Chapter 3

1930 Words
Allison's POV NAPATINGIN ako sa perang ibinigay ni Naja at pakiramdam ko ay nakakahiya dahil nanghiram pa ako ng pera sa kaniya pampagamot ni mama. "Allison ikaw na ang sunod." Napatingin ako kay France ng tinawag ang pangalan ko at napatango naman ako. "Susunod na ako." Umalis na ito kaya hinanda ko na ang aking sarili at tinabi ang pera sa bag. Sinuot ko na ang maskarra at umakyat na ng tanghalan. Nakakagulat dahil mas dumami ang mga nandito ngayon sa bar di tulad noong mga unang araw ko. Nagsimula na akong umindak sa harap ng entablado at dahan-dahan gumiling. Sa bawat pagsayaw ko ay ang paghaplos ko sa mga maseselan kong parte kaya mababanaad ang mga pagnanasa sa mga mata nila. Wala na akong pakialam pa dahil ito ang pinasok ko. Malaki ang pangangailangan ko ngayon para sa nanay ko. Puno ng hiyawan at sipol ang buong paligid ng bar pero di ko inaasahan ang pagdako ng mga mata ko sa isang tao na prentang nakaupo habang ang mga abo nitong mata ay nakatitig ng walang emosyon. Gusto ko mang tumakbo dahil pakiramdam ko ay manlalambot ang mga tuhod ko sa paraan ng titig niya pero ginawa ko ang lahat para hindi magpahalata dahil siguradong kaunting pagkakamali ko lang ay maalala niya ang lahat. Hindi niya pwedeng malaman kung sino ako. Kapag nasa bar ka ay may pangalan ka o tinatawag na alyas. At tinatawag ako ditong...The Mysterious Mystique Si France ang nagpangalan sa akin niyan kahit na hindi ko alam ang kahulugan hanggang siya nagsabi kung ano ang ibig sabihin niyon. Ang pangalang mystique para sa mga tao rito ay tinaguriang babae na may kakaibang alindog at anumang oras ay maaring malapa ng isang lobo. Nakatingin lamang ako sa lalaking nakasama ko ng isang gabi habang may kausap ito na nasabi tabi niya lamang pero kahit hindi nakatitig ang mga mata niya ay ramdam kong pinapanood niya ang bawat kilos ko. Bakit nandito siya? Hindi kaya naalala niya na ang lahat? Kinakabahan kong bulong sa sarili. Ng matapos na akong magtanghal ay dali-dali akong dumiretso sa backstage at nilock ang dressing room. Napahawak ako sa aking dibdib habang ang bilis ng t***k nito. Ano itong nangyayari sa akin? Malalim na buntong hininga ng pinakawalan ko hanggang sa biglang may kumatok sa pinto. Mas lalong lumakas ang katok kaya 'di na ako nagdalawang isip pa na buksan ang pinto at bumungad sa akin ang isang lalaki. "Hi." Ngumiti lamang ako sa kaniya at pakiramdam ko ay hindi ko gusto ang paraan ng mga pagtitig niya-- nasaan ka na bang bakla ka?! "I just want to ask you if you don't mind." Tinitigan ko siya ng maayos at para bang nagkita na kami ngunit hindi ko lang matandaan kung saan. Napasinghap ako ng makilala ko na kung sino siya. Siya si Stephen! Napaayos ako ng tayo dahil hindi niya pwedeng makilala kung sino ang nasa likod ng maskarrang suot ko. "A--anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong tanong kasabay ng pagtalikod. Napapikit ako ng mariin dahil kahit ilang taon na ang nakakalipas ganyan pa rin ang itsura niya. Lagi niyang ipinapakita ang mapang-akit niyang ngiti kaya halos lahat ng mga estudyante sa campus ay pinagpapantasiyahan siya.  "Babayaran kita just dance for us-- I mean with my bestfriends." Napadilat ako sa gulat at dali-dali siyang hinarap. "Sorry pero may lakad pa ako kaya pwede ka ng lumabas." Para akong timang dito na natataranta dahil baka makilala niya ang boses ko. Si Stephen ang ultimate playboy since high school kaya balit-balita na kung sinu-sino ang babaeng nakakasama niya. Sinubukan niya akong ligawan noon pero kaagad ko siyang binusted. Hanggang ngayon ay nabalitaan ko na hinahanap niya pa rin ako para ituloy ang panliligaw. Ginawa ko ang lahat para iwasan siya. "Okay, pero kailan ka vacant para babalik kami rito?" Sabay kamot nito sa batok. "Tinatanggihan ko ang alok mo kaya maaari ka ng umalis." Pagtataboy ko sa kaniya. "Then we will back tomorrow hanggang sa pagbigyan mo ang kahilingan ko? We will pay you gaano man kalaki ang halaga. "  "Please leave." Mahinahon kong sambit. Hindi na siya nagtanong pa. Bago pa siya lumabas ng silid ay tinitigan ako nito na tila hindi makapaniwala sa pagtanggi ko hanggang sa tuluyan na siyang lumabas. Tinanggal ko na ang maskarra ko at napatingin sa salamin ng mapansin na wala na ito. Habang abala sa pagsusuot ng dami ay biglang nakatanggap ako ng tawag galing kay Naja kaya kaagad kong sinagot. [Allison kailangan ng operahan ni tita sabi ng doctor. ] Aniya. "Sige papunta na ako." Nagmamadaling niligpit ko ang aking gamit para pumunta ng hospital. [Sigurado ka ba? Alam mo naman na kulang pa ang pera mo para sa pang-opera ni tita.] Bakas sa boses nito ang pag-aalala kaya ngumiti ako ng maliit. "Gagawa ako ng paraan para mahanap ng pambayad. Ikaw na ang bahala kay mama." [Sigem basta sabihan mo ako kapag papunta ka na dito.]  "Oo." Pinatay ko na ang tawag at napapikit ng mariin para pigilan ang pagpatak ng luha sa aking mata. Ano ng gagawin ko ngayon? Lalo na't kulang pa rin ang perang nakuha ko sa pagsayaw dito sa bar. Napahilot ako sa sentido dala ng frustration ng biglang may boses ang nagsalita sa likuran ko. "I thought you don't need my money." Nanlamig ang buo kong katawan ng marinig ang boses ng iyon dahil alam ko kung sino ang nagmamay-ari niyon. Napalunok ako at at unti-unting humarap sa taong nasa likuran ko.  "B--bakit ka nandito?" Nauutal kong sambit at hindi ko alam pero kinakabahan ako na dapat wala naman talaga. Kalma ka lang Allison hindi ka naman niya naaalala. Bulong ko sa sarili dahil hindi niya dapat maalala kung sino ako.  "Happy to see me?" Sabay ngiti nito. Nanlambot ang tuhod ko kasabay ng pagkapit sa lamesa na nasa likuran ko. Unti-unti siyang lumapit kaya hinarang ko ang aking kamay. "H--hindi k--ko alam ang mga sinasabi mo--" "Stop pretending." Aniya. Tinabig lang nito ang kamay ko na parang wala lang sa kaniya at nagpatuloy sa paglapit sa akin. "A--anong g--ginagawa mo?" Napasinghap ako ng bigla ako nitong hawakan sa beywang at ang isa naman niyang kamay ay nakakulong sa mesa. "Getting what is mine." Parang nabuhol ang mga dila ko dahil sa sinabi nito habang diretsong nakatitig ang mala-abo mata sa akin.  "Grabe Allison ang dami nating kita ngayon--omygash!" Mabilis kong naitulak itong lalaki na nasa harapan ko at pansin ko ang gulat sa mga mata ni France at hindi makapaniwala sa kaniyang nakita. "Umalis ka na." Pagtataboy ko rito pero nakatingin lamang ito sa akin ng malamig. "Uy Allison--" "France paalisin mo na siya please." Pagsusumamo ko hanggang sa hinatak ni France iyong lalaki palabas. Mabilis ang bawat paghinga ko dahil sa kabang nararamdaman. Hindi ko siya kayang harapin at parang naghaharumentado itong dibdib ko sa tuwing nakatitig ang mala-abo niyang mata. "Allison ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni France na kinatango ko. "Kailangan ko ng pera ngayon France at hindi ko alam ang gagawin ko." Napaupo na lamang ako sa silya at napahilamos sa mukha. Allison tanggapin mo na ang alok ni Stephen dahil iyon na lang ang pag-asa mo! Bulong ng isipan ko dahilan para mapatayo ako at desidido na bigyan ng performance sila Stephen. "Teka Allison hindi ka pa ba uuwi?" Lalabas na sana ako nitong silid ng tanungin ako ni France dahilan para mapailing ako at naglakad na palabas ng dressing room. Desidido na akong makakuha ng pera kahit kalahati man lang sa babayaran. Sinuot kong muli ang maskarra at  tinahak ang daan papasok sa loob ng bar. Malakas na tugtog ang sumalubong sa akin at mga nag-sasayawang tao sa gitna habang ang iba naman ay umiinom sa tabi lang. May mga napapatingin sa akin dahil siguro sa suot ko pero kinain ko na ang lahat ng hiya ko para lang mabayaran ang pang-opera ni mama. Binuksan ko na ang pinto ng vip room nila Stephen at mukhang nagulat silang apat ng makita nila ako. "Wow! Siya ba ang sinasabi mo Stephen? Mukhang tama ka nga." Sabi ng nakapulang jacket na lalaking. "She's freaking hot." Natatawang sabi nung katabi niya. "Bayad." Sabay lahad ko ng kamay sa harapan nito at mukhang natawa pa ang mga kasama niya. Kita ko ang pagngisi niya at nilagay sa kamay ko ang libo-libong pera at naramdaman ko ang kakaibang paghawak ng kamay nito sa akin kaya kaagad akong bumitaw. Tinulak ko silang apat sa sofa na kinagulat nila. Halos magliyab na ang mga mata nila ng hubarin ko ang pang-itaas ko at bumungad sa kanila ang pula kong bra. Nagsimula na akong sumayaw sa harapan nila habang ang kanilang mga mukha ay tulalang nakatingin sa akin--ganito ba ako kaganda para lang matulala sila ng ganyan? Tsk. Pumatong ako sa kanila at ramdam ko ang matigas na bagay sa kanilang baba at isa-isa akong gumiling sa kanila at puro tawanan ang nilalabas nila sa kanilang bibig-- *Bougsh Napahinto ako sa pagsasayaw ng mapatingin sa pinto ng biglang bumukas iyon. Nanlaki ang aking mata ng makilala kung sino siya. Ramdam ko ang paggalaw ng panga nito habang ang mga mala-abo niyang mata ay nag-aapoy sa galit na nakatingin sa akin. Napatayo ako sa kanila ng biglang magsalita si Stephen. "Bro pwede bang 'wag kang basta-bastang pumapasok. Hindi mo ba nakikita na table namin siya ngayon?" Lumipat ang tingin niya kay Stephen na kulang na lang ay patayin niya ito sa harapan namin. Napasinghap ako ng bigla itong lumapit at hinila ang kamay ko pero kaagad ding nahawakan ni Stephen ang kabila kong kamay. "Aba't bastos pala ang isang ito eh. Table namin siya kaya bitawan mo siya--" hindi na natuloy pa ni Stephen ang sasabihin niya ng bigla siyang sinuntok na kinagulat ko. Hinatak muli nito ang aking kamay ng makitang bumulagta si Stephen sa lapag. Hindi ko alam pero ang nararamdaman ko ngayon ay takot. "B--bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko rito pero mukhang talo ako dahil medyo mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Ng makarating na kami sa parking lot ay tinanggal niya ang pagkakahawak sa akin at masamang tingin ang bumabalot sa mga abo nitong mata. "I remember now." Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nito. "H--hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo--" napasinghap ako ng itulak ako nito sa kaniyang kotse dahilan para tumama ang likuran ko sa pinto nito. "You can't fool me miss. I remember how I owe you that night." Kinulong ako nito ako sa kaniyang bisig pero kahit subukan kong itulak siya ay hindi ko magawa dahil malakas ito. "Pwede bang lumayo ka! Hindi kita kilala kaya lubayan mo na ako-- hmm!" Nanlaki ang mata ko ng bigla ako nitong mapusok na hinalikan at ramdam ko ang pagkagat nito sa ibabang labi ko dahilan para maipasok nito ang kanyang dila. "Ahh!" Hindi ko maiwasan ang mapaungol sa paraan ng paghalik niya. Kahit pa gawin kong pumalag ay nabibigo lamang ako. Ngunit biglang may kamao ang sumuntok sa kaniya dahilan para matigil ang paghalik niya sa akin. Nakita ko na pinunasan nito ang dugo na nasa gilid ng labi niya. "Miss are you okay--wait--you?!" Napatingin ako sa lalaking sumuntok sa nanghalik sa akin. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino siya. Siya ang anak ni maam Melissa. "S--sir?" Nauutal kong sambit. Anong kahihiyan itong nangyayari?!  Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba dahil siguradong puno ng pagtatakha ang mga tingin niya. Maraming mga tanong ang siguradong bumabagabag sa kaniya at kung bakit nandito ako kahalikan ang bastos na 'yan. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD