Chapter 4

2324 Words
Allison's POV NAPALUNOK na lamang ako sa sobrang kaba na nararamdaman at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko lalo na ay nalaman niya kung ano ang trabaho ko. "Let's go." Utos ng anak ni maam Melissa na may asul na mata. Kahit naguguluhan ay sumunod naman ako pero napahinto ako ng magsalita iyong lalaki "You will go with him?" Napahinto ako sa paglalakad at dahan-dahan napatingin sa likuran."I thought you're different but I'm wrong." hindi ko alam pero parang may kumurot sa dibdib ko sa mga salitang binitawan niya. Napaiwas na lamang ako ng tingin at nagsimulang maglakad paalis roon. Hindi ko na hinantay pa ang anak ni maam Melissa. Ng makaalis na ako doon ay tila nakahinga ako ng maluwag. "Salamat nga pala--" "You don't need to thank me." Malamig na putol niya at nilagay ang dalawang kamay sa loob ng bulsa. Naglakad na ito papalayo habang ako naman ay nakatitig lang sa likuran niya na naglalakad papalayo sa pwesto ko. Napakuyom ako sa inis dahil 'di ko nagustuhan ang inasta niya. Ako na nga itong nagpapasalamat tinanggihan pa.  Mabuti pa ang mama niya ay sobrang bait 'di tulad niya na sobrang sungit. Tinalo pa ang babaeng may menstration sa sobrang antipatiko. Nagsimula na akong maglakad papuntang hospital ng biglang pumasok muli sa akin isipan ang sinabi nung lalaki. "I thought you're different but I'm wrong." Ano'ng pinagsasabi niya? Aish! Tigilan mo na ang pag-iisip sa kaniya Allison. Habang naglalakad papuntang bus station ay tumunog ang aking cellphone kaya mabilis ko iyong sinagot. [Allison success ang opera sa mama mo!] Para akong na-estatwa sa sinabi ni Naja at tila di makapaniwala. Anumang oras ay babagsak ang luha sa aking mga mata. "A--anong ulit sabi mo?" Pagkukumpirma ko. [Bongi lang? Ang sabi ko success, ligtas na ang mama mo sa sakit niya!] Masayang sambit nito. Tuluyan ng bumagsak ang luha sa mata ko dahil sa tuwa na nararamdaman.  "Papunta na ako diyan." Pinatay ko na ang tawag at nagmadaling sumakay ng bus papuntang hospital. Gusto ko ng makita si mama at mayakap siya ng sobrang higpit. Para akong tanga dito sa bus dahil umiiyak kaya pinagtitinginan na ako ng mga tao sa paligid at bakas sa mga mukha nila ang pagtatakha. "Bayad po." Abot ko kay manong at bumaba na.  Pagkarating sa hospital ay mabilis akong sumakay ng elevator at pinindot ang floor kung saan nakapwesto si mama. Ng tumunog na ang elevator ay nagmamadali akong naglakad hanggang sa nakita ko si Naja na nakatayo na kaagad naman akong nakita. Nakangiting kumaway ito sa akin at tinawag ang aking pangalan. "Allison dito!" Aniya. Nagmamadaling lumapit ako sa kaniya habang nangangatog pa rin ang aking kamay sa saya. "Kamusta si mama?" Nag-aalalang tanong ko. "Maayos na siya at naging tagumpay ang operasyon." Napahikbi na ako sa saya at mahigpit na niyakap si Naja. "Salamat sa Diyos at ligtas si mama." Naiiyak kong sabi sa kaniya at narinig ko ang mahinang pagtawa nito.  "Sinabi ko naman sa'yo na magiging success ang operasyon ni tita," kumawala na ako sa pagkakayakap at hinarap si Naja. "Saan ka nga pala nakakuha ng ganoong kalaking pera at nabayaran mo na ang hospital bill ni tita?" Tanong nito dahilan para makunot ang noo ko. "A--ako ang nagbayad na?" Nanliit naman ang mata niya kasabay ng pagtango. "Oo, noong pumunta ako sa front desk para tanungin kung magkano ang total ng hospital bill ni tita ay sinabi nila na bayad na kaya ang akala ko ay ikaw ang nag-bayad." Paliwanag nito.  "H--hindi ako ang nagbayad. Ang totoo niyan ay nasa akin pa ang pera mo at perang nakuha ko sa bar." Ipinakita ko sa kaniya ang pera na nakuha ko na kulang pa sa hospital bill ni mama lalo na't baka tumagal siya rito ng ilang araw. "Ibig sabihin hindi ikaw ang nagbayad? Edi sino naman ang taong butihin ang puso na tumulong para bayaran ang hospital bill ni tita?" Kunot noong tanong niya na kahit ako aya hindi rin alam. Hindi ko rin inaasahan na may magbabayad sa hospital bill ni mama. Imposible din na baka nagkamali lang ang front desk dahil kinukumpirma talaga nila kung sa taong iyon ang bayad para sa opera."Basta ang mahala ay naging ligtas na si tita dahil sa kaniya. Siguro kapag nakita mo siya magpasalamat na lang tayo sa kaniya dahil sa tulong niya." May punto is Naja kaya napatango na lamang ako. Sana ay makilala ko kung sino ang taong nagbayad ng hospital bill ni mama para mapasalamatan siya.  "Tama ka. Pero paano ko malalaman kung sino siya?"  "Ayan din ang hindi ko alam." Sabay taas baba ng balikat niya. Hindi na namin muling pinag-usapan pa ni Naja kung sino ang nagbayad ng hospital bill ni mama pero may parte sa akin na umaasang makilala siya. Lubos akong nagpapasalamat dahil sobrang buti ng kaniyang puso. ***** Lion point of view F*ck that man! "Hey can I sit here?" I looked at the woman standing right now in front of me and I just ignored it.  Damn as if I care "I'll take that as a yes." walang anu-ano ay umupo ito sa katabi kong sofa. "Hindi ko alam na ang isang Lion Hills ay nag-iinom mag isa ng walang kasamang ibang babae? Nakakapanibago." Sarcastic nitong dabi. I glared at her. "Don't try me lady." Nanghahamong kong sagot. Napainom na lang muli ako sa hawak kong baso ng alak at ininom iyon ng mabilis.  "Why? I'm just stating the fact." Natatawang aniya. Napangisi na lang ako at tumayo ng sofa. "Sorry I have to go." Narinig ko pang tinawag ako nito pero wala talaga ako sa mood para landiin siya. Why? I don't know either. Sumakay na ako ng kotse at madiin na napahawak sa manibela. Sa tuwing naaalala ko ang pangingialam ni Jaycob ay parang nag-iinit ako sa galit. Binuhay ko na ang makina ng kotse at nagsimulang paandarin ito. Hindi ko alam pero parang wala ako sa sarili na nagmamaneho at lutang ang isip kahit subukan ko pang magfocus sa daan. Napansin ko na lang na napadpad ako sa lugar na lagi kong pinupuntahan sa tuwing nakakaramdam ako ng stress.  Mabilis akong lumabas ng kotse at sumandal dito kasabay ng paghithit ng sigarilyo. Ito lang ang nakikita kong magandang lugar kung saan siguradong mapapagaan ang pakiramdam mo. But everytime I am here it's just torturing me. I remember how they fool me at pinagmukhang tanga. Pinunasan ko na lang ang luhang tumulo sa aking mata pero isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Galit. Napahiga na lamang ako dito sa harap ng kotse ko at tinitigan ang mga bituin-- Tsk it's awkward, but It makes me calm. "Zac nasaan ka na?" Tila nakunot ang noo ko ng marinig ang sigaw di kalayuan sa pwesto ko. Boses ng isang babae at alam kong hindi ako nagkakamali.  ***** Allison's Point Of View NAPASAMPAL na lang ako sa noo ko dahil malalagot ako nito kay Naja kapag nawala ko ang aso niya. Nakakainis! Hindi ko naman talaga sinasadya na mabitawan ang lubid dahil sa sobrang tuwa ko lang na makapunta sa ganitong lugar lalo na ang mga nagliliwanag na bahay mula sa ibaba nitong bundok. "Zac nasaan ka na?" Napanguso na lamang ako habang tinatawag ang pangalan ng aso pero napatigil ako ng makita ang isang itim na kotse. Mas nilapit ko pa ang aking sarili para titigan ang kotse. May tao ata. Nagkibit balikat na lamang ako at naglakad na ulit para hanapin ang aso ni Naja. "Zac magpakita ka na!" Sabay tingin ko sa paligid.  "Who are you?" Napahinto ako sa pagtuwad ng marinig ng britonong boses mula sa likuran ko. Bigla akong napalunok dahil sa kabang nararamdaman. Paano kung masamang tao siya? Ganito ang mga nangyayari sa balita tapos ang gagawin ay pahihirapan ka o di kaya'y rarapin. No! Hindi pwede. "I said who are you and why are you here?!" Galit na aniya. Napapikit ako ng mariin para lakasan ang loob hanggang sa dahan-dahan na akong humarap. "Sorry may hinahanap lang kasi ako si Zac-- Ikaw?!" Gulat kong tanong kasabay ng pagturo sa kaniya. B--bakit nandito siya? Sinusundan niyaba ako? Bigla nitong itinapon ang upos ng sigarilyo ay tinapakan. "S--sinusundan m--mo ba ako?" 'di ko na mapigilan ang magtanong. Napaka-imposible naman na pupunta siya rito eh ang mga katulad niya ay laging nasa bar ng ganitong oras. Napangisi naman siya at nilagay ang kamay sa dalawang bulsa. "Why? There is something wrong if I'm here?" Mabilis akong napailing ako sa tanong nito."Then good. How about--"sabay lapit ng mukha niya sa akin. "Let's discuss the night with me, you'll remember?" Kasabay ng paghimas nito sa kaniyang baba habang mapang-akit na nakatitig sa akin. "H--hindi k--ko alam ang sinasabi mo." Ang bilis ng t***k ng puso ko sa sobrang kaba na nararamdaman na kulang na lang ay lumabas ng kawatan ko.  Bakit sa dinami-rami ng makikita ko dito ay siya pa? Hu-hu-hu ang malas ko talaga kahit kailan. Inis kong bulong sa sarili. "Why are you uttering? Do you like what we did, don't you?" "Hindi!" Walang alinlangan kong sigaw. Wala na akong naisip pa kung hindi ang tumakbo pero mabilis pa sa hangin ang kamay nito na pumalupot sa braso ko. "Don't run away from me like what you did baby." Sabay ngiti nito. "S-sorry may hinahanap pa ako. I need to go--" hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin ng makita si Zac na lumabas kung saan at lumapit sa kaniya. Tila ba tuwang-tuwa  si Zac na makita siya. "Now I see this  dog, what is my return?" Pilyong aniya. "What if..." Sabay taas baba ng kilay nito paibaba ng tingin sa aking dibdib. "Bastos!" Sigaw ko rito na kinatawa niya lang. "I'm just kdding? Ano ba ang iniisip mo?" Ramdam kong parang hindi maganda na nakatagpo ko siya rito lalo na't dalawa lang kami ang nandito. "I would like to invite you in a dinner." Nakunot ang noo ko sa sinabi niya "D--dinner? Kasama ako?" Sabay turo ko sa sarili. Napalunok ako dahil sa naiisip. Siguradong isa itong bitag niya. "Ayaw ko! Ibalik mo na sa akin si Zac--" "Okay madali naman akong kausap. If you want to have a dinner with me, pumasok ka na lang ng kotse." Napanganga na lamang ako sa sinabi niya kasabay ng paghilamos ko sa mukha. Ano ng gagawin ko?! Siguradong mapapatay ako ni Naja kapag nalaman niya na hawak ng pervert na 'to si Zac. Huhuhu ito na nga lang ang ginawa ko para makabawi sa pagbantay niya kay mama minalas pa. Napakagat ako sa ibabang labi at hindi na nagdalawang isip pa na pumasok sa loob ng kotse. "I thought hindi ka sasama-- woah! woah! Chill girl." Masamang tinitigan ko ito. Alam mo iyong pakiramdam na gusto mo siyang tirisin. Kumindat pa ito kaya napairap ako. "Umalis na tayo." Humarap na lamang ako at hindi na siya tinitigan pa.  "Okay." Napasulyap ako rito sandali at tanging ngiti nito ang napansin ko pero para bang may kakaibang epekto iyon sa akin. Alam ko nakita ko na iyong ganoong ngiti hindi ko lang matandaan kung saan. Pinilit kong isipin pero hindi talaga pumapasok sa isip ko kung sino. "Wow!" Napahanga ako dahil pagtingin ko sa labas ng binata nitong kotse ay may mga nagliliwanag na iba't-ibang kulay sa paligid. Binuksan ko ang bintana at ganoon na lang ang gulat ko ng may snow na bumabagsak sa langit. Kailan pa nagkasnow sa pilipinas?  "This is a famous place here in baguio." Napatingin ako sa kaniya at di ko namalayan na kanina pa pala ako parang tanga na nakasilip sa bintana ng kotse. "We're here." Napatingin ako sa restaurant na puno ng mga disenyong gawa sa yelo. "Nasa south korea ba tayo?" Natawa siya bahagya sa tanong ko na nagpalabas ng mga mapuputi niyang ngipin na bumugay sa itsura niya. Allison libreng dinner lang ito wag lagyan ng malisya. Bulong ko sa sarili. "Isasama pa ba natin si zac?" "Yeah pero dadalhin muna siya sa pet place kung saan papakainin rin siya." Napatango na lamang ako sa sinabi niya at hinayaan. Hindi ko rin alam sa sarili ko bakit pumayag akong sumama sa kaniya pero natutuwa din ako dahil first time kong makarating sa ganitong lugar. "Welcome maam and sir." Bati ng waiter at iginaya kami papunta sa pwesto. "What do you want to eat?" Tanong niya sa akin. Lumapit naman ako sa kaniya at bumulong. "Pwede bang sa karenderya na lang tayo kumain? Kulang kasi ang pera ko sa ganitong restauran--" "My treat don't worry." Putol niya sabay tingin nito sa menu. Napakamot na lamang ako sa batok at tumingin na rin sa menu. Halos malaglag panga na lamang ako ng mabasa ang mga nasa menu at para bang anumang oras ay masisira na ang utak ko. Put*! Ngayon lang ako nakakita ng mga ganoong menu. Puro mahahalay! Halos mangatog ang mga kamay ko dahil sa mga nabasa ko at binitawan ang menu. "Hey are you okay? Bakit namumutla ka?" Tawag niya. "Ikaw na lang siguro ang umorder ng pagkain." Bakas sa mukha niya ang pagtatakha hanggang sa narealize niya kung ano ang nasa isip ko. Lumapad ang ngiti nito sa labi habang mapanuksong tinititigan ako.Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi nga ako nagkamali. May pinaplano na naman siya iyon ay ang dumihin ang nasa isip ko! Gusto ko siyang sigawa at sabihan ng mga malulutong na mura pero nasa harap kami ng waiter. "I can handle this." Sabay kindat nito. Napakuyom ako sa inis dahil alam kong pinagtitripan niya ako at dito pa talaga ako dinala. Narinig ko ang inorder nito dahilan para tumaas ang balahibo ko sa katawan. Ng magsasalita na sana ako para sigawan siya ay sumingit ang pagkulo ng tiyan ko.  "I think you need to eat now. Or may be you can eat me right now-- I'm just kidding Ha-ha-ha." Sabay taas niya ng kamay dahil bigla kong tinutok sa kaniya ang pork knife.  To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD