya. “Naririnig mo ba ang pinagsasabi mo?" galit na sabi niya sa boyfriend niyang si Jonathan. Binara niya ang mga salitang binitawan nito na hindi niya totally nagustuhan. “Okay, sorry." bulas na bigkas nito nang humingi agad ng sorry sa nagagalit na si Sheila. Depression! Sa ngayon ay nakakaranas ng matinding depression si Sheila at ayon sa doctor na tumingin sa kanya ay kina-kailangan niya ang taong gagabay, iniintindi siya sa kanyang napag-dadaanan, at mag-aalaga sa kanya, na nagpapakita din ng pagsuporta at pagmamahal kay Sheila habang pinagdadaanan ang bagay na nakapagbibigay dito ng matinding depression sa kanya. “Iwan mo muna ako, saka na tayo mag-usap." sabi niya, she breathes heavily habang nakatingin kay Mimi ang kanyang mata. “Sheila?" anito na sambit ni Jonathan. “Gusto ko makapag-isip muna. Please, iwan mo muna ako." sabi nito, utos kay Jonathan. Hindi niya rin makakaya na makipagtalo kay Jonathan lalo at mahal na mahal niya ito. Ito lang din ang tao na nasasandalan niya sa ngayon na nakaratay si Mimi sa hospital. Walang ibang tao ang nakakausap niya at maaari niyang mapaglabasan ng kanyang dinadamdam. At maaari na makinig sa kanyang mga hinaing habang kanyang sinisisi ang sarili kung bakit nangyari ito kay Mimi. “Please, Jonathan. Hindi ko magagawa at makakaya na magtalo tayo. Please, iwan mo muna ako. Hayaan mo muna ako makapag-isip at maisip ko ang dapat kong gawin." she said habang tumulo na naman ang luha sa mga mata niya. “Okay, if you need me. Nasa labas lang ako." he sighed nang ihakbang na nito ang mga paa papalabas sa may pinto ng kwarto ni Mimi sa hospital. Naiwan na mag-isa si Sheila. Umaagos na ang luha niya. Maraming luha ang bumuhos mula sa kanyang mata habang usal. “Patawarin mo ako, Mimi. Kasalanan ko, kung bakit ka nagkaganyan. Hindi ko sinasadya. Hindi ito ang nais ko. At lalong— Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari sayo." aniya usal na sabi niya habang humagulhol ng pag-iyak. “Hindi, Mimi. Hindi, ganito ang gusto ko." sabi niya muli at hindi na tumigil ang luha. Ang pagtulo ng luha n'ya sa mata. Nag-dire-diretso na nang bagsak ito at umagos sa mukha niya na tumutulo. Pinahid nya ito ng kamay niya. Subalit, panay pa din ang pagtulo niyon. “Mimi, patawarin mo ako, please. Patawarin mo ako." niyakap niya ang katawan ni Mimi na walang malay. “Patawad, patawarin mo ako…" hagulgol niya ng pag-iyak habang nabasa na nang luha niya ang suot na hospital gown ni Mimi. Hindi naman siya narinig ni Mimi, pero panay ang paghingi niya ng tawad dito. Paulit-ulit lang ang kanyang paghingi ng sorry kay Mimi. Hindi siya tumigil hanggang mapaos na siya at makaramdam ng pagbigat ng kanyang mata. Labis niya sinisisi talaga ang sarili at hindi siya pinapatulog talaga ng tuluyan dahil sa pag-iisip kay Mimi. Pero, dahil sa pagbigat ng kanyang mga mata. Nakatulog na pala si Sheila habang humihingi ng tawad kay Mimi. Naabutan na lang siya ni Jonathan na nakatulog sa gilid ni Mimi. Kaya lumabas na lang muna ulit ito matapos na kumutan si Sheila. Hinayaan na lang niya na makatulog si Sheila muna. Habang sinulyapan pa niya muna ang natutulog na si Mimi. He breathes heavily saka tuluyan na lumabas ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD