Chapter 5

1960 Words
Allison's POV NANINGKIT ang mga mata ko ng makita ang biglaang pagtawa niya. Ng marealize niyang nakatingin ako ay bigla niyang pinigilan ang pagtawa at inayos ang upo.   "What?" Tanong niya ng titigan ko siya. "Pinagtatawanan mo ba ako?" Kunot noong tanong ko at napailing naman agad siya. "No I'm not!" Depensa nito. Nanliit ang mga mata ko."Can you please stop torturing that food? Mukhang natatakot na sa'yo." Napairap na lamang ako at kumain na lang dahil sa gutom na nararamdaman pero aaminin ko na masarap ang lasa ng pagkain na ito kahit-- alam mo na, ang laswa ng pangalan. "Pumayag akong kumain tayo dahil nasa sa'yo ang aso ko hindi ibig sabihin na close na tayo." Saad ko sa kaniya, Nawala naman ang ngiti nito at napalitan ng walang emosyon. Gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko pero huli na--minsan talaga ang hirap kontrolin ng bibig aish! Habang kumakain ay may oras na napapatingin ako sa kaniya pero mukhang seryoso na siya. Hindi tuloy ako komportable. Napatayo na lamang ako dahilan para mapatingin ito sa akin. "Kailangan ko ng umalis," nagsimula na akong maglakad papunta sa pet place para kuhanin si zac dahil hindi ko kayang tumagal na kasama siya. Anong tingin niya parang wala lang nangyari?Ano pa bang aasahan ko eh ganoon naman lahat ng lalaki. Kapag natapos na ang lahat ay parang wala lang nangyari. Aaminin ko na hindi ko kayang tumagal na kasama siya lalo na't iba ang tinatakbo ng kokote niya. Napahito ako sa paglalakad ng biglang tumunog ang cellphone ko mula sa bulsa. Tumatawag pala si Naja at paniguradong hinahanap na niya ako pati si zac. "Goodevening maam." Bati ng nagbabantay. Inabot ko naman sa kaniya ang card kung sinong aso ang kukuhanin. Ng makita na niya si zac ay ibinigay niya ito sa akin. "Salamat po." Napatango-tango naman siya at nilagay ko na ang tali sa leeg ni zac kasabay ng pagsagot sa tawag ni Naja. [Thank Ghad! Sinagot mo rin, nasaan ka na ba?] Bungad na tanong niya. "Pauwi na bakit may problema ba?" [Si tita gusto ng umuwi kinukulit ako.] Aniya. "Papunta na ako sandali lang." Sagot ko at dali-daling naglakad paalis pero bigla akong napahinto ng may marealize ako. Napasapo na lang ako sa noo ng maisip na hindi ko kabisado ang lugar na ito. Aish! Ng dahil sa lalaking iyon kaya napunta ako sa lugar na 'to. Napatingin ako sa gilid ko ng may biglang bumusina.  "Tatayo ka na lang ba diyan?" Sarcastic na tanong nito. Napairap na lamang ako at hindi na nagdalawang isip pa na 'di sumakay. Napangisi ito at pinaandar na ang makina ng sasakyan. "Salamat ulit sa paglibre." Sambit ko habang nakatingin sa bintana nitong kotse dahil hindi ko kayang titigan ang mala-abo niyang mata. Kapag tinitigan ko siguro ang mga mata niya ay siguradong mas lalo lang magiging awkward dito. Tahimik lang kaming dalawa habang nasa biyahe at ng makita ko na ang terminal ng taxi ay pinahinto ko na ang kotse niya. "Ibaba mo na lang ako diyan." Sabay turo ko sa sakayan ng taxi. "Are you sure?" Napatango naman ako at napansin kong hininto niya ang sasakyan. "S--salamat." Nauutal kong saad at napatingin sa kaniya na sana ay hindi ko na lang ginawa. Nagkatitigan pa kaming dalawa ng matagal at mahigit ilang minuto rin 'yon pero ako na ang umiwas. Dali-dali akong bumaba ng kotse at nagmadaling naglakad papunta sa sakayan ng taxi. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Para akong hinahabol sa sobrang kaba. Bulong ko sa sarili habang hawak ang dibdib. Napailing na lang ako at sumakay na ng taxi. Sinabi ko naman ang pangalan ng hospital kay manong. Sa tuwing natutulala ako ay biglang pumapasok sa isip ko ang mga abong mata no'ng lalaki. Tigilan mo na ang pag-iisip sa kaniya, Allison. "Maam nandito na po tayo." Nabalik ako sa huwisyo ng marinig ang sinabi ni manong. "Ayos lang po ba kayo maam? Kanina pa po tumatahol ang alaga niyo pero parang hindi niyo po naririnig." Sambit ni manong. Napatitig ako kay zac gumagalaw pa ang buntot.  Kumuha na lang ako ng pangbayad sa bulsa ko at inabot kay manong. Nagmamadaling bumaba naman ako sa kotse at tumakbo papasok sa loob ng hospital buhat si zac. Naabutan ko si Naja na nakatayo sa labas kaya inabot ko sa kaniya si zac. "Kanina ka pa hinahanap ni tita." Aniya at nakangiting tumango naman ako. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at naabutan si mama na nakahiga pero nakamulat ang mga mata nito kaya naglakad na ako papunta sa pwesto niya. "Ally!" Natutuwang sigaw nito at bigla akong niyakap. Sobrang saya ko ngayon dahil ayos na si mama ang kailangan ko na lang ay hanapin ang tumulong sa akin at bayaran ang mga ginastos niya rito- "Mama naman magpahinga ka muna dahil kagagaling mo lang sa surgery." napahiwalay na si mama sa yakap at pumwesto sa higaan. "na miss ko lang ang anak ko nasaan nga pala si abi?" napakamot ako sa batok ko dahil sa tanong ni mama. "na kila tita, dun ko muna siya pinatira dahil may opera ka at walang magbabantay sa kanya kaya si tita na lang." napatango-tango naman si mama. "sorry anak napagastos ka pa ng malaki, sinabi na lahat sa akin ni Naja." napatingin ako kay mama. ibig sabihin hindi niya pa alam na iba ang gumastos ng opera niya?- "anak ayos ka lang ba?" napangiti na tumango ako. "opo naman mama magpahinga muna kayo." nagpaalam na ako kay mama at nasalubong si naja na nakaupo. "ano kamusta si tita?" "ayos na, naja salamat nga pala." "wala iyon sha mauna na ako ingat ka ally bye." kumaway ito sa akin at umalis na. pumasok muli ako sa kwarto ni mama at naabutan itong tulog na akya napahiga na lamang ako sa sofa para matulog rito. napatulala lang ako sa kisame at iniisip kung sino yung taong tumulong na bayaran ang mga bill dito sa hospital ni mama dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kinabukasan "salamat po tita."  "basta ipakamusta mo ako sa mama maliwanag?" napatango ako sa sinabi ni tita at may inabot ito sa aking mga prutas para kay mama. "mauna na po kami tita." paalam ni abigail kay tita at nagsimula na kaming sumakay ng bus pauwi. "ate kamusta si mama magaling na ba siya?" masayang tanong nito na kinatango ko. "gusto ka ng makita ni mama." napapalakpak ito sa tuwa. "gusto ko siyang isurprise ate."  "sige ba." natawa ako sa kakulitan nitong kapatid ko. ng makarating na kami sa bahay ay inayos na namin ang mga gamit niya at nilagay muli sa cabinet niya. "ate bili muna tayo ng panregalo kay mama!" napatingin ako sa pitaka ko dahil sa sinabi ni abigail at 500 na lang pala ang laman nito. "anong gusto mong iregalo natin kay mama?" napahawak ito sa kanyang babae at biglang ngumiti. "bilhan natin si mama ng bulaklak na nakalagay sa paso diba mahilig si mama ron?" "pwede din." natawa kaming pareho sa sinabi ko at nagsimula ng bumyahe papunta sa hospital pero dumiretso muna kami ng divisoria para maghanap ng bulaklak na ibibigay kay mama. "ate ito maganda ito!" napatingin ako sa suhestyon ng kapatid ko at tumango. "mukha nga, ate magkano po rito?" "450 ija." laglag panga ako sa presyo nitong isang paso. "wala na bang tawad ate?" pagmamakaawa ko rito. "wala na eh iyon na ang huling presyo niya--" "here." napatingin ako sa isang braso na nagbayad kay ate at mukhang natulala ito. dahan-dahan akong tumingin sa may nagmamay-ari ng braso na iyon halos manlaki ang mata ko dahil nasa harap ngayon ay ang anak ni maam melissa- kinuha nito ang pasong nakabalot at inabot sa akin. "take it." naguguluhan kong tinanggap ang binigay niya at umalis na agad ito- "Salamat!" napahinto ito sa sinabi ko pero nakatalikod pa rin hanggang sa umalis na muli ito. "ate ang bait niya tas ang gwapo pa." natauhan ako ng biglang hawakan ni abi ang kamay ko. "t-tama ka nga." "ayie si ate may crush na." napatingin ako bigla sa kanya at hindi ko alam pero parang uminit ang psingi ko. "abigail ang bata mo pa pero alam mo na ang mga crush." hinatak ko na siya paalis ron at dumiretso na ng hospital. kinukulit ako ng kapatid ko na crush ko pero di na lang ako umimik kasi kapag sumagot pa ako ay baka ams lalong mag-ingay pa yan. ng makarating na kami sa hospital ay dumiretso na kami sa kwarto ni mama. "mama!" sigaw ni abi at nagulat si mama at bigla siyang niyakap ni abigail. "kamusta ka kila tita mo?" "ayos na ayos mama ang dami kong kaibigan." napangiti si mama at hinayaan ko muna silang magkwentuhan at ako naman ay inaayos na ang mga pinagkainan ni mama. hanggang sa nanuod muna ng tv si abigail at tumabi ako sa higaan ni mama. "anak wala ka bang balak mag college?ayos na rin naman ako kaya maghahanap na ako ng trabaho." "mama ayos lang po ako tsaka may trabaho na rin naman ako kaya sa bahay na lang kayo." narinig ko ang pagbuga ni mama ng hininga. "anak iba pa rin kapag nakapagtapos ka." "pero mama-" "mag-aaral ka tapos ang usapan Allison." natahimik na lamang ako dahil kapag sinabi na ni mama ang buong pangalan ko at hindi sa ally ay galit na iyan."Ako na ang maghahanap ng school na papasukan mo at gusto ko sa disente." hindi na ako sumagot pa dahil paniguradong lagot ako diyan. ito na ang kinatatakot ko...ang mag-aral muli ng college. sila naja kasi second year college na at ako? ito first year college ang papasukan pero ayos na siguro iyon para makapag-aral at makatapos. "opo mama." napatingin si mama sa akin at ngumiti. "maghahanap ako ng trabaho-" "mama naman-" "Allison kapag tumanggi ka pa malilintikan ka na sa akin." napabuga na lamang ako ng hangin at di na muling tumutol pa. "opo mam kung saan kayo." naramdaman ko ang paghawak ni mama sa kamay ko. "ayaw ko lang na makita kang ganyan araw-araw dahil alam kong naiinggit ka sa mga taong nakakapag-aral." gulat na napatingin ako kay mama dahil tama siya."Alam ko ally dahil nanay mo ako." di na muli kami nagtalo ni mama at nakapagdesisyon siya na ieenroll niya ako sa school dahil umpisa pa lang naman ng 1st month kaya makakahabol pa ako. kumain na rin kaming tatlo ng sabay pero sobrang saya ko dhail maayos na ang lahat. "saan ka pupunta ally?" tanong ni mama. "pupunta lang po ako kina Naja para pasalamatan siya." napatango naman si mama kahit hindi talaga ron ang pakay ko, edi saan pa ba kundi sa bar para magtrabaho. "mag-iingat ka anak maliwanag? alam mo naman na amramingmga tarantado kapag gabi." napatango ako. "opo mama." lumabas na ako ng kwarto at dumiretso na ng bar paniguradong kanina pa naghihintay sa akin si france ron ng biglang- "Sabi na at darating ka." napahinto ako sa paglalakad ng nasa likod na ako ng bar at alam ko kung kaninong boses iyon. "s-stephen bawal rito-" nagulat ako ng bigla ako nitong halikan at nalalasahan ko ang alak."hmm-stephen tigil hmm." pilit kong tinutulak si stephen pero sobrang lakas niya kaya nahihirapan akong itulak siya ng biglang- "gago ka pala eh!" napahawak ako sa bibig ko ng makita ang anak ni maam melissa na dumating at sinuntok nito si stephen."kung gusto mo pang mabuhay umalis ka na." nagmadaling umalis si stephen at ako naman di pa rin makagalaw sa kinatatayuan ko dahil pakiramdam ko parang hindi anak ni maam melissa ang kaharap ko kanina. "are you okay?" napatango ako sa sinabi niya.Napatingin akosa kamao nitong may dugo. "m-may dugo ka sa kamay." sabay turo ko sa kamay niyang may dugo. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD